Chapter 9

2479 Words
Chapter 9 JEANNA SIMULA na ng paninindigan ko na dedmahin ang mga spells at hayaan ang universe na kusa kaming paglapitin ni Jerico kung iyon ang nakatakdang mangyari. Masaya ako sa kakaibang experience na dala ng libro ng lola ni Twinkle pero naisip ko na mas masaya kung hahayaan kong mangyari ang mga bagay nang kusa at naaayon sa kung ano talaga ang dapat na mangyari. Gaya nang nakagawian ko na ay maaga akong pumasok sa trabaho at kahit hindi naman kasali sa job description ko ang maglinis ay tinutulungan ko ang janitor na maglinis ng opisina ni Jerico. May pakanta-kanta pa ako habang inaayos ang mga tambak ng mga papel sa table ko at sa ganoong eksena ako naabutan ni Jerico. "So, it's really a good morning for you. Mukhang maganda ang gising mo," seryosong puna niya sa akin. As always. Kailan ba hindi nagseryoso ang lalaking ito sa pakikipag-usap sa akin? Parang lagi na lang niyang pasan ang buong mundo. Minsan nga gusto ko siyang maka-bonding para malibang naman kahit papaano. Puro trabaho na lang ang inaatupag at wala man lang social life. Nginitian ko siya. "Oo, maganda ang gising ko ngayon pero hindi rin araw-araw. It's just I am choosing to be positive as much as I can." Ngumisi siya sa akin. Iyong ngisi na nakakainsulto. "Oh, really? Sa pagkakaalala ko ay nakasimangot ka no'ng nakaraang araw. Ganitong oras rin iyon." Tila pang-aasar niya sa akin. At talagang iniinis ako ng lalaking 'to. Well, hindi ako papayag na sirain niya ang magandang mood ko ngayon. Hindi dapat ako ang nai-impluwensyahan niya ng negativity kundi ako dapat ang makahawa sa kaniya ng positivity. Ako naman ang ngumiti ng pagkatamis-tamis. Bahala siyang maging diabetic sa katitingin sa akin. "Normal lang naman ang ma-badtrip pero s'yempre hindi naman puwedeng araw-araw. I choose to rule my day. How about you? Choice mo rin bang magalit everyday?" Napahiya yata siya sa tanong ko at lalong sumeryoso ang itsura nito. Sumagot ito sa akin habang mataman akong tinititigan sa mata. "Being serious doesn't always mean anger. Kayo lang naman ang nag-iisip na galit ako for so many reasons na hindi ko maintindihan kung paano pumapasok sa isip niyo. Hindi lang talaga ako mahilig sa mga non-sense conversations." "Iyon na nga, eh, napagkakamalan ka nang galit kasi lagi kang seryoso. Walang mawawala sa'yo kung susubukan mong makihalubilo sa iba na may ngiti sa mga labi. We're not getting any younger, you know? Mas masarap magbilang ng uban habang inaalala ang magandang experiences no'ng kabataan kaysa sa inuubos ang perang pinagpaguran para sa mga maintenance medicines dahil sa dami ng sakit na nakuha mo sa pagiging lonely sa buhay." "There you go again. Sino ba ang may sabi na malungkot ako? May nakapagsabi na ba sa'yo na hindi porke nakangiti o nakatawa ang isang tao ay totoong masaya siya at hindi rin lahat ng seryoso ang mukha ay malungkot rin ang kalooban? You are generalizing things solely based on your own perspective without considering other people's perspective." Pasimple akong napairap dahil sa pagkapahiya. "Eh, 'di sorry. Ang aga-aga naman ng diskusyon natin. Sayang ang magandang gising ko." Tumawa siya. 'Yong tawa na napaka-genuine. Hindi pilit at plastik. Hindi ko napigilan ang sarili kong mapatingin sa kaniya. Mapatitig pala. Sa totoo lang, eh, mas gwapo siya kapag nakangiti. Ewan ko ba kung bakit mas pinipili niyang maging seryoso palagi. "Staring is rude," nakangising sabi niya habang nakatitig ako sa kaniya. Bigla akong natauhan sa ginawa kong pagtitig sa kaniya. "Rude agad? Hindi ba puwedeng na-shock lang ako sa nakita ko ngayon? Siyempre ngayon lang kita nakitang tumawa nang ganiyan. Honestly, bagay sa'yo. Mas guwapo ka kapag nakangiti ka," seryosong sabi ko habang nakangiti rin sa kaniya. Wala naman sigurong masama kung maging honest ako sa kaniya pagdating sa ganito kasimpleng bagay. Who knows? Baka ito pa ang maging daan para mabago niya ang style niya. Bigla itong tumalikod sa akin at walang anumang salita ang namutawi sa kaniya. Ngunit, bago ito tumalikod ay nakita ko ang pamumula ng kaniyang pisngi. Wait! Don't tell me nag-blush siya. Sabi ko na nga ba, eh, mabilis rin siyang ma-touch pero itinatago lang niya sa pagsusungit. Sinamantala ko naman ang pagkakataong iyon para asarin siya. "Uy! Nag-blush siya. 'Di ko naman inasahang mabilis ka palang kiligin sa simpleng papuri sa'yo," patawa-tawa kong sabi. Siya naman ay nanatiling nakatalikod na parang iniiwasan niyang humarap sa akin. Halos ilang minuto ring ganoon ang puwesto niya at hindi ko inasahan ang sasabihin nito pagharap sa akin. "Wanna join me at lunch?" Seryosong tanong nito at bakas rin ang kaba sa pagsabi niya no'n. Iyong kaba na nakita ko ay parang virus na sumama sa hangin at nalanghap ko. Pakiramdam ko ay para akong binuhusan ng malamig na tubig na nagpanginig sa tuhod ko. Napakurap ako nang ilang ulit na lalong nagpatawa sa kaniya. "I'm serious." Dugtong pa nito. "S-sure ka?" kabadong tanong ko. "Mukha ba akong nagbibiro?" sagot niya sa akin. "Kung totoo 'yan, game ako diyan. Ang kaso sa mga karinderya lang ang afford ng budget ko." "Don't worry, sagot ko na ang lunch mo. I'll treat you something delicious." "O-okay," nag-aalangang sagot ko sa kaniya. "It's a deal, then. Let's get down to work. We can have plenty of time for more chit-chats." TILA nagmamadali ang oras at mabilis na sumapit ang tanghalian nang hindi ko namamalayan. Natawag lang ang pansin ko nang lumapit sa table ko si Jerico upang ipaalala ang alok niyang libreng lunch. Kahit nabigla at kinilig ako sa alok niya ay naisip ko ring baka nan-ti-trip lang siya para makaganti sa pang-aasar ko sa kaniya kanina. "Seryoso pala 'yong alok mo?" "Mukha ba akong nagbibiro kanina? So, you want to go with me or not? You are free to say no if you don't want." Parang may himig ng pagkainip na sabi nito. "May sinabi ba akong ayaw ko? Masama bang manigurado muna? Mahirap na 'yong basta na lang ako sasama tapos charot lang pala 'yon, eh, 'di ako rin ang napahiya." Pagpapaliwanag ko. "Let's go," aya nito sa akin. Ngunit, hindi muna ako nagpatinag mula sa pagkakaupo ko. Nasa pintuan na siya nang mapansin niyang hindi pa rin ako sumusunod sa kaniya. "What is it again?" tanong niya. "Hindi kaya maging chismis sa opisina kapag nakita nila akong kasama kang mag-lunch?" nag-aalalang tanong ko. Medyo na-trauma ako no'ng magalit sa akin si Tricia pati na rin ang mga kampon niya nang palitan ko siya bilang personal secretary ni Jerico. Kahit walang direktang nagsasabi sa akin na ako ang laman ng chismis sa opisina ay ramdam ko sa mga tingin nilang ipinupukol sa akin ang mga pang-mamaliit at panghuhusga nila sa akin. "You are my personal secretary at kasama sa trabaho mo na samahan ako kapag may lakad ako. Never mind those species na walang ibang alam kundi pag-chismisan ang mga taong hindi nila ka-level. Inggit lang sila sa'yo. A lot of employees here are aiming for your position that I don't allow to happen. Tama na 'yong minsang nag-decide ang daddy ko sa bagay na 'yon. You are working for me kaya sagot kita." May kung anong kiliti sa puso ko ang idinulot ng sinabi niyang 'yon. Para akong nakahanap ng knight in shinning armor sa katauhan ng masungit kong boss. Bagama't kinakabahan ay taas-noo akong naglakad kasabay si Jerico kahit halos lumuwa na ang mga mata ng mga ibang empleyado habang nakatingin sa amin. Nakasalubong namin si Twinkle na alam kong hinihintay ako para makasabay mag-lunch pero nang sumenyas ako at pasimpleng itinuro si Jerico ay nakuha niya agad ang gusto kong sabihin. Lulan ng kotse ay dinala ako ni Jerico sa isang mamahaling kainan na sa pakiwari ko ay mas mahal pa sa buwanang sahod ko ang presyo ng isang putahe. Iniabot niya sa akin at menu pero hindi ko 'yon tinanggap. "Ikaw na lang ang bahalang pumili ng kakainin natin. Wala naman kasi akong alam tungkol sa mga pagkain na nakasulat diyan. Hindi naman ako sanay kumain sa mga ganitong kainan." Pag-amin ko sa kaniya. Medyo nanliit ako sa sarili ko dahil sa pag-amin kong iyon. Kahit tapos ako ng apat na taong kurso sa kolehiyo ay hindi ko pa naranasang ilibre ang sarili ko sa isang mamahaling restaurant o bumili ng mga branded na gamit gaya nang madalas kong makita sa mga social media post ng mga dati kong kaklase. Alam ko namang hindi 'yon ang basehan ng maayos na buhay pero para sa akin ay ibang level of achievement rin ang makaranas ng gano'n. Madalas kasi ay saktong pambayad lang sa bills ang sahod ko na kung minsan pa ay kinukulang dahil sa taas ng presyo ng mga bilihin. "Wala kang gustong kainin?" tanong ulit niya. "Pagkain. Char! May fried chicken ba diyan? Kung sa Jollibee or McDo na lang sana tayo kumain ay makaka-relate ako sa mga gusto mong order-in." "S-Sorry. I didn't mean to let you feel that way." Hinging-paumanhin niya. "Ano ka ba? Wala akong ibang ibig sabihin sa sinabi ko. Ako nga dapat ang humingi ng sorry sa'yo kasi ang ignorante ng kasama mo. Para ka tuloy namulot lang ng maililibre diyan sa tabi-tabi." "Don't worry. Sagot kita. I-enjoy mo lang ang mga pagkain dito. I'm sure mas magugustuhan mo rito kaysa sa mga madalas mong puntahan." Paninigurado niya. Maya-maya pa ay dumating na ang mga in-order niya. Halos mapaluwa ang mga mata ko dahil sa dami nito. Daig pa ang may nagsi-celebrate ng birthday. "Ang dami naman nito. Kaya ba natin itong ubusin?" "Huwag kang mag-alala. Ang mga pagkaing matitira ay ibibigay natin sa mga staff ng restaurant na ito as tip para hindi masayang." Napahanga ako sa kaniya nang marinig ko iyon. Siguro ay gusto lang din niya na matikman nila ang mga pagkaing sini-serve nila sa mga customer nila. Ngumiti lang ako sa kaniya at nagsimula nang sumandok ng pagkain. "Education graduate ka, 'di ba?" tanong ni Jerico sa akin habang kumakain kami. "Oo. Bakit?" "If you don't mind, bakit mas pinili mong magtrabaho dito sa Manila? Marami namang schools sa probinsya natin. Ayaw mo na bang magturo?" "Hindi ako board passer. Kung sa private schools ako magtatrabaho ay sobrang liit naman ng sahod. Kulang pa para sa mga araw-araw kong gastusin. Nakakahiya mang aminin na sa dami ng in-apply-an ko ay walang nagka-interes na i-hire ako. Hindi kasi ako magaling." "Never look down on yourself. Anyway, Mas okay ba ang offer ko sa'yo as my personal secretary?" Bahagya akong napaisip sa tanong niyang iyon. "Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi. Sobrang laki nga ng offer mo. Mas malaki pa sa sahod ng isang public school teacher. Ang laking tulong sa pangangailangan ng pamilya ko sa probinsya." "It's good to know that it's helping you and your family. Paano kung magkaroon ka ng chance na makapagturo ulit? Iiwan mo ba ang trabaho mo dito sa Manila at babalik ulit sa pagtuturo?" Napatawa ako nang mapakla. "Babalik ulit? Never akong nakapagturo bilang totoong teacher. Nakapagturo lang ako no'ng practice teaching. Requirement para maka-graduate." "S-Sorry. Hindi ako dapat nagtanong ng tungkol sa pagtuturo." "Kanina ka pa sorry nang sorry, ah? Wala 'yon, 'no? Kahit hindi ka magtanong ay 'yon talaga ang totoo kong kalagayan." "Hindi dapat ako nagtanong dahil sa tuwing sinasagot mo ang mga tanong ko ay nararamdaman ko ang frustration mo. Baka lang hindi pa lang ito ang right time para sa'yo." "Okay na ako. Ang mahalaga naman ay may trabaho ako ngayon and it all thanks to you. Makakaasa kang pagbubutihan ko ang trabaho ko para sulit ang pagpapa-suweldo mo." "No pressure, Jeanna. Just do what you can. Ayaw ko nang dumagdag sa pressure na nararamdaman mo." "Salamat sa libre." Pag-iiba ko ng topic. Ang awkward na kasi ng atmosphere. Pakiramdam ko ay kaawa-awa ako dahil hindi ako kasing-galing ng iba. Wala rin akong alam na talent ko maliban sa maliitin ang sarili ko dahil sa mga bagay na hindi ko kayang gawin. "K-kung okay lang sa'yo, we can have our lunch together everyday. Don't worry it's on me." "Magkano ba ang nagagastos mo sa tuwing kumakain ka rito?" "Around five to fifteen thousand." "Fifteen thousand?!" Halos pasigaw kong sabi dahilan upang mapatingin sa amin ang ilang customer ng restaurant. OA na kung OA pero hindi ko kayang gumastos ng gano'n kalaking halaga araw-araw para sa pagkain. 'Yong isang libo nga para sa isang kain ay luho na, fifteen thousand pa kaya. Iba talaga kapag anak-mayaman parang nagtatapon lang ng pera. "Calm down, Jeanna. Hindi naman ako gagastos nang gano'n kung hindi ko afford." Kinalma ko muna ang sarili ko bago nagsalita ulit. "Kahit na. Ano ba ang klase ng busog na nakukuha mo sa pagkaing nagkakahalaga ng fifteen thousand sa pagkaing mumurahin lang?" "Look, hindi naman sa nagiging maluho ako. Nagkakataon lang na karamihan sa mga nakakasama ko sa mga business-meetings ay mayayamang negosyante at sa mga mamahaling lugar talaga ang meeting places." Pagpapaliwanag niya. "Gaya ngayon, businesswoman ba ako para dalahin mo rito?" Napatawa lang siya. "You're cute." Napakunot ang noo ko dahil sa sagot niya. "Cute? Ako? Anong kinalaman no'n sa pinag-uusapan natin?" "Ang cute mo kapag naiinis ka. Dinala kita rito kasi akala ko magugustuhan mo rito. Gano'n naman ang karamihan ng babae. Natutuwa sa mga ganitong kainan." "Well, not me. Kahit sardinas o bagoong ay masaya na ako. Para sa akin kasi ay hindi praktikal ang umubos ng libo para sa isang kain lang. Mas marami pang puwedeng paglaanan ng pera pero, kunsabagay ay mayaman ka kaya okay lang sa'yo 'yon." "So, ano ang dapat kong gawin para makatipid?" "Tinatanong pa ba 'yan? Magbaon ka ng pagkaing mga lutong-bahay o 'di kaya mas piliin mong kumain o um-order sa mas mumurahing kainan. Masarap rin naman ang pagkain sa mga gano'n. Ito ay suggestion lang naman. Nasa sa'yo pa rin ang choice. Medyo kuripot lang kasi talaga ako kaya OA ang naging reaksyon ko tungkol sa halaga ng ginagastos mo sa pagkain." "Okay nga 'yon, eh, medyo nakalimot rin ako tungkol sa tamang paggastos dahil sa nakasanayan na. Mahilig ka bang magluto?" "Oo. Bakit?" "Puwede bang ikaw na lang ang magdala ng lutong pagkain sa akin sa opisina?" "Ha?! Seryoso ka? Mahilig lang akong magluto pero hindi ako magaling. Baka hindi mo magustuhan ang luto ko." "Paano ko malalaman kung hindi ko muna matitikman?" "Sabagay. Sige, ipagbabaon kita bukas." "I want to spend more lunch dates with you." Nakangiting sabi nito habang masuyong nakatingin sa akin. Napalunok ako ng ilang ulit. Date? Date ba itong ginawa namin. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko sa sobrang nito ay rinig na niya. Lilinawin ko sana ang ibig niyang sabihin nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Sinagot niya ito. Tumagal lang ng halos dalawang minuto ang kanilang pag-uusap saka nito ibinaba ang tawag. "Let's go back to work. Kailangan ako sa opisina. Ituloy natin ang kuwentuhan natin next time."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD