INIHIMPIL ni Naylor ang kotse sa garahe ng mansiyon at bumaba upang pagbuksan ng pinto si Kylie. "Pasensya ka na, kung naistorbo pa kita," sabi ni Kylie nang makababa ito. Nag-under time siya sa opisina dahil tinawagan siya nito upang magpasundo dahil masama raw ang pakiramdam. Nakabalik na ang driver nito kahapon pero ewan ba niya at siya pa rin ang pinaghatid nito kanina sa opisina at ngayon nga ay nagpasundo sa kanya at nagpahatid pauwi. Isang buwan na ang nakakaraan mula nang mangyari ang bangungot ni Kylie pero parang pakiramdam niya ay kahapon lang iyon para rito, kaya naman nag-aalala siya. Kung sabagay, hindi pa naman talaga matagal ang isang buwan para makalimutan iyon pero pakiwari niya ay mas tumataas ang pader na nakapagitan sa kanila ni Kylie. Araw-araw niya itong

