10

1413 Words
NAPAKUNOT ang noo ni Kyzer nang tanungin sa kaniya ng ina kung bakit hindi niya kasama si Kylie nang gabing iyon. Tuwing weekend talaga ay pumupunta siya sa mansion para sa family dinner at tapos ay idini-date ang kapatid kapag wala siyang ibang lakad. “Pinaakyat ko kay Aling Estella kanina sa kuwarto niya para mag-merienda, but Kylie wasn’t there. Akala ko magkasama kayo dahil sanay naman kami ng Dad mo na umaalis kayo kapag ganitong weekend,” sabi ng kaniyang ina. Tinalikuran niya ito hindi para itanong sa guard kung lumabas ba roon ang kapatid kun’di para tawagan si Naylor. Naisip niyang baka umalis ang mga ito dahil sa parking nito sa condo ipinaparada ang sasakyan ni Kylie kaya wala talaga sa garage ang kotse ng kapatid. “Hmm? Bakit?“ bungad ni Naylor sa kaniya pagkasagot sa tawag niya. “Lumabas ba kayo ni Kylie?“ kaagad na tanong niya rito. “Hindi, bakit?” mabilis din nitong sagot. Pero imbes na tumugon ay tinapos niya ang tawag. “Ano nasaan daw siya?” tanong ng Mom niya na noon ay nakalapit na sa kaniya. “Alam ko na kung nasaan siya," pagsisinungaling dito para hindi ito mag-alala. “All right, bilisan mo lang dahil gumagabi na. Sabihin mo sa kaniya, hindi porque matigas na ang buto niya ay p’wede na siyang lumayas kung kailan n’ya gustuhin.” “Mom, ako na ang bahala, okay? Dalaga na si Kylie and no longer a kid.” Hindi na ito nagsalita pa. Kalmado naman siyang lumakad pabalik sa kotse niya. ••• TUMINGIN si Maxine kay Kylie nang marinig na tumunog ang cellphone nito. Naglalakad sila noon sa gilid ng kalsada pabalik sa apartment niya. “Wait lang, hah,” sabi nito at sinagot ang tawag. “Kyzer,” sabi nito at saglit na huminto habang pinakikinggan ang nasa kabilang linya. “Oo, nandito ako. Ah, malapit ka na. O, sige. Hintayin na lang kita,” sabi nito saka tinapos ang tawag. Tahimik sa daan ng mga sandaling iyan dahil gabi na. Nag-ikot pa sila kaya gabing-gabi na sila uuwi. Madalang na noon ang mga tao at sasakyang dumadaan sa bahaging iyon ng kalsada. “Ang mga Kuya talaga napakahigpit sa mga kapatid nilang babae,” kapagkuwan ay narinig niyang sabi ni Kylie. Ngumiti lang siya rito. "Wala naman kase akong kapatid, eh. But maybe Kyzer is just being strict with you to protect you, alam mo naman sa panahon ngayon, ‘di ba?” Umismid ito. “Hindi ganoon ‘yon, baka natatakot lang s’ya na ‘yong karma n’ya sa mga ginagawa niya sa babae, eh, sa ’kin lahat mapunta. Nakakainis siya. Hindi tuloy ako magkaroon ng boyfriend dahil sa kakabakod n’ya.” Tiningnan lang niya ito at ngumiti. “Sa totoo lang, Max, ipinagdadasal ko talaga na makakuha na ng babaeng katapat ‘yang si Kyzer, ‘yong tipo na hindi siya makakawala para makapag-asawa na s’ya, baka sakaling magtino rin. At ma-divert ang atensyon n’ya buhat sa ’kin.” Natawa pa ito sa huling sinabi. Magsasalita sana siya ngunit naagaw ang atensyon niya ng lalaking kasalubong nila. Kahina-hinala ang ayos at kilos nito. Naka-sumbrero ito at naka-facemask. Bigla siyang kinabahan. Hinawakan niya sa kamay si Kylie. “Max, okay ka lang? Nanlalamig ang kamay mo,” sabi nito tapos ay kaagad ding natigilan nang makita ang lalaking tinitingnan niya na noon ay nasa harapan na nila. “Magandang gabi, p’wede ko bang arborin ang oras n’yo ngayong gabi?” kalmadong tanong nito saka pasimpleng iniumang sa kanila ang hawak na baril partikular kay Kylie. Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak ni Kylie sa kamay niya. Imbes na magsalita ay mabilis siyang kumilos. Mabilis niyang hinawakan sa pulsuhan ang lalaki kung saan hawak ang baril pero bago pa niya nagawa ang plano ay mabilis din itong kumilos at hinawakan din siya sa kamay na nakahawak dito. Umikot naman siya patalikod dito sabay siko rito. Napadaing ito pero hindi siya binitawan. “Kylie, takbo!” sigaw niya sa naestawang dalaga. Tila natauhan naman ito at tumakbo pero nakakailang hakbang pa lang ito ay nadapa ito dahil sa takot. “Tulong!“ napaiyak na sigaw nito. Dahil doon ay na-distract siya. “Kylie—Argh!” Nasiyapol siya ng sipa ng lalaking ito sa tagiliran at patagilid siyang bumagsak. Namilipit siya sa sakit pero nang makitang lalapit ito kay Kylie ay kaagad niya itong hinawakan sa paa. Nilingon siya nito saka puwersadong inapakan ang kaniyang kamay saka dinikdik ng sapatos nito. Napadaing siya at namilipit sa tindi ng sakit. Pakiwari niya ay nagkabali-bali na ang kaniyang mga buto at nalapnos ang balat sa kamay niya. “Max!” naiiyak na tawag sa kaniya ni Kylie saka tumayo para lapitan siya. Tiniis niya ang sakit saka sumenyas dito na lumayo na ito. ••• KAAGAD na inihinto ni Kyzer ang kotse niya nang makita ang nangyayari sa gilid ng kalsada. Parang tinambol ang dibdib niya nang kaagad na makilala si Kylie sa tulong ng liwanag ng ilaw sa poste. Nagmamadali siyang bumaba sabay bunot ng baril at binigyan ng warning shot ang lalaking kasalukuyang dumidikdik sa kamay ng nakagulong na si Maxine. Tumakbo ang lalaki at sinubukan naman niyang habulin. "Buwisit!” gigil na anas niya nang hindi ito maabutan. Para itong palos na mabilis nakatakas, naglaho sa madilim na eskinita. ••• HINDI pa rin nagawang tumayo ni Maxine. Iniinda ang sakit sa tagiliran pati na rin sa kamay nito. “Max!” naiiyak at nag-aalala na nilapitan ito ni Kylie. Sinubukan nitong tulungan si Maxine upang tumayo. “Ayos lang ako h‘wag mo akong intindihin,” wika naman nito saka sinikap na makaupo sa sarili. Nang bumalik siya ay nadatnan niya ang dalawa sa ganoong ayos. Kaagad niyang itinayo si Kylie at tiningnan. “Ayos ka lang ba? Wala bang masakit sa ’yo?” magkasunod na tanong niya sa kapatid habang hinahagod ng tingin upang matiyak na hindi ito nasaktan. “Huwag kang mag-alala, gasgas lang sa tuhod ‘to,” sabi ni Kylie. Hawak ng kaliwang kamay ang tagiliran ay pinilit namang tumayo si Maxine habang tinitiis din ang dumudugo at makirot na kanang kamay. Noon niya ito binalingan. "Sinabi ko naman sa iyo na kulang ka pa sa husay, ‘di ba?” tiim-bagang na paninita niya kay Maxine. “Ano? May nagawa ka ba para kay Kylie? Paano kung hindi ako dumating?!” Nandidilat sa galit ang kaniyang mga mata. Hindi ito kumibo. “Kyzer!" saway naman ni Kylie sa kaniya. “It’s not her fault, sa totoo lang, she defended me against that bad guy. Nagkaganyan s’ya dahil sa ‘kin tapos magagalit ka pa sa kaniya?” maluha-luha na pagtataray ni Kylie sa kaniya. Naibaba ni Maxine ang tingin matapos ang sinabi ni Kylie. “Bakit kase nandito ka!?” bagkus ay paasik na tanong niya sa kapatid. “Kusa akong pumunta rito!” medyo malabo ang tugon ni Kylie sa kaniya sa mataas na timbre ng boses. Gusto niyang sisihin si Maxine dahil kun'di naman talaga dahil dito ay hindi pupunta roon si Kylie. “I don’t care, I’ll take you home at hindi ka na puwedeng bumalik dito kahit kailan,” mariing sabi niya rito sabay hawak sa braso nito at iginiya patungo sa kotse niya. Napagdiin ni Maxine ang sariling labi at bagsak ang balikat na tumalikod na rin pabalik sa apartment nito. “Max!” naiiyak na tawag pa ni Kylie rito at akmang susundan pa ito pero pinigilan niya ang kapatid. “Uuwi na tayo,” mariing sabi niya sa kapatid. Sinuntok siya ni Kylie sa dibdib. “Ang sama ng ugali mo!” masama ang loob na sabi nito sa kaniya pero hindi niya iyon pinansin bagkus ay pinilit na ipasok ito sa kotse. “Max!” tawag pa ulit dito ni Kylie na walang nagawa nang ilapat niya ang car door. Nagmadali siyang lumigid sa kotse at sumakay. “Grabe ka, Kyzer, matigas ba talaga ang dibdib mo? Hindi ka man lang naawa kay Max!” umiiyak nitong dakdak sa kaniya nang makaupo siya sa driver seat. Hindi niya ito pinansin bagkus ay kaagad na pinaharurot ang sasakyan. Nagpatuloy si Maxine sa mabagal na paglakad, pero napahinto ito at lumingon nang marinig ang tunog ng kaniyang kotse palayo. Namamasa ang mga mata nitong inihatid ng tanaw ang palayo niyang sasakyan, hanggang sa hindi na ito nakatiis at tuluyan nang napaiyak habang nananatili sa kinatatayuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD