Chapter 3

2604 Words
Mas maaga akong nagising ngayong araw para mag prepare sa daily jogging naming ni Ara. Napalapit na si Ara samin dalawang magkapatid, madalas kasi syang pumupunta dito sa bahay para makikwento at magbigay ng pagkain. Matagal na pala nilang nabili ang bahay pero ang mga lolo nila ang nakatira. Ang dahilan kung bakit sila lumipat ay hindi nasasabi ni Ara samin. Sa palagay ko masyado iyong personal. "Tara na. Kupad ka te." Sabi nya sakin at hinila ang kamay ko at nag simula kaming mag jogging. Panay nanaman ang daldal nya ng kung ano ano at natatawa naman ako. Hindi kasi sya nauubusan ng kwento. Gumaan ang loob ko kay Ara. "Sobrang saya ko nakilala kita." Tinignan ko sya at hinarap nya ako. "Akala ko pag lipat namin dito lonely nalang ako lagi. Im really happy na naging friend kita." "Masaya rin naman ako." Totoong napapasaya ako ni Ara. Bago sya lumipat ay palaging si Marta ang kasama ko sa bahay napalagi rin naming busy sa Gawain, wala akong makausap at mapagsabihan ng sama ng loob. Naiipon lang lahat sa puso ko. "Thank you so much, Ara." Nagulat ako nang bigla nya akong yakapin. Alam kong may problema rin syang pinagdadaanan at nirerespeto ko kung ayaw nya pang sabihin, ang tanging magagwa ko lang ay manatili sa tabi nya tulad ng pananatili nya sa tabi ko. Ginantihan ko ang yakap ni Ara sakin. "Hindi ka na mag-iisa." Masayang bulong ko sa kanya. Lumayo sya sakin at masayang ngumiti. "Makikinig ako pag ready ka na." Lumipas ang ilang araw at nabawasan ang pagbisita ni Ara sa bahay namin maging ang jogging namin ay hindi na araw-araw. Sa pag aalala ay pumunta ako sa kanila para kamustahin sya. "Pasok ka Maia." Sabi ni Archin at hinatid ako sa salas nila. "Maupo ka muna." "Ah. Si Ara?" Nagkatinginan si Archin at Austin bago ako muling nilingon ni Archin "Umalis sila nila mom at dad. Baka pauwi na sila, intayin nalang natin dito." Mahigit kalahating oras akong naghintay habang nanonood ng movie kasama si Archin at nag lalaro naman sa pc si Austin. Narinig ko ang tatlong busina ng sasakyan at tumayo agad si Archin, senyales siguro iyon na nandyan na sila Ara. Tumayo rin ako sa single sofa na inuupuan ko. Nanlaki ang mata ni Ara nang makita ako, napangiti sya at tumakbo palapit sakin. "Maia! Im really glad to see you here!" Masayang bati nya sakin. "Ikaw kasi di ka na pumupunta samin kaya ako na ang bumisita." Nakangiting sabi ko. "Medyo busy kasi." Sabi nya at tumingin sa mama nya sabay hila saakin sa taas at pinatuloy ako sa kwarto nya. Umupo ako sa maliit na sofa nya sa malaki nyang kwarto. "Kwento naman." Sabi ko hindi ko na kayang pigilan itanong iyon. Tinignan nya ako at ngumiti.  "Nagpupunta ako ulit sa psychologist ko." Napakunot ang noo ko. "Dysthymia, PDD. Almost 1-year na akong diagnosed. Counselling is helping, follow up nalang ngayon char hahaha." Biro nya pa. "They're making sure na I'm fully fine na. Im sure." Tumatang-tangong sabi nya. "Can I ask why?" "Why?" "Why you were diagnosed with depression?" "Pwede naman haha." Natatawang sabi nya. "Kaso hindi pa ako ready sabihin." Itinaas pa ang balikat na sabi nya. Kinunutan ko naman sya ng noo. "Bakit? Sabi mo kung pwede lang mag ask e hmp. It only shows na concern ka sa akin, ayie." "Hahaha syempre no!" Natatwang sabi ko. "E bakit kayo lumipat kayo dito?" "Hmm. The reason is connected kung bakit ako na depressed and yung isa pang reason ay wala na kasing titira dito since sila lola ay nasa ibang bansa na." Tumango ako sa sagot nya. Napatingin ako sa mga paintings na nakadikit sa wall nya. Hindi iyin malalaki at katamtaman lamang ang sizes. "I painted those. Sobrang stress ko noon at tanging painting lang ang nagpapakalma sakin kaya ayan andami kong nagawa." Naramdaman ko naman ang paglapit nya. "And I painted something for you! Ilagay mo sa room mo." Inabot nya sakin ang katamtaman ang laking painting. Pinagmasdan ko iyon, mga latern iyon at may isang babaeng nagpapalipad. "Ang ganda, salamat ah." "Wala yon. I just want you to know na it symbolises freedom, I want you to be free from your past and open yourself to love... again." Ngumiti sya. "Naka move on na ako no." "Wag ako, sis. Kada tutunog ang phone mo I can see na umaasa ka na si Clark ang nag text or nag missed call." "Naka move on na talaga ako noon pa. Kaso nagparamdam nanaman after 2 years e." "Bakit ba kayo nag break? Kasi ang sinabi mo lang ex mo sya at sya ang nang-iwan." "That's it. Iniwan nya ko, walang dahilan. It was 24th of September when I saw him drunk at a bar making out with a girl." Tinignan ko si Ara. "Nilapitan ko pa sya non kasi iniisip ko lasing lang sya. Pero nung nilapitan ko sya, saktong pag lapit ko tinignan nya ko sa mata ko ahabang akbah akbay nya yung babae nya. Sabi nya, Maia meet Elsie my girlfriend at pinakilala nya ako doon as friend nya." Naiinis na sabi ko. "Nandon lahat ng friends nya na inakala ko kaibigan ko rin, ginagago na pala ako ng jowa ko kinukunsinte pa nila." Napayuko ako nang maalala lahat ng nangyari. "Knowing me mahina ako, umiyak ako sa harap nya noon para pauwiin sya kasi iniisip ko maybe he's just drunk. Pero wala pinagtabuyan nya ako, pinagtabuyan nila ako." Tumulo ang mga luha sa mata ko "I was sad, mad, broken, pero wala akong nagawa. Yung kaisa-isang taong akala ko would stay with me through ups and downs pinagtabuyan ako." Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko. "At doon na nag simula ang galit ko sa kanya, kaya pati si Marta ay galit don hahaha, malaki rin sakripisyo ni Marta nung araw na yon." "Kaya ilagay mo yang painting ko na yan sa kwarto mo! Hindi mo deserve ang masaktan nang paulit ulit kada maaalala mo yan." Sabi nya at hinawakan ang mukha ko. "Cherr up!" Ngumiti nya at nginitian ko rin sya. Niyakap nya ako at hinimas ang ulo ko. "Tulad nga ng sinabi mo, Hindi ka na mag-iisa." Sabi nya at lumayo saktong namang nag ring ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa bulsa ko at tinignan kung sino ang tumatawag. "Marta?" "Umuwi ka na, please." "What happened?" "Dito ko na sasabihin. Bilisan mo!" Binaba na ni Marta ang cellphone bakas sa tono ng boses nya ang kaba at pag-aalala. "Mauna na ako, Ara." Nagmamadaling sabi ko at lumabas ng kwarto nya. "Teka! Hatid na kit—" Hindi ko na pinansin ang sinabi nya at nilingon ko nalang sya at inintay makalapit sakin. Nagpaalam na ako sa magulang at mga kapatid ni Ara nang makalabas ako sa bahay nila ay nagmamadali akong tumakbo. "Maia!" Malakas na sigaw ni Ara sabay ang malakas sa busina napatingin ako sa kanan ko at nakita ang pamilyar na kotse. Para tumigil ang lahat. "Okey ka lang? Barumbado ka ah!" Ni hindi ko namalayan ang paglapit ni Ara maging ang paghampas nya sa sasakyan ay para bang bumagal. Nakatitig lang ako sa nagmamaneho ng sasakyan na iyon, maging ang pagbaba nya ay napaka bagal. "Maia." Napatahimik sa Ara sa pagsigaw sa lalaki nang tawagin nya ang pangalan ko. "Clark." Walang emosyong sagot ko. Napatingin si Ara sa lalaki at tumingin sakin.  "Tara na, Maia. May sasabihin pa si Marta." Sabi ni Ara at hinila ako papasok sa bahay namin. "Wait, Maia--" Hindi ko na sya pinansin at pumasok nalang sa loob. "Si tita sabelle raw inatake, pero stable na naman daw." Bungad sakin ni Marta nang makauwi ako, pinatuloy ko na rin si Clark na tinitignan ng masama ni Marta.  "I was about to tell it to you gu—" "Manahimik ka." Pagtataray ni Marta kay Clark. "I know you're mad at me, but please, this is not about our past. This is about tita sabelle." Kilala ni Clark ang tita naming dahil madalas siyang bumisita sa bahay ni tita noong doon pa kami nakatira. Malapit lang kasi ang bahay nila doon. Malapit din ang loob ni tita kay Clark at hindi sya nagtanim ng sama ng loob dito kahit alam nya ang ginawa ni Clark sakin, parati nyang sinasabi na hindi magagawa ni Clark yon nang walang malalim na dahilan. "Pumunta ako dito para sunduin kayo, pinapasundo kayo ni Jane." Si jane ang pinsan naming, anak ni tita. "Kaya naming pumunta mag-isa." Natahimik si Clark sa sagot ni Marta "Less hassle pagsakin, naka kotse ako." "Hinding-hindi na kami sasakay sa kotse mo." "Mahihirapan kayo and mamamasahe pa." "Sanay naman kami. Hindi masyadong malayo ang Rizal dito." "Two hours akong nag drive for you guys." "So dapat magpasalamat pa kam—" "Tama na! Marta okey lang na sumabay na tayo kay Clark." Awat ko sa kanilang dalawa. "No." "Marta kailangan na tayo ni tita." Malungkot na sabi ko. Napahinga ng malalim si Marta. "Fin—" "Ako nalang maghahatid sa inyong dalawa." Sabi ni Ara habang nakataas pa ang kamay. "Nakakahiya naman, Ara." Banat nanaman ni Marta. "Pero mas bet ko sayo kesa sa manloloko." Tumingin ako kay Ara na nakatingin din sakin at nakangiti. Itinaas nya ang dalawang balikat nya at tumawa. "Okey lang ba?" Tanong ko. "Oo naman malakas ka sakin e!" Sabi nya at ginulo pa ang buhok ko. Tumingin sya kay Clark at ngumiti. "Sundan nalang kaya kita, pero bilisan mo ah baka maunahan kita." Nagtataka kaming tumingin. "Waze. Waze ko nalang yung way." Umuwi na si Ara para magpaalam at mag-ayos. Inayos din naming ni Marta ang gamit naming dahil sa palagay ko ay doon muna kami mag-sstay. Lumabas kami ng bahay kung nasaan si Clark na naghihintay nilapitan nya ako para tulungan buhatin ang mga bags ko. Iniwas ko ang kamay ko at dumeretso sa kotse ni Ara.  "Akin na." Kinuha ni Ara ang bags ko at inilagay sa likod ng sasakyan nya. Sobrang ganda ni Ara sa suot nya. Naka itin na crop top sya na may nakasulat na player at naka high waisted mom jeans na light brown, tinernohan nya ito ng itim na short boots. Mukha syang model at napaka sexy nya pa. Inilabas ko si popo sa kulungan nya at binuhat. Inabot ko ang kulungan kay Ara na inilagay nya rin sa likod ng kotse.  "Sure ka okey lang sumakay si popo?" Nag-aalalang tanong ko. Nakangit naman syang tumango. "Naka diaper naman sya at sanay naman sya sa byahe." "Maia, it's really okey. Love love ko naman si popo." Sabi nya at hinawakan ang ulo ni popo. "Taray ng pormahan te." Pang-iinis ni Marta maging siya ay napansin. Kami kasi ay naka t-shirt pantalon at rubber shoes lang. Natawa si Ara sa kanya. "Gagala rin kasi ako." "San punta? Ingat ka ah." "May photoshoot lang. Kinuha akong model ng clothing brand." Sabi nya at sumakay sa kotse. Nagkatinginan kami si Marta, alam kong ayaw naming dalawa na sa likod kami parehas umupo magmumukhang driver si Ara. "Ikaw na sa harap." Bulong ko. "Ikaw na." Sabi ni Marta na nilakihan pa ang mata. Wala akong nagawa kung hindi ang umupo sa harap. Nang makapasok sa loob ay nakita ko ang paglapit ni Clark sa bintana kaya ibinaba ko ang salamin. "Ingat kayo." Maganda ang ngiti ni Clark habang nakatingin sa akin. Tinanguan ko sya at isasara na ang bintana nang harangin nya ito ng kamay nya. "I love you." Pahabol nya bago umalis. Nanlaki ang mata ko hindi dahil sa kilig kundi dahil sa kahihiyan, sinabi nya iyon sa harap ng kaibigan at kapatid ko. Makalipas ang ilang oras ay narating na naming ang bahay ni tita. Bumaba kami sa sasakyan ni Ara.  "Thank you, Ara." Pasasalamat ko. "Ano ka ba wala yon." Nakangiting sabi nya. "Thank you, sis!" Masayang sabi ni Marta. "Pasok ka muna sa loob." Alok pa ni Marta. "Nako hindi na. Sana maging okey ba si tita nyo. Pag ppray ko sya." Maganda ang ngiting sabi nya. "Ingat ka pauwi." Sabi ko at sumakay naman sya sa kotse nya. Ibinaba nya ang bintana at tinignan ako. "Mas magingat ka. Wag kang marupok ah." Sabi nya at inginuso si Clark na buhat buhat ang mga bag namin ni Marta habang si marta ay dala dala si popo, tinawanan ko naman sya. Pinaandar na nya ang sasakyan at habang naiwan akong kumakaway sa kanya. "Maia." Nilingon ko si Clark. "Pwede ba tayong mag-usap?" "Wala naman tayong dapat pag-usapan." Nakangiting sagot ko. "Meron, Maia. Marami." "Sige." Sagot ko at nag simulang maglakad papunta sa garden ng bahay ni tita. Umupo ako sa bench doon at tumabi naman si Clark sakin. "Tungkol saan?" "Im sorry." Hindi ako sumagot at tinignan lang sya. "Sorry kung nag cheat ako. Ginawa ko lahat yon para sayo, Maia." "Gago ka ba?" "Maia, ayoko lang masaktan ka." "Mas nasaktan mo ako sa ginawa mo." "I wanted you to hate me, aalis ako Maia. Iiwan kita dito sa Pilipinas." "So sa tingin mo hindi na tayo magwowork?" "I did what I hav—" "Sa tingin mo hindi na tayo mag wowork?" "Hindi naman sa ganon Maia, ayoko lang mahirapan ka—" "Bullshit." Tinignan ko sya nang masama. "Isa kang malaking pakshet sa buhay ko dahil sa ginawa mo, Clark. Buti sana kung nakipagbreak ka nalang. Nakipaghalikan ka sa ibang babae sa harap ko, pinakilala mo syang girlfriend mo sa harap ko, pinagmukha mo akong tanga tapos aalis ka ng bansa na parang wala lang ako, wala lang yung tatlong taon na magkasama tayo. Nasayang lahat, dahil sa kagaguhan mo. Kahit ano pang dahilan mo, Clark walang wala yon sa ginawa mo." Pigil ang luhang sabi ko. "Mali ata si tita ng pagkakakilala sayo, hindi naman importante yung dahilan mo kung bat mi ako niloko e. Walang kwenta. Kaya please, tigilan mo na ako dahil ayoko na." Sabi ko at umalis. Hindi ko naramdaman ang pag sunod niya kaya nag tuloy tuloy lang ako sa back door at pumasok. Napasandal ako sa pinto nang makapasok. Hinawakan ko ang dibdib ko at pinakiramdaman ang aking puso. Hindi ako malungkot, hindi ako nasasaktan. Masaya ako. Natutuwa ako na nasabi ko na sa kanya ang saloobin ko. Ayoko na, Clark. Malaya na ako. Nakangiti akong umakyat sa taas. Nakita ko si Marta na inaayos ang gamit sa kwarto naming dalawa. Kumapara sa bahay namin mas maraming nakatira dito sa bahay ni tita kaya sa isang kwarto lang kaming dalawa. "Puntahan natin si tita." Sabi ko. Tumango naman si Marta. Ihahatid kamini Tito jose doon, ang asawa ni tita. Matapos namin mag ayos ng mga gamit namin ay sumama na kami kay tito. "Bakit po pala inatake si tita, tito?" Tanong ko habang nag mamaneho sya. "Sa sobrang init siguro. Ang tita nyo naman kasi pag nakikitang tuyot na ang halaman nya sa araw didiligan nya kahit ang tirik ng araw e pag kasakit sakit sa balat." Sumbong ni tito. "Ayaw nya pang nag a-aircon ate kesyo mataas na raw ang bill." Pahabol ni Jane na nakaupo sa harapan. "Nakaka-inom naman sya ng gamot?" Tanong ni Marta "Oo ate. Pinapainom ko sya ng vitamins at gamot nya. Sabi ng doctor mataas raw ang dugo ni mama kaya nahimatay. Kala nga nila doc naheat stroke si mama e." Nagkatinginan kami ni Marta at puno pag aalala. Parehas kaming malapit kay Tita Sabelle dahil sya ang tunuring naming nanay. Nang marating namin ang kwarto ni tita ay naabutan namin syang kinakausap ng nurse. Marami bawal ang inexplain saamin ng nurse na ikina-irita ni tita. Matanda na si Tita, 63 na sya, pero mas tumitigas pa ang ulo nya. "Kung kailan maikli nalang ang buhay ko hindi ko na magagawa ang mga bagay na gusto ko." Naiiritang sabi nya samin nang makaalis ang nurse. "Tita ginagawa lang po iyon para gumaling kayo at magawa nyo na ulit ang gusto nyo nang hindi kayo nahihirapan." Sabi ko. "Gusto mo ngang gawin ang gusto mo ngayon papatayin ka naman." Sabi ni Tito. "Sumunod ka nalang po muna tita, please." Pakiusap ni Marta. Napabuntong hininga si tita at humiga. Inalalay ko naman sya. Lumabas sila Tito at Jane para bumili ng makakain namin. "Maia, nakauwi na si Clark ah." Biglang sabi sakin ni tita. "Opo nakita ko po." "Sana napatawad mo sya." Hinawakan ni tita ang kamay ko. "Bago ako mamatay gusto kong maka-dalo sa kasal niyo." Nakangiting sabi nya. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni tita at ngumiti. "Wala na pong pag-asang magkabalikan kami tita. Nasaktan nya na po ako, sapat na po iyon." "Magpatawad ka, iha. Mahal na mahal ka ni Clark." Sabi nya at binitawan ang kamay ko. Pinikit nya ang mga mata nya "Matutulog muna ako." Hinawi ko ang buhok niya at inayos ang kumot. Tumingin sakin si Marta umiling siya sakin at umupo sa sofa. Tumabi naman ako sa kanya. "Wag mo kong tignan na parang gusto kong balikan si Clark." Sabi nya habang nakatingin lang sa Cellphone nya. "Ayoko syang balikan." Bulong ko. "Ayoko na sa kanya, Marta. Alam ko sa sarili ko na ayaw ko na." "Sundin mo ang nararamdaman ko. Wag kang magpadala sa sinasabi ng mga tao sa paligid mo Maia. Hindi si tita at hindi ako ang makakapagsabi ng gusto mo." Sabi nya. "Wala namang akong magagawa kung babalikan mo o hindi, magkamukha pa rin tayo." Biro nya pa. Pero ayaw ko na sa kanya. Hindi ko na sya mahal. Hindi ko na sya babalikan. Masaya na akong wala sya. Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito. Nag text si Ara sakin. "Jgh. Take care of your tita and lumayo sa tukso ;))." Hindi ko na sya nireplyan at napangiti nalang. Pinaramdam saakin ni ara na hindi ko kailangan si Clark sa buhay ko, na kaya kong mag-isa. Naging malakas ako dahil sayo... Ara... *To be continued*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD