Chapter 51

2636 Words

Chapter 51 JEANNA DUMATING na ang araw na kahit kailan ay hindi ko magagawang paghandaan. Ang paghatid kay Tatay sa huli niyang hantungan. Mugto na ang mga mata ko pero ayaw pa ring tumigil sa pagdaloy ang luha ko. Napakabilis na lumipas ang isang linggo. Parang kailan lang no'ng masaya kaming nagkukuwentuhan habang nasa hapag-kainan. Parang kailan lang no'ng mangyari ang lahat at heto na kami ngayon. Ihahatid na namin siya sa dapat niyang puntahan at uuwi kaming may parte sa amin ay palaging may kulang. Halos lahat ay humahagulhol habang nakasilay kay Tatay sa huling pagkakataon. Ang hirap tanggapin na magmula sa araw na ito ay uuwi ako sa bahay na wala ng tatay na sasalubong at magtitimpla ng kape para sa akin. Lalong nadudurog ang kalooban ko habang nakatingin kay Nanay na halos

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD