SINUNDO nga niya ang kapatid sa mismong opisina nito. Habang palabas sila ay panay bati sa kanila ng mga empleyado partikular sa kanya kapag mga babaeng empleyado. "Iba talaga ang karisma mo," pabulong na sabi ni Kylie sa kanya. "Haist, alam lang nila na anak ako ng Chairman kaya sila ganyan, pero kung nagkataong hindi, malamang hindi nila ako tingnan man lang," sabi niya habang sinasabayan ito sa paglakad. Hinawakan niya ito sa kamay. "Ops," react nito. "Bakit? Wala na ba akong karapatang hawakan ka sa kamay porque may boyfriend ka na ngayon?" "Hindi, sasabihin ko nga sana na namiss ko 'to eh." Tumatawang hinampas siya nito sa braso bago umangkla sa braso niya. NAPAIKOT ang eyeballs ni Maxine nang makitang si Marcus ang magda-drive ng kotse para sa kanya. May prenatal chec

