"Jasmin! Jasmin!" malakas na tawag sa kanya ni Harry. Kahit na napaka-ingay sa bar na iyon ay dinig na dinig pa rin niya ang boses nito.
Ngunit wala siyang pakialam. Hindi siya huminto. Nagsisimula na ring pumatak ang mga luha mula sa mga mata niya. Muling pumasok sa isip niya ang reaksyon ng mga kasamahan niya nang makita ang paghalik sa kanya ni Harry.
Ano pa ang mukhang ihaharap niya sa mga ito ngayon? Baka isipin ng mga ito na totoo nga ang chismis tungkol sa kanya, na pumapatol siya sa mga boss nila. Paano ba naman kasi niya ipapaliwanag ang nangyari? Na hinalikan siya ni Harry? Sino ba naman ang basta na lang maniniwala sa kanya? Presidente at susunod na may-ari ng malaking kompanya magkaka-interes sa kanya? Hindi malabong isipin ng mga ito na inakit niya si Harry!
Napahikbi na siya dahil sa naisip. Sobrang baba na ng tingin niya sa sarili. Dapat talaga ay hindi siya nagpadala sa mga pananakot sa kanya ni Harry at umalis na lang sa kompanya nito.
"Jasmin!" Hinila ni Harry ang kanyang braso nang maabutan siya sa labas ng bar. "Wait."
Kinalma niya ang sarili. Pasimple niyang pinunasan ang mukha at tsaka ito binalingan.
"Ano pa bang kailangan mo?" mahina niyang tanong dito. Kahit na galit siya ay ayaw naman niyang magmukhang walang pinag-aralan sa mataong lugar na iyon.
"Okay!" anito. "I'm sorry!"
Hindi makapaniwalang tumingin siya kay Harry. Ito pa talaga ang may ganang maninghal at magalit? Hindi ba at siya ang ginawan nito ng mali?
"Uuwi na ako! At huwag mo na akong susundan," sabi na lang niya.
"Jasmin!"
"Ano ba Harry?! Pagod na pagod na ako sa mga kapritso mo!" napipikon na niyang sigaw dito. Sa totoo lang ay inis na inis na talaga siya. Hindi niya nga lang alam kung kay Harry o mas sa sarili niya dahil hinayaan niyang gawin ni Harry ang mga gusto nito. Ang ending, siya ang nahihirapan ngayon.
"What did you say?"
"I said, I am tired of you! Hindi mo ako pag-aari na pwede mong gawin kung ano lang ang gusto mo!"
"You provoked me!" sigaw din nito.
"Hindi 'ko alam kung ano ang sinasabi mong "I provoked you", pero I am done with you! Bahala ka na sa buhay mo!" aniya tsaka ito tinalikuran.
Nagmamadali siyang lumakad palayo sa lalaki. Ngunit nakakailang hakbang pa lang siya ay naramdaman na naman niya ang pagpigil nito sa kanya.
"Ano ba?!" pilit siyang kumawala sa pagkakahawak nito.
"And where do you think you're going?"
"Wala ka na ron! Pwede ba bitiwan mo ako! Ano ba?!"
"No!"
Nagulat pa siya nang bigla siyang buhatin ni Harry na parang isang sakong bigas. Pinilit niyang bumaba ngunit malakas si Harry at wala siyang nagawa kundi ang paluin ang likod nito. Pero parang siya pa ang nasasaktan sa ginagawa niya dahil sa tigas niyon.
"Harry! Put me down!" aniya rito. Napatingin siya sa mga taong naroon na nakatingin na sa kanila. Ngunit wala man lang tumulong sa kanya.
Ibinaba lang siya ni Harry nang nasa tapat na sila ng magarang sasakyan nito. Wala siyang nagawa nang basta na lang siyang ipasok doon ng lalaki at i-lock ang pinto.
"Walanghiya ka, Harry! This is k********g!" sigaw niya rito nang makapasok din ito sa sasakyan.
"I don't care! Now, seatbelt," utos nito sa kanya.
"No! Hindi ako sasama sa iyo! Buksan mo ang pinto!"
Hindi ito sumagot at binuksan na ang makina. Pagkatapos ay bumaling sa kanya ang walang ekspresyon nitong mukha. Maya-maya pa ay pinasibad na nito ang sasakyan. Sa sobrang bilis nito ay lulang-lula na siya. Kaya naman kinapa na niya ang seat belt at tsaka iyon ginamit.
"Ano ba?! Bagalan mo naman!" aniya sa lalaki. Natatakot na siya na baka maaksidente sila sa bilis nitong magmaneho.
Nang mapansin naman nito na natatakot na siya ay bumagal ng kaunti ang takbo nila. Tsaka pa lang siya nakahinga ng maluwag. Hindi man lang niya napansin na pigil-pigil na pala niya ang paghinga.
Ilang minuto lang ay nasa tapat na sila ng isang malaking bahay. Pumasok sa loob ng bakuran nito ang sasakyan ni Harry.
"Sandali! Kaninong bahay ba ito? Uuwi na ako!"
Tumingin lang sa kanya si Harry ay nagpatuloy lang sa pagmamaneho sa loob ng malaking bakuran hanggang sa tumapat sa malaking entrance door ng bahay. Isang lalaki ang mabilis na lumapit sa sasakyan ni Harry.
"Get out of the car," utos ni Harry sa kanya.
"Ayoko! Gusto 'ko nang umuwi!" pagmamatigas niya rito.
"Get off or gusto mong buhatin kita palabas?" banta nito.
Nakipagsukatan siya ng tingin sa lalaki. Hindi siya magpapatalo ngayon kay Harry. Ang akala niya ay nanalo na siya nang bumaba na ito sa sasakyan. Ngunit nanlaki ang mga mata niya nang makitang papunta ito sa gawi niya. Bago pa nito mabuksan ang pinto ay inunahan na niya ito.
"Eto na!" singhal niya kay Harry.
Hinila na siya ni Harry papasok sa bahay na malamang ay pag-aari nito. Isang may-edad na babae ang sumalubong sa kanila. Nakangiti na agad ito kay Harry.
"Manang Lourdes," ani Harry. "This is Jasmin."
"Jasmin?" sabi ng babae na tinawag nitong Manang Lourdes. "Hija, kamusta?"
Tumkhim siya. "Okay lang po. Magandang gabi po, Manang Lourdes."
"Aba'y kagandang bata. Nobya mo ba siya, Harry?"
Pakiramdam niya ay nanlaki ang ulo niya sa sinabi ni Manang Lourdes. Nakita niya nang kumunot ang noo ni Harry.
"Ah... hindi po, manang, personal assistant niya po ako," siya na ang sumagot.
"Ganoon ba? Anong oras na, may trabaho pa ba kayo?"
"Please prepare a room for her," sa halip ay utos ni Harry.
Gulat siyang napatingin dito. "What?"
"Why? Unless you want to sleep in the kitchen?" sarkastikong sagot ni Harry sa kanya.
Napatingin siya kay Manang Lourdes na tila naguguluhang nakamasid din sa kanila.
"Excuse lang po, Manang Lourdes," pasintabi niya sa matanda bago hinila sa 'di kalayuan si Harry para kausapin ng sarilinan. "Hindi ako matutulog sa bahay mo."
"At saan mo balak matulog?"
"Anong saan? Edi sa bahay 'ko," naiinis na sagot niya rito. Hindi na talaga niya maintindihan si Harry.
"And do you think I'm going to believe you after what you said?"
"Anong sinabi 'ko?" naguguluhan niyang tanong kay Harry. Wala siyang ideya kung anong pinagsasabi nito.
"You said you're single and there's nothing wrong if there's a lot of guy willing to flirt with you," galit na sagot nito sa kanya.
"What?" hindi makapaniwala niyang anas. "Yes, I said I am single but... teka nga, bakit ako nagpapaliwanag sa iyo? Ano namang masama sa sinabi 'ko? At anong kinalaman non sa pag-uwi 'ko sa bahay 'ko?"
Pigil na pigil niya ang sumigaw dahil napansin niyang nakatingin lang sa kanila si Manang Lourdes at naghihintay sa kanila.
"So, you're really willing to flirt with those men?"
Nakaramdam siya ng takot sa tono ng boses ni Harry nang sabihin 'yon ngunit at the same time ay naiinis din siya dahil wala naman siyang sinabing ganoon dito.
"Wala akong sinabing gano'n. At pwede ba, huwag mong ilayo ang usapan! Bakit mo ko dito inuwi? Hindi ako matutulog sa bahay mo!"
"It's not up to you," sagot nito.
"Anong it's not up to me? Hindi mo ako pwedeng manduhan. Bukas na bukas magpapasa na ako ng resignation, whether you like it or not!"
"Really? Let's see," anito tsaka siya tinalikuran.
"Harry! Harry!" tawag niya sa lalaki pero hindi na siya pinansin ng lalaki.
"Hija? May problema ba?" tanong sa kanya ni Manang Lourdes.
"Opo. May problema talaga," sagot niya sa matanda. "Kailangan 'ko na pong umuwi. May taxi po bang matatawag dito?"
"Taxi? Meron naman, kaya lang ay ang bilin ni Harry ay dito ka matutulog."
"Hindi po. Kinidnap lang ako ni Harry, Manang Lourdes."
"Ha?"
"Who would believe you?" Napalingon siya nang magsalita si Harry. Bumalik pala ito.
"Gusto 'ko nang umuwi."
"I told you, I won't let you. I won't let you do stupid things," ani Harry pagkatapos ay bumaling kay Manang Lourdes. "Prepare the room."
"No! Hindi mo ako mapipilit!"
"Talaga? Then, go ahead, go home!"
Bahagya siyang nasindak nang sumigaw si Harry. Ngunit hindi niya hahayaang makita nito iyon dahil baka gamitin na naman nito 'yun para pigilan siyang umuwi.
Mabilis siyang tumalikod at lumakad papunta sa pinto.
"Jasmin! Sandali," habol sa kanya ni Manang Lourdes. "Gabi na, baka kung mapaano ka."
Patawarin siya ni Manang Lourdes ngunit ayaw na niyang lumingon pa. Nadinig niya pa nang kausapin nito si Harry para pigilan siya.
"Hayaan niyo siyang lapain ng mga aso ng kapitbahay, Manang," narinig niyang sagot nito. "Matigas ang ulo niya."
Nang marinig ang sinabi nito ay bigla siyang napahinto. Ano raw? Mga aso?
"Huwag kang magpapaloko sa lalaking iyan, Jasmin!" ani ng isang bahagi ng isipan niya.
Oo nga naman, alangan namang nagkalat ang aso sa isang exclusive village na iyon? Malamang na bina-bluff lang siya ni Harry.
Nilingon niya ito at pinukol ng masasamang tingin. Hindi na siya magpapadala sa lalaking ito! Kaya naman nagpatuloy pa rin siya.
"Ma'am? Saan po kayo pupunta?" tanong ng lalaking sumalubong sa kanila kanina.
"Uuwi na po ako. Saan po ba ang daan palabas ng village na ito?"
Gulat na tumingin ito sa kanya. "Gabi na ho, ma'am, baka kung mapaano pa kayo sa daan."
"Wala akong pakialam, basta gusto 'ko nang umuwi," sagot niya.
Napakamot sa ulo ang lalaki. Bigla naman siyang nagsisi sa paraan ng pagsagot niya rito kaya humingi siya ng paumanhin. Nakakaintinding tumango na lang ito.
"Eh, ma'am, ihahatid 'ko na lang kayo, magpapaalam lang ako kay sir," mabait nitong sabi.
"Huwag na ho at siguradong hindi rin naman papayag ang hudas niyong amo. Ituro niyo na lang sa akin ang daan para hindi na po kayo maabala," aniya.
Gusto sana niyang tanggapin ang alok nito ngunit ayaw naman niyang maabala pa ito at baka madamay pa sa topak ng amo nito.
Kita niya ang paglunok nito nang marinig ang itinawag niya kay Harry. Marahil ay hindi ito sanay na mag nagsasalita ng hindi maganda laban sa amo.
Wala naman itong nagawa kundi ang ituro sa kanya ang daan. "Pero, maa'm..."
"Ayos lang ho ako. Sige po, salamat," paalam niya rito.
"Ma'am!"
Hindi na niya pinansin ang pagtawag nito at nilakad na ang palabas sa bakurang iyon. Sa sobrang laki non ay hingal kabayo na siya nang makalabas doon. Iyon pa lang ang nilalakad niya ay hapong- hapo na siya. Malayo-layo rin daw ang gate palabas ng village.
"Walanghiya kang Harry ka! Parusa ka talaga sa buhay 'ko!" aniya sa sarili habang naglalakad.
Hindi naman masyadong madilim sa nilalakaran niya dahil sa mga ilaw sa poste ngunit wala namang katao-tao at tahimik na tahimik na. Sa totoo lang ay nilalakasan lang niya ang loob kahit na kabado siya nang mga oras na iyon.
Ilang metro na ang nalalakad niya nang may mapansin siyang gumagalaw sa 'di kalayuan. Napanganga siya nang unti-unti iyong masinagan ng ilaw at makita ang mababangis nitong mga mata na nakatutok na ngayon sa kanya.
Napalunok si Jasmin nang masiguro kung ano ang kanyang nasa harapan. Isang pagkalaki-laking aso iyon na kulay brown. Tila nananadya pa ito na ipinakita ang mga pangil sa kanya.
"Diyos 'ko..." kinakabahan niyang anas. Inilibot niya ang paningin sa lugar ngunit wala talaga kahit na isang tao man lang na maaari niyang hingian ng tulong.
Palapit na nang palapit sa kanya ang aso at ilang beses siyang tinahulan. Nagtaasan na rin ang mga balahibo niya sa sobrang takot. Pinigil niya ang sarili sa panginginig dahil baka lalong bumangis ang aso sa kanyang harapan kapag nakitang gumagalaw siya.
Lahat na yata ng dasal ay nasambit na niya sa sobrang takot na nararamdaman. Wala siyang ibang sinisisi kundi si Harry. Kundi naman dahil dito ay payapa na sana siyang nagpapahinga sa bahay niya. Naalala niya ang sinabi nito kanina, alam naman pala nito na may aso sa lugar na iyon ay bakit hindi man lang nagkusang ihatid siya o kaya ay ipahatid sa tauhan nito.
Hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang mga luha niya. At mas lalo siyang naiyak nang makitang tila galit na galit ang aso na tumakbo palapit sa kanya. Napapikit na lang siya at hinintay ang pagsakmal nito.
Doon naman niya narinig ang maingay na pagsagitsit ng preno ng isang sasakyan. Pagmulat niya ng mga mata ay nakita niyang nakaharang na sa harapan niya ang kotse ni Harry at nakapagitan sa kanila ng aso.
"What are you waiting for?!" sigaw ni Harry sa kanya. Binuksan na pala nito ang pintuan ng passenger's seat at pinasasakay siya. Agad naman siyang pumasok sa sasakyan.
Nakita niya pang humabol sa kanila ang aso ngunit tumigil din.
"What did I told you about being stubborn?!" asik sa kanya ni Harry.
"Ikaw ang may kasalanan nito! Kung hindi mo ako dinala sa bahay mo hindi sana ako nalagay sa panganib!" ganting sigaw niya.
Ito pa talaga ang naninigaw pagkatapos ng nangyari?
"Look at you!" sabi nito habang pabalik-balik ang tingin sa kanya at sa daan. Nagulat pa siya nang hawakan nito ang kanyang mga kamay. Nanginginig pa pala iyon! Inalis niya ang kamay nito ngunit hinawakan din siyang muli. Hinayaan na lang niya dahil para siyang biglang nanlata.
Nang makabalik sila sa bahay nito ay inalalayan pa siya nitong makalabas sa kotse dahil talagang nanlambot ang mga tuhod niya. Hindi na rin siya nakipagtalo pa sa lalaki dahil nanghihina na siya.
"Anong nangyari?" nag-aalalang salubong ni Manang Lourdes.
"Manang, please call Dr. Loenidez," utos dito ni Harry.
"Oo, oo. Teka, sandali."
Binuhat na siya ni Harry nang paakyat na sila sa hagdan. Pinigilan na siya nito nang akma pa siyang tututol. Idineretso siya nito sa isang kwarto sa second floor. Malaki ang kwarto na iyon na puro puti. Inihiga na siya sa malaking kama na naroon.
"Mahiga ka muna, let's wait for the doctor," anito.
"Hindi na kailangan, gusto 'ko nang umuwi."
"Can you please listen to me? Kaya ka napapahamak dahil ang tigas ng ulo mo.
Sasagot sana siya kay Harry ngunit tila siya nawalan ng lakas. Ipinikit niya ang mga mata. Hahayaan na lang muna niya si Harry. Magpapahinga muna siya. Hanggang sa tuluyan na siyang nilamon ng dilim.
"Jasmin?" narinig niya pa ang nag-aalalang boses ni Harry. "Jasmin?! God, what happened?"
*****
Napa-ungol siya dahil ang komportable ng pakiramdam niya. Napasarap yata siya nang tulog dahil sa malambot na kama at malamig hangin mula sa aircon habang nakayakap sa isang malaking unan.
Aircon? Wala naman siyang aircon sa bahay niya!
Napadilat siya at mukha ni Harry ang nabungaran niya. Muntik na siyang mapasigaw nang makita ang lalaki. Mabuti na lang at napigilan niya ang sarili dahil nakakahiya ang posisyo nila. Nakayakap siya kay Harry at nakadantay pa ang hita at binti sa baywang nito.
Agad siyang lumayo rito ngunit hinila naman siya ng lalaki sa baywang palapit dito. Tinignan niya ito, mukha namang tulog pa ito dahil naririnig niya pa ang mahihinang hilik nito. Sinubukan niyang lumayo ulit ngunit hinihila din siya nito.
Hinagilap niya sa utak kung bakit siya napunta roon. Ang huli niyang natatandaan ay nang harangin siya ng isang malaking aso at biglang dumating si Harry.
Anong ginagawa niya rito at bakit magkatabi sila ni Harry sa iisang kama?
"Harry? Harry!" gising niya sa lalaki. Inuga niya pa ang braso nito na nakapatong sa tiyan niya. "Harry."
Hindi man lang ito kumilos. Nagdududa niya itong tinignan. Baka naman nagkukunwari lang itong tulog? Tinitigan niya ito para makasiguro pero hindi sinasadyang nalunod siya sa pagtitig dito. Mas lalong naging magandang lalaki si Harry kumpara noong high school pa lang sila. Dahil sa pwesto nitong patagilid ay mas na-emphasize ang panga nito na lalaking-lalaki tignan. Magaganda rin ang hubog ng mga labi nito na mas manipis pa yata kaysa sa kanya. Mukha itong maamo kapag tulog, malayo sa Harry na gising.
"Like what you're seeing?" biglang sabi nito habang nakapikit.
Gulat siyang napatingin dito. "Sinasabi 'ko na nga ba! Nagkukunwari ka lang na tulog!"
"What? I was really sleeping. I just felt someone's taking advantage of me," anito.
"Anong-?! Umalis ka nga sa tabi 'ko! At bakit ba magkatabi na naman tayo sa kama?!"
"As far as I remember, you are the one who hugged me first," nakakaloko nitong sagot habang humihigpit pa ang yakap sa kanya.
"Natutulog ako non! Bakit ka ba nandito? At pwede ba, lumayo-layo ka nga sa akin!" Itinulak na niya ang lalaki na tatawa-tawa pa.
Nang makalaya mula rito ay napatingin siya sa suot na damit. Nanlilisik ang mga matang tumingin siya rito.
"Don't look at me like that. Sila Manang Lourdes ang nagbihis sa iyo," anito nang mapagtanto kung bakit masama ang tingin niya rito.
Nakahinga siya nang maluwag nang marinig ang sinabi nito. Hindi na talaga niya mapapatawad ang lalaki kung ito ang nagbihis sa kanya.
"Kaninong damit ito?" tanong niya. Ternong pantulog ang suot niya na mukhang mamahalin pa nga. Alangan naman kay Manang Lourdes iyon? "Nasaan ang mga damit 'ko?"
"Pinalaban 'ko because you smell like sweat," sagot nito.
"Iyon naman pala, bakit ka pa dikit ng dikit sa akin?!" napipikon niyang singhal dito. "At kaninong damit ba itong pinasuot mo sa akin?"
"Importante pa ba 'yon?" tila inis nitong tanong sa kanya.
"Oo. Dahil baka may bigla na lang sumabunot sa akin dito dahil pinasuot mo sa akin ang damit niya," naiinis niyang sagot.
"Kunwari ka pa, gusto mo lang malaman kung may ibang babaenh inuuwi si Harry sa bahay niya!" tuya ng utak niya.
"It's my mom's. Happy?" parang napipilitan nitong sagot.
Napatingin siya sa suot. Kung ganoon, dito rin nakatira ang mommy nito?
"Don't worry, it's new. She's on a business trip," maya-maya ay sabi ni Harry. Siguro ay napansin nito ang pag-aalala sa mukha niya.
"Wala naman akong sinasabi. Nasaan ba ang mga damit 'ko?"
"Let's have some breakfast," sabi nito tsaka ibinato sa kanya ang isang bath robe. "Cover your self."
"Hindi na-"
Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil basta na lang lumabas ng kwartong iyon si Harry na hindi na pinatapos ang sasabihin niya.
"Bastos!" sigaw niya.
Nakakainis talaga! Anong gagawin niya ngayon? Alangan namang umuwi siya nang nakapantulog?
Naiinis na isinuot niya ang bath robe na ibinigay ni Harry sa kanya at lumabas sa kwarto. Isang babae na nakasuot ng uniform ang naghihintay sa kanya sa labas.
"Good morning, ma'am," magalang nitong bati sa kanya. "Dito po tayo."
Sumunod na lang siya rito na hula niya ay papunta sa dining ng bahay na iyon. Napakalaki ng bahay nila Harry na halos puro puti lang.
Nang makarating sa dinig room ay inakay na siya ng kasamang babae palapit sa malaking dining table kung nasaan nakaupo na sa kabisera si Harry. Sa kanang bahagi nito ay may isa pang platong nakahanda na malamang ay para sa kanya.
"Eat," parang haring utos ni Harry sa kanya na ibinaba na ang news paper na hawak kanina lang.
Ang totoo ay gutom na talaga siya at mas lalo pang nagutom nang makita ang maraming pagkaing nakahain sa mesa. Kagabi kasi ay isang burger lang ang nakain niya.
Mamaya na lang siya makikipagtalo kay Harry. Kakain na muna siya upang may lakas siya.