CHAPTER THIRTY THREE PT 2

2882 Words
"Alam mo, kung hindi siguro umeksena ang Nilo na iyon dati, malamang ay kayo na ni Sir President." Napatingin siya kay Nikki ng sabihin nito iyon. Magkasabay silang kumakain ngayon sa isang malapit na kainan sa opisina dahil birthday nito at inilibre siya. Mabuti na lang talaga at abala ang boss niya at hindi siya masyadong pinagpapapansin. Ilang araw na itong busy dahil may mga investors na darating next week mula Russia. Maging sila ni Sir Jason nga ay bihira ding makita ngayon dahil doon. "Ano?" "I mean, sa tingin 'ko lang, ha, friend, nagkagusto talaga sa iyo si Sir Harry noon," sagot ni Nikki. "Itigil mo na nga iyang sinasabi mo. Sinabi 'ko na sa iyo, ginamit lang ako ni Sir Harry noon para mapasagot iyong sikat na cheerleader sa school namin," saway niya sa kaibigan. "Sus! Sige nga, bakit ikaw ang ginamit niya? Eh, 'di ba sabi mo "Plain Jane" ka lang noon?" Tinapos muna niya ang pagnguya sa kinakain bago sumagot kay Nikki. "Bakit? Simple, kasi ako lang 'yung madalas niyang kasama noon. Plus, pinalabas niya pa na nanliligaw siya sa akin noon para mabwisit ang manyak na Nilo na iyon at ang kapatid 'ko." "Okay! Pero ang sabi mo naman, hindi mo alam kung naging sila ba talaga nun cheerleader, hindi ba? Dahil kahit kailan ay hindi mo nakitang dumalaw sa school niyo ulit si Sir Harry pagkatapos umalis. Ano 'yun? Hindi man lang dinalaw 'yun girlfriend niya kahit isang beses?" Parang gusto na niyang pagsisihina na ikinuwento niya kay Nikki ang nakaraan nila. Sabagay, ay hindi rin naman kasi siya nito tinantanan at panay ang tanong sa kanya. At dahil nakukulitan na siya rito ay wala na siyang nagawa pa. Heto na naman nga ito at panay ang pilit sa kanya.  Hindi niya tuloy maiwasang maalala ang masakit na pinagdaanan dahil sa ginawa ni Harry noon. Pagkatapos ay araw-araw niya pa itong nakakasama. Kulang na lang ay pati Linggo na day off sana niya ay papasukin siya nito. "Hindi naman ibig sabihin noon na hindi na sila nagkita. Ang sabi 'ko lang hindi 'ko nakita si Sir Harry noon. Malay ba natin kung pumupunta ito sa chool at hindi 'ko lang nakikita." "Hindi pa rin ako convinced! Feeling 'ko talaga gawa-gawa lang niya iyon para masaktan ka dahil sa nakita niya. Kasalanan talaga ng Nilo na iyon!" "Hay naku, Nikki, iyan ba talaga ang pinagkakaabalahan mo? Ang uriratin ang nakaraan 'ko? Birthday mo ngayon 'di ba?" "Ay, oo nga pala! Pero kasi naman, girl, nakaka-curious talaga ang past niyo ni Sir Harry!" "Tumigil ka nga! Baka may makarinig pa sa iyo na kilala ang amo natin." "Okay, okay!" taas ang kamay pang sabi ni Nikki. "Oo nga pala, mamaya sama ka sa amin. Gimik tayo!" "At saan naman?" may hinala na siya sa gustong puntahan ni Nikki. Mahilig kasing pumunta sa mga bar ang kaibigan kasama ng ilan nitong kaibigan din sa trabaho. "Diyan lang! Basta sumama ka! I won't take no for an answer." "Nikki, alam mo naman ang sitwasyon 'ko 'di ba?" "Friend, loosen up! Hindi naman masama na minsan ang gumimik ka rin no! Tsaka, no worries, sagot 'ko!" "Dagdag pa ako sa gastos mo. Kayo na lang," tanggi niya. Bukod sa nahihiya siya kay Nikki dahil sagot naman siya nito, hindi rin niya gusto ang ganoong klase ng mga lugar. Maingay, masikip at mausok. Mas gugustuhin pa niyang magpahinga na lang sa bahay niya. "Hoy, Jasmin! Magtigil ka nga diyan. Masyado kang seryoso sa buhay, puro ka trabaho. Stressed na stressed na 'yang itsura mo, sinasayang mo ang ganda mo. Aba'y ilang taon ka na wala ka pang experience." "Nikki, iyang bibig mo talaga! Mag-eenjoy ka naman kahit wala ako don!" "Bahala ka, kapag nalasing ako mamaya, ipagkakalat 'ko ang love story niya ni Sir Harry," banta nito. Seryosong seryoso ang mukha nito nang sabihin iyon. "Nikki..." "Kaya sumama ka na para sure na may aawat sa akin mamaya," putol nito sa sasabihi niya. Nag-puppy eyes pa talaa ito sa harap niya. "Oo na," sumusukong sabi niya. "Pero tigilan mo 'yang kaka-"love story" mo dahil walang ganun." "Sus! Basta, ako randam 'ko talaga na meron!" Napailing na lang siya. Hindi yata siya mananalo sa kaibigan. Kahit na anong tanggi ang gawin niya ay kumbinsido talaga ito na mayroon silang "nakaraan" ni Harry.                                                                                          ***** Pagbalik sa opisina ay agad na siyang umakyat sa twenty eighth floor kung nasaan ang opisina nila. Nag-ayos lang siya sandali at bumalik na sa mga naiwang trabaho. Tulad ni Harry at Sir Jason ay abala rin siya. Actually, tambak nga ang trabaho niya dahil sa kanyang ipinasa ni Sir Jason ang iba nitong ginagawa dahil busy nga sila sa darating na conference para sa mga foreign investors. Dahil sa dami ng kailangang gawin ay hindi na niya namalayan ang oras. Bandang alas singko nang tawagan siya ni Nikki at ipaalala ang lakad nila ngayong gabi. Muntik na niya iyong makalimutan! "Ano? Nakalimutan mo? Huwag mong sabihing hindi ka na sasama. Hindi na kami tutuloy!" ani Nikki sa kabilang linya. "Hindi 'ko nakalimutan," sagot niya habang may inaayos na dokumento. "Marami lang akong ginagawa. Kung gusto mo, sabihin mo na lang sa akin kung saan, susunod na lang ako." "Scam 'yan! Hihintayin kita sa lobby." "Nikki-" "Where are you going?" Muntik na niyang mabitiwan ang hawak na cellphone sa gulat nang biglang magsalita si Harry. Hindi man lang niya namalayan na naroon na ito. "Sir!" "Sinong kausap mo