15

1233 Words
HINDI na napigil ni Kylie ang sarili na tawagan si Maxine. Nag-aalala siya rito pero nahihiya siya. Wala siyang nagagawa kapag umiiral ang hindi magandang ugali ni Kyzer. Nagri-ring lang ang cellphone ni Maxine at hindi nito iyon sinasagot. Inilapag niya ang kaniyang cellphone at tinutop ang labi. Naisip niya na baka may sama ito ng loob sa kaniya dahil nasisi ito ni Kyzer. Sumulyap siya sa wristwatch at nakitang alas kuwatro na rin pala ng hapon. Tumayo siya at dinampot ang purse bag saka lumakad palabas ng opisina. "Bye, Miss Kylie," sabi sa kaniya ng secretary nang makita siya nito paalis na. "Bye, Sally." Kumaway pa siya rito bago nagpatuloy sa paglakad. Kakaparada lang din ni Naylor sa sasakyan nang makalabas siya. Kaagad siya nitong ipinagbukas ng car door. Sumakay siya. "Naylor, p'wede bang ihatid mo muna ako sa apartment ni Maxine?" tanong niya rito nang kapwa na sila nasa loob ng sasakyan. Tiningnan muna siya nito bago pinausad ang kotse. "Ihatid daw kita sa bahay ni Kyzer, 'yon ang bilin niya sa 'kin," pantay ang tonong sabi nito sa kaniya. "Pero—" "Kylie," putol nito sa kaniya bago siya sinulyapan. "Makinig ka na lang, okay?" Umismid siya rito at sumimangot. "Bakit ba pagdating kay Kyzer palagi kang nakikinig? Wala ka bang sariling pag-iisip at kakayahang magdesisyon? Lahat na lang ba ng sasabihin niya susunod ka na lang?" pagtataray niya sa binata. Hindi ito nagsalita. Padabog na umayos naman siya ng upo. Ewan ba niya at nakadama siya ng inis dito nang marinig na pati ito ay sumusunod lamang din sa kapatid niya. "Hindi ganoon 'yon, okay?" kapagkuwan ay narinig niyang sabi naman nito. "That's what I see," pagtataray pa rin niya rito. Inihinto nito ang sasakyan sa gilid ng kalsada tapos ay tumingin sa kaniya. Bigla siyang nanigas nang bigla itong dumukwang sa kaniya. Halos dalawang dangkal na lamang ang layo ng kanilang mga mukha nang huminto ito para ikabit lang pala ang seatbelt niya. Lumayo ito matapos nitong maikabit iyon sa kaniya at muling pinausad ang sasakyan. Napagsaltik niya ang mga bagang sa inis dito. Buong akala niya ay hahalikan siya nito para patahimikin sa ganoong paraan. Kaagad na pa naman sana niyang naihanda ang sarili sa first kiss niya kahit pa nga naninigas siya sa labis na kaba. "Palagi mong iisipin ang safety mo, kagaya ng pag-iisip ni Kyzer niyon para sa 'yo," narinig niyang sabi nito. Paismid na iniwas niya ang tingin dito at mas piniling manahimik na lang. Pinilit na lang niyang libangin ang sarili sa pagtanaw sa labas ng sasakyan. ••• NAKITA ni Kyzer na naka-park pa roon sa garage niya ang sasakyan ni Kylie. Magha-hatinggabi na noon. Binuksan niya ang maindoor sa paraan kung paano iyon buksan at pagbungad pa lang niya ay sinalubong na kaagad siya ni Kylie at niyakap. "Sorry..." malambing na sabi nito saka bumitaw sa pagkakayakap sa kaniya. "Anong...?" binitin niya ang tanong saka tumingin sa kanila Maxine at Naylor na nakaupo sa mahabang sofa at kapwa nakatingin sa kanila. "Basta, at dahil d'yan, lumabas kami para ibili ka ng American back ribs na paborito mo, niluto ko 'yong mga favourite recipes mo," maluwang ang ngiting sabi nito. Paismid siyang ngumiti. "Napaka-OA naman nito. Ano bang meron?" Hinampas siya nito sa braso. "Thank you sa pag-save mo kay Maxine…" malambing at pabulong na sabi ng kapatid sa kaniya. "Tss..." react lang niya at hinubad na ang sapatos saka inilagay iyon shoe rack. Iniwan niya ang medyas at isinuot ang tsinelas na panloob. "Kain na tayo at gutom na ako, sinamahan ko pa kase si Eynon sa pamimili para sa birthday niya bukas," sabi niya. Hindi na nila nai-singit ni Eynon ang pagkain kaya talagang gutom na siya. Hindi na niya binanggit na galing sila sa bahay ni Maxine at sinimulan na ang private investigation. Hindi niya iyon gustong pag-usapan na naririnig ni Kylie. "Oo nga pala, hindi pa ako nakabili ng gift para sa mokong na 'yon," sabad ni Naylor. "Ako nga rin, eh," sabi rin niya. "Walang problema," sabi ni Kylie, "kami na ang bahala ni Max d'yan, basta bayaran n'yo ko, ha, credit card ko 'yong gagamitin ko." Ipinitik nito ang kaliwang kilay bago lumapit kay Maxine at inaya ito sa kusina para maghain. Sinundan niya ng tingin ang dalawa habang nakatuon ang mga mata niya sa kaliwang kamay ni Maxine na nakahawak sa maliit na baywang ni Kylie. Bigla ay napatingin siya kay Naylor na noon ay nakatingin din pala sa kaniya. Tumayo ito at lumapit sa kinatatayuan niya. "Sa totoo lang, I wanted to ask you about her noong sunduin natin siya sa hotel. Pero naisip ko na baka hindi iyon ang tamang oras para magtanong," wika nito at saglit na huminto sa pagsasalita. "Why did Kylie meet her?" tanong nito kapagkuwan habang nakatitig sa kaniya. Why? At hindi where. Napatitig siya kay Naylor at sinubukang basahin ang nasa isip nito. Duda rin ba ito kay Sister Maxine kagaya niya? "Tinatanong ko rin sa isip ko iyan, Naylor, pero sa ngayon hindi ko pa alam ang sagot," wika lang niya. Balak niyang sabihin dito ang tungkol sa nangyari nang nagdaang gabi kay Maxine at Kylie pati na rin ang private investigation na sinasagawa nila ni Eynon kaugnay sa nangyari kay Maxine pero huwag na muna ngayon. ••• SI MAXINE na ang nag-boluntaryong maghugas ng pinagkainan nila para makauwi na sila Kylie at Naylor dahil malalim na ang gabi. Napahinto siya sa pagkuskos sa plato at napalingon nang may maramdaman sa kaniyang likuran. Muntik pa niyang mabitawan ang hawak na plato nang makita si Kyzer na nakatindig sa likuran niya ilang dipa lang ang layo at nakatitig sa kaniya habang panay hithit-buga sa sigarilyo. "B-bakit?" nabulol na tanong niya rito. Ini-angat nito ang hawak sa kaliwang kamay na hindi niya napansin. Kaagad niya itong nakilala. Lumang photo album niya iyon. Iniingatan niya iyon dahil memorable ang laman kaya mayroon pa siya niyon kahit hindi na uso ang photo album ngayon. Lumapit ito sa kaniya at ipinakita ang isa sa leaf niyon kung saan may binakanteng espasyo. "Natatandaan mo ba kung anong larawan ang inalis dito?" tanong nito sa kaniya bago sinulyapan iyon. "Nakabakat pa ang bawat gilid ng larawang inalis dito at natitiyak ko na kaaalis lang iyon. Nang dumating kami ni Eynon sa apartment mo, all lights have been turned off, but there is no indication that anyone has attempted to get inside your unit." Napanganga siya. Natatandaan niyang iniwan niya na nakabukas ang ilaw sa sala. Hindi niya ugaling i-off ang ilaw lalo na at aalis siya. Tiningnan niya ang photo album at sinubukang alalahanin kung anong larawan ang nawawala roon. "H-hindi ko matandaan," napailing na sabi niya nang mapiga na ang kaniyang isip pero hindi pa rin maalala. Kinakabahan siya kaya marahil pati isipan niya ay naapektuhan kaya hindi niya iyon matandaan. Itinupi nito ang photo album at ini-abot sa kaniya. "Isipin mong mabuti at baka makatulong." Sinundan nito ng pagtalikod ang sinabi pero kaagad ding huminto at lumingon sa kaniya. "S'yanga pala, dinala ko ang isa sa maleta mo. Kunin mo na lang sa kotse." Inihagis nito sa kaniya ang susi ng sasakyan. Nasalo niya ang susi. "Isabit mo sa hook doon sa foyer ang car key matapos mong gamitin," bilin nito bago tuluyan siyang iniwan sa malalim na pag-iisip. Napabuntong hininga siya habang sinusundan ng tingin si Kyzer.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD