VLADIMIR SERGEI P.O.V Pagkalapag namin sa Pilipinas, hindi ko maiwasan ang pakiramdam ng pagkaluwag sa dibdib ko. Dati, pinangako ko sa sarili ko na hindi ako babalik dito hangga’t hindi ko kasama si Yelena. Noon, parang imposible ang pangarap na iyon, lalo na nang malaman ko ang kondisyon ko. Pero ngayon, hawak-hawak ko ang kamay niya habang naglalakad kami palabas ng airport. Tumitingin ako sa paligid, damang-dama ko ang init ng araw kahit December na. Eldraesia—ang lugar kung saan kami unang nagkita. Ang lugar na nagsimula ang lahat. "Totoo bang nandito na tayo ulit?" tanong ni Yelena habang nakatingin sa akin, ang mga mata niya ay punong-puno ng excitement. Ngumiti ako, at hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya. "Yeah, we're really here," sagot ko, hindi pa rin makapaniwala. "

