NARAMDAMAN ni Maxine ang pagtabi sa kanya ng Mother Superior nang matapos siya sa kanyang panalangin.
"Kumusta ka na? Napapanatag na ba ang iyong kalooban?" tanong nito sa kanya nang buhat sa pagkakaluhod ay umayos siya ng upo sa pew bench ng chapel na nasa loob lang din ng compound na iyon ng Catholic School.
Ngumiti siya dito. "Kung sasabihin ko po sa inyo na panatag na ang kalooban ko, makikita Niya ang pagsisinungaling ko. Ganunpaman, Mother Superior, sinisikap kong maging panatag at maging desidido sa pag-aalay ng buong puso at pagkatao ko para sa Kanya."
Tiningnan siya nito at ngumiti.
"Hindi natin kailangang pilitin ang ating sarili para lang masabing desidido tayo sa isang bagay na ginagawa natin sa buhay. Minsan ay mas nalilihis tayo sa mga layunin natin kung ang ating sarili ay pipilitin natin. Kung pakiramdam mo ay hindi ka para dito,
'wag kang matakot na magpakatotoo, hindi ibig sabihin na umalis ka dito ay tinalikuran mo na din Siya. Maaari mong ipakita ang pananampalataya mo sa Kanya kahit nasa labas ka pa. Gaya ng tanong ko sayo noon. Bakit kailangan mong landasin ang daang hindi mo naman talaga dapat tahakin?" mahabang wika nito.
Tinitigan niya ito ganundin ito sa kanya.
"Kung nasa isip mo lang ang dahilan at wala d'yan sa puso mo, bakit nananatili ka pa din dito?"
Napalunok siya ng laway saka wala sa loob na nakapa ang rosaryo na nakasuot sa kanyang leeg.
NAPANGITI si Kylie nang makitang pumarada ang sasakyan ni Kyzer sa mismong tapat ng exit way ng company building. Hindi na niya ito nahintay sa opisina niya kaya roon na siya naghihintay sa labas.
Akmang hahakbang na siya palapit nang makitang bumukas ang pinto sa driver side at kaagad siyang natigilan.
Parang bumagal ang pag-ikot ng mundo nang makita niya kung sinong bumaba roon, si Naylor.
Pumitik ang pulso niya nang tumingin ito sa kaniya.
Kumilos ito at lumigid sa passenger seat saka binuksan ang pinto roon para sa kaniya.
"Hop in."
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang malamig nitong tinig.
Gayunpaman ay mabilis pa rin ang pintig ng puso niya nang humakbang palapit doon. At dahil nakatindig lang ito sa gilid at hawak ang dahon ng pintuan ng kotse ay nalanghap niya ang suwabeng amoy ng pabango nito.
Mild lang iyon sa ilong pero pakiwari niya ay nahilo siya at nais matumba sa dibdib nito.
Nang makasakay na siya ay inilapat na nito ang car door tapos ay lumigid na sa driver side.
Napasimangot siya nang madaig ng amoy ng car freshener ng kotse ni Kyzer ang pabango ni Naylor.
"May meeting si Kyzer kaya ipinasundo ka niya sa 'kin. Hindi ko lang maintindihan kung bakit iginiit niyang kotse niya ang gamitin ko at hindi sa akin," sabi nito at pinausad na ang sasakyan.
'Gagawin pala ni Kyzer 'to bakit hindi pa noon?' sa loob-loob niya.
Nasa mid school pa lang ito at si Kyzer nang maging magkaibigan. Third year high school ang mga ito habang first year naman siya.
Crush na niya ito noon pa dahil sa pagiging gentleman nito sa kaniya. Umasa siya na magkakaroon ng katugon ang paghanga niya rito pero hanggang ngayon ay tila kaseng lamig pa rin ito ng yelo pagdating sa kaniya.
Palagi itong pormal kapag kaharap siya at tila wala man lang epekto rito ang ganda niya at kaseksihan ngayong dalagang-dalaga na siya.
Kung sabagay, hindi pa naman talaga ito nagkaroon ng syota noon pa. Kaya nga naisip niya minsan na baka bading ito at baka si Kyzer talaga ang gusto nito.
Kaya nga lang ay lulong sa mga magandang babae ang kapatid niya at walang pakialam sa feelings nitong si Naylor.
Narating nila ang mansion nang hindi man lang siya nito kinausap.
Dismayado na sinundan niya ito ng tingin sa labas ng sasakyan habang lumiligid sa side niya.
Ipinagbukas siya nito ng pintuan. Kinapa niya ang seatbelt upang tanggalin pero ewan ba niya at hindi iyon matanggal.
Napigil niya ang paghinga nang dumukwang si Naylor sa kaniya upang tanggalin ang seatbelt niya.
"You're always rushing around," pormal na sabi nito sa kaniya.
Nalanghap niya ang mainit nitong hininga.
'In fairness, he didn't even stink his breath during his silence,' sa loob-loob niya.
Napatingin siya sa mukha nito ngunit hindi pa man nananawa ang mga mata niya sa guwapo nitong mukha ay naalis na nito ang seatbelt kaya lumayo na ito at umayos ng tayo sa labas ng sasakyan.
Bumaba siya.
Ini-abot nito sa kaniya ang susi ng kotse ni Kyzer.
"Paano ang pag-uwi mo?" kaagad niyang tanong dito.
"Magta-taxi na lang ako."
Kaagad niyang naalala ang susi ng kotse niya na ibinigay sa kaniya ng driver niya bago umalis.
Mabuti na lang at nailagay niya iyon sa bulsa ng pantsuit niya kaninang umaga dahil akala niya ay hindi siya maihahatid ng kaniyang ama.
Nagmamadaling kinuha niya iyon at iniabot dito.
Tiningnan nito iyon."Huwag na, ayos lang sa 'kin ang mag-taxi," sabi nito at hindi iyon tinanggap. "Aalis na ako."
Kumilos ito upang umalis pero wala sa loob niya na hinawakan ito sa kamay nito upang pigilan sa pag-alis.
Awtomatiko itong natigilan at napatingin sa kaniya dahil sa ginawa niyang paghawak sa kamay nito.
Napalunok siya ng laway. "Here," sabi niya saka inilagay sa palad nito ang susi ng kotse niya. "Thank you for driving me home safe." Sinikap niyang ngumiti sa binata.
Isinarado nito ang palad nito kung saan niya inilagay ang susi na hindi pa niya nabibitawan, kaya naman kasama ang palad niya na nakulong sa palad nito.
Nanigas siya lalo na nang makita ang paraan ng pagtitig nito sa kaniya. Napakainit ng palad nito at nanunuot iyon sa kalamnan ng kaniyang palad.
Hindi siya nag-alalang makipagtitigan dito. Umaasa siya na may gagawin pa ito higit sa pagtitig nito sa kaniya, nakahanda siya. Ngunit nadismaya siya nang bitawan nito ang kamay niya.
"Aalis na ako," malamig ang tinig na paalam nito.
Lumapit ito sa kotse niya at binuksan ang pinto niyon.
Tumingin ito sa kaniya. "Bye," wika nito tapos ay pumasok na.
Naumid ang dila niya at hindi niya nagawang magsalita. Gumilid siya para makaraan ang sasakyan.
Nang makalabas na ito sa garage ay lumabas pa siya para ihatid ito ng tanaw.
"Bye, Naylor, ingat ka," maluwang ang ngiting sabi niya na kumakaway pa.
Nang mawala na sa paningin niya ang sasakyan niyang gamit nito ay para siyang teenager na nagtitili.
Tiningnan niya ang kaniyang kamay na hinawakan ni Naylor. Inisip niya kung paano mapapanatili roon ang bakas ng palad nito. Baka hindi na muna siya maghugas ng kamay.