Chapter 16

1285 Words
 Chapter 16 JEANNA "What are you doing here?! Kanina pa ako tawag nang tawag sa'yo tapos madadatnan ko lang na naglalaro ka ng spin the bottle sa ganito ka-cheap na lugar?!" Maarteng sermon ni Marylyn kay Jerico. "I should be the one asking you that question. What the hell are you doing here? Who told you I'm here?" Inis na tanong rin ni Jerico sa kaniya. Kami ni Rona ay tahimik lang na nakikinig sa kanilang dalawa. Gusto sana naming mag-walk out kaso kami ang may-ari ng kwarto. Baka dapat sila ang umalis. "Importante pa ba kung saan ko nalaman 'yon? Masyado ba kayong close nitong secretary mo at talagang pumunta ka pa rito para lang makipaglaro ng walang kuwentang laro na iyan?" Hindi napigilan ni Rona ang sarili niya na sumabat. "Mawalang-galang lang po, madam. Huwag ka po sanang mag-iskandalo rito. Nakakahiya naman po sa ibang boarders. Saka wala naman pong masama sa paglilibang sa simpleng paraan. Kung gusto mo po maki-join ka na lang sa amin, tiyak na mag-e-enjoy ka at mawawala ang init ng ulo mo." Puno ng paggalang na sabi niya. Hindi ko kasi masabi na siya ang Marylyn na ikinukuwento ko sa kanila. "Kilala mo ba ako? Who are you to talk to me that way?! Do I look like interested with your f*****g non-sense games?" Pagalit na sagot niya kay Rona. Sobra talaga ang kagaspangan ng ugali ng babaeng ito. Ano ba ang nakita ng mga magulang ni Jerico sa kaniya at gusto nilang ipakasal ang anak nila sa ganiyang klase ng babae? Masyadong spoiled na wala na sa hulog. Kung hindi lang din ako magmumukhang atribida ay gusto kong hablutin ang buhok niya at kalbuhin siya para magtanda. "Stop it, Marylyn!" sigaw ni Jerico. Ang baritonong boses niya ay dumagundong sa apat na sulok ng aming kwarto. Nagulat rin si Rona at napatingin sa akin. Base sa mga tingin niya ay nais nitong kumpirmahin kung si Marylyn nga na pinag-uusapan namin ang Marylyn na kaharap namin ngayon. Isang tipid na tango lang ang naging tugon ko sa tingin niyang iyon. "So, what now, Jerico?! How dare you to shout at me in front of these cheap and trashy friends of yours? Sisiguruhin kong makakarating ito sa daddy ko and I'm sure he will not let it pass that easily. Ang kapal ng mukha mong balewalain ako! Ipaaalala ko lang sa'yo ulit na kung hindi dahil sa daddy ko ay hindi kayo magkaka-mayro'n ng mga bagay na mayroon sa inyo ngayon," mayabang na sumbat nito kay Jerico. "Paki-ulit nga ang sinabi mo, Marylyn? Dahil sa daddy mo? Oo, may utang na loob ang pamilya ko sa daddy mo kaya nga sapilitan nila akong ipakakasal sa tulad mo para sa utang na loob na 'yon. But, damn it! Naging engineer ako dahil sa sarili kong pagsisikap. Daddy mo ba ang nag-aral ng leksyon para sa akin no'ng estudyante pa lang ako? Siya rin ba ang nag-take ng board exam para sa akin at basta na lang iniabot sa akin ang license ko? Masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo! I have all the rights na balewalain ka dahil wala namang kapansin-pansin sa'yo. Look at yourself, nakakaawa ka. Wala ka ibang alam gawin kundi ang ipagmalaki ang yaman na hindi mo naman pinagpaguran. Ano ba ang na-achieve mo galing sa sarili mong sikap? Wala, 'di ba? Ni hindi ka nga nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa kaartehan at katamaran mo. Tinatawag mong cheap ang kapwa mo samantalang mas may maipagmamalaki pa sila kaysa sa'yo. Kaya tigilan mo ako sa kayabangan mo. Wala na rin akong pakialam kung magsumbong ka sa daddy mo. Hindi ako interesado sa sasabihin nila." Napaka-anghang at sakit ng mga salitang binitiwan ni Jerico kay Marylyn. Kung ako siguro ang nasa kalagayan niya ay manliliit ako nang sobra. Hindi ko rin masisi si Jerico kung bakit nakapagsalita siya ng gano'n. Marahil ay napuno na rin siya sa hindi magandang asal ni Marylyn. Sobra pa sa sobra ang pangit na pag-uugali ni Marylyn. Lagi siguro siyang pinapanigan at kinukunsinti ng mga magulang niya kaya siya nagkaganiyan. "Really, Jerico? Hindi ka natatakot kahit pulutin sa kangkungan ang pamilya mo kapag nagsumbong ako sa daddy ko? Utang ng pamilya mo ang estado ninyo sa buhay. Isang pirma lang ng daddy ko ay mawawala ang lahat sa inyo." Mapagmalaki pa rin na sabi niya sa kabila ng pamamahiya sa kaniya ni Jerico. Mas makapal pala talaga sa concrete wall ang mukha niya. "Go ahead! Gawin mo ang gusto mo at sabihin mo na rin ang gusto mo. Wala na akong pakialam. Mas mabuti nga 'yon, eh. Para wala na ring magdugtong pa sa pamilya natin. I'm sick to all of this sh*t!" "So, you are thinking na susuko ako ng gano'n kadali? No, Jerico! Nagkakamali ka. Dahil sa'yo, iniwan ako ng kaisa-isang tao na nagmamahal sa akin nang totoo. Iniwan niya ako dahil ipinamumukha sa kaniya ng mundo na ikaw ang nararapat para sa akin. Yes, he is not a well-known engineer like you but he is my everything! Dahil sa mga walang kuwentang negotiations niyo ay nadamay pati ang personal life ko. Kaya hindi ako papayag na maging masaya ka. Kung ang pagpapakasal sa'yo ang tanging paraan maging miserable ang buhay mo ay gagawin ko. Hindi ko hahayaan na maging masaya ka!" Puno ng hinanakit na sumbat ni Marylyn. Naiinis ako sa pag-uugali niya pero nang marinig ko ng ganito ang saloobin niya ay hindi ko mapigilang maawa sa kaniya. Nagrerebelde siya dahil sa desisyon ng parents niya para sa happiness niya, pero sa nakikita ko ay pareho lang silang biktima ni Jerico. Pareho silang biktima ng sobrang pagpapahalaga ng parents nila sa pera at negosyo. "Bakit ako ang sinisisi mo? 'Di ba, malakas ka sa daddy mo? Bakit hindi mo sabihin sa kaniya lahat 'yan? Daddy mo lang ang may gusto na ikasal ako sa'yo at hindi makatanggi ang parents ko dahil may utang na loob sila sa daddy mo, and that's a fact! Pareho lang tayong naiipit sa kagustuhan ng daddy mo." "Bakit hindi kita sisisihin? Wala kang ibang reaksyon kundi pumayag lang din sa sinabi nila sa'yo. Kung ayaw mo sa akin, bakit hindi mo sinabi 'yan sa kanila? Ang sabihin mo ay malaki rin ang interes mo sa yaman ng pamilya ko!" Sarado na talaga ang isip ni Marylyn sa explanation ng iba dahil para sa kaniya ay pinagkaisahan lang siya para pigilan ang kasiyahan niya. "Walang patutunguhan ang usapan na ito. Tara na, umalis na tayo rito. Nakakahiya sa kanila at sa iba pang boarders dito. Let's talk about it some other time, kapag hindi na mainit ang ulo mo at kaharap ang parents natin. Puwede natin itong pag-usapan ng maayos," kalmadong sabi ni Jerico upang pakalmahin si Marylyn. Binalingan niya kami ng tingin at humingi ng despensa. "I'm sorry for causing you so much trouble. Nasira pa namin ang weekend bonding niyo. We have to go." Hindi na namin sila inihatid pa at baka kami naman ang pagbalingan ng init ng ulo ni Marylyn. Tuluyan na ring nawala ang pagkalasing ni Rona sa eksenang nasaksihan namin sa dalawa. "Ang heavy!" bulalas ni Rona. "Kaya nga. Hindi ko akalain na gano'n pala kabigat 'yong pinanggagalingan niya kaya gano'n kagaspang 'yong pag-uugali niya," malungkot na sabi ko. "True! Nagrerebelde siya, girl! Grabe naman pala ang father niya. Ano bang klase ng lalaki 'yong mahal niya at ayaw ng daddy niya? Siguro, hindi mayaman. Sana mahanap na niya ang happiness niya." Puno ng concern ring sabi ni Rona. Hangad ko rin na maging masaya na siya. Silang dalawa ni Jerico. Sana ay malinawan na rin ang mga magulang nila sa desisyong ipinipilit nila para sa kanilang mga anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD