4

1489 Words
TUMIKHIM si Maxine upang basagin ang katahimikan sa pagitan nila ni Kyzer, abala ito sa pagmamaneho. Gusto sana niyang kausapin ito tungkol sa unang pagkikita nila na hindi na niya matandaan kung ilang linggo na ba o araw ang nakaraan. Gayunpaman, tila balak talaga nitong magpapanis ng laway kaysa kausapin siya sapagkat masakit na ang lalamunan niya sa kakatikhim ay hindi pa rin siya nito pinapansin. Itinapat niya ang palad sa kaniyang bibig at nagbuga ng hangin tapos ay sinubukang langhapin. "Tssh..." narinig niyang react nito. Tiningnan niya ito. "Kanina pa kase tayo tahimik, naisip ko lang baka napanis na ang laway ko sa pagkakaupo ko rito," sabi niya. Ngumisi ito. "H'wag kang mag-alala, malapit na tayo, sister," sabi lang nito. Inalis nito ang isang kamay sa manibela at binuksan ang glove compartment. Napamata siya nang makitang kumuha ito roon ng sigarilyo gamit ang isang kamay. Kaya pala parang nakakalanghap siya ng amoy sigarilyo roon mula pa kanina nang sumakay siya. Inilagay nito iyon sa sariling labi tapos ay kinapa ang lighter doon din sa glove compartment pero nahulog iyon sa kaniyang paanan. Sinulyapan siya nito sa rearview mirror. "Pakisuyo naman, Sister." Napatingin siya rito pero hindi tumalima upang sundin ito. "Nasa loob tayo ng sasakyan, paano naman ako?" mahinahong reklamo niya. Umiling ito. Hindi binanggit ni Kylie kung kaanu-ano nito ang lalaking ito. Tinitigan niya ito sa kaniyang tabi. Kung nobyo ito ng dalaga, malas siguro si Kylie. Dahil kahit na nasa lalaking ito ang lahat ng katangiang pisikal na hinahanap ng isang babae sa isang lalaki, mukha namang sablay ito pagdating sa behavior. "Sister," untag nito sa kaniya kaya napakurap siya sa pagkakatitig dito. "Aren't you nervous that if you look at me like that, you might not be ordained?" seryosong tanong nito sa sabay sulyap sa kaniya mismo at kumindat. Napaawang ang bibig na iniiwas niya ang tingin dito tapos ay napaantanda ng krus. 'Presko pa pala ang isang 'to, eh,' sa loob-loob niya. Inihinto nito ang kotse sa gilid ng kalsada kaya muli siyang napatingin dito. Hindi siya nakakibo nang bahagya itong dumukwang sa tapat niya para pala kapain ang lighter nito kung saan iyon nahulog kanina. Napakislot siya at kaagad naiiwas ang kaniyang binti nang maramdaman ang kamay nito roon. Tina-chancing-an ba siya nito? "Ops! Sorry, sister," seryosong sabi nito bago umayos ng upo at nag-antanda ng krus. Parang gusto niya itong sapakin, nakakaasar ang dating sa kaniya ng mga ikinilos nito. Kinaltis nito ang lighter at sinindihan ang sigarilyo tapos ay ibinalik sa glove compartment ang lighter. Kaagad siyang napaubo nang ibuga nito ang usok. Tiningnan siya nito bago muling pinausad ang kotse habang humihithit-buga ng sigarilyo gamit ang isang kamay. "P-p’wede bang mamaya ka na lang manigarilyo? Mas safe kung magpokus ka na muna sa pagmamaneho," suhestiyon niya rito sa pagitan ng pag-ubo pero parang hindi siya nito narinig. Wala itong pakialam kahit kandaluha na siya sa kakaubo at kakapigil ng hininga dahil sa usok ng sigarilyo nito. Sa inis ay ibinaba niya ang salamin ng car window sa side niya at doon lumanghap ng hangin. Napailing ito. "Naka-on ang air conditioner ng kotse, itaas mo 'yan kung ayaw mong ako ang gumawa para sa 'yo," pantay ang tonong sabi nito. Hindi niya ito pinansin. Kagaya ng sinabi nito ay ito nga ang gumawa sa utos nito. Itinaas nito ang salamin ng car window sa pamamagitan ng power window system, bagay na ikinayamot niya pero wala siyang magawa. Hindi naman puwedeng siya ang masunod sa kanilang dalawa dahil kotse nito ito, pero sana lang, may respeto ito. Maya-maya ay napansin niya na parang may hinahanap ito. "Tssh...nakalimutan ko ang ashtray, p’wede bang pakihawak na lang, Sister?" tanong nito sabay abot sa kaniya ng sigarilyo habang nakatingin ito sa kalsada. Kaagad niya iyong kinuha rito at dinikdik doon mismo sa manibela ng sasakyan nito. Bakas sa mukha nito ang pagkainis nang sulyapan siya sa rearview mirror. Akala niya ay magrereklamo ito pero hindi ito nagsalita bagkus ay nag-play ng kanta. Kaagad na napakunot ang noo niya nang kaagad na pumuno sa loob ng sasakyan ang kantang ini-play nito. Passenger Seat by Stephen Speaks I look at her and have to smile As we go driving for a while Her hair blowing in the open window of my car And as we go, the traffic lights I watch them glimmer in her eyes In the darkness of the evening And I've got all that I need Right here in the passenger seat Oh, and I can't keep my eyes on the road Knowing that she's inches from me Bakit parang pakiwari niya ay para sa kaniya ang kantang iyon? Inaasar talaga siguro siya ng lalaking ito. Padabog siyang umayos ng upo at hindi na nagsalita pa. Nagpatuloy sila sa biyahe ng walang imik habang nakikinig lang sa awiting pumupuno roon sa loob ng kotse nito hanggang sa ihinto nito ulit ang sasakyan. Napatingin siya rito bago napatingin sa labas ng kotse. Noon lang niya napansin na nakarating na pala sila sa Catholic School na uuwian niya. Gusto niyang mapahiya sa sarili, bakit hindi niya namalayan na nakarating na pala sila roon? Masyado yata siyang nagpapadisturbo sa presensya ng lalaking ito. Gusto rin niyang mapahanga rito dahil isang beses lamang niya ini-sketch ang daan patungo sa lugar ng Catholic School na iyon pero kaagad pala nitong natandaan. Tinanggal niya ang seatbelt at binuksan ang car door tapos ay nilingon ito. Tumango ito. "Hindi na ako bababa, sister, medyo malalim na rin ang gabi, unless na lang kung papasukin mo ako at hahayaang matulog buong magdamag sa iyong tabi," pilyong sabi nito. Parang kinapos siya ng hangin sa sinabi nito at hindi napigil ang mapaantanda ng krus kahit nakikita nito. Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Kyzer at gusto niyang mainis kung bakit napaka-sexy niyon sa kanyang pandinig. Kumilos siya at bahagya pang nataranta sa pagbaba sa kotse nito. Hindi na niya nagawa na magpasalamat dito. Pabalabag niyang inilapat ang dahon ng car door nang ganap siyang makababa. Kaagad naman nitong pinausad ang sasakyan at pinaharurot palayo. Kumilos na siya at lumapit sa duty guard na mabilis namang binuksan ang gate para papasukin siya. Nang makapasok ay malalaki ang mga hakbang niya patungo sa dormitory. ••• NILARU-LARO ni Kyzer ang lighter sa daliri niya habang nakatitig sa pader ng opisina niya. Napatingin siya sa pinto nang makarinig ng tatlong katok doon at pagkaraa'y pumasok si Eynon. Umayos siya ng upo sa swivel chair. "Maupo ka, " marahang alok niya rito. "Nakapagbigay na ako ng report, 'di ba?" tanong nito nang nakaupo na. Tiningnan niya ito. Sa kaniya dumadaan ang report nito bilang mas mataas ang posisyon niya kaysa rito. Head Intelligence Officer siya, ito naman ay Special Intelligence III habang si Naylor naman ay Supervising Agent. "Pinapunta kita rito para sa isang personal na bagay," sabi niya upang simulan ang dapat nilang pag-usapan. Ngumisi ito. "We're at work, so why are we here discussing personal matters, Sir?" binigyan nito ng diin ang huling sinabi. Bahagyang naningkit ang mga mata niya nang titigan ito, natahimik naman ito. "Patunayan mo sa 'kin ang sarili mo kung talagang nararapat ka kay Kylie." Inusod niya sa harap nito ang brown envelope na nasa harap niya kanina pa bago pa ito dumating. Kinuha nito iyon at kaagad na tiningnan ang laman. "Easy peasy," sabi nito saka tiningnan siya. "Pero bakit ako at hindi ikaw?" "Dahil p’wede namang ikaw," mabilis niyang sagot kay Eynon. Napaasim ang mukha nito sa sagot niya. Umiling naman siya saka kumuha ng sigarilyo. Mabilis itong tumayo nang makita ang sigarilyo niya. Iyon ang pinakaayaw nito sa kaniya, hindi talaga nito gusto ang usok ng sigarilyo. "Update na lang kita," sabi nito saka nagmamadaling lumabas. Tumunog naman ang cellphone niya. Kinuha niya iyon at sinagot nang makitang si Kylie ang tumatawag. "Hmm?" "Kyzer, please pick me up at five PM here at the office, kase si Kuya Mike has unexpectedly gone on vacation, eh." Kumunot ang noo niya. "Bakit naman ngayon pa s'ya nagbakasyon?" "Emergency, naospital daw 'yong misis niya kagabi, madaling araw pa siya umalis kaya idinaan lang ako ni Dad dito sa office." Napaangat ang mga kilay niya. "All right, I'll see if I can pick you up." "Hindi ka ba sigurado?" "Don't worry, I'll always find a way," paniniyak niya kay Kylie. "Okay sige, aantayin na lang kita rito." Tinapos na nito ang tawag. Napailing siya. Kasama siya sa conference meeting mamayang alas kuwatro kaya tiyak na hindi niya ito masusundo. Hindi naman ito masusundo ng ama nila dahil iba ang way ng company branch nito, ang ina naman nila ay nasa Fort Magsaysay ngayon at sa isang araw pa makakabalik. Hindi na talaga nagmamaneho ng sasakyan si Kylie ilang taon na ang nakaraan, nagkaroon ito ng phobia sa pagmamaneho dahil sa aksidenteng nangyari, tapos ay dumagdag pa ang nangyari noong nakaraang linggo. Napabuntong-hininga siya. Sino kaya ang mapakikisuyuan niya upang sumundo rito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD