Hemira 43

4319 Words
Chapter 43 - Tatlong Maheya ~Hemira~ "Nathalie?" tawag ko sa babaeng iyon at agad akong napatayo. Agad nilang nilapitan si Yohan kaya napalayo kami sa kanila ng kaunti. Napasinghap si Nathalie nang makita niya ang sugat sa palad ni Yohan. Galit na galit silang dalawa na tumingin sa amin nila Kirion. "Wala kaming—" "David! Nathalie! Anong nangyari kay Yohan?!" rinig naming tanong ng isang tinig ng babae kaya hindi ko naituloy ang aking sasabihin. Napatingin kami sa may pinto at si Roxanne iyon. Ang magandang binibining akala ko'y binibihag ngunit akto lamang pala nila iyon. Nanlaki ang kaniyang mga mata at napasinghap rin siya nang mapatingin siya sa nakahigang si Yohan. Agad siyang lumapit din kay Yohan at hinawakan ang kwintas nitong ngipin ng mabangis na halimaw. Ngunit tinawag niya ang lalaking iyon na David? Iyon ang pangalan ng maheyang aking nakalaban. Hindi kaya sila ang tatlong maheya na umatake sa amin?! Tumingin na rin siya samin ng poot na poot. "MAGBABAYAD KAYO!" sigaw niya sa amin at biglang nagkaroon ang kaniyang mga kamay ng dalawang may kahabaang puniyal at agad akong inatake ngunit nasalag ko iyon ng aking espada. Napakabilis ng kaniyang galaw at siya'y nasa akin ng likuran at ramdam ko'y siya na ay aatake kaya yumuko ako ng sobra at umupo ako saka ko siya sinubukang talapirin patalikod ngunit wala akong natalapid. Napatayo ako at bumalik siya kina Nathalie. Poot na poot ang tingin nila sa akin at tila binabantayan nilang mabuti si Yohan at iyon ay hindi ko maintindihan. "Wala naman kaming masamang—" "Pagsisisihan n'yo na sinubukan niyong galawin si Yohan!" sigaw ni David sa akin at nagsimula na siyang bumigkas ng mahika. Naramdaman ko na naman ang kakaibang awrang nabuo sa paligid. Naging sobrang dilim at siguradong nasa loob na naman kami ng isang ilusyon. Sya nga ang aking nakalaban noong maliwanag pa ang sikat ng araw kanina ngunit bakit nila kami inaatake. Lalo na si Nathalie. Kasama ko lamang siya kanina at napakabuti ng naging trato niya sa akin. Kumawala sa akin si Aria at nag-anyo siyang apoy kaya nagkaroon ng liwanag sa aming paligid ngunit madilim pa rin ang malayong parte sa amin. Si Kirion naman sa aking tabi ay nakikiramdam rin sa paligid. "By my summoning magic, I summon, the ice maiden Nero!" rinig naming bigkas ni Nathalie. Doon ay tila yumayanig ang lupa at lumamig ang hangin. Hinagisan ni Aria ng apoy ang di kalayuan sa amin at nagkaroon iyon ng liwanag ngunit nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang mga napakalalaking mga patusok na yelo na sunod-sunod na umaangat sa lupa. Agad na nagpalit anyo si Aria bilang isang makara at nang mayroon nang yelong aangat sa aming paanan at ginawa niya agad iyong tubig at nakulong kami sa loob nito. Palutang lutang kami nila Kirion. Aalisin na sana ni Aria ang tubig na pinaglulubugan namin nang... "By, my summoning magic, I summon, The thunder maiden Zesa!" sigaw ni Nathalie at doon ay tila mayroong tumamang kidlat sa amin na pumasok sa tubig na ito kaya nangisay ang katawan naming tatlo. ~Tagpagsalaysay~ Nakalubog sa loob ng isang bilog na tubig sila Hemira, Aria at Kirion at isang kidlat ang tumama sa