NABIGLA si Kyzer nang makita ang bangkay sa isang silid sa second floor. Napaatras siya pero agad na natigilan nang may kung anong maapakan. Tumunghay siya roon at nang makita ang larawan ay dinampot niya ito. Iyon ang larawang nakita rin ni Leo kanina. Tinitigan niyang mabuti ang larawan bago nagmamadaling pumihit palabas ng silid na iyon. Ngayon ay naunawaan na niya ang sinabi ni Leo kanina. Plano ni Lyndon na patayin ang dalawa. "Kylie, Max!" Para nang sasabog ang kanyang dibdib sa tindi ng kanyang pag-aalala para sa dalawa. Sinunod-sunod niya ang kuwarto roon hanggang sa mapansin niya ang hagdanan sa dulong pasilyo. "Kylie, Max!" tawag pa niya sa mga ito habang umaakyat sa hagdanang iyon. At ganoon na lang ang pagka-gimbal niya nang makita roon ang dalawa sa kritikal na

