Chapter 52 JEANNA SABAY kaming umuwi ni Tyler pero siya ay nagdiretso kina Twinkle at ako naman ay dumiretso sa bahay namin. Ayaw raw niyang agawin ang moment ko kasama ang pamilya ko. Hindi na gaano karami ang tao dahil nagsi-uwi na rin sila pero naroon pa rin ang mga kamag-anak naming umuwi galing sa ibang probinsya. Naggagayak na rin sila pauwi dahil may mga kailangan rin daw silang asikasuhin. "Nandito ka na pala, Jea." Bati sa akin ni Tita Lina at saka ako niyakap nang mahigpit. "Pasensya ka na sa nagawa ko sa'yo. Nadala lang ako sa bugso ng damdamin dahil sa pagkamatay ni kuya. Mali ako. Mali ako na hinusgahan agad kita at pinagbuhatan pa ng kamay kahit hindi ko alam kung ano ang puno't-dulo ng kuwento. Hindi ko kilala ang lalaking iyon na dahilan ng pangyayaring ito at wala

