Chapter 10

2010 Words
Chapter 10 JEANNA NAGMADALI kaming bumalik sa opisina dahil may importanteng tao raw ang kailangang makausap ni Jerico. Pagtingin ko sa orasan ay lagpas ala-una na pala. Napasarap yata ang kuwentuhan namin. Ay! Sermon pala. Nasermunan ko kasi siya dahil sa walang kontrol na paggastos niya sa pagkain. Habang nasa sasakyan kami ay nakaramdam ako ng guilt dahil sa ginawa kong iyon. Ang pakialamera ko talaga! Ano bang pakialam ko do'n, eh, pera niya 'yon? Nakaupo ako sa aking upuan habang naghihintay ng ipag-uutos niya sa akin. Halos mapatalon ako mula sa pagkakaupo nang bigla itong magsalita. "Wait for me here. Ihahatid kita pauwi sa boarding house niyo." Ayan na naman ang mabilis na t***k ng puso ko. Bakit ba kasi siya nagkakaganito? Konti na lang ay iisipin kong nanliligaw siya sa akin pero hindi lang niya sinasabi ng direktahan. "M-May kasabay ako pauwi. Saka, hindi mo naman ako kailangang ihatid. Kaya ko ang sarili ko." Pagtanggi ko sa alok niya. Kahit gustong-gusto kong um-oo ay nangibabaw rin sa akin ang hiya. Baka isipin niyang easy-to-get akong babae at nadala sa paglibre niya sa akin ng lunch. "Si Twinkle ba? Ipasasabi ko na lang sa kaniya na ako ang kasabay mong umuwi mamaya." "P-pero..." Aangal pa sana ako pero maagap niya akong pinigilan. "No buts. Basta hintayin mo na lang ako dito." Pagkasabi niya no'n ay mabilis rin siyang umalis. Gusto kong tumili nang malakas. Walang pagsidlan ang kilig ko. Para kaming mag-jowa na nagsisimula pa lang ang relasyon. Napakatamis. Nakakakilig. Ang weird pero excited na akong mag-ala-singko. Panigurado akong sandamakmak na intriga, sabunot at hampas ang aabutin ko sa dalawang iyon pag-uwi ko sa boarding house. Ano naman kaya ang balak ni Jerico? Bakit kaya parang ang sweet niya? Kung nililigawan niya ako, ready na ba ako magkaroon ng first ever boyfriend? Naputol ang magandang imagination ko dahil sa sunud-sunod na katok mula sa pinto. Nagmadali akong tumayo mula sa pagkakaupo at tinungo ang dako ng pinto. Pinagbuksan ko ang kumakatok at tumambad sa akin ang isang maganda at sopistikadang babae. Mala-porselana ang kutis nito na tila model ng glutathione. Kung gaano kaganda ang pisikal nitong itsura ay siyang kabaligtaran naman ng asal niyang pinambungad sa akin. "Where's Jerico?" Maarteng tanong niya sa akin at hinagod ako ng tingin ng magmula ulo hanggang paa. Hindi ko napigilang mapataas ang kanang kilay ko sa inasta niya. Alam kong hamak na secretary lang ako at walang-wala ako sa kalingkingan ng itsura niya at mukhang may pinag-aralan naman siya para matutong magtanong ng maayos pero hindi ko trip ang asta niya. "Sino ka?" Medyo masungit na tanong ko. "Who are you to ask me that way? Ikaw ba ang secretary ni Jerico? Nasaan siya? Sabihin mo nandito ako." Utos niya sa akin. Ganitong klase pala ng mga nilalang ang nakapalibot kay Jerico. "Nasa meeting siya. Yes, ako ang secretary niya. Nagbilin siya na 'wag daw siyang aabalahin sa meeting niya." Pagsisinungaling ko. Bahala siyang maghintay kung gusto niya. Mukhang may panira sa lakad namin mamaya. "Sabihin mo na nandito ako. Marylyn Diaz. For sure kapag narinig niya ang pangalan ko ay magkukumahog 'yon papunta rito." Wow naman sa magkukumahog! Ano siya artista? Labag man sa kalooban ko ay pinuntahan ko si Jerico sa meeting place nila ng kausap niya. Nasa tapat na ako ng pinto at ilang ulit na nagpakawala ng malalalim na buntong-hininga at hindi mawari kung kakatok ba o hindi. At some point, nahihiya rin akong abalahin ang meeting nila lalo pa at mukhang urgent at mahalaga ang usapin nila. Hindi ko rin kasi nakuha ang cellphone number niya para tawagan na lang sana siya. Hawak ko na ang doorknob at handa na sana akong buksan ito nang bigla itong bumukas at bumulaga sa akin ang ka-meeting yata ni Jerico. Isang lalaki na sa tantiya ko ay nasa mid-50's na ang edad. "Yes? Do you need something?" Nakangiting tanong ng ginoo sa akin. "I'm sorry to interrupt your meeting but may I speak with Mr. Dela Fuente?" Kabadong tanong ko. "Oh, sure, hija. Tapos na ang meeting namin. You can to talk to him." Sagot niya sabay lingon sa likuran niya. Kasunod na pala niya si Jerico na kunot-noong nakatingin sa akin. Hinintay ko na lang siyang makalabas para sabihin ang tungkol sa bisita niya. "Why? May kailangan ka?" nag-aalalang tanong niya sa akin. "W-wala naman. May bisita ka. Nasa opisina mo siya naghihintay. Doon na lang muna sa cafeteria maghihintay. Balik na lang ako mamaya, baka may importante kayong pag-uusapan." "Sino ang naroon?" "Marylyn daw. Marylyn Diaz. Ang sabi niya ay kilala mo raw siya basta sabihin ko lang ang pangalan niya." "Tsk. Ano na naman ang kailangan ng babaeng 'yon?!" Inis na bulalas niya na siyang ikinagulat ko. Akma na akong tatalikod upang magtungo sa cafeteria pero mabilis niyang hinawakan ang braso ko. "Sumama ka sa akin. No need for you to go somewhere else dahil wala kaming importanteng pag-uusapan ng babaeng 'yon." "A-Ayaw kong makagulo sa inyo. Mas makabubuti na harapin mo siya ng kayong dalawa lang." Mariing tanggi ko. Umpisa pa lang ay hindi ko na gusto ang aura ng babaeng 'yon pero hindi naman gano'n kasagad ang kapal ang mukha ko para maki-epal sa usapan na wala akong kinalaman. Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at tumalikod na upang magtungo sa cafeteria. Doon na lang muna ako magpapalipas ng oras habang nag-uusap sila. ALONE. Ako lang yata ang bukod-tanging nasa cafeteria ng kompanya sa oras ng trabaho at pakape-kape pa. Naawa yata ang isang cashier doon at lumapit sa akin. "Hi, ate." Nakangiting bati niya sa akin. "Hello." Nakangiti ko ring sagot sa kaniya. "Bago ka rito, ano?" tanong niya sabay lapag ng isang slice ng blueberry cheesecake. Nabigla ako sa ginawa niyang iyon. "Hala! Wala po akong pambayad dito." Tumawa lang siya. "Huwag kang mag-alala. Libre 'yan. Pa-welcome ko sa'yo." Naiilang akong nagpasalamat sa libre na hindi ko inasahang ibibigay sa akin ng isang bagong kakilala. "Mich ang pangalan ko. Ikaw?" "Jeanna po." "Huwag ka ng mag-po. Mukhang magkasing-edad lang naman tayo. Buti at natatagalan mo ang boss mo. Parang lagi na lang pasan ang mundo no'n." "Si Jerico po? I mean, si Sir Jerico po?" "Oo. Siya ang boss mo, 'di ba? Paminsan-minsan ay tumatambay rin siya dito at nagmemeryenda pero walang kasama. Iyong mga ibang empleyado ay hanggang tingin na lang sa kaniya kahit nakikita ko sa mga mata nila na gusto nilang sabayan siyang kumain. Mabait ba siya sa'yo?" "Ah, eh, oo. Gaya nang trato niya sa kanila ay medyo cold rin siya sa akin. Hindi kami nag-uusap kapag hindi tungkol sa trabaho." "Buti na lang ay pinalitan na niya 'yong dati niyang secretary. Napakaarte at matapobre. Akala mo kung sino kapag bumibili dito." Hanggang dito pala sa cafeteria ay bidang-bida ang kagaspangan ng ugali no'ng Tricia na 'yon. Napaisip ako kung paanong nalaman dito ang tungkol sa pagiging secretary ko. "Paano mo nga pala nalaman na ako ang bagong secretary ni Sir Jerico?" tanong ko sa kaniya. "Sus! Walang chismis dito sa kompanya na hindi kumakalat na kasimbilis ng virus lalo pa at tungkol iyon kay Sir Jerico. Crush ng bayan 'yon, eh." sabi niya na may bahid rin ng kaunting kilig sa tono ng pananalita niya. Literal na napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Crush ng bayan. Bigla tuloy nag-flashback sa isip ko ang mga eksena ng kaharutan during college days. Akala mo ay may isang Korean superstar na dumaan sa tuwing nagtitilian ang mga babae sa campus. Baliw na baliw sila kay Jerico na walang kahit na anong epekto sa akin noon. "Talaga? Maraming nagkaka-crush sa kaniya?" kunwari ay hindi makapaniwalang tanong ko. "Oo! Ang gwapo kaya niya saka mabango palagi. Para ngang naliligo 'yon ng pabango kaya amoy mo siya kahit sa malayuan. At ang abs? Daig pa isang masarap na putahe. Nakakatakam!" Masayang bulalas niya sa akin at may kasama ring impit na mga tili. Ang reaksyon niya habang nagkukuwento ay nagbigay sa akin ng ibang pakiramdam. Si Ate ay iba rin ang agenda. Kunwari ay concern sa lagay ko bilang secretary pero ang totoo ay gusto lang makasagap ng chismax tungkol kay Jerico. Naku! Paniguradong ako ang laman ng chismisan ng mga fans ng lalaking 'yon. Baka 'pag sinabi kong nagiging malapit na kami ni Jerico ay may biglang humila sa akin at kalbuhin ako nang walang kalaban-laban. Medyo nairita ako sa tono ng pananalita ni Ate kaya medyo natarayan ko siya. "Crush mo si Jerico, ano?" Nabigla siya sa inasal ko. "J-Jerico? Tinawag mo siya sa pangalan lang?" Hindi makapaniwalang tanong niya at napakurap pa ng ilang ulit. "Schoolmates kami dati." Mayabang na kung mayabang. Iyon naman ang totoo. Akala ko ay magagalit siya sa akin dahil do'n ngunit para siyang bata na nagniningning ang mga mata sa 'di ko mawaring dahilan. "Talaga?" "Oo." "Magkuwento ka, bilis! Close ba kayo dati pa kaya kinuha ka niyang secretary niya?" puno ng interes niyang tanong. "Hindi naman siguro ganoon ang dahilan. Hindi ko alam na nandito siya nagta-trabaho sa kompanyang ito. Nagkataon lang ang lahat." "Wow! Destiny pala ang peg niyo. Baka kasi kayo talaga ang meant for each other kaya kayo nagtagpo ulit dito." Oo nga, ano? Baka lang naman. Baka may gustong sabihin ang universe sa akin. "Hindi ko alam. Ang alam ko lang ay narito ako upang magkaroon ng sapat na kita para sa pamilya ko sa probinsya. Typical probinsyana na napadpad dito sa Maynila." "At dahil sa pagtrabaho mo rito ay nagkrus muli ang landas ninyo ng lalaking nakatadhana pala sa'yo. Yieeeee! Napaka-romantic! Parang sa mga movies." Kilig na kilig niyang sabi. Natawa ako. Akalain mong isang bagong kakilala ang magsasabi sa akin nang ganito. Hindi naman pala kagaya ng iniisip ko. Marahil ay may paghanga lamang rin siya kay Jerico pero hindi desperada kagaya ng ibang mga nakasalamuha ko. Napalayo ako nang lumapit siya sa akin at itinapat ang bibig niya sa tainga ko. "Psssh. May sikreto akong sasabihin sa'yo," bulong niya sa akin. Kahit walang ibang makaririnig ay gusto niyang pabulong ang pagsabi nito. Na-curious rin ako kaya pinakinggan ko ang gusto niyang sabihin. "Bali-balita rito sa cafeteria ay may gusto raw sa'yo si Sir Jerico kaya ka kinuhang secretary. Iba raw kasi ang mga tingin niya sa'yo. Napakalagkit at malalalim raw. Actually, gusto kong makita kayong magkasama para ako mismo ang makakita no'ng sinasabi nila. Naku, girl! Kung totoong may gusto sa'yo si Sir Jerico, i-grab mo na. Mayaman. Gwapo. May abs. Para ka na ring naka-jackpot no'n sa lotto." "Ang advance mo namang mag-isip, Ate. Siguro ay dahil magkilala na kami kaya kinuha niya ako as secretary at hindi dahil may gusto siya sa akin. Huwag nating pangunahan ang mga bagay-bagay. At ayaw ko rin na may magalit sa akin dahil sa chismis na 'yan." Magsasalita pa sana siya nang sumulpot si Jerico nang hindi namin namamalayan. Masyado yata kaming busy sa chismisan. Sabay kaming kabadong napatingin sa kaniya na seryosong nakatingin sa amin. Napaisip tuloy ako kung may krimen ba sa ginawa namin kaya gano'n siyang tumingin. "Are you done with your chitchatting?" tanong niya habang tinititigan ako nang diretso sa mga mata. "Y-Yes. I mean. Sinamahan lang ako ni Ate dahil mag-isa lang ako pero pabalik na rin ako sa opisina." Halos utal kong sagot sa kaniya. Kinakabahan ako sa hindi ko alam na dahilan. "Can we go now?" sounds like utos kaysa tanong. Masyado naman siyang galit agad. Sabagay, lagi siyang nakasimangot. Ano pa ba ang nakapagtataka doon. "Yes, sir." sagot ko sa kaniya at nagmadali itong lumakad paalis. Sumunod ako sa kaniya hanggang sa makabalik kami sa opisina. Nanatili siyang walang imik at ang mas ikinagulat ko ay ang padabog niyang pag-upo sa kaniyang swivel chair. Gusto ko sanang itanong kung bakit pero malakas ang pakiramdam ko na ako ang dahilan. Umupo na rin ako sa puwesto ko at nakikiramdam sa mga susunod na mangyayari. Kapwa kaming walang imik. Nakabibingi ang katahimikan na namamayani sa loob ng kaniyang opisina. Katahimikan na dati ay normal lang ngunit may iba ng kahulugan ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD