Nala POV HABANG pinapalitan ko ng damit si Noelle ay wala syang katinag tinag. Hindi man lang nagising. Ganun sya kahimbing matulog. Ngumiti ako at hinaplos ang may kahabaang buhok ni Noelle. Mas mahaba pa dati ang buhok nya. Pero gusto nya kasi ay parehas kami ng buhok. Gusto nya kasing iksi din ng buhok ko. Pero nanghihinayang ako sa buhok nya kaya pinagupitan ko na lang yun hanggang balikat. Natuwa naman sya. Bumuntong hininga ako habang pinagmamasdang si Noelle. Five years old na sya at malusog na bata. Para syang copycat ko. Nakuha nya ang maputing balat ko. Ang matangos kong ilong at makipot na labi. Pero ang mata at kilay nya ay nakuha nya sa kanyang ama. Parang may mapait akong nalasahan ng maalala si Gordon. Mahigit limang taon ko na syang hindi nakikita at wala akong balit

