NANG makalabas na si Maxine sa ospital ay kinulit niya ang ama na puntahan kung nasaan si Leo. Napilitan naman itong samahan siya. Nasa ospital pa ito at inaantay pang gumaling ang tinamong sugat bago i-detina sa piitan. Bantay-sarado ito ng pulis at sundalo doon sa ospital. Pinahintulutan naman siya ng mga ito na makausap si Leo. Agad na napatitig sa kanya ang binata nang makita siya sa pagpasok niya sa pintuan ng silid na kinaroroonan nito. Pinilit nitong bumangon pero agad niyang pinigilan. "H'wag ka ng bumangon, baka dumugo pa ang sugat mo eh," nag-aalalang sabi niya rito. Hinawakan nito ang kamay niya saka ngumiti. "Na-excite kase ako nang makita ka, masaya ako at ligtas ka..." Namasa ang mga mata ni Leo. Tinitigan niya ito at sumagi sa alaala niya ang ilan sa mga hap

