Chapter 41 - Labanan
~Tagapagsalaysay~
Sa sobrang galit ni Hemira sa kaniyang nasaksihan ay nabasag ang ilusyong ginawa sa kaniya.
Bumalik siya sa paligid na puno ng yelo na nasa loob rin ng isang mas malaking ilusyon na nakahiwalay sa mundo ng mga tao upang hindi iyon makita ng ibang tao kung ano ang nagaganap sa loob niyon.
Napupuno siya ng galit sa kaniyang nasasaksihan na iyon.
Ang nangyari sa kaniya kanina ay lahat ng iyon ay mga ilusyon.
Ilusyong gawa ng isang maheya na nasa paligid lamang.
Kinuha nniya ang espada nasa tabi lamang niya na nabitawan niya kanina at kinuha rin niya ang isa pa na nasa bewang niya.
Nakayuko lamang siya at ipinasok na naman siya sa isang ilusyon kung saan daan daang palaso ang sabay-sabay na tumusok sa kaniyang mga laman ngunit hindi tulad kanina ay hindi niya na ramdam ang sakit niyon.
Hiniwa niya ang paligid at nawala ang ilusyon.
Isang ilusyon na naman ang ginawa sa paligid niya ng kaniyang nagtatagong kalaban at mga mababangis na asong lobo ang naroroon.
Mga nasa sampu ang mga iyon at nagtutulo ang mga laway sa bibig na puno ng matatalas at malalaking ngipin. Pulang pula ang mga mata ng mga ito at lahat ay nakaangil sa kaniya.
Tiningnan niya ang mga ito ng matalas at nang sabay sabay na sumugod sa kaniya ang mga iyon ay iwinasiwas niya lamang ang kaniyang dalawang espada at nabasag na rin ang mga iyon.
Kasalukuyan pang gumagawa ng mahikang pang ilusyon ang maheyang kaniyang kalaban ay natanto niya na kung nasaan ito.
Tumingala siya at doon ay nakita niya ang maheyang nakatalukbong ng itim at mayroong mahabang kasuotan.
Umupo siya para bumwelo saka tumalon ng sobrang lakas upang atakihin ang maheyang iyon na puno ng galit ang kaniyang dibdib.
* * *
Nang nasa loob ng ilusyon si Hemira ay kitang-kita ni Kirion kung ano ang nangyayari sa kaniya. Na tila ba mayroong sumasaksak sa kaniya kahit wala silang nakikita.
"Hemira!" sigaw niya dahil doon.
Hindi naman ito masaksihan ni Aria sapagkat nakaharap siya sa kalangitan at nakapatong lamang sa sahig.
"Anong nangyayari sa kaniya Kirion?!" sobrang nag-aalala niyang tanong dahil tila may nararamdaman na naman siyang kakaiba sa kaniyang sarili na konektado kay Hemira.
Nang makita ni Kirion ang patuloy na pagluha ni Hemira na ngayon niya lamang nakita ay sobra siyang nagalit at nasaktan sa kaniyang dibdib. "GAAAAAAAAAAAAAARRRRRRRRRR!" atungal niya at pilit na tumayo.
Nadudulas pa rin siya at bumabagsak ngunit hindi niya makayanan ang galit na kaniyang nararamdaman.
May nananakit kay Hemira, ang taong pinakapinahahalagahan niya ngayon sa kaniyang buhay kaya naman itinusok niya ang kaniyang mga kuko sa yelo at nakatayo na siya ng maayos.
"GAAAAAAAAAAAAAAAARRRRRR!"
~Kirion~
Nagawa ko nang makatayo sa pagtusok sa aking mga matatalas na kuko sa yelong lupa.
Biglang aking naramdaman na mayroon nang paatake sa akin kaya kaagad kong itinaas ang aking isang kamay at natanggal ang pagkakatusok niyon sa lupang yelo saka ko kinalmot kung saang direksyon ko naramdaman ang pag-atake sa akin ngunit mabilis na nakailag ang kung sinumang iyon.
Sasaksa'kin na niya sana ako ngunit inilabas ko ang lahat ng matutulis na bakal sa aking katawan.
Mas malalaki kumpara sa dating mga patusok na bakal sa aking katawan.
"GAAAAAAAAAARRRRRRRRRR!" galit na galit na atungal ko at isinalpok ang aking katawan sa kung sinumang umaatakeng iyon sa akin sapagkat hindi ko siya makita sa kaniyang bilis ngunit isang pananggang mahika ang tinamaan ng aking katawan kaya siguradong hindi ko nagalusan man lamang ang aking kalaban.
Napatingin ako sa isang nakatalukbong ng itim sa aking gilid.
Tao iyon at hindi ko makita ang kaniyang mukha dahil sa itim na talukbong niya na pati mukha ay nahaharangan na.
May hawak siyang dalawang puniyal na may kahabaan sa mga kamay niya.
"Sino ka?! Bakit kami'y iyong inaatake?!" tanong ko sa kaniya ngunit hindi siya umimik.
Napatingin ako kay Hemira na tila may kalaban siya roon na hindi ko nakikita at may kalaban din si daldal at isa na siya ngayong taong apoy at tila isang diwata ang kaniyang kalaban.
Hindi lamang pala iisa ang aming kalaban dahil mukhang tatlo sila.
Hindi kaya sila'y mga itim na maheya na ipinadala ni Abellona dahil nalaman na nila ang aming paghahanap kay Argyris?!
Hindi na ako nakapag-isip pa dahil nagsimula na namang umatake sa akin ang taong ito na nakatalukbong.
Malapitan siyang lumaban dahil dalawang puniyal ang kaniyang gamit.
Halata ang pagging lamang ko sa aming dalawa.
Patuloy lamang siya sa pag-atake sa akin ngunit hindi niya ako nasusugatan sapagkat pinoprotektahan ako ng mga patusok na bakal sa aking katawan.
Hindi ko siya magawang maatake ng maatake dahil sa dulas ng yelo sa lupa kaya tumalon ako ng napakataas at dahil sa aking bigat ay tuluyan ng nabiyak ang mga yelo sa lupa at nagkapira-piraso kaya nakakagalaw na ako ng maayos.
Naramdaman ko na ako'y aatakihin niya sa aking mukha dahil wala namang bakal na patusok ang aking mukha kaya agad ko siyang hinampas ng aking mahabang buntot at tumama iyon sa kaniyang binti kaya tumalsik siya sa malayo.
"GAAAAAAAAAAARRRRRRR!" atungal ko dahil ako ang nagwagi sa aming labanan.
~Ariadne~
"Hemira!" sigaw ni Kirion ngunit wala akong magawa upang masaksihan kung ano na nga ba ang nangyayari kay Hemira.
"Anong nangyayari sa kaniya Kirion?!" alalang-alalang aking tanong kay Kirion dahil kahit anong aking gawin ay hindi ko kayang kontrolin ang aking sarili at mapagalaw ng sarili kong desisyon.
Ngunit nararamdaman ko kung gaano nasasaktan si Hemira sa kaniyang puso ngunit ang aking pinag-aalala masyado ay ang sobrang takot na nararamdaman niya pati na ang matinding galit na hindi ko batid kung bakit niya nararamdaman.
Biglang humangin ng napakalakas at ako'y nabuklat kaya nagkaroon ako ng tsansang masilayan siya at nanlaki ang aking mga mata nang siya'y makitang lumuluha.
Tila siya'y nasasaktan ng sobra at puno ng takot ang kaniyang mukha gaya ng aking nararamdaman na kaniyang nararamdaman.
Alam ko na may umaatake sa kaniya at ginagamit ng kung sinumang iyon ang isip niya upang siya'y atakihin.
Nandilim ang aking paningin sa sobrang gamit na aking nararamdaman.
Nag-init ang aking paligid gaya ng pagsidhi ng galit sa aking puso at nakita ko ang pag-usok sa aking paligid.
Inilabas ko ang aking ulo sa librong aking pinagkakagyan at nagkaroon ako ng apoy.
Tuluyan na akong nakalabas sa libro at nawala na iyon.
Napatingin ako sa aking sarili.
Isa na muli akong babaeng apoy katulad noong nasa kaharian kami ng mga dakalfar.
Napatingin muli ako kina Hemira ngunit pagtingin ko roon ay isang malaking bloke ng yelo ang patama na sa akin sa direksyong iyon kaya agad kong tinakpan ng aking kamay ang aking mukha.
Dumaan ang ilang sandali at tila may nalaglag sa yelong lupa at iyon ay ang natutunaw nang yelo.
Natutunaw na rin ang lupa kung saan ako nakalutang.
Bakit hindi ko iyon naisip?!
Isa akong apoy kaya naman ano ang panama sa akin ng yelo?!
Agad akong tumingin sa paligid at nakakita ako ng isang napakagandang babae.
Ang kaniyang kasuotan ay ang niya lamang sa pang itaas niyang ang natatabingan ng puting-puti niyang kasuotan at sa kaniyang ibaba ay mahabang kasuotan na sumasayad sa lupa.
Malanyebe ang puti ng kaniyang balat at kumikintab iyon na tila yelo.
Pati ang kaniyang buhok ay mas maputi pa sa buhok ni Aloja at prinsesa Agafya at may mga maliliit na butil ng yelo roon.
Pati ang kalahati ng kaniyang mukha ay tila may mga nangingintab na nyebe roon.
Bakit kami'y inaatake ng isang diwata?
Sya ang may gawa ng malaking bloke ng yelo kaninang muntik nang bumagsak sa amin at siya rin ang gumawa ng mahika upang mabalot ng yelo ang lugar na ito.
Anong kailangan niya samin?
Nagsimula niyang itaas ang kaniyang kamay at naramdaman ko sa aking paa na tila may malamig na paakyat na roon kaya napatingin ako roon.
Binabalot na ng yelo ang aking paa at sa tuwing matutunaw iyon ay pilit pa ring bumabalot iyon.
"HAAAHHHHHHHHHHHH!" sigaw ko at mas lumagablab ang apoy sa aking katawan kaya unti-unting naging tubig ang yelong iyon.
Lumipad ako palapit sa diwatang iyon ngunit itinaas niya parehas ang kaniyang kamay na tila siya'y may itinataas talagang bagay at doon ay may malaki at napakakapal na yelo ang humarang sa pagitan namin.
Binato ko iyon ng malalaking mga apoy ko upang tunawin ngunit napakakapal niyon at bumabalik sa pagiging yelo kapag iyon ay nagiging tubig na.
Napatingin ako sa itaas nang tila magkaroon ng bubong na gawa sa makapal ring yelo ang kaninang kalangitan at nagkaroon ng mga yelong pader sa aking paligid na naging isang makapal na kulungang yelo sa akin.
Ang diwatang iyoooon!
Lubos niya akong iniinis!
Walang butas rito upang ako'y makalabas at humihina ang apoy sa aking katawan dahil sa lamig.
Unti-unting lumiliit ang kulungang ito na sa tingin ko ay hindi talaga lumiliit kundi kumakapal lamang dito sa loob.
Nararamdaman ko na ang lamig kaya nilakas ko ang apoy sa aking katawan.
"HAAHHHHHHHHHHHH!" aking sigaw at pinasabog ko ang aking sarili sa apoy at nabitak ang yelo sa buong paligid ngunit wala pa ring silbi.
Bumalik rin ulit iyon sa pagiging buo.
Nag-isip ako ng paraan kung paano makakalabas rito.
Napakaliit na lamang ng aking ginagalawan nang dumikit na sa aking katawan ang mga pader sa paligid at naiipit na ako rito sa loob.
Nawala na rin ang apoy sa aking katawan.
~Tagapagsalaysay~
Tuluyan nang nakulong si Ariadne sa loob ng napakakapal na yelo na gawa ng diwatang si Nero, ang diwata ng yelo at nyebe.
Walang nagawa ang apoy ni Aria sa lakas ng diwatang ito.
Ngiting tagumpay naman ang maheyang siyang tumawag sa diwata dahil sa pagkakatalo niya kay Aria.
Gaya ng kalaban ni Hemira at ni Kirion ay nakatalukbong rin siya at may suot na mahaba at itim na kasuotan kaya hindi nakikita ang kaniyang mukha.
"Dalawa na lang ang kailangan naming matalo,” sabi ng maheyang iyon at tinalikuran na ang natalo niyang si Aria. Nakasunod lamang sa kaniya si diwata Nero.
"Huwag mong masyadong maliitin ang aking kakayahan maheya," sabi ng isang tinig kaya napalingon sila pareho ni diwata Nero sa nagsalitang iyon.
Si Aria iyon at isa na siyang makara ngayon na nakaupo lamang sa umaagos na paitaas na tubig na nanggagaling sa yelong kaninang nagkulong sa kaniya.
Nakalugay ang kulot niyang kulay tsokolateng buhok at may mga palamuting mga kabibe roon.
Mayroon rin siyang suot na tiyara ngunit kulay asul iyon na isang malaking brilyante hindi tulad ng kapag apoy siya ay kulay pulang brilyante ang nasa noo niya.
Kitang kita ang napakakinis niyang balat at nasisilayan na ng maayos ang napakaganda niyang mukha.
Dalawang malalaking kabibe rin ang nagsisilbing panakip sa kaniyang dibdib.
Nginitian pa niya ang dalawa.
~Ariadne~
"Atakihin mo siya Nero!" utos ng maheyang nakatalukbong sa diwatang Nero pala ang pangalan kaya gaya ng kaniyang sabi ay gumawa ng atake sa akin ang diwatang iyon.
Gumawa siya ng mga malalaking patusok na yelo na tila malalaking sibat at pinalipad iyon lahat papunta sa akin.
Napahinga ako ng malalim.
Itinaas ko lamang ang aking isang kamay at naging mga tubig na lamang ang mga iyon sa ere.
Nilalaro ko pa ang aking magandang buntot na kulay rosas (pink) habang ako'y nakaupo sa tubig.
Napakaganda pala ng aking buntot kapag ako's isang makara.
Bato ng bato ng kung ano anong atake sa akin si Nero ngunit nakatingin lamang ako sa aking buntot at hindi tumatama ang mga iyon sa akin dahil nagiging tubig agad iyon at bumabagsak sa lupa.
Tila ba kontroladong kontrolado ko na noon pa man ang tubig kaya walang kahirap-hirap kong naibabalik ang yelo sa dati nitong anyong tubig.
Napatingin ako kay Nero dahil mukhang seryoso na siya.
"Spicis Glaciem!" bigkas niya ng kaniyang mahika at nakita ko ang napakalaking bloke ng yelo na pabagsak na sa akin at patusok iyon.
Iyon ay kagaya ng ginawa niya sa amin kanina nila Hemira ngunit ang kaibahan niyon ay patusok ang dulo niyon na nakasentro sa akin.
Tumayo na ako dahil hindi ko maaaring maliitin ang mahika ng isang diwata.
Aking kinontrol ang tubig na kinatatayuan ng aking buntot at pataas iyon ng pataas.
Sasalubungin ko ang malaking bloke ng yelo ni Nero.
Itinaas ko ang aking dalawang kamay at ibinuka ko iyon na tila mayroon akong binabanat kahit wala naman.
Unti-unting nagiging tubig ang unahan ng yelong patusok kaya umulan ng napakalakas sa lugar na ito.
May malaki pang natitira.
Ipinorma kong tila may hawak na malaking bilog ang aking mga kamay dahil tila nararamdaman ko na hawak ko ang malaking bloke ng yelo na aking sinasalubong ngayon.
Naging malaking malaking bilog na tubig iyon at pumasok ako sa loob niyon.
Iginalaw ko ang aking mga kamay may malaking bagay akong iniikot at nagawa kong maiikot ang tubig.
Pinagbutil butil ko ang mga iyon na malalaking bilog at hinugis kong mga matutulis na palaso.
Napakarami niyon dahil sa laki ng bloke ng yelong nagawa kong tubig.
Nakagawa ako ng higit sa daang mga malalaking palaso ng tubig at nakatayo pa rin ako sa umaagos na tubig pataas.
Itinuro ko sila Nero at isa-isang nagliparan papunta sa kanilang ang mga tubig na palaso.
Gumawa muli ng malaki at makapal na yelo si Nero na poprotekta sa kanila kaya mas dinamihan ko pa ang mga palasong pinatama ko sa kanila.
Dahil sa lamig ng paligid ay nagiging yelo iyon sa ere na siyang unti-unting bumabasag sa makapal na harang na ginawa ni Nero.
Sa lakas ng mahikang aking ginagamit ay unti-unti na iyong nabibiak.
Napangiti ako sa naisip kong ideya.
Inunat ko ang aking dalawang kamay sa aking harapan at tila may nahahawakan akong makapal na yelo.
Iyon ang harang na ginawa ni Nero at sa isang kisapmata ko lamang ay naging tubig iyon. Halatang hindi inaasahan nito iyon.
Inangat ko ang tubig at tinatamaan na sila ng mga palasong tubig.
"GAAAAAAAAAAAAHHHH!" sigaw ng maheya dahil sa mga tumatama sa kaniya.
Hindi makagawa ng mahika si Nero upang protektahan ang kanilang sarili dahil sa mga tumatama sa kaniya hanggang sa tuluyan na siyang natunaw dahil sa mga tubig na palasong aking pinapatama sa kanila.
Pati ang maheyang kasama niya ay tinatamaan rin niyon at pilit na gumagawa ng mahikang panangga ngunit nababasag iyon ng mga palasong tubig na matatalas ang dulo at nagkasugat sugat na ang kaniyang katawan.
"GAAAAAAAAAAAAHHHH!" daing niya muli sa sakit.
Nagkapilas pilas ang kaniyang kasuotan.
Nagtaka ako nang tila hinigop ng kaniyang katawan si Nero na naging pirapirasong mga yelo na lamang.
Nangunot ang aking noo.
Bakit tila hinigop niya ang diwatang iyon?
Anong klaseng maheya ba siya?
May tumamang palaso sa gilid ng kaniyang talukbong kaya nahubad iyon.
Nakita kong isang babae iyon.
Alam ko nang babae siya sapagkat sa boses niya kanina ng utusan niya si Nero na ako'y atakihin ngunit napatingin ako sa kaniyang mga matang masamang nakatingin sa akin kahit na naghihirap siya sa mga palasong tumatama sa kaniya.
Hindi ko maaninag kung ano ang kulay niyon dahil sa layo ko sa kaniya ngunit tanaw ko ang maganda niyang mukha.
Pilit niyang ibinalik ang talukbong sa kaniyang ulo ngunit patuloy siyang tinatamaan ng mga tubig na palaso kaya napahiga na siya ng tuluyan.
~Hemira~
Nakita ko ang isang maheya na gumagawa pa lamang ng ilusyon sa aking itaas.
Nakalutang siya sa ere.
Napuno ako ng galit.
Ang ilusyong ginawa niya kanina.
Ang ilusyong nakita ko na isang batang babaeng nagmamakaawang pakawalan na siya ngunit walang awang nilalatigo, hindi ilusyon iyon kundi aking nakaraan.
Parte ng aking madilim na nakaraan.
Bumwelo ako habang hawak ang aking dalawang espada at saka tumalon ng napakataas sa ere.
Nagawa ko siyang maabot at agad kong hiniwa ang kaniyang braso nang akin na siyang makaharap ngunit gumawa siya ng mahikang panangga kaya hindi ko siya nasugatan ngunit bago ako mahulog pababa ay niyakap ko ang kaniyang bewang kaya naisama ko siya pababa.
Bumagsak kami pareho at agad akong tumayo saka ko siya pinaibabawan.
"HAAAAHHHHHHHHHHHHH!" sigaw ko at galit na galit na hiniwaan ko ang kaniyang leeg ngunit bigla siyang naging isang puting usok kaya natigilan ako.
Biglang may humablot sa akin ng aking isang espada ngunit naging alerto ako at agad kong sinaksak kung sino iyon sa kaniyang sikmura.
Iyon ang aking kalaban na nakatalukbong at naging puting usok na naman siya.
Tumayo na ako at napatingin sa paligid.
Pinasok na naman niya ako sa isang ilusyon.
Napakaraming nakapaikot sa aking mga nakatalukbong at lahat sila ay may isang espada sa kanilang mga kamay.
Hindi ko alam sa kanila kung sino ang tunay sa ilusyon sapagkat pare-parehas sila ng prisensya na tila lahat sila ay tunay na mga tao.
Napahigpit ako ng hawak sa aking espada.
May tatlong mga umatake na sa akin mula sa aking likuran kaya tumalon ako ng mataas at umikot ang aking katawan sa ere kaya napunta ako sa kanilang likuran.
Lumingon sila sa akin at sabay sabay ko silang pinadaanan ng aking espada kaya nahiwa sila lahat sa gitna at naging puting usok.
Mayroon nang paatake sa aking gilid kaya agad akong yumuko ng sobra at pinaghihiwa ang mga paa nila paikot dahil napakaraming paa ang lumapit sa akin.
Lima agad ang aking nahiwa at naging usok na rin sila.
Napatingin ako sa aking mga kalaban.
Kahit anong aking gawin na pakikipaglaban sa kanila ay hindi ko mahanap ang tunay sa kanila.
Marahas akong tumingin sa paligid at lalo lamang silang padami ng padami.
Sabay-sabay na silang lahat umatake sa akin kaya napaupo ako at nakasalag ang dalawa kong espada sa lahat ng kanilang espada saka buong lakas akong tumayo kaya napalayo sila lahat sa akin.
Tumingin ako sa itaas dahil paniguradong nakalutang lamang siya sa ere at nakakita ko ang kakaiba sa lahat sa kanila.
Iyon ay bumubuka ang bibig na tila pinapanatili ang malakas na mahikang ilusyon na ito kaya naman doon ko na itinutok ang aking atensyon.
Pinagsasaksak ko ang lahat ng aking nasa harapan kaya nakadaan na ako at tumakbo ako papunta sa nakatalukbong na iyon na bumibigkas ng mahika ngunit hinahabol ako ng mga ilusyon.
Agad silang nagsusulputan sa aking harapan na nagmula sa mga anino.
Isasaksak na sa akin ng dalawang ilusyon ang kanilang mga espada kaya sinalag ko iyon ng magkabila kong espada at sabay na siniko ang kanilang mga braso kaya nalihis ang kanilang mga espada.
Itinulak ko sila sabay saksak sa kanilang mga tagiliran at naging usok din sila.
May pasaksak na rin sa aking isa ngunit bago niya iyon magawa ay lumiyad ako ng sobra saka sinipa ang kaniyang kamay na may hawak na espada kaya tumalsik iyon sa malayokasunod na non ang aking pagtalon at dinretso ko ang aking paa sa ere. Lumapag ng maayos ang aking dalawang paa sa lupa at nakayuko ako habang nakaupo.
Tiningala ko na agad siya.
Nakatingin siya sa kaniyang espadang nasa lupa di kalayuan kaya kinuha ko ang tsansang iyon at akin agad siyang sinaksak kaya siya'y naging usok.
Biglang pumatak ang malakas na ulan at napatingin ako kay Aria na isa ng makara ngayon.
Nagawa niyang muling maging makara?!
At may kalaban rin siyang isang nakatalukbong rin.
Nakita ko rin ang isang diwata.
Dahil sa napunta ang aking atensyon sa kanila ay hindi ko napansin ang apat na ilusyon na sasaksak na sa akin kaya hindi ko agad naiilag ang aking sarili ngunit biglang may kung anong tumalsik sa kanilang apat at sabay sabay silang tumalsik sa yelong lupa.
Taong nakatalukbong ang tumama sa kanila kaya napatingin ako sa pinanggalingan niyon.
Kay Kirion.
Agad akong napatingin sa nakatalukbong na nasa ere kung naandoon pa ba siya at naroroon pa siya.
Ibig sabihin ay apat ang aming kalaban?
Tatlong nakatalukbong at isang diwata?
Napatingin muli ako kay Kirion at nginitian niya ako.
Nagpasalamat ako sa kaniya sa buka ng aking bibig at tumango siya.
Hinarap ko na ng seryoso ang mga ilusyong lalo pang dumami.
Huminga ako ng malalim at pumikit.
Iminulat ko na ang aking mga mata sa pasugod na mga ilusyon sa akin habang hawak nila ang matatalas nilang espada.
"HAAAAAHHHHHHHHH!" aking sigaw at saka ko iwinasiwas sa hangin ang dalawa kong espada at umikot ako kasabay ng ritmo ng hangin at doon ay lahat sila ay nahati sa gitna.
Sabay-sabay silang naging usok at tumigil na ang ulan na gawa ni Aria.
Unti-unti na namang may nabuong paisa-isang ilusyon na tila wala ng katapusan kaya naman sinugod ko na ang pinagmumulan nila.
Ang maheyang nakatalukbong na nakalutang sa ere.
May isang ilusyon na sumalubong sa akin at isasaksak na ang kaniyang espada sa akin kaya pinukol ko roon ang aking espada at nabitawan niya iyon saka ako tumalon at umapak sa kaniyang magkabilang balikat at buong lakas ulit akong tumalon upang maabot ko ang tunay na maheyang pinagmumulan ng mga ilusyon.
Malayo ang distansya ko sa kaniya ngunit alam kong hindi ako sasablay sa aking atake sa kaniya.
Pagkat ako si Hemira.
Tumatakbo lamang ako paakyat sa hangin.
"HAAHHHHHHHHHHHH!" sigaw ko ng atake at ibinuwelo ko na ang aking dalawang espada upang siya ay saksa'kin.
Napamulat siya ng kaniyang mga mata ngunit huli na ang lahat.
"GAAAAAAAAAAAAAHHHH!" daing niya ng sakit sapagkat nahiwaan ko siyang dalawa sa kaniyang dibdib at sa kaniyang braso.
Bumulwak agad ang kaniyang dugo na bumahid pa sa aking espada.
Pabagsak na kami parehas pababa kaya handa ko nang madama ang sakit sa katawan na aking mararamdaman sa aking pagbagsak ngunit tila nahulog ako sa tubig ngunit hindi naman ako lumubog roon.
Narinig ko na mayroong tila nahulog sa lupa na siguradong ang aking kalabang maheya iyon.
"Hemira!" agad akong napamulat at napatingin kung saan ako nalaglag.
Sa tubig ngunit hindi ako nababasa roon.
Ibinababa na ako non ng dahan dahan at tumayo na ako ng maayos.
Bumalik sa pagiging lupa ang kaninang balot ng yelong lupa.
Napatingin ako kay Aria na pasugod na ng yakap sa akin at nagawa niya na nga akong mayakap kaya tumalsik kami ngunit malambot ang aking natalsikan.
Napatingin ako kung sino iyon at si Kirion pala iyon na wala na ang mga bakal na patusok sa kaniyang katawan kundi mabalahibong leon na lamang siya.
"Hemira! Bakit ka naiyak kanina?! Anong ginawa sa iyo ng iyong kalaban?!" umiiyak na tanong sa akin ni Aria.
Ramdam na ramdam ko ang sobrang pag-aalala niya sa akin kaya hinaplos ko ang kaniyang maalong buhok.
"Wala iyon Aria. Hindi naman importante kung ano iyon. Ang mahalaga ay natalo natin sila, hindi ba?" panunuyo ko sa kaniya ngunit lalong humigpit ang yakap niya sa akin at lalo siyang umiyak.
Naramdaman ko ang pagdikit ni Kirion ng kaniyang mukha sa akin kaya napatingin ako sa kaniya.
"Huwag ka na muling luluha Hemira sapagkat hindi ko pala kayang makitang ang isang napakalakas na babaeng katulad mo ay umiiyak at lumuluha. Alalang-alala rin ako sa iyo kanina." namamasa na ang mga maya niya dahil siguradong naiiyak rin siya kaya hinaplos ko rin siya.
"Wag kayong mag-alala na dalawa. Hindi n'yo na muli ako makikitang lumuluha,” sabi ko sa kanila.
Humiwalay ng yakap sa akin si Aria.
"Talaga?" tanong niya sa akin habang nakanguso pa.
Nakangiting tumango naman ako sa kaniya.
"Hinding-hindi n'yo malalapitan si Argyris!" sigaw ng isang tinig ng isang lalaki na galit na galit kaya napatingin kami kung sino iyon.
Tumayo na ang aking kalabang maheya kanina ngunit hindi pa rin namin masilayan ang kaniyang mukha.
Kuyom na kuyom ang kaniyang mga kamao at ramdam na ramdam namin ang matindi niyang galit.
Tumayo na kami nila Kirion at Aria na ngayon ay bumalik sa pagiging apoy.
"Kilala mo si Argyris?!" hindi ko makapaniwalang tanong sa kaniya.
Lalong kumuyom ang kaniyang kamao.
Nagsimula na namang bumigkas ang kaniyang bibig na tila gumagawa ng mahika.
Naghanda na kaming tatlo nila Kirion upang umatake na rin ngunit nilapitan siya ng dalawa niyang kasamahang mga nakatalukbong rin na halata pa ang panghihina sa kanilang mga katawan.
Pinipigilan na siya ng mga ito.
"David, tama na yan! Papalapit na siya at baka makita niya tayo!" bulong na mahina ng isang tinig ng babae sa mga nakatalukbong na iyon ngunit amin pa rin iyong narinig.
Napatigil naman sa pagbigkas ng mahika ang lalaking maheyang iyon na David ang pangalan.
Bigla niya kaming dinuro.
"Hindi pa tayo tapos! Babalikan namin kayo at hinding-hindi n'yo na matatapak ang mga paa n'yo sa lugar na 'to!" galit na galit na kaniyang sabi sa amin.
Nagtaka ako sa inaakto nila.
Tila galit na galit sila sa amin gayong sila naman ang naunang umatake at isa pa, konektado sila kay Argyris.
Gumawa sila ng isang mahikang lagusan sa isang pader at bago sila makapasok doon ay hinabol ko sila.
"Sandali lamang!" sigaw ko sa kanila.
Hindi sila pwedeng umalis!
Alam kong may nalalaman sila tungkol kay Argyris at kailangan namin silang maka-usap kahit na kailangan munang dumanak ng dugo bago sila mapaamin.
"Ano ang koneksyon n'yo kay Argyris?!" sigaw ko ngunit tuluyan na silang nakapasok sa lagusang kanilang ginawa at nagsara na iyon bago pa ako makapasok roon.
Biglang nawala ang sira-sirang lugar na aming ginagalawan kanina at bumalik iyon sa dati nitong ayos.
Walang mga pagsabog na naganap o mga sira sa lupa.
Agad akong nilapitan nila Kirion at Aria.
"Hemira! May alam sila tungkol kay Argyris!" sabi sa akin ni Aria at lumalagablab ang apoy niya sa kaniyang katawan.
"Dapat pala ay hindi natin sila hinayaang makaalis upang makuha natin ang impormasyon mula sa kanila,” sabi naman ni Kirion na isang mabalahibong leon ngayon.
Napakuyom ako ng kamao.
"Hinding-hindi n'yo malalapitan si Argyris!"
Sino kaya ang mga maheyang iyon at bakit tila ang tingin nila sa amin ay banta sa buhay ni Argyris?
At isa pa, ang isa sa kanila ay may kasamang diwata.
Bakit tila mayroong mga diwata ang umaatake rin sa amin.
Noong ako ay 'nagpeperporm' sa entablado sa lugar na pinagdalhan sa akin ni Nathalie, mayroon ding diwatang umatake sa akin.
Si Mirora at may humigop sa kaniya.
Napakaraming misteryo sa mundong ito ngunit ang kailangan naming maresolba ay kung saan namin matatagpuan si Argyris.
Pagkatapos na namin siyang mahanap ay babalik na agad kami sa aming mundo upang hindi na madagdagan ang mga misteryong aming dinaranas.
"Hemira! May paparating!" babala sa akin ni Aria at bumalik siya sa pagiging libro niya kaya agad ko siyang sinalo at niyakap.
Bumalik din si Kirion sa kaniyang pagiging liosalfar at sinalo ko rin ang munting siya at agad na inilagay sa aking balikat saka ako nagtago sa gilid ng isang pader.
May dumaang isang lalaki na nakapamulsa parehas ang kaniyang kamay at estudyante sa eskwelahang ito.
Dere-deretso lamang ang kaniyang paglalakad ngunit tila pamilyar siya sa akin.
"Hindi ba siya ang lalaking tinulungan mo kaninang umaga, Hemira?" tanong ni Kirion sa akin kaya nanlaki ang aking mga mata nang maalala ko na nga.
"Sya nga iyon!" mahina kong bulalas sa kanila.
"David, tama na yan! Papalapit na siya at baka makita niya tayo!" naalala kong sinabi ng babaeng nakatalukbong kanina.
"Hindi kaya siya 'yung tinutuloy nung babaeng maheya kanina na papalapit at baka makakita sa kanila?" tanong ni Aria at natanto niya rin ang aking nasa isip.
Napatingin ako sa lalaking iyon na naglalakad na palayo.
"Bakit nga ba tila takot ang tatlong maheyang iyon na makita siya ng lalaking iyon na isa lamang naman na tao?" tanong ko sa aking sarili dahil sa pagtatakang pumupuno sa akin.
"Baka mayroon siyang koneksyon sa tatlong iyon!" bulalas ni Kirion nang umalis na kami sa aming pinagtataguan dahil nakalayo na ang lalaking iyon.
"Maaari nga." sagot ko sa kaniya.
Naglakad na ako upang sundan ang lalaking iyon ngunit...
"Hemira!" tawag sa akin ng isang tinig ng babae kaya ako'y napalingon.
Agad ring nagtago si Kirion sa aking kwintas na maliit na telang lagan at nawala ang mukha ni Aria.
Si Nathalie iyon at patakbo na siya papunta sa akin.
Nakasuot na siya ng kaniyang kasuotan na katulad sa mga estudyanteng babae na naririto. Bagay na bagay iyon sa kaniya.
Nakalugay ang kaniyang buhok mga may mga kulot sa dulo at ang aliwalas ng kaniyang mukha.
Napatingin ako sa berde niyang mga mata.
Mabigat ang kaniyang paghinga nang makalapit na siya sa akin. Napahawak pa siya sa kaniyang tuhod at hapong-hapo.
"Nan-Nandito ka lang pala! ... Kanina pa ko paikot-ikot dito kakahanap sayo!" sabi niya at umayos na ng tayo nang makabawi na siya sa kaniyang paghinga.
"Paumanhin Nathalie ngunit mayroon akong taong kailangang sundan,” sabi ko sa kaniya at maglalakad na sana ako paalis para hanapin ang lalaki kanina ngunit wala na siya.
Siguradong hindi pa siya nakakalayo.
Biglang may humawak sa braso ko kaya napatingin ako kay Nathalie.
"Wag ka nang umalis kasi sa tingin ko, alam ko na kung nasan dito 'yung hinahanap mo,” sabi niya sa'kin na ngiting-ngiti.
Nanlaki ang aking mga mata at hinarap ko muli siya. "Alam mo na kung nasaan si Argyris sa lugar na ito?!" hindi ko makapaniwalang tanong sa kaniya.
Itinaas-taas niya ang kaniyang dalawang kilay at ngumiti. "Pero...” sabi niya kaya nawala ang pagkasabik sa aking mukha at napalitan ng pagkakunot ng noo dahil sa pagpero niyang iyon.
"Pero?" tanong ko sa kaniya.
Binitawan niya na ang aking braso. May ngiwi ang kaniyang ngiti na tila wala siyang kasiguraduhan. "Diba, Argyris 'yung pangalan nung taong hinahanap mo?" tanong niya kaya ako'y tumango.
"Eh 'yung kilala ko kasi rito sa school na ito eh Arjie 'yung name tapos Ris Forte 'yung apelido niya. Arjie Ris... Forte... ganoon ...” sabi niya.
Napa-isip ako.
Mayroong tsansa na baka si Argyris nga ang taong iyon ngunit may tsansa ring hindi.
Nagdadalawang isip ako kung sa kaniya ba ako susunod o sa lalaki kanina.
Lumingon ulit ako sa pinuntahan ng lalaking iyon ngunit hinila niya na ko paalis.
"Tara na kasi Hemira! Tingnan natin kung yun talaga 'yung Argyris na hinahanap mo kasi malay mo naman diba, tama ako,” sabi pa niya habang ako'y hila-hila.
Pilit ko pa ring nililingon 'yung lugar kanina na dinaanan nung lalaki ngunit lumiko na kami kaya hindi ko na matanaw iyon.
Napahinga na lamang ako ng malalim at tiningnan ko ang librong aking yakap.
Nagtatago lamang si Kirion sa aking kwintas.
Sana tama nga talaga itong si Nathalie upang makabalik na kami ni Argyris sa aming mundo at maipagpatuloy na namin ang aming paghahanap sa huling tatlo naming makakasama.
"Bakit ako'y iyong tinutulungan?" tanong ko sa kaniya.
Napalingon siya sa akin at matamis na ngumiti.
"Eh kasi! Binigay mo lahat sa'kin 'yung 25,000 kanina kaya talagang pinagtanong ko pa sa mga taga Admin kung may Argyris ba na nag-aaral dito kahit kasounds like lang tapos iyon 'yung nalaman ko. Arjie Ris Forte." Hindi niya pa rin binibitawan ang aking braso.
Malamang ay dahil iyon sa takot niya na mawala na naman ako sa kaniyang paningin na lagi kong nagawa sa kaniya noong nasa lugar pa kami na tinatawag nilang 'mall'.
Nagpunta kami sa isa pang liblib na lugar ngunit dito ay may mga puno at mabato ang lupa at doon ay nakita ko ang isang lalaking nakatayo at nakatalikod sa amin.
May usok na lumalabas mula sa paligid ng kaniyang mukha.
"Yan na si Arjie Ris Forte. Kilalang delinquent yan dito tapos dito yan lagi natambay para manigarilyo. Baka siya na 'yung hinahanap mo." bulong sa akin ni Nathalie kaya tiningnan ko ang lalaking iyon.
Sineniyasan na niya akong lapitan ang lalaking iyon kaya aking ginawa.
Mayroon siyang itinapon sa lupa na maliit na bagay na may siga at inapakan iyon kaya nawala ang baga roon.
"Haaaaaaayyyy..." kaniyang buntong hininga.
Nasa likuran niya na ako.
"Ikaw ba si Arjie Ris?" tanong ko sa kaniya kaya napalingon siya sa akin.
Tila dahan-dahan pa ang kaniyang naging paglingon at nanlaki ang aking mga mata nang akin nang masilayan ang kaniyang hitsura.
Bilugang-bilugang mga mata, lapad na ilong at malaking bibig dahil sa malalaking ngipin niyang nakausli pati na ang mga tigidig sa kaniyang mukha.
"Boss?!" hindi ko makapaniwalang tawag sa kaniya.
* * *
Nero - Diwata ng yelo at nyebe. Isang napakalakas na diwata at siya'y nasa ilalim ng kapangyarihan ng tubig kaya naman wala siyang panama sa tubig dahil mas malakas ang tubig sa kaniya.
Isa rin siyang mabuting diwata ngunit kapag ang pinababantayan sa kaniya ay nasa kapahamakan, gagawin niya ang lahat upang hindi ito masaktan sa ilalim ng kaniyang pangangalaga.