kanila. Nangisay ang buo nilang katawan sa lakas ng kidlat na iyon at nang mawala na ang kidlat ay nalaglag na sila sa sahig na basang-basa at tila mga nangingisay pa rin ang mga katawan sa dinanas nilang iyon. Nausok pa ang kanilang mga katawan. Inilagay silang tatlo ni David sa isa pang malakas na ilusyon. May mga sibat na tumarak sa kanikanilang mga dibdib. "Gaaaaaaaaaaaahhhh!" sigaw nila lahat sa sakit. Naramdaman nila na tila nasa loob sila ng isang lalagyan at inaalog sila ng sobra sa loob niyon at sa bawat pag-alog sa kanila ay may mga sibat na tumatarak sa kanilang mga laman miski na kay Kirion dahil nasa loob sila ng isang ilusyon. "Gaaaaaaaaaaahhhhhhhhh!" sigaw nila dahil sa sobrang sakit na ng kanilang nararamdaman. Poot na poot sa kanila sila David dahil sa nangyari kay Yohan at hinding hindi niya mapapatawad ang mga ito sa pagtatangka nila sa buhay ni Yohan. Itinigil niya na ang ilusyong ginawa niya dahil sa sobrang pagod na kaniyang naramdaman. Pati na rin ang napakalaking ilusyon kung nasaan sila ay nawala na kaya nasa loob muli sila ng unit ni Yohan. Kagagaling lamang ng hiwang nakuha ni David kay Hemira at pinagtulungan pa iyon nila Nathalie at Roxanne na gamutin dahil miski ang mga ito ay nanghihina na rin pagkatapos ng kanilang naging laban kanina. Hindi na gumagalaw sila Hemira kaya nilapitan sila ng tatlo. "Hinding-hindi namin hahayaan na patayin n'yo si Yohan. Hinding-hinde." madiin at puno ng galit na sabi ni David sa kanila at tumalikod na ang mga ito upang puntahan ang nakahiga pa rin sa sahig na si Yohan ngunit bigla bigla ay may naramdaman siya na nakatutok sa kaniyang leeg na talim. Pati si Nathalie ay napatigil din sa talim na nakatutok sa kaniyang leeg. Si Roxanne naman ay napatigil sapagkat nakadiin na sa kaniyang likuran ang tila malalaking kuko. Biglang may lumagablab sa likod nila at hinarap sila nito. Si Aria. Tila kaunti lamang ang panghihinang nararamdaman nito. Tiningnan ni David at Nathalie ang kamay na may hawak ng mga espadang nakatutok sa kanilang leeg at kay Hemira iyon. Mabigat ang paghinga nito ngunit kayang-kaya pa rin sila nitong kalabanin na kanilang sobrang hindi inasahan. Napalingon rin nang kaunti si Roxanne at tama ang kaniyang hinala na si Kirion ang handa nang kumalmot sa kaniyang likuran. "Paanong—?" tanong ni David kay Hemira. "Hindi n'yo dapat kami maliitin. Malakas nga ang mahikang kidlat at ilusyon na ginamit n'yo sa amin ngunit mas malakas pa rin ang resistensya ng aming katawan sa inyong mga mahika. Minsan na rin namin kayong nakalaban kaya alam na ng aming katawan kung paano lalabanan ang inyong mga mahika." sagot ni Hemira sa kaniya. "Hinding hindi n'yo kami magagapi sa ganoong klase lamang ng mga mahika,” sabi naman ni Aria. Doon ay nagkaroon na ng malay si Yohan at nagising siya. Nang maalala kaagad ang mga nangyari bago siya himatayin ay agad siyang bumangon ng upo. Pagkatingin niya sa paligid ay nanlaki ang kaniyang mga mata sa nasasaksihan niyang nagaganap. "Nathalie?! David?!" takang takang tawag niya sa mga ito na tinututukan ni Hemira ng kaniyang dalawang espada. Class president pa nila si Nathalie at katabi niya naman sa upuan si David sa room nila. Lalong nangunot ang noo niya. "Roxanne?" Nadagdagan pa ang pagtataka niya dahil nasa unit din niya ang artistang si Roxanne na sa Primo High din nag-aaral. "What bullsh*t is happening here?!" nagpapanic na tanong niya sa mga ito at nakita niya na naman ang nemean na si Kirion na nasa likod ni Roxanne at ang babaeng apoy na si Aria na malapit lamang sa kaniya. Napayuko ang tatlo at iniiwasan ang kaniyang tingin. Nilapitan siya ni Aria kaya napatingala siya rito. Uminit bigla ang paligid dahil sa apoy nito sa katawan. Takot na takot na nakatingala siya rito. "L-lumayo ka sa 'kin, isa pang freak!" sigaw niya rito kaya napatingin sa kaniya ang tatlo. Nanlaki ang mga mata nila David nang akmang hahawakan ni Aria ang mukha ni Yohan na siguradong masusunog. "Waaaaaaaaaagggg!" sigaw ng tatlo kaya tumigil si Aria at tumingin sa kanila. Kakawala na sana ang tatlo kina Hemira at Kirion sa poot na nararamdaman nila ngunit hindi sila makawala sa takot na maputulan sila ng leeg at makalmot ng napakalalim ang likuran na maaaring ikasanhi ng kamatayan. "Napakasama n'yo! Ano bang kailangan n'yo kay Yohan?! Bakit binabantaan n'yo ang buhay niya?!" galit na galit na tanong ni Nathalie kina Hemira. "Kayo ang dapat na sumagot sa aming katangungan!" sigaw rin ni Hemira. "Bakit n'yo kami inatake kanina at ngayon?! Bakit iniisip ninyo na banta kami sa buhay ni Yohan?!" Napakuyom ng kamao si David. "Dahil siguradong padala ka ni reyna Mades para patayin kaming mga dating tagapagsilbi ni prinsesa Aerin! Hindi ba at yun naman kayo?!" galit na galit na akusa nito sa kanila. Nagtaka naman sila Hemira nang mabanggit ang pangalan ng kasalukuyang reyna ng Secundo (ikalawang angkan) na si reyna Mades at ang dapat na magiging reyna nito noon na si prinsesa Aerin. "Ano ang iyong pinagsasasabi?! Hindi kami padala ng reyna ng secundo kundi—" "Hindi kami naniniwala! Bakit naabutan namin kanina na hawak mo 'yung kwintas ni Yohan tapos may sugat pa siya sa palad niya?! Balak n'yo talaga siyang patayin!" sigaw ni Nathalie habang kuyom na kuyom ang kaniyang mga kamao. "At isa pa! Susunugin ng babaeng apoy na iyan si Yohan ngayon! Ibig sabihin, yun naman talaga ang plano n'yo sa simula pa lang!" sigaw naman ni Roxanne. "Guys! Pwede bang i-explain n'yo muna ang lahat ng nangyayari—" "Dahil aatakihin n'yo na naman kami kung hindi gagawin yan ni Aria! Wala naman kaming balak na gawin sa kaniya pwera na lamang kung kami'y muli ninyong aatakihin." paglilinaw ni Hemira sa kanilang tatlo. ~Hemira~ "Ano ba talaga kayong mga uri ng maheya? Mga itim na maheya ba kayo?" tanong ni Aria kina David at may banta pa rin siya na sa isang maling galaw ng tatlo ay masusunog si Yohan. Nakatutok pa rin ang aking mga espada sa kanilang mga leeg dahil wala pa ring kasiguraduhan ang kanilang mga gagawing kilos. Si Yohan naman ay kunot na kunot ang noo at tila iniintindi ang nangyayari sa aming pito. "Hindi kami mga itim kundi mga puting maheya at nagmula kaming lahat sa angkan ng Tritus(ikatlong angkan)." sagot ni Roxanne sa amin. Nanlaki ang aking mga mata. "Ako rin ay mula sa Tritus!" bulalas ko sa kanila kaya napatingin sila sa aking tatlo. "Hindi kayo mga mostro?" tanong ni David. "Hindi." sagot ni Kirion sa kaniya. "Pwede bang mag-usap at magpaliwanagan kayo nang maayos at 'yung naiintindihan ko?! Wala akong maintindihan sa mga pinag-uusapan n'yo! Atsaka kung pwede sana, umalis na 'tong babaeng apoy sa tabi ko! Ang init!" reklamo ni Yohan sa amin na halatang pilit pa ring pinoproseso ng kaniyang sistema ang mga nangyayari. Lumayo na nga si Aria sa kaniya at inalis ko na ang pagkakatutok ko ng aking mga espada kina David at Nathalie. Pati si Kirion ay ibinaba na ang kaniyang kamay na nakadiin ng kaunti sa likod ni Roxanne. Agad nilang nilapitan si Yohan nang mapakawalan na namin sila. Tila alalang-alala sila ng sobra sa kaniya. "Ayos ka lang ba Yohan?" tanong ni Nathalie sa kaniya. Hinawakan ni Roxanne ang nakalabas niyang kwintas kaya napaurong siya ng kaunti at ipinasok iyon ni Roxanne sa loob ng kaniyang damit na para bang napakahalagang bagay niyon sa kaniya. Bakit tila napakaimportanteng tao ni Yohan sa kanila? Hindi kaya... Siya talaga si Argyris gaya ng sabi ni Kirion?! Ngunit sabi ni Kirion ay wala siyang amoy miski konting bahid ng makiha. "Ano bang nangyayari guys?! Nasa taping ba ko ng isang fantasy fiction movie? Ikaw ba ang bida Roxanne? Kasi kung panaginip lang lahat ng 'to, masyadong makatotohanan!" aligagang sabi niya na tunay nang hindi maintindihan ang mga nangyayari ngayon. Hindi siya sinagot nila Roxanne. "Sino ba si Yohan sa inyo at ganoon na lamang ang galit na nararamdaman ninyo sa amin sa pag-aakalang binabantaan namin ang kaniyang buhay? siya ba si Argyris na aking hinahanap Nathalie?" tanong ko kay Nathalie. Napatingin silang lahat sa akin at nakita ko sa kanilang mukha na mukhang natanto ko na ang katotohanan lalo na kay Nathalie. "Mukhang tama nga ako,” sabi ko sa kanila dahil hindi sila umimik. Ni hindi nila inamin o itinanggi. "Ako? Si Argyris? Like f*ck!" sabi ni Yoh- Argyris. Kaya pala walang nakakakilala kay Argyris sa Primo High ay dahil Yohan ang pangalang kaniyang ginagamit. Sa wakas ay natagpuan na rin namin ang ikaapat naming kasamahan. Bumalik na sa pagiging libro si Aria at hawak ko na muli siya ngunit nemean pa rin si Kirion at umupo siya sa tabi ko habang matiim na nakatingin rin sa kanila. "Ipaliwanag mo muna Hemira sa'kin kung bakit pilit mong hinahanap si Yohan kanina sa school. Ano bang kailangan n'yo sa kaniya?" tanong ni Nathalie. "Sandali nga lamang. Bakit ba tila nakatatak na sa inyong isipan na masama ang balak namin kay Argyris na yan?" tanong ni Aria sa kaniya. Napatitig si Argyris sa kaniya dahil siguradong ngayon lamang siya nakakita ng librong nagsasalita. "Narinig ko ang usapan ninyo ng libro at liosalfar na iyan. Ang sabi n'yo ay kailangan niyong hanapin si Argyris at isasama n'yo siya pabalik sa mundong Sargus, sa mundo natin kaya sinabi ko agad iyon kay Nathalie, ang nagsisilbing pinuno namin at kaya nilapitan niya kayo nung nasa entrance kayo ng mall." paliwanag ni Roxanne sa akin at naintindihan ko naman lahat ang kaniyang sinabi kahit papaano. Kaya pala ang sama ng tingin sa akin ni Roxanne nung mapadaan kami malapit sa kaniyang inuupuan ay hindi dahil sa pagsira namin ng kanilang eksenang pambibihag kundi dahil narinig niya ang aming usapan tungkol kay Argyris. "Kung gayon ay ang umatake sa aking si Mirora ay kagagawan mo Nathalie noong nasa entablado ako?" tanong ko kay Nathalie at tumango siya. "Ngayon na naintindihan n'yo na ang nangyari ay sabihin mo na samin kung ano ba ang pakay n'yo kay Yohan at isasama n'yo siya pabalik ng mundong Sargus,” wika ni David at napatingin si Argyris sa kaniya. "Saan? Mundong Sargus?" takang-takang tanong nito sa kaniya. Tumango siya rito. "Ipapakilala ko muna ang aming mga sarili. Ako si Hemira at nagmula ako sa kaharian ng Gemuria. Ako ng heneral ng mga mandirigma roon kaya naman lubos n'yo na kaming mapagkakatiwalaan,” sabi ko sa kanila. "Ikaw ang heneral ng mga mandirigma roon?!" hindi nila makapaniwalang tanong. Tila umurong ang kanilang dila at pagkay yumuko sa akin ng kaunti. "Patawad Hemira sa pagiging padalos-dalos namin sa pag-aakusang padala ka ni reyna Mades,” sabi ni Roxanne at inangat na nila ang kanilang mga mukha. Nawala na ang tila nag-iiringang mga awra sa pagitan naming anim. "Kailangan namin si Argyris sa aming paglalakbay dahil isa siya sa naatasan ng hari na magligtas sa binihag naming prinsesa na si Prinsesa Ceres. Nasa Abellon siya ngayon at bihag ni Abellona kaya kailangan na naming magmadali bago pa man mahuli ang lahat at mapatay nila ang aming prinsesa." paliwanag ko sa kanila at nanlaki ang mga mata nila David at Roxanne ngunit napayuko lamang si Nathalie. Mukhang hindi rin nila alam ang balitang iyon katulad ni Seth. Si Argyris naman ay kunot na kunot pa rin ang noo at halatang walang naiintindihan sa aking ipinapaliwanag. "Sila si Kirion at Aria at sila ay isa sa mga akin ng naipon na kasamahan. Hindi sila mga mostro gaya ng inyong pag-aakala. Mga mabubuti rin silang nabubuhay. Mayroon pa kaming tatlong hahanapin pagkatapos ni Argyris at kulang-kulang dalawang buwan na lamang ang binibilang bago tuluyang magawa ni Abellona ang kaniyang pagsakop sa ating mundo." dagdag ko pa. Inismiran lamang sila nila Kirion at Aria. "Ngayon ay kayo naman ang magpaliwanag sa amin." seryoso kong wika sa kanila. Napatingin silang tatlo kay Argyris at napatingin din ito sa kanila. Puno ng pagtatanong ang kaniyang mga mata nang titigan niya si David. "Kame ay mga dating tagapagsilbi ni Prinsesa Aerin,” sabi ni David at tumingin na sa akin. "Kame ang pinaka mga mandirigma niya. Habang nagdadalang tao siya ay pumanaw ang kabiyak niyang si prinsipe Alberon na siya sanang magmamana ng trono ng Secundo. Sobrang nagdusa non si Prinsesa Aerin sa pagpanaw ng pinakamamahal niya kaya kami ang gumawa ng paraan para pasayahin siya kahit papano..." "...Nang isilang niya na ang kaniyang munting sanggol ay hinirang iyon ng buong kaharian ng mga Secundo na siyang magiging prinsipe ng ikalawang angkan at siyang ipakakasal sa prinsesa ng mga Primum na si Prinsesa Ceres dahil nauna lang siya ng ilang mga araw bago ipanganak ang prinsesa pero..." tumigil siya saglit at napakuyom ang mga kamao. "Pero pinatay ang sanggol na iyon ni reyna Mades para nang sa gano'y ang anak niyang si prinsipe Erio ang hirangin na prinsipeng ipakakasal sa prinsesa n'yo. At ikaw Yohan... Argyris pala... ang..." tila nahihirapan pa si David na sabihin ang mga susunod niyang sasabihin. Napapikit pa siya ng mariin. "Ikaw Argyris ang... nakasaksi sa ginawang iyon ni reyna Mades." pagpapatuloy niya na. Nanlaki ang mga mata ni Argyris at tila hindi siya naniniwala sa lahat ng kaniyang narinig. "Nagbibiro ka ba o ano?! Ano ba tayo? Nasa fairy world na ba tayo?! Hinde diba! Nasa unit ko tayo ngayon kaya stop that nonsense talks! Hindi ako si Argyris o sino pa man yan. Yohan ang pangalan ko at umalis na kayo rito! Lumabas na kayo!" galit na galit na sigaw ni Argyris sa kaniya at halatang hindi niya alam o naaalala ang lahat ng sinasabi sa kaniya. "Bakit tila hindi niya naman alam ang lahat ng inyong pinagsasasabi?" tanong ni Aria sa kanila. "Dahil binura ni reyna Mades ang lahat ng mga alaala niya." sagot ni Nathalie sa kaniyang tanong. Nangunot ang noo ni Argyris. "Tumigil na kayo sa mga pinagsasasabi n'yo! Mga nababaliw lang kayo! Dinadamay n'yo pa ko!" galit niyang sigaw samin. "Yohan, kaya nabura ang alaala mo ay dahil nahuli ka ni reyna Mades na nakita ang ginawa niya. Nagawa mo pang makapunta saming tatlo para sabihin ang lahat ng iyon pero nahanap rin agad niya tayo kaya hindi natin nagawang masabi iyon kay prinsesa Aerin. Tumakas tayo pero hinabol niya tayo. Pinagbabato niya tayo ng mga mahika at tinamaan ka ng isa sa mga iyon. Mahikang makapagbubura sa lahat ng mga alaala mo at nagbalik sayo sa pagiging sanggol..." "...Nagawa naming makatakas karga karga ka ni Roxanne at nakarating tayo sa mundong to. Hanggang dito ay sinusundan pa rin tayo ng mga alagad ni reyna Mades para patayin nang sa ganoon ay hindi malaman ng lahat ang sikreto niyang natuklasan natin. Iniwan ka namin sa tapat ng isang bahay. Sa tapat ng bahay ng mga magulang mo ngayon at kami ang nagpahabol sa mga iyon para maging ligtas ka." pagsasalaysay ni Roxanne. "Ang suot mong kwintas na yan ay inilagay namin sayo nung iwan ka namin. Yan ang kwintas na magpapawala ng amoy ng dugo ng pagiging maheya mo at parang sa normal na tao ang magiging scent mo para hindi ka matunton ng mga alagad ni reyna Mades." dagdag pa niya. "Ikaw ang susi para makawala sa pagrereyna ng isang napakasamang nabubuhay ang kaharian ng mga Secundo. Ang mga alaala mo ang siyang magiging ebidensya natin laban sa kaniya pero hindi pa rin kami makahanap ng mahika na makapagbabalik niyon sayo. Kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin kami makalapit kay prinsesa Aerin at masabi sa kaniya ang totoo. Dahil siguradong kapag nalaman niya rin iyon ay manganganib rin ang buhay niya,” sabi naman ni Nathalie. Nakatingin lang si Argyris sa kanila at puno pa rin ng pagkairita ang kaniyang mukha pagkatapos ng mga naging paliwanag sa kaniya. Alam kong mahirap tanggapin para sa kaniya ang lahat ng ito pero ito ang katotohanan. "Napakasama naman pala ng reyna ng mga Secundo! siya pa naman ang ina ng mapapangasawa ni Prinsesa Ceres pag nagkataon,” sabi ni Aria kaya roon ko lamang din naisip ang bagay na iyon. Ako naman ang napakuyom ang kamao. Hindi ako makapapayag na anak ng isang masamang tao ang mapapangasawa ng aming prinsesa. "Hemira, meron ka pang sikretong hindi alam,” sabi ni Nathalie at tumayo na siya saka hinarap ako. "Si Abellona na bumihag sa prinsesa n'yo ay kakampi ni reyna Mades." seryosong sabi niya sa'kin at nakatitig lang siya sa mga mata ko. Nanlaki ang aking mga mata. Ang berdeng berde niyang mga mata ay tila hinahalungkat ang buo kong pagkatao. "Ano?! Ngunit bakit—?" "Ganon siya kaganid sa kapangyarihan. Gagawin niya ang lahat kahit na kumampi pa sa pinuno ng mga mostro na si Abellona." seryoso niya pa ring sabi sa'kin. Humigpit ang aking hawak sa aking mga espada. Hindi ko inakalang magagawa iyon ng isang reyna na katulad ni reyna Mades. Ni hindi nakarating sa kaalaman nila haring Herman at reyna Devora na siyang mahaharlika ng primum ang tungkol sa bagay na iyon. "Ngunit paano na ang aming gagawin? Kailangan naming isama si Argyris sa aming paglalakbay pabalik sa mundong inyong tinakasan dahil napili rin siya ng hari,” sabi ni Aria sa kanila. Nakatayo na rin sila Argyris, David at Nathalie. "Saan n'yo 'ko isasama?! Sa mundo n'yo?! Pwede bang tantanan n'yo na ang lahat ng to! Sumasakit na ang ulo ko sa mga pinagsasasabi n'yo na wala naman akong maintindihan! Kapag hindi kayo lumabas nitong unit ko, tatawag ako ng pulis!" sigaw niya sa amin ngunit inangilan siya ng mahina ni Kirion kaya napaurong siya at tila umurong ang kaniyang dila. Napapa-isip sila David sa tanong na iyon ni Aria sa kanila at nang mapagdesisyonan na ay tumikluhod sila sa akin. Napatingin lang sa kanila si Argyris. "Kame ay mga tritus lang na siyang nagbabantay kay Argyris at kailanma'y hindi namin magagawang tuligsain ang kautusan ng hari ng primum,” sabi ni David. "This is really bullsh*t! Kanina ko pa sinasabing tigilan n'yo na yang mga kagag*han n'yo pero patuloy pa rin kayo! Wala akong sasamahan kahit na anong mangyari. Hindi ako aalis dito sa unit ko at tumigil na kayo, pwede ba?!" sigaw na naman ni Argyris. "I summon, the sleep Pixia Somno." bigkas ni Nathalie at biglang may lumabas na isang maliit na nimpa na kulay itim ang pakpak ngunit puti ang kaniyang kasuotan na kumikintab. Napatingin sa kaniya si Argyris at tila namangha siya nang makita ito. "Sorry Yohan,” sabi ni Nathalie sa kaniya. Naghipan ng abo ang nimpa at papunta iyon sa ilong niya at doon ay bigla siyang nawalan ng malay at nasalo siya sabay sabay ng tatlo. Nawala na rin ang maliit na nimpang iyon. "Alam kong malaki ang posibilidad na matunton siya ni reyna Mades sa mundo natin pero paki-usap Hemira... Wag niyong hahayaang mapatay siya ng kahit na sino. Kailangang matalo n'yo si Abellona at kapag nangyari iyon ay saka na lang namin aayusin ang problemang kinakaharap ng Secundo..." "...Alam na alam namin kung gaano kayo kalalakas kaya wag na wag n'yo siyang pababayaan. Pati ang suot niyang kwintas na to. Wag niyong hahayaang mahubad sa kaniya." bilin samin ni Nathalie at namamasa na ng luha ang kaniyang berdeng mga mata. Tumango ako at isinakay na namin si Argyris sa likod ni Kirion na isang mabalahibong leon ngayon. Ang pagkakasakay namin sa kaniya ay pasampay kaya nakalawlaw ang kaniyang mga kamay. "Maraming salamat sa inyo. Asahan niyong iingatan namin si Argyris at hindi pababayaan,” sabi ko sa kanila at tila malungkot na malungkot sila sa magiging pagkakahiwalay kay Argyris. Sila'y mga tunay na kaibigan sa kanila pa lamang mga ekspresyon sa kanilang mga mata. "Hemira, hindi ba't binilin sa atin ni Seth na dumaan muna tayo sa kaniyang restaurant dahil may importante raw siyang ibibigay kay Argyris?" tanong sa'kin ni Kirion. Tumango ako sa kaniya. "Sino?! Si Seth?! Akala ko ba ay tagapagsilbi ka ng primum?!" hindi makapaniwalang tanong ni David sa amin kaya napatingin muli kami sa mga naalarma nilang mukha. "Oo, tagapagsilbi nga ako ng primum. Bakit? Ano bang problema sa pangalang iyon?" takang takang tanong ko sa kaniya. "Bakit ganiyan ang inyong mga reaksyon?" tanong ni Aria sa kanila. "Sya'y traydor saming mga tagapagsilbi ni prinsesa Aerin! Kaibigan namin siya pero ngayong si reyna Mades na ang namumuno sa Secundo ay siya na ang pinagsisilbihan niya! Traydor ang taong iyon!" galit na galit na sigaw ni David samin. "Pano n'yo ba siya nakilala Hemira?" tanong sa akin ni Roxanne. "Sya'y tinulungan namin nang atakihin siya ng isang Albam. Siya pa nga ang nakapagsabi sa amin na sa eskwelahang Primo High namin matatagpuan itong si Argyris at tama naman siya." paliwanag ko sa kanila. Nagkatinginan silang tatlo sa aking sinabi. "Sabi pa niya'y isama ko si Argyris sa kaniyang restaurant dahil may ibibigay siya sa kaniyang isang importanteng bagay." dagdag ko pa at nanlaki ang kanilang mga mata. "Ang libro ng mahika!" sabay-sabay nilang bulalas. * * * Si Nathalie ay isang Summoner o Tumatawag - isang itong klase ng maheyang nasa liniya ng mga Secundo. Si prinsipe Alberon ay isang napakalakas na Tumatawag pero mayroon ding mga tritus na nagtataglay nito katulad ni Nathalie. Ang kakayahan nila ay tumawag ng mga diwata, nimpa, Pixia at Gent. Sa pagiging isang Tumatawag, hindi mo nakokontrol ang mga atakeng gagawin ng mga diwata o nimpa sa kalaban mo. Sila ang bahala roon at ikaw ay nanonood lang sa laban nila. Pwede kang tumawag nang sabay na diwata depende sa lakas at bihasa mo sa pagsasummon kaya nagawang tawagin ni Nathalie si Zesa, the thunder maiden habang nasa labas pa si Nero. May ibang napakalalakas na Tumatawag na kayang sumanib sa mga diwata at sila mismo ang gumamit ng mga kapangyarihan ng mga ito ngunit wala pa silang nakikitang ganoon sa kasalukuyan. Pag-atake ng mga tatlong deity kina Hemira - Sila Mirora, Nero at ang deity ng Thunder na si Zesa. Ang mga diwata ay mga mabubuting nabubuhay at kaya nila inatake sila Hemira ay dahil ang pinababantayan sa kanila ni Nathalie ay si Yohan at dahil sa pag-aakala ni Nathalie na masama sila Hemira ay tinawag niya ang mga diwatang iyon na hindi marunong manakit ng mga ibang nabubuhay at inatake ng mga ito si Hemira dahil sa pag-aakalang manganganib si Yohan sa kanilang mga kamay. Sleep Pixia Somno - Somno ang kaniyang pangalan at siya ang pinuno ng mga sleep Pixia. Kahit na maliit lamang siya ay kaya niyang patulugin ang isang tao o nabubuhay hanggang sa hindi na ito magising. Malakas din siyang kalaban lalo na pag marami sila pero ang panlaban sa kanila ay kailangan mong sugatan ang sarili mo para hindi ka makatulog sa kanilang mahika at sabuyan mo sila ng buhangin para maabo sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD