HALATA ang pagkagulat nila Naylor at Kylie nang bigla na lang pumasok sa pinto ng condo unit ng una si Kyzer. Nakaupo ang mga ito sa sofa at halos katatapos lang sa mainit na pagniniig. Pawisan pa nga at kapwa humihingal pa. Kaagad niyang hinagod ng tingin ang dalaga na noon ay suot ang t-shirt ni Naylor habang si Naylor naman ay nakapantalon pero topless. "Happy Birthday," malamig ang tonong bati niya sa kaibigan na noon dito na nakatingin. Hindi ito nakapagsalita kaagad at naiiwas ang tingin sa kaniya. "Ahm... K-kuha lang ako ng maiinom," kapagkuwa'y sabi nito na sinabayan ng pagtayo buhat sa sofa at tinungo ang kitchen. Lumakad siya palapit sa binakanteng puwesto ni Naylor habang nakatitig kay Kylie. Mauupo na sana siya pero napansin niya ang mantsa sa cover ng sofa. Camel a

