"HAPPY birthday!" bati ni Kyzer kay Kylie. Inakyat niya ito sa silid nito nang umagang iyon para lang i-abot dito ang dala niyang basket ng bulalak for peace offering at ang regalo para sa kaarawan nito nang araw na iyan mismo. Hindi ito kumibo sa pagkakahiga sa kama. Tiningnan lang din nito ang mga dala niya pero hindi nagsalita. "Labas tayo mamaya, namimiss ko na kase 'yong mga paglabas-labas natin noon," malumanay na sabi niya. Pero hindi pa rin ito nagsalita. Tinangka niya itong hawakan sa kamay pero iniiwas nito iyon at pumihit ng higa patalikod sa kaniya. "Umalis ka na kung ayaw mong masayang ang araw na ito para sa akin," malamig ang tonong sabi nito sa kaniya. "Sorry na..." sabi niya imbes na sundin ang sinabi nito. Hindi ito nagsalita. "Kylie, patawarin mo ako sa g

