14

1162 Words
IMINULAT ni Maxine ang mga mata. Pinakiramdaman niya ang masakit sa kamay at tagiliran niya, hindi na niya iyon masyadong maramdaman. Napalinga siya nang makitang iba ang paligid niya. Kagaya ng dating ginagawa tuwing gigising sa umaga ay uminat siya pero kaagad siyang natigilan nang maramdamang parang may pumigil sa paa niya. Awtomaiko siyang tumingin sa paanan niya. Namilog ang kaniyang bibig at mga mata nang makitang nakahiga sa paanan niya si Kyzer at yakap-yakap ang kanang paa niya. Kaagad niyang hinila rito ang paa sabay sipa sa mukha nito. "Hmmm… " ungol nito saka bumago ng puwesto dahilan para malilis ang blanket sa ibabang bahagi ng katawan nito. Namilog lalo ang mga mata niya nang makitang naka-boxer brief lamang ito. Natutop niya ang labi at noon lang naalala na i-check ang sarili. Wala namang naalis sa kasuotan niya. Kinapa niya ang pagitan ng kaniyang mga hita, hindi iyon basa at wala ring maramdaman na kakaiba roon kaya nakahinga siya ng maluwag. Dahan-dahan siyang kumilos upang bumangon at umibis sa kama. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" Natigilan siya nang marinig ang malat na boses ni Kyzer. Nilingon niya ang binata at nakita niyang nakatingin ito sa kaniya. "Sabi ni Doc. Gomez, nagkaroon ng infection ang sugat mo kaya nilagnat ka. Hindi mo ba nainom 'yong gamot na iniwan ko sa 'yo sa apartment mo kagabi?" tanong nito sa kaniya. Hindi siya sumagot. "Hindi ka pa rin ba magpapasalamat? Para kaya akong nurse na panay check sa 'yo pagkaalis ni Doc, observe ko raw kase 'yong body temp mo, tapos ginawa mo pa akong patungan ng paa mo rito," pantay ang boses na sabi nito. "Salamat," maikling tugon niya at umibis na sa kama saka lumabas na ng kuwarto nito. Sinundan naman siya nito ng tingin bago umayos ng higa sa kama nang makalabas na siya. Uminat-inat ito roon habang may pilyong ngiti sa labi. ••• "KUMUSTA si Kylie?" tanong ni Kyzer kay Naylor nang makitang dumating na ito. Inantay talaga niya ito roon sa labas ng headquarter para itanong dito ang kapatid. Lunes noon at inihatid nito sa opisina ang dalaga. "Ayon, tahimik siya parang moody. Ano bang nangyari noong tumawag ka sa akin at hinahanap mo siya?" usisa nito sa kaniya. Tiningnan niya ito at napabuntong-hininga. "Idaan mo s'ya mamaya sa bahay," bagkus ay sabi niya rito imbes na sagutin ang tanong nito. May access ito sa exit at entry control sa bahay niya pati si Eynon at ganoon din siya sa bahay ng mga ito. "Bakit hindi na lang ikaw ang sumundo sa kaniya mamaya?" "Pupunta kami ni Eynon mamaya sa apartment ni Sister Max, ikaw na muna ang bahala sa dalawa." Tiningnan siya nito at sinubukang basahin ang nasa isip niya pero iniiwas niya ang sarili rito. Kumilos siya at lumakad na papasok sa loob ng headquarter, sumunod naman ito. "Malapit na nga pala ang birthday ni Kylie, may naisip ka na bang i-regalo sa kaniya?" kapagkuwan ay tanong nito sa likuran niya. Bahagya siyang natigilan. "Pinag-iisipan ko pa," tugon lang niya at hindi ito nilingon. Ang totoo ay nawaglit sa isip niya ang birthday ng kapatid at ito pang si Naylor ang nagpa-alala sa kaniya. Mabuti na lang at may dalawang linggo pa siyang mahigit para umisip ng surpresa kay Kylie. Noon tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya iyon sa bulsa at sinagot. "Mom," bungad niya sa ina. Sumenyas sa kaniya si Naylor upang ipaalam na mauuna na ito sa kaniya sa loob. Tumango siya bilang tugon. "Si Master Sergeant Leo De Vega. 2nd Infantry Division Camp Capinpin Tanay Rizal, twenty-three years in service, sa Military Police Department. Kailangan mo pa ba ng serial number niya?" dire-diretso na sabi nito sa kaniya bilang sagot sa ipinadala niyang mensahe rito noong nakaraan. "No need, Mom, ako na ang bahala to the rest. Thank you, bye." Tinapos na niya ang tawag at ibinalik ang cellphone sa bulsa. Napatulala siya sandali bago nagpatuloy sa paglakad. ••• NAPAHANGA si Maxine nang ikutin ang kabuuan ng bahay ni Kyzer. Parang hindi lalaki ang nakatira roon. Malinis at organized ang kagamitan. Hindi niya iyon napansin kagabi nang dumating sila. Ang buong bakuran nito ay carabao grass maliban sa pathway at garage nito. May lanai ito at maliit na green garden. Mabuti na lang at binigyan siya ng binata ng access sa mga pinto ng bahay nito. Ngunit mahigpit nitong ipinagbilin na bawal siyang magbukas ng gate o lumabas doon. Hindi niya alam kung bakit, hindi na rin siya nagtanong tutal naman ay wala rin itong magagawa kung gustuhin niya iyong gawin. Nang magsawa roon ay pumasok siya sa loob ng bahay at naglinis pa rin kahit wala namang kailangan na linisin. Natigilan siya sa kakaikot nang mapansin ang isa pang pinto sa tabi ng home mini bar. Inihinto niya ang ginagawa at lumapit doon. Hindi iyon naka-lock kaya malaya siyang nakapasok at namangha na naman siya nang malamang isa pala iyong gym. Tiningnan niya ang kamay. Hindi pa iyon ganap na magaling. Napatingin siya sa punching bag. Sayang, namimiss na niyang humataw noon. Mula nang pumasok siya sa kumbento ay hindi na niya iyon nagawa kaya kulang na rin talaga siya sa ensayo. Tama si Kyzer. Kulang siya sa husay...sa ngayon. Hinubad niya ang t-shirt at lumapit sa treadmill. ••• NAPAHINTO sa ginagawa si Kyzer nang maalala si Maxine. Kinuha niya ang toughpad upang i-check ang dalaga sa bahay niya. Tiningnan niya isa-isa ang bawat bahagi ng kaniyang bahay at nakita niya na nasa gym ito. Napangiti siya at napailing nang makita ang ayos nito. Nahantad na naman sa paningin niya ang katawan nito at sa pagkakataong iyan ay mas natitigan niya ito. Napaka-sexy nito, nakakagigil ang maliit nitong baywang at matambok nitong pang-upo. Napabuntong-hininga siya nang maramdaman na tila kakapusin siya ng hangin sa dibdib dahil sa kakaibang nararamdaman nang mga sandaling iyan. "How I wish na hubarin mo rin yang boxer shorts," wala sa loob na nasabi niya. Litaw na litaw ang makinis at maputi nitong legs sa boxer shorts niya na ipinagamit din niya rito. Perpekto ang hugis ng legs nito, animo'y hinubog na kandila. "Good day, Sir Sea." Nagulat siya at pataob na naibagsak sa glass tabletop ng kaniyang desk ang hawak na toughpad. "Nagulat ba kita?" natatawang tanong ni Eynon sa kaniya. Napasaltik ang mga bagang niya. "Bakit ba hindi ka kumatok bago pumasok!?" Hindi niya naitago ang inis dito. Kunwa'y natigilan at napaisip ito. "Kumatok naman ako," sabi nito kapagkuwan. "Baka hindi mo lang talaga narinig." Tinapunan niya ito ng masamang tingin bago napatungo at napailing. Bakit hindi nga niya narinig? "Pumunta ako para sa plano mamaya," sabi nito saka lumapit sa kaibayo niyang upuan at naupo. "Handa ka na bang ma-discharge sa serbisyo kung magkataon?" Mataman niya itong tinitigan. "Tandaan mo, Eynon, kung ma-discharge ako sa serbisyo kasalanan mo. Sige na, makakaalis ka na," pagtataboy niya rito. Kibit-balikat naman itong kumilos at iniwan siya. Napasunod siya rito ng tingin habang napapaisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD