IMINULAT ni Leo ang mga mata niya saka nanlalatang kinuha ang cellphone sa bulsa at nag-dial ng numero na agad ding kinansela. Hindi niya kayang ipagkanulo sa mga pulis ang kapatid, kaya naman nagdesisyon siyang pigilan na lamang ito sa sariling paraan. Pinilit niyang bumangon habang sapo ang ibaba ng kanyang batok kung saan siya hinataw ni Lyndon ng tubo kanina. Kailan lang niya nalaman ang masamang plano ng kakambal, kaya matapos niyang matuklasan ang maitim nitong balak ay kumilos din siya at gumawa ng sariling plano. Subalit dahil kapatid niya ito at ito na lang ang natitirang mahal sa buhay matapos na masawi sa ambush ang kanilang mga magulang na kapwa rin sundalong gaya niya ay palagi siyang naduduwag na gawin ang plano para maputol ang kahibangan nito na unti-unting umusbong

