AKALA ni Kyzer ay nahuli na siya ng dating para sa selebrasyon ng birthday ni Naylor dahil umuwi pa siya pagkatapos manggaling sa trabaho. Pero napakunot ang noo niya nang madatnan sa loob ng restaurant bar si Eynon na mag-isa at wala pa si Naylor. "Oh, nasaan na ang birthday boy?" tanong niya kay Eynon. Nagkibit-balikat ito. "Ewan ko, dalawang oras na nga ako naghihintay rito at nauuhaw na ang lalamunan ko sa alak pero wala pa rin siya. Order ka na please, wala akong pera ngayon, eh," tila nadi-depress na wika nito. "Dehydrated na ako," dagdag pa nito. Napailing siya at gustong matawa. "Lakas ng loob mong mauna rito eh, wala ka naman palang pera," kantiyaw niya kay Eynon. "Hindi ka ba nahihiya para kang tanga?" Imbes na pansinin ang sinabi niya ay tumawag ito ng waiter. Siya naman a

