Chapter 2

2322 Words
Ilang araw na ang lumipas at patuloy pa rin ang pangungulit ni Clark sakin. Paulit-ulit nyang sinasabi na sa loob ng tatlong taon naming magkahiwalay ay mahal nya pa rin ako. Sa loob ng tatlong taon na magkahiwalay kami ni Clark napansin ko rin ang mga pagbabago sa akin. Masyado akong dumistansya sa mga tao at tanging ang kakambal ko lang ang nakakausap ko. Natakot akong masaktan muli ng kahit na sino. I can say that I hated men because of him and my dad. Matapos lahat ng ginawa mo sa palagay mo ba mapapatawad pa kita? Hindi naman ako ang nagkulang, hindi naman ako ang nang-iwan. Ikaw Clark, ikaw. Clark was aware how miserable I was when my father left us but still, he chooses to leave. Alam ko na pati ang kakambal ko napagdaanan din ang maiwan ng tatay, siguro mahina lang talaga ako at si Marta ang malakas at hindi nya rin kasi masyadong kasundo si Tatay, hindi kagaya ko. Pinunasan ko ang luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata ko at bumangon. Dumeretso ako sa banyo para maghilamos at magsepilyo. Tumingin ako sa salamin at pilit na ngumiti. "Hindi naman ako marupok." Bulong ko sa sarili ko. Lumabas ako ng banyo at inayos ang pinaghigaan ko. Kumuha ako ng leggings at sports bra pang jogging at lumabas na ng kwarto. Pagbaba ko sa salas ay nakita ko sa Marta na naghahanda ng almusal naming tumingin sya sakin at kumindat at binalik ulit ang paningin sa niluluto. Nilapitan ko sya at nagpaalam na mag jojogging lang ako. Tumango naman sya. "Isama mo si popo." Pahabol niya. Lumabas ako ng pintuan kasunod si popo nagbasa muna ako ng batok sa garden at tinali ang buhok ko bago tuluyang lumabas sa bahay. Isinara ko ang gate at nag stretching. Ipinatong ko ang kanang paa ko sa malaking bato sa halaman ni marta at inabot ng kamay ko. Ginawa ko rin iyon sa kabilng binti at nag simula na akong mag-jogging. "Goal ko today popo ay 1 mile. Pag pagod ka nauwi ka na ah." Everyday routine ko ang pag-jojogging paikot-ikot sa buong village at nakasunod naman sakin si popo paminsan minsan ay uupo sya at iintayin akong makaikot saka muling sasama. "Hi!" Masiglang bati ni Arabela sakin habang sumasabay sa pagtakbo ko. Nakasuot din sya ng itim leggings at black and pink na sports bra bagay na bagay sa black and pink nyang rubber shoes. Tinignan ko lang sya at nginitian at nagtuloy tuloy lang sa pagtakbo. "Sis! Hi! Ang sungit mo, it's a great day today you should smile!" Muling masiglang pagbati nya sakin. "Ah hahaha medyo pagod lang. Pasensya na." Nahihiyang sagot ko. Nakakahiya talaga dahil ang sigla sigla nya kung bumati at ako ngiti lang yung ganti. "Alam mo ang ganda mo! Nakakainggit lang kasi ang ganda ng body mo." Sabi nya habang nagtataas baba ang tingin sa akin. Nailang naman ako. "Ikaw din naman ah." "Hmp. Hindi naman masyado. Medyo chubby ako no." Tinignan ko sya maigi dahil hindi ko Makita ang chubby na sinasabi nya. Mas matangkad sya sakin at maikli ang buhok, matangos ang ilong, brown ang kulay ng mata nya at mahahaba ang pilikmata. "Ang ganda mo kaya." Bigla kong nasabi. Natawa naman sya "Well, marami nga nagsasabi pero mabigat kasi ako e kaya feel ko chubby ako." Sabi nya. Sa taas mong yan sinong magiging magaan. Hindi ko na sya sinagot at nagtuloy lang kami sap ag jojogging. Hindi ko namalayan ang oras dahil kay Arabela sabi nya Ara nalang daw ang itawag ko sa kanya. Tuloy tuloy ang pag takbo naming at tuloy tuloy din ang pagdaldal nya. Buti nalang hindi masyadong mahigpit ditto sa village kahit may pandemic, kaya nakakapagjogging pa kami. Napatigil ako sa pagtakbo nang matanaw ko kung sino yung nasa village gate. Hinaharang sya ng guard dahil walang sticker ang sasakyan nya. "May bibisitahin lang ako kuya, please." Paki usap nya kay kuya guard "Pasensya na po sir. Mahigpit po talaga ang village na ito sa mga outsider. Kung gusto nyo po mag pasundo po kayo sa kakilala nyo ditto sa gate." Sabi ni kuya guard sa kanya. Napakamot sya ng ulo at bumaba sa kotse dala ang cellphone nya at nag dial. Naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone sa hita ko. "Maia! Tara na. Isang ikot pa!" Sigaw ni Ara na nasa unahan ko na. Naiwan na nya ako kung lalapit ako sa kanya makikita ako ni Clark at kung tatalikuran ko sya ay nakakahiya naman. "Ara balik na tayo. Para ang sama kasi ng pakiramdam ko." Pakiusap ko sa kanya kahit na alam ko na mas malapit kung iikot kami. "Oo sis. Diba pag ikot street na natin. Pag dyan pa tayo ulit dadaan mapapalayo tayo." Sabi nya habang tinuturo ang daan sa likod ko. "Ara sige na please. Gusto ko ditto dumaan." Napakamot si Ara ng ulo at lumapit sakin. "Bakit?" Sabi nya nang makalapit. "Ah wala kasi si popo checheck ko lang kung naiwan ba sya sa playground." Sabi ko at nag jogging na papunta sa playground. Umikot kami doon hanggang sa makarating kami sa street namin. "Wala si popo doon Maia. Nawawala ba sya?" Nag-aalalang tumingin sakin si Ara. "Hindi. Baka nasa bahay na sya. Salamat sa maraming kwento ah." Sabi ko at nginitian sya. Nagulat ako nang pisilin nya ang magkabilang pisngi ko. Hanggang tenga lang ako ni ara kaya kailangan ko pang iangat ang paningin ko para Makita ang mukha nya. "Wala anuman! Para king baby sister! Ang cute cute mo! Sige na mauna na ako. Bukas ulit ah." Sabi nya at kumaway-kaway. Grabe ganon na ba kami ka-close? Makalipas ang ilang oras ng panonood naming ni Marta ng BL Series may biglang bumusina sa labas ng bahay. Kinabahan ako bigla iniisip ko kung si Clark ba yon. "Marta may tao ata." Pasimpleng sabi ko habang kunwari tutok sa panonood. "Please, ikaw na." Mabagal na sagot nya dahil mas tutok sya kesa sakin. "Ansakit ng tyan ko. Najejebs ako. Marta the door." Sabi ko sabay takbo sa banyo at nagcellphone doon. Napakaraming missed call at messages ni Clark. Tigilan mo na ako please. Makalipas ang sandaling oras nagtext saakin si Marta "Wag kang lalabas dyan nandito si Clark." Napangiti ako sa message ni Marta. Paniguradong sinusungitan nya si Clark at pinapaalis sa bahay. Maging si Marta ay alam kung gano kasakit ang pinagdaanan ko nang iwan ako ni Clark, kaya alam kong galit din sya doon. Naiinip na ako sa banyo kaya dahan dahan kong binuksan ang pinto. Natanaw ko sila sa bintana ng kusina namin. "Marta sige na oh. Gusto ko lang kausapin si Maia. Hindi ako manggugulo." Rinig kong pakiusap ni Clark. "Gago ka ba? Umalis ka na ditto ipapablock list kita sa guard kupal ka. Pano ka ba nakapasok?" Sigaw ni Marta. "Marta kahit sandali lang." "Umalis ka nalang Clark kung ayaw mo ipatawag ko ang guard." Nanlulumong lumayo si Clark sa gate at sumakay sa sasakyan nya. Lumabas ako sa banyo at pinuntahan si Marta. Nanlulumo syang tumingin sakin at nginitian ko naman sya. "Ang pait naman ng ngiti mo. Halika sa loob gawan kita avocado ice cream." Alam ni marta na ayun ang comfort food ko kaya nya nasabi yon. Sabay kami pumunta sa kusina at umupo ako sa stool at yumuko sa kitchen island "Okey lang kung iiyak ka. Alam kong masakit pa rin. Hindi mo kailangan maging malakas palagi Maia." Sabi nya sakin, tiningala ko sya at nakitang naghihiwa sya ng avocado. Sobra akong nasasaktan. "Ang hirap kasi. Akala ko kaya ko na. Akala ko okey na ako. Hindi pa rin pala." Pigil luhang sabi ko. "Bumabalik lahat ng sakit. Ayaw ko ng ganito marta." Inilagay ko ang dalawang hintuturo ko sa magkabila kong mata. Nagmamadaling lumapit sakin si Marta. "Shh. Pasensya ka na at wala akong magawa. Basta tandaan mo nandito lang ako makikinig sayo palagi." Sabi nya at niyakap ako. Nagtuloy tuloy lang ang luha ko ramdam ko ang pag mamahal at pag aalala ni Marta sakin. Malaki ang pasasalamat ko dahil nandyan sya palagi para sakin. Matapos namin kumain ng avocada umakyat na muna ako sa kwarto ko at nagpahinga. "Pst." Naalimpungatan ako sa narinig kong sitsit. Napatingin ako sa bintana ko nang may narinig akong pag bato. Nilapitan ko ang bintana ko at natanaw ko si Ara na masayang kumakaway sa labas ng bakod namin. Binuksan ko ang bintana at nginitian sya. "Bakit?" "Tanghaling tapat may tulo laway ka?" Biro nya na ikinahiya ko. "Kidding aside. Nakarinig kasi ako ng sigawan. Okey ka lang ba?" Nag aalalang tanong nya. Napakunot ang noo ko bakit? Tanong ko sa isip ko pero tinanguan ko rin sya "Okey lang ako Ara." Sagot ko sa kanya. "Sige dadalhan kita Ice cream! Marami kami sa bahay. Wait lang brb." Sabi nya at tumakbo sa bahay nila. Isinara ko na ang bintana ko at inabangan sya sa gate. Sumunod naman sakin si popo sa labas. Narinig ko ang pagbukas ng gate nila Ara kaya tumingin ako doon. Nagulat ako nang makita ko si Austin ang may dala ng ice cream at hindi si Ara. "Bela said that this was yours and I should hand it to you." Sabi nya sakin at inabot ang ice cream. Naka poker face lang sya at parang walang interes na inabot ang ice cream. Kinuha ko iyon at nagpasalamat. Hindi na sya sumagot at umalis. Bakit si Austin ang pinaabot ni ara? Issue ba sya? Natawa ako sa iniisip ko sa kulit ni Ara palagay ko gusto nya ako para sa kapatid nya. Pumasok na ako sa loob at inilagay sa freezer ang ice cream. Umupo ako sa sofa at hindi ko namalayang nakatulog nanaman ako. "Maia." Tawag sakin ni Marta at inalog alog pa ako. "Tara merienda." Sabi nya at itinaas ang dala nyang ginataang monggo. "Naglako na ulit si ate susan kaya bumili na ako dalawa, alam kong namiss mo to tara kumain na tayo." Tumayo ako at sinundan sya "May ice cream dyan bigay ni Ara. Teka kunin ko." Sabi ko at kinuha ang ice cream. Hinawakan ko iyon sa ilalim para maisara ko ang freezer nang may maramdaman akong nakadikit sa ilalim ng lalagyan. Hindi bagay sayo ang umiyak. Mas bagay ang pilit na ngiti, sis. Im here for you when you need me, mwa. -Araxoxo Napangisi ako nang Mabasa ang nasa note ni Ara, galling pala talaga sa kanya. Siguro inutusan sya kaya si Austin ang pinag-abot nya kanina. "Ano yan?" Sabi ni Marta at mala chismosang lumapit sakin. "Pangiti-ngiti ka pa dyan ah, sino yan?" Inagaw nya ang note at binasa, binaba ko naman ang ice cream sa kitchen island at kumuha ng dalawang baso. "Close kayo?" Taas kilay na sabi nya. "Siguro. Nakasabay ko sya mag jogging kanina at sobrang dali nya naman makasundo. Feel ko magkakasundo kayo kasi parehas kayong madaldal." Sabi ko sa kanya. Napangiti naman si Marta at tumango-tango. "Pwede no. Tas papalakad ako sa mga kapatid nya hihihihi." Inirapan ko sya at kumain na ng binili nya. Sumobra ang tigas ng ice cream hindi naming masandok kaya hinayaan muna naming sya sa lamesa para lumambot. Sa kalagitnaan ng pagkain naming may nagdoorbell sa labas kaya pinuntahan iyon ni Marta. "Tuloy ka, Arabela. Pasensya ka na medyo makalat ah. Hindi naman kasi nag lilinis yung isa dyan, ako lang ang kumikilos hehehe." Mabilis na sabi ni Marta. "Ano ka ba te. Okey lang punta ka samin mas makalat swear. Doon ni isa wala talagang maglilinis pag di sinabihan ni mama." Mabilis at mahaba rin sagot ni Ara Nagkatinginan silang dalawa at nagtawanan. Napailing ako. Sabi ko na magkakasundo sila e. Sabay silang pumunta sa kusina kung nasan ako, nakaakbay si Ara kay Marta. "Grabe magkamukha kayo no. Hair nyo lang ang iba." Tumango ako mahaba kasi ang buhok ni Marta at may Korean bangs sya ako naman hanggang balikat ang buhok. "Need talaga naming magkaiba ng hairstyle para malaman kung sino kami." "Pero nadidistinguish ko naman kung sino si Maia at sino si Marta. May difference parin kayo kahit papano." Sabay sabay kaming kumain at panay naman ang tanong ni Marta kay Ara tungkol sa mga kapatid nya at panay din ang pagsagot ni Ara. Sa sandaling oras na yon nagging maingay ang bahay at masasabi kong masaya kung madalas bibisita si Ara dito, nabibigyan nya ng buhay ang bahay namin. "Grabe ang dilim na pala hindi ko namalayan yung oras. Salamat sa maraming kwento Marta at Maia ah! Babalik ako bukas!" Bati ni Ara bago lumabas ng pinto. "Ang saya nya kasama no! Pwede kaming bff hihihi. Andami ko na tuloy alam about sa brothers nya." Sabi ni Marta at nag hair flip pa. Hindi na kami pareho kumain ng dinner dahil panay naman ang nguya namin habang nagkukwentuhan silang dalawa. Umakyat na kaming pareho sa kanya kanya naming kwarto. Tatlo ang kwarto ditto, kwarto nila mama at papa, kwarto naming kambal at guest room sa baba. Dito ako sa kwarto naming at si Marta ang sa may kwarto nila mama at papa. Magkasing laki lang naman at parehas may banyo. Magkatapatan lang din ang dalawang kwarto. Dahil hindi pa naman ako agad makakatulog naligo muna ako. Binuksan ko na ang aircon bago ako maligo para malamig na mamaya. Matapos kong maligo ay nagring ang cellphone ko unknown number iyon. Baka si clark Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba o hindi pero dahil nais ko rin naman kumprontahin si Clark matapang kong sinagot ang tawag. "Love..." Tinakpak ko ang aking bibig at lumunok "Hello." "I'm sorry, love." "Clark. Tapos na tayo. Ikaw ang tumapos." "Natakot lang akong masaktan kita." "Hindi mo ba ako nasaktan sa ginawa mo?" Hindi sya sumagot sa kabilang linya. Parehas kaming natahimik ng ilang minuto. "Clark, okey na ako. Masaya na ako, nakalimutan na kita. Sana tigilan mo na ako. Mahiya ka naman sa ginawa mo sakin." "Gusto ko lang bumawi sayo Maia. I'm really sorry. Mahal na mahal pa rin kita." "Sorry din Clark, hindi na kita kayang tanggapin pa. Sapat na yung dalawang beses mo akong iniwan." Sabi ko binaba ang tawag. Alam mo ba kung ano yung sobrang sakit, Clark? Hindi mo sinabi sakin anong dahilan ng pag-alis mo. Tinanggap kita noon kahit walang dahilan bakit mo ko iniwan, ang tanga ko na kung tatanggapin ulit kita. *To be continued*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD