13

2150 Words
"BAKIT dito mo ako dinala?" tanong niya kay Kyzer nang makitang pumapasok sila sa gate ng isang exclusive village. Hindi nagsalita si Kyzer kaya tiningnan niya ito. "Saan mo ako dinala?" tanong pa niya ulit dito. "Imbes na tanungin mo ako ng ganiyan bakit hindi mo na lang ako pasalamatan?" balik tanong nito sa kaniya. "Pero, 'di ba, ang sabi ko sa 'yo—" "Hindi kita p'wedeng dalhin doon, okay? Mas magiging ligtas ka sa bahay ko habang isinasagawa ang private investigation sa mga nangyari kanina." Maanghang ang naging reaksyon niya. "Private investigation? Bakit? Police detective ka ba? Lawyer? NBI? CIA, etcetera. At anong mas ligtas sa bahay mo? Eh, bastos ka, manyak. So, paano ako makakatiyak na ligtas nga ako—" "Unang-una hindi naman talaga kita type, Sister," putol nito sa kaniya. "Pangalawa, wala ako alinman sa mga nabanggit mo pero may kilala akong tao na p'wedeng magsagawa ng private investigation na sinasabi ko." Sandali siyang natahimik at sinubukang basahin ang nasa isip nito pero bigo siya. Bakit? Private investigation ba talaga ang kailangan? Kung oo, bakit kailangan nitong gawin iyon para sa kaniya? "Okay, fine, all right pero the question really is bakit? Bakit mo gagawin ang mga bagay na 'yon para—" "Actually, hindi ko rin alam," putol na naman nito sa kaniya. "Ewan ko kung anong hypnotical operation ang ginawa mo sa akin at bakit kailangan kong ma-bother to the think na baka mapahamak ka. Okay, ganito na lang. Just let me do it all for you and thank me later, okay?" wika nito habang inililiko ang sasakyan papasok sa isang automatic gate. Napabuntong-hininga na lamang siya at hindi na kumibo hanggang sa maigarahe nito ang kotse. Inalis nito ang seatbelt nito kaya inalis din niya kaagad ang seatbelt niya. Halos sabay rin silang bumaba. Nang lumakad ito patungo sa doorway ng bahay nito ay sumunod kaagad siya. "Napakatahimik naman dito," hindi niya napigil na puna sa katahimikang halos bumingi sa kaniya. Nilingon lang siya nito saglit at ipinagpatuloy ang pagbubukas ng pinto sa pamamagitan ng finger print nito. 'Wow!' wala sa loob na naibulalas niya. "Pasok ka," alok nito sa kaniya nang bumukas na ang dahon ng pintuan. Nag-atubili siya nang una kung papasok ba siya lalo na at hindi ito kumibo sa pagkakatayo sa gilid ng pintuan. "Okay," sabi nito at humakbang papasok. Inalis nito ang sapatos at inilagay sa shoe rack na naroon lang sa gilid. Sumunod siya at ginaya ang ginawa nito. "Asan pala...ang kasama mo rito?" naitanong niya nang makita na parang walang ibang tao roon maliban sa kanila. "Wala, I live my life alone here," mabilis nitong sagot. Natahimik siya at kaagad na pumihit pabalik sa pinto pagkarinig sa sinabi nito. Kinabahan siya at nag-alala para sa kaligtasan ng kaniyang p********e sa isip na baka kung anong gawin nito sa kaniya lalo na at nag-iisa lamang pala ito naninirahan doon. Sinubukan niyang hanapin kung paano mabubuksan ang pintuan ngunit nabigo siya. Ngumisi si Kyzer at umiling. "May access control reader lahat ng pinto rito sa bahay," pantay ang tonong sabi nito. "Kaya hindi ka basta makakalabas." Hindi siya kumibo at natuog sa kinatatayuan pagkadinig sa sinabi nito. 'Patay!' sa isip-isip niya habang inihahanda ang nanlalamig niyang mga paa. Subukan lang talaga nitong pagtangkaan siya at titiyakin niyang mababasag ang nasa pagitan ng mga hita nito sa pamamagitan ng left and right niyang sipa. Natawa ito. "Bakit ganiyan ka, 'di ba, sinabi ko na naman sa 'yo na hindi kagaya mo ang tipo ko, Sister? Kaya h'wag ka nang kabahan d'yan." Tumalikod ito sa kaniya. Nasapo niya ang dibdib. Paano ba namang hindi siya kakabahan, eh, hindi niya makalimutan ang mga kapilyuhang ginawa nito sa kaniya. "Lalangawin ka lang sa aking harapan, Sister, dahil never kitang pakikialaman," wika pa nito na siyang nagpaangat sa kaliwang kilay niya. 'Antipatiko!' gigil na bulyaw niya rito sa pamamagitan ng isip. ••• DUMIRETSO si Kyzer sa control room at binisita ang security system para i-check ang loob at labas ng bahay niya habang wala siya. Napangiti pa siya nang makita si Maxine sa kinaroroonan nito. Palinga-linga ito at dahil hindi nito mapapansin ang mga concealed cameras sa bahay niya ay wala itong kamalay-malay na pinapanood niya ito. Nakatayo lang talaga ito sa kinatatayuan nito kanina habang pamasid-masid. Napailing siya. Gaano ba siya kasama sa paningin nito at tila may phobia yata ito sa kaniya? Nagpatuloy siya sa ginagawa kanina at nang matiyak na secured naman ang perimeter ay binalikan niya si Maxine. Nadatnan niya ito sa dating puwesto. "Ayos lang na mag-stay ka rito hanggang matapos ang private investigation," sabi niya. "May dalawang rule lang naman ako rito sa bahay at tiyak na magiging madali lang iyon para sa 'yo." Hindi ito kumibo pero hinintay ang iba pa niyang sasabihin. "Una, kapag tungtong ng alas nuwebe ng gabi dapat na sa silid ka na at sikaping hindi na lalabas pa hanggang hindi pa nag-uumaga. Ikalawa, turn off the lights sa loob ng bahay maliban sa silid mo kung ayaw mong matulog na naka-off ang ilaw. If you break the rule, the punishment will be not easy for you." "Paano 'yong mga gamit ko roon sa apartment?" hindi nito pinansin ang sinabi niya. "Wala muna tayong gagalawin doon, okay? Basta hayaan mo na lang ako, ipagpasalamat mo na lang na pinagmamalasakitan ki—ah hindi, na kaibigan mo si Kylie at iniisip ko lang ang mararamdaman niya kapag pinabayaan na naman kita kagaya kanina," sabi rito. "Ano bang trabaho mo at ganiyan ka kung umasta? Saka napansin ko rin na halos pati tungaw ay hindi magagawang maglabas-pasok dito sa bahay mo." Inilinga nito ang paningin bago lumingon sa kaniya bagama't hindi sa mukha niya nakatingin. "H'wag mo na ngang itanong. Nagugutom na ako, ikaw ba hindi pa?" tanong niya upang hindi na nito ipilit na makuha ang sagot sa katanungan nito. "Gutom na," tugon nito. "Sa totoo lang nanlalata na ako," dugtong pa nito. Tiningnan niya ito saka kumilos upang magtungo sa kusina nang pigilan nito ang braso niya. Napaangat ang mga kilay niya sabay baba ng tingin sa kamay nitong nasa braso niya. Akala ba niya ay natatakot ito sa kaniya? Bakit parang sa ikinikilos nito ngayon ay hindi naman? "Marunong akong magluto, ipaubaya mo na muna sa 'kin ang kusina mo, gamutin mo na lang muna 'yang sugat mo at baka ma-infection pa 'yan." Tumango lang siya kay Maxine at itinuro ang kitchen niya. Kumilos ito patungo roon. Sinundan muna niya ito ng tingin bago kumilos patungo sa kaniyang silid kung saan naroon ang medicine cabinet. Ginamot niya ang sarili. Matapos ay kumuha siya ng sigarilyo at nagsindi niyon. Hinithit-buga niya iyon habang nag-iisip. Hindi naman talaga para sa kapakanan ni Sister Maxine ang private investigation na gagawin niya, kun'di para makumpirma ang pagdududa niya sa pagkatao nito, lalo na't tila hindi na niya mapipigilan si Kylie sa paglapit dito. ••• NAPADAING si Maxine nang maramdaman ang kirot sa tagiliran lalo na sa kanang kamay. Iminulat niya ang namimigat at nag-iinit na mga mata upang tingnan iyon. Mas namaga pa ang kaniyang kamay, dahilan para mas kumirot pa na nagdulot ng pagkakaroon niya ng lagnat. Akala pa naman niya ay magiging okay na iyon dahil nagawa pa nga niyang magluto kanina at maghugas ng kanilang pinagkainan. Sinubukan niyang bumangon pero muli lang siyang napahiga dahil sa sakit ng kaniyang tagiliran. Inangat niya ang t-shirt na ipinagamit sa kaniya ni Kyzer at sa tulong ng liwanag buhat sa lampshade ay nakita niya ang pangingitim na pasa sa tagiliran niya. Napadaing siya habang sinasapo iyon. "s**t!" tapos ay mangiyak-ngiyak na wika niya nang mapaigtad sa paglapat ng palad niya roon, napakasakit niyon. ••• TININGNAN ni Kyzer ang oras sa wristwatch niya. Mag-a-alas dos na pala ng madaling araw pero hindi pa rin siya makatulog ng maayos knowing na nasa kabilang silid lang si Maxine, naiirita na siya sa sarili. Tiningnan niya ang kamay na may benda at ibinukas sarado ang palad. Hindi na iyon gaanong masakit sa tulong ng mabisang gamot na ininom niya kanina. Bumangon siya at kinuha sa bedside cabinet ang sigarilyo. Sisindihan na sana niya iyon nang matigilan dahil sa mahinang katok sa pinto. Napahinto siya at napaangat ang mga kilay habang nakangiti ng may kapilyuhan. 'Si Sister, oh. Kunwari pa, gusto rin naman pala,' pilyong sabi niya sa isip. Ibinalik niya ang sigarilyo sa cigarette case at nagsuot ng robe upang takpan ang kahubaran niya. Tinungo niya ang pinto at binuksan iyon. Nagulat pa siya nang bigla na lang bumagsak sa dibdib niya si Maxine. "Sister, bakit nagmamadali ka naman? Hot na hot? Hindi pa ako ready," biro niya rito bago ito hinawakan. Naalarma siya nang masalat ang mainit nitong balat, nag-aapoy ito sa lagnat. "Hey! Hey!" nag-aalala na wika niya habang tinatapik ito sa pisngi pero hindi ito nagmulat ng mga mata. Kaagad niya itong pinangko at inihiga sa kaniyang kama tapos ay kaagad na lumapit sa telepono at tinawagan ang kanilang family doctor. Nilapitan ulit niya ang dalaga saka ibinalot ito sa blanket niya. Makapal iyon kaya tiyak na pagpapawisan ito. Naupo siya sa gilid ng kama at pinagmasdan ito habang natutuliro ang isip kung ano'ng gagawin. Nakita niya ang pangangatal ng labi nito, wari'y ginaw na ginaw. Kumilos siya at kaagad na ini-off ang air conditioner tapos ay muli itong pinagmasdan. Nang makitang giniginaw pa rin ito ay tumabi siya sa pagkakahiga nito at sumukob sa blanket. 'Hoy! Hindi ako nagti-take advantage, hah? Ginagawa ko ito dahil kinakailangan mo,' sabi niya sa isip bago nag-aalangan na yumakap dito. Napapikit siya. Damang-dama niya ang init ng katawan nito sa kabila ng robang nagkukubli sa kaniyang katawan. Nauna pa siyang pinagpawisan dito dahil sa mainit nitong katawan na tila apoy na gumapang sa kaniyang katawan. Nanginig siya na para bang kukombulsyunin, bumibilis na rin at lumalakas ang t***k ng kaniyang puso, at hindi niya mapigil ang mapalunok ng sunud-sunod. Narinig niya ang pag-ungol nito kaya napamulat siya at napatitig dito. Gusto niyang batukan ang sarili dahil nasa ganoong sitwasyon na nga ito ay kung ano pang maruming bagay ang tumatakbo sa isip niya habang pinakikinggan ang patuloy nitong pag-ungol. 'Kyzer?' saway niya sa sarili. Nakita niyang unti-unti na itong pinagpapawisan kaya naman umalis na siya sa tabi nito. Mahirap na, baka magising ito at makitang nakayakap siya rito, tiyak na iisipin nitong minamanyak niya ito. Napabuga siya ng hangin nang mapansing hindi pa bumabalik sa normal ang pakiramdam niya at pagtibok ng puso. Kinuha niya sa medicine cabinet niya ang thermometer at isinubo iyon sa kaniyang bibig. Nang marinig niya ang beep tone niyon ay kaagad niya iyong inalis sa kaniyang bibig at napalaki ang mga mata niya nang makitang nasa forty degree Celsius ang init ng kaniyang katawan. Tiningnan niya si Sister Maxine at noon lang naisip na i-check din ang body temperature nito. Isinubo rin niya sa bibig nito ang thermometer at hinintay ang pagtunog niyon. Makaraan ang ilang sandali ay narinig na niya ang tunog niyon kaya kaagad niya itong binunot sa bibig ni Sister Maxine at napalaki na naman ang mga mata niya nang makitang magkasing taas sila ng init ng katawan. Kaagad siyang napabalik sa pagkakahiga sa tabi nito at sumukob muli sa kumot. "Nilalagnat din ako, Sister Max," sabi niya habang ishini-shake ang magkasalikop niyang mga kamay. Tiningnan niya ito at akmang pipihit paharap dito nang gumana ang kamay nito at kinurot siya sa tagiliran. Masama na ang pakiramdam nito pero may lakas pa rin ang mga daliri nito. Napanganga siya at napigil ang mapadaing. Akala pa naman niya ay makakaisa siya. "T-tubig…" padaing na sabi nito. Nagmamadali siyang bumangon at umibis sa kama, lumabas siya ng silid at malalaki ang mga hakbang na nagtungo sa kitchen upang kumuha ng tubig. Nang makabalik ay ipinatong niya sa bedside cabinet ang baso ng tubig at inalalayan niya itong makaupo tapos ay isinandal sa kaniyang dibdib. "Hmm… H'wag kang dumikit," sabi nito na hindi idinidilat ang mga mata. "H-hah?" Kaagad niya itong inalis sa dibdib niya at isinandal sa headboard saka kinuha ang isang baso ng tubig na inilapag kanina sa ibabaw ng bedside cabinet. 'Pambihira, masama na nga ang pakiramdam maarte pa rin,' sa loob-loob niya. Pinainom niya ito at nakalahati nito ang tubig sa baso. Pumihit siya at ibinalik ang baso sa ibabaw ng bedside cabinet. Nang muli siyang pumihit pabalik sa dalaga ay nakita niyang humilig ito at pabagsak na napahiga sa kama, nakapikit pa rin ang mga mata. Napailing siya at lalapit sana rito upang muli itong tabihan nang marinig ang security driveway alarm sa kaniyang smartphone, may dumarating. Ilang sandali lang ay nag-notify sa smartphone niya ang wireless system sa gate. Kinausap niya sa pamamagitan niyon ang tao sa labas. Ang family doctor. 'Pambihira naman si Doc., ang bilis dumating,' reklamo niya sa isip. 'Nilalagnat ako kaya kailangan ko sana ng symsex-d forte.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD