Hemira 44

3407 Words
Chapter 44 - Patibong? ~Hemira~ "Libro ng mahika?!" bulalas nila David. "Libro ng mahika? Ano iyon?" sabay-sabay na tanong rin namin nila Aria at Kirion. "Pag-aari iyon ni Prinsipe Alberon at nandoon ang napakalalakas na mahika ng mga Secundo. Hindi alam ni reyna Mades ang tungkol sa librong iyon. Pinabantay ni prinsipe Alberon iyon Argyris pero ninakaw ni Seth nung kasalukuyang hinahabol kami ni reyna Mades. Nagkunwari pa siyang tutulungan niya kaming makatakas pero gusto niya lang palang manakaw samin 'yung librong iyon!" galit na galit na sabi ni Roxanne. "Pero bakit iyon ang naisipan niyong ibibigay niya kay Argyris gayong ninakaw niya pala ang librong iyon sa inyo?" tanong ko sa kanila. Nagkatinginan rin sila at tila napa-isip. "Hindi namin alam pero yun ang unang-unang pumasok sa isipan namin na ibibigay niya kay Argyris. Mabait siyang kasamahan dati at nagsilbi naming pinuno kaya hindi namin alam kung bakit nagawa niya kaming traydurin," sabi ni David. "Sigurado kami na 'yung librong iyon ang ibibigay niya pero ang ipinagtataka ko talaga ay bakit niya ba naisipan ibalik iyon." si Roxanne at puno ng pagtataka ang kaniyang mukha. "Ano ang malay natin, baka nakokonsensya na pala siya kaya balak niya nang ibalik iyon. Wala rin naman siyang mapapala sa librong iyon dahil walang nababanggit doon tungkol sa mahikang ginagamit niya,” sabi naman ni Nathalie. "Hindi kaya pain lamang niya iyon para makuha niya si Argyris at mapatay niya ito?" tanong naman ni Kirion at nanlaki ang aming mga mata. "Maaari ngang ganoon !" bulalas ko. "Kung ganoon pala, hindi ako makakapayag na pumunta kayo doon Hemira at isasama n'yo pa si Argyris. Kahit na matuligsa pa namin ang kautusan ng hari ng primum ay hinding-hindi namin isusuko si Yohan kay Seth." madiin na sabi ni David sa amin. "Pupuntahan ko siya." seryoso kong sabi sa kanila. "Pero Hemira! Baka mamaya ay patibong nga lamang talaga iyon na ipinapain sa atin ni Seth!" saway sa akin ni Aria. "Wala akong pakialam sa kung anong patibong man ang kaniyang inihanda. Kung mahalaga ang librong iyon sa mga Secundo at hindi maaaring mapasakamay ng masamang si reyna Mades ay ako mismo ang babawi non sa kaniya at sisiguraduhin kong hinding hindi niya mapagtatangkaan ang buhay ni Argyris." ~Seth~ Madaling araw pa lang ay naghahanda na ko ng mga pagkaing naluto ko na rito sa may kusina ng restaurant ko. Wala pa 'yung mga staffs ko rito kaya ako lang ang nandito sa may restaurant ngayon. Pumunta ako ng counter at pinunasan 'yon. Biglang bumukas nang napakalakas ang pinto at naramdaman ko na ang presensya ng isang pamilyar na pamilyar sa'kin na nabubuhay. Napabuga ako ng hangin. Tsk! Pinakahuling tao na gusto kong makita ngayong araw. Mukhang hindi agad ako makakapag open nang maayos ng resto ko ngayon. Pumasok ang isang lalaking may napakahabang buhok na nakatirintas na parang sa babae at nakasuot siya ng baluti na may disenyo ng mahaba at makintab na tela na napakakukulay na masakit na sa mata ang combination. Parang ginulong sa espasol 'yung mukha niya sa puti at di iyon pantay sa kulay ng katawan. May mga suot siyang ginto't pilak na mga alahas. "Kamusta ka Seth?" mapang-asar na tanong niya sa akin. Si Candor. Ang kaliwang kamay ni reyna Mades at ako ang kanang kamay naman ng reyna. Ibig sabihin ay mas mataas ang posisyon ko sa kaniya. May kasama siyang apat na mga mandirigma na may mga dalang sibat. Simula ng mapadpad ako sa mundong ito ay ngayon lang nila ako pinuntahan pero may hula na ako kung bakit siya nandito pero di ko iyon pinahalata sa kaniya. "Anong ginagawa mo rito Candor?" seyosong tanong ko sa kaniya. Naglakad siya palapit sa akin at tinitingnan ang buong paligid dito sa loob ng restaurant ko. "Wala naman. Nabalitaan ko lamang naman na malapit lamang dito sa paligid ang tatlong mga maheyang tumakas mula sa ating kaharian. Bakit tila wala kang ginagawa upang sila ay hanapin at hulihin?" tanong niya sa'kin na puno ng pagdududa. "Nakarating na ba kay reyna Mades ang tungkol sa bagay na yan?" tanong ko sa kaniya na seryosong seryoso. "Hindi pa dahil ang balak ko ay dalhin na lamang ang kanilang mga ulo sa harap ng reyna pagbalik ko sa ating mundo nang sa gano'y magkapalit na tayo ng pwesto. Ako na ang kanan at ikaw naman ang magiging kaliwang kamay ng reyna." nagmamalaki niyang sabi. Dahil doon ay nginitian ko siya ng magiliw. "Buti naman at nakapunta kayo rito nang walang masyadong aberya. Siguradong gutom na kayo kaya bakit hindi muna kayo kumain ng mga pagkaing ipinagbibili ko sa mundong to?" Gumamit ako ng mahika para pagalawin ang mga lalagyanan ng pagkain papunta rito. Kumuha ako sa gilid ng counter ng mga plato at kubyertos para sa kanilang lima. Nilagyan ko ng mga pagkain ang mga plato ng mano mano. Ibinigay ko sa kanila ang carbonara na isa sa mga menu ko. Halata namang natakam ang mga mandirigma nang ihain ko na iyon dito sa counter dahil titig na titig sila roon. Hinding hindi nila matatanggihan ang pagkaing hinain ko sa kanila. Dahil mas napakasarap ng isang pagkain sa mga gutom na nabubuhay. Kukunin na sana nila ang mga plato nila ng Carbonara... "Sandali lamang! Baka naman may lason ang mga pagkaing iyan na kikitil sa aming buhay?" mapagdudang tanong ni Candor at matalas na tiningnan ang mga pagkain sa plato. Nginitian ko siya at kumuha ako ng kutsara saka tinikman ko isa isa 'yung mga pagkain nila. Nalasahan ko ang sobrang sarap non. Kremang krema at talagang lasang ulit. Sarap ko talagang magluto! Walang duda! Tiningnan nila ako ng halos isang minuto at saka ngumiti uli ako ng magiliw sa kanila. Wala kasing nangyari sa'kin. "Bakit ko naman gagawin iyon sa inyong mga kakampi ko? Pare-parehas lang naman tayong mga tagapagsilbi ni reyna Mades kaya hinding hindi ko maiisipang gawin iyon." pangungumbinsi ko sa kanila at mukhang tumalab na iyon sa kanila. Halata na rin ang sobrang pagkatakam sa mga mukha nila miski kay Candor na pilit na itinatago iyon pero halata ko pa rin naman sa mga mata niya. Kinuha na nila ang mga plato nila. Pati si Candor ay paismid na kinuha ang kaniya sa harapan ko. Umupo sa isang lamesa ang apat na mandirigma at nakahiwalay siya sa kanila ng lamesa. Mukhang gutom na gutom ngang talaga sila at sarap na sarap sa kanilang mga pagkain. Binigyan ko pa sila ng tubig para panulak. Nang maubos na nila ang mga pagkain nila ay tumayo na silang lima. "Kung gayon ay bakit ka pumunta rito sa restaurant ko kung 'yong tatlong maheyang tumakas pala ang hinahanap n'yo?" tanong ko ulit kay Candor. "Dahil alam ko kung bakit hindi mo sila hinahanap," sabi niya habang nagpupunas ng kaniyang bibig gamit ang kulay asul niyang panyo na sobrang tingkad ng kulay. Tinaasan ko lang siya ng isang kilay bilang pagtatanong. Lumapit siya sa akin nang sobra at ngumisi. "Batid kong nagkukunwari ka lamang na kakampi ni reyna Mades dahil ang puso mo ay kay prinsesa Aerin pa rin. Ano ang malay ko kung ikaw mismo ang gumagawa ng paraan para maitago ang tatlong maheyang iyon?" akusa niya sa'kin habang ngising ngisi na tila totoo talaga ang lahat ng kaniyang nalalaman. Sabay-sabay na na itinutok sa'kin ng mga mandirigma ang kanilang mga sibat. "Wahahahahah!" halakhak ko sa sinabi niyang iyon kaya napalayo siya sa'kin at napuno ng pagtataka ang mga mukha nila. "Ano ang iyong tinatawa-tawa?!" galit at puno ng pagtatakang tanong niya sa'kin kaya sumeryoso na ko. Ipinitik ko ang mga daliri ko at biglang inubo 'yung isang mandirigma sa kanila. Pumitik pa ko ng dalawang beses at pati 'yung dalawa pang mandirigma ay umuubo na rin at napasalampak na sa sahig sa sobrang pag-ubo. Pinitik ko pa ng isa at ang huling mandirigma ay nagsimula na ring umubo ng sobra. "Anong nangyayari sa inyo?!" tanong ni Candor sa kanila. Sabay-sabay na bumula ang mga bibig nila at nang matanto na niya ang ginawa ko ay poot na poot siyang tumingin sa akin. "IKAAAAW!" sigaw niya at ipinitik ko pa ng isang beses ang mga daliri ko. Nagsimula na rin siyang umubo at tinakpan niya ang bibig niya gamit ang kamay niya. Nang alisin niya iyon ay nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang dugo ron. Napangiti ako. "A-anong ginawa mo sa'kin?!" galit na galit niyang tanong at hinang-hinang napaupo. Bumigkas siya ng mahika pero pumitik ulit ako at doon ay sumuka na siya ng dugo kaya hindi niya naituloy ang paggawa niya ng mahika. "Hindi na sana kayo pumunta pa rito. Eh di sana, hindi kayo mamamatay." seryoso kong sabi sa kanila. Malakas si Candor. Sobrang malakas siyang gumamit ng mahika pero mas tuso nga lang talaga at mas malakas ako sa kaniya. "Seeeeeeeetthhh! Magbabayad ka sa ginawa mo sa'king ito! Parating na ang malalakas kong mga alagad na pinasunod ko rito!" sigaw niya sa'kin na puno ng poot at napasalampak na siya sa sahig habang namimilipit sa sakit ng tyan. "Ano mang kabayaran ay ibibigay ko. Hindi rin ako takot sa mga alagad mo pero ako na ang bahala kina David lalo na kay Hemira. Ako ang kakalaban sa kanila." seryoso kong sabi sa kaniya at doon ay nawalan na siya ng buhay katulad ng apat niyang mandirigma. Bumubula pa rin ang kaniyang bibig at dilat ang mata niyang nakatingin sa'kin na nawalan ng buhay. *—* * *—* ~Hemira~ "Ito na ba ang restaurant na bukambibig sa amin ni Seth, David?" tanong ni Aria kay David. Nilingon ko sila na nasa aking likuran at seryoso rin silang nakatingin sa restaurant na nasa harapan namin. "Oo, ito na nga 'yon. Kahit kailan ay hindi kami dumaan o lumapit man lang sa lugar na ito dahil alam naming nandito si Seth at kapag nakita niya kami, siguradong huhulihin niya kami para dalhin kay reyna Mades sa isang kisapmata lang,” sabi niya. Nasa loob ng mahikang ilusyon niya si Kirion na kasalukuyang sakay sakay ang nakasampay na si Argyris sa kaniya para hindi sila makita ng mga tao sa paligid. Wala pa ring malay si Argyris. Tiningnan ko na muli ang restaurant sa aking harapan. "My close sign pero ramdam ko na nandyan si Seth sa loob. Ramdam na ramdam ko,” wika ni Roxanne na naniningkit pa ang mga mata. "Mag-iingat kayo Hemira. Tuso yang si Seth kaya wag na wag kang magpapadala sa painosente niyang mga akto." babala sa akin ni David. Tumango ako sa kaniya. Pumasok na ako roon. Kami lamang ni Aria ang magkasama at yakap yakap ko ang librong siya. Nakita kong nagpupunas ng lamesa si Seth na mag-isa. Pasipol sipol pa siya at tila walang inaalala sa buhay. Walang tao rito sa loob kundi siya lamang. Nang mapatingin siya sa'kin ay agad siyang napangiti ng malawak na tila ba tuwang-tuwa siya na ako'y dumating. "Oh! Hemira! Buti dumaan ka na rito! Akala ko matatagalan ka pa eh!" salubong niya sa akin na tuwang-tuwa. Lumapit pa siya sa'kin. Nagtingin tingin ako sa paligid at maaliwalas ang buong lugar. Naparaming mga lamesang may mga nakapatong na magagandang diesnyo ng tela(mantel) at mga upuan. May mga paso rin ng halaman sa mga pader. "Nahanap mo na ba si Argyris?" tanong niya kaya awtomatikong napatingin ako sa kaniya. Seryosong seryosong tingin ang ipinukol ko sa kaniya at tinitigan ko ang nakangiti niyang mga mata. Hindi ko mabasa kung ano ba talaga ang klase ng kaniyang pagkatao. Tumango ako ng kaunti. Tinanaw tanaw niya ang aking likuran. "Asan siya? Hindi mo siya kasama?" inosenteng tanong niya. Hindi ko inakalang ang maamo niyang mukha ay isa lamang palang maskarang nagtatago ng masama niyang pagkatao. Nagawa niyang traydurin ang prinsesang kaniyang pinagsilbihan at ninakaw niya pa ang mahalagang bagay na pinabantay sa kaniyang kasamahan. "Iniwan ko siya sa kaniyang tirahan sapagkat nawalan siya ng malay nang kaniyang makita sila Kirion at Aria." seryoso ko pang sagot sa kaniya. Bigla siyang natawa sa tinuran kong iyon. "Hahahah! iyon naman ang ineexpect kong magiging reaksyon niya,” sabi niya habang tumatawa. Napatingin ako kay Aria at pinupukol niya siya ng masamang tingin. Napatingin si Seth sa kaniya nang tumigil na ito sa pagtawa. "Oh! Magandang binibining libro. Kamusta ka na?" tanong ni Seth sa kaniya. "Hmph!" pagtataray ni Aria sa kaniya. Napangiti lamang siya at biglang tila may naalala siya. "Ay! Oo nga pala. Yung importanteng bagay na ibibigay ko kay Argyris. Sayo ko na lang ibibigay tapos iabot mo sa kaniya." nakangiti niyang sabi at tumalikod na siya saka naglakad papuntang hagdan sa gilid ng pader at umakyat doon. "Maghanda na tayo Hemira. Siguradong pagbaba niya ay gagawin niya na ang patibong niya sa atin." babala sa akin ni Aria. Kumawala siya sa akin at nag-anyong apoy. Tumango ako sa kaniya at aking hinawakan ang hawakan ng aking dalawang espada. Hhinintay namin na siya'y makababa. Nang marinig na namin ang kaniyang yabag ay napahigpit ako ng hawak sa aking mga espada. Nang makababa na siya ng tuluyan ay ngiting ngiti lamang siyang tumingin sa amin. Huhugutin ko na ang aking mga espada at nakahanda na rin si Aria sa pag-atake sa kaniya nang iwagayway niya sa amin ang isang may kaliitang libro. Napatigil tuloy kami ni Aria at napatitig doon. Lumapit siya sa'kin at ngiting ngiting binigay sa'kin ang librong iyon. Awtomatikong tinanggap ko iyon. Tiningnan ko ang nakasulat sa pabalat niyon. "Jumon de Magea." basa ko roon at nakitingin din si Aria rito. "Book of magics o sa tagalog ay libro ng mga mahika,” wika ni Seth habang nakangiti sa akin. Tama nga sila Nathalie. Ang libro nga ng mahika ang kaniyang tinutukoy na importanteng bagay na ibibigay niya kay Argyris. Nangunot ang aking noo sa pagtataka. "Ibibigay mo lamang sa akin ito? Ng ganoon ganoon lamang?" takang tanong ko sa kaniya. Tumango siya na para bang wala lamang sa kaniya ang pag-aabot sa akin ng librong ito at nakangiti pa rin. Agad ko iyong inilagay sa loob ng aking lagan at kinuha ko na ang aking dalawang espada saka itinutok ko sa kaniyang leeg ang isa sa mga iyon. Nakaamba na rin sa kaniya si Aria. Nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi at sumeryoso ang kaniyang mukha. "Totoo ba na isa kang traydor ng mga Secundo?!" tanong ko sa kaniya. Hindi siya umimik ngunit bigla siyang tumalon paurong at naglabas mula sa likuran niya ng dalawang kutsilyo. (Kitchen Knife) Tiningnan niya ako ng may ngiti na muli sa kaniyang mga labi. "Gustong gusto kong makalaban ang heneral ng Gemuria at mukhang tsansa ko na ngayon." nakangiti niyang sabi at tila naaaliw pa siya sa nangyayari. Susugod sana si Aria sa kaniya... "Aria, wag mo siyang atakihin! kaming dalawa ang magtutuos." maawtoridad na sabi ko sa kaniya kaya hindi niya na itinuloy ang kaniyang pag-atake at tumango sa akin. Nagpakiramdaman kami ni Seth. "Tsk! Magkakasira tong resto ko! Baka ilang buwan akong magclose nito ah." kausap niya sa kaniyang sarili at tila hindi niya ramdam ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Umatake na ako sa kaniya ng aking dalawang espada at sinasalag niya iyon gamit ang dalawa niyang kutsilyo. Hindi siya nahihirapan na sundan ang aking galaw at halatang sanay din siya sa paggamit ng mga sandata. Nang aatake na muli ako sa kaniya ay agad siyang umupo at tinalapid ang aking paa ngunit agad akong tumalon at sisipain na ang kaniyang mukha kasabay ng aking pagtalon ngunit lumiyad siya sa kaniyang pagkakaupo at tinuon ang dalawang kamay sa sahig saka malakas inangat sa ere ang kaniyang dalawang paa at sinipa ang aking likuran gamit ang unahan ng kaniyang sapatos. Sobrang lakas ng kaniyang sipa sa aking likuran at tumalsik ako sa loob ng isang silid. Sa kusina. Naglaglagan ang mga bakal na gamit dito at napakaingay niyon. May ilan pang mga nabasag. Bumagsak ako sa sahig at nagbagsakan sa akin ang ilan sa mga iyon. "Hemira!" nag-aalalang tawag sa akin ni Aria. Narinig namin ang marahas na pagbukas ng pinto at nakita kong pumasok na sila David, Roxanne at Nathalie rito sa restaurant. "Hemira!" tawag rin nila sa akin. Alalang-alala sila. Ngunit may nahagip ang aking mga mata rito sa kusina. Sa gilid di malayo sa akin ay mayroong limang bangkay ang nakasandal sa pader. Apat ay sa mandirigma at isa ay sa tingin ko ay isang maheya. Pumasok na rito si Seth sa kusina kaya kaniyang nakuhang muli ang aking atensyon at hindi pa man ako nakatayo ay aatakihin niya na ako kaya itinaas ko ang aking isang paa at sinipa siya ng malakas sa kaniyang sikmura. Tumalsik siya sa may pader at nagkaroon ng bitak iyon. Tumayo kaagad ako. Hinigpitan ko ang hawak ko sa aking mga espada. Sya naman ngayon ang aking aatakihin nang aking maramdaman ang maraming presensya na palapit na sa amin. "Por mi magia , voy a hacer una ilusión!" bigkas ni David ng mahika at nabalot ng ilusyon ang buong lugar. Naging isang lugar ito na mabatong lupain at wala ni isang mga halaman o kung ano pa man ang naririto. Napakalawak rin nito. "Nandito na sila,” sabi ni Seth na nakasalampak pa rin sa lupa sa harapan ko kaya ako'y napatingin sa kaniya. Patayo na siya kaya sasaksa'kin ko na siya bago pa man siya makabawi ngunit... "Ego c*m silvam caederet , ligabis ea!" bigkas ng mahika ng isang nabubuhay sa aking likuran at bago pa man ako makalingon ay biglang tila may ugat ng puno ang pumulupot sa aking dalawang kamay. Pinilit kong hilahin ang aking kamay ngunit lalong humihigpit iyon. Pati aking mga paa ay may pumulupot na rin kaya bumagsak ako padapa sa lupa. Nabitawan ko ang aking dalawang espada sa higpit ng pagkakatali sa aking mga kamay at paa. Naramdaman ko na may pumulupot na rin sa aking katawan at tila gusto akong ibaon ng ugat na kahoy na iyon sa aking kinasasadlakan. ~Kirion~ "Hemira!" sigaw ni daldal- Ariadne sa loob kaya agad kaming napatingin doon nila David. Tila may nagbagsakan doong mga bakal na kagamitan at may kaguluhang nagaganap. Susugod na sana ako papasok... "Kirion! Nakalimutan mo na bang nakasakay sayo si Yohan?! Kung papasok ka sa loob, baka makuha siya ng tuluyan ni Seth satin!" galit na sigaw sa'kin ni Roxanne. Doon ko lamang napagtanto na tama siya. Na nasa akin si Argyris. "Kame na lang ang papasok sa loob para tingnan kung ano na nga ba ang nangyayari,” sabi ni David habang kuyom na kuyom ang kamao. Nagmamadali na silang pumasok sa loob na tatlo at ako ay naiwan lamang ditong mag-isa sakay-sakay itong si Argyris sa aking likuran. Gustong-gusto kong pumasok sa loob upang malaman kung ano na ba ang nangyayari kina Hemira ngunit hindi maaari. Maya-maya ay nakaramdam ako ng napakaraming kakaibang presensya. Sobrang dami niyon at nakapaninindig balahibo. Biglang nabalot sa loob ng ilusyon ang restaurant ni Seth. Ramdam na ramdam ko ang pagkalat ng mahika ni David sa buong lugar kaya siguradong mayroon nang hindi magandang nagaganap sa loob. Nais na nais ko na talagang pumasok ngunit paano si Argyris?! Baka malingat lamang ako ng kaunti ay makuha na siya sa akin ng mga kalaban. Ngunit paano kung sila Hemira ngayon ay pinagkakaisahan na ng napakaraming mga presensyang bagong dating pa lamang?! Tiningnan ko si Argyris na nakasampay sa aking mabalahibong likuran. Wala pa rin siyang malay. "Patawad Argyris ngunit hindi ko kayang matiis si Hemira." seryoso kong sabi sa kaniya kahit na alam kong hindi niya naman ako narinig dahil wala siyang malay. Tumakbo na ako papasok ng ilusyon na binalot ni David sa buong restaurant ni Seth. Nang makapasok ako ay nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita. Kaguluhan ang nagaganap dito sa isang malawak na lupaing ito! Napakaraming mga halimaw na nabubuhay ang naririto at hindi ko alam kung saan sila galing. Napatingin ako kay Seth. Nakatayo lamang siya at nakatingin sa mga nangyayari. Nakadama ako ng sobrang galit. Ito na ba ang patibong na kaniyang hinanda para sa amin nila Hemira?! Magbabayad siya! Pasugod na ako sa kaniya at dahil sa aking pagtakbo at nalaglag sa lupa si Argyris. Napalingon ako sa kaniya. Nakahiga lamang siya sa lupa at walang malay. Ngunit napatingin din ako kay Hemira. Binabalot na siya ng tila ugat ng puno at nakadapa siya sa lupa. Napalingon muli ako kay Argyris. Patawad. Inilabas ko ang mga patusok na bakal sa aking buong katawan at sumugod na ako papunta kay Hemira para tulungan siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD