Chapter 50 JEANNA NAG-UUNAHAN sa pagbagsak ang mga luha ko habang tinitingnan ang nakakahabag na kalagayan ni Tatay. Para itong lantang gulay na pilit binibigyan ng buhay ng mga doctor at nurse. Habang ginagamot ay tumingin ito sa akin at bumulong kahit nahihirapan. "Ayos lang ako." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nalagutan siya ng hininga sa harapan ko mismo. Napahagulhol ako sa sobrang pighati. "Tay, gumising ka! Uuwi pa tayo, Tay. Huwag mo naman kaming iwan. Gising ka na diyan," sigaw ko kay Tatay habang inaalog-alog siya sa pagbabakasakaling gigising rin siya. Ngunit, talagang wala na siya. Ayaw pumasok sa utak ko ang nangyayari. Yakap rin nang mahigpit ni Nanay si Tatay habang walang tigil sa paghagulhol. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Nang dahil sa isang katangahan na hinay

