"TAPOS na po ang ating pagdiriwang, humayo kayo taglay ang kapayapaan at ang pag-ibig ng Diyos. Ama, Anak at Espirito Santo," sabi ni Kyzer habang ikinukumpas ang kamay pa-krus sa hangin. "Amen... Palakpakan natin ang Panginoon. " dugtong pa niya. Umugong ang palakpakan sa loob ng simbahan kasunod ang pag alingawngaw ng praise song sa pamamagitan na choir na naroon. Nakiawit ang ilan habang ang iba ay lumabas at ang iba naman ay lumapit sa kanya upang magpa-bless. Hindi nakaligtas sa pandinig niya ang bulungan ng ilang kababaihan na kinikilig pa kapag nadadaanan ng kanyang tingin at nalalapatan ng kanyang palad sa ulo. "Gwapo talaga niya, sana hindi na lang siya nag-pari.." sabi ng isa sa mga iyon. Ngunit iniignora lamang niya. "God bless you, God bless you. " paulit ulit l

