YELENA P.O.V Nasa loob ako ng opisina ng doktor, nakaupo sa harap ng kanyang mesa habang nakatingin ako sa mga papel na nakalagay doon. Ipinatong ko ang aking siko sa mesa at hinaplos ang noo ko. Ramdam ko ang bigat ng mga mata ko. Hindi ako nakakakuha ng sapat na tulog. Bawat gabi, ako’y nagigising sa kalagitnaan ng dilim, tinititigan ang natutulog na si Vladimir. Ayaw ko siyang bitawan, gusto kong kabisaduhin ang bawat detalye ng kanyang mukha—ang mga labi, ang hugis ng kanyang panga, at ang mga mata niyang madalas akong sinusulyapan. “Ms. Yelena?” tawag ng doktor, boses niya’y kalmado ngunit seryoso. Napatingin ako sa kanya, at pilit kong pinanday ang lakas ng loob ko. “Yes, Doc?” sagot ko, kahit na sa loob-loob ko ay natatakot ako sa kung ano ang sasabihin niya. Ang daming beses na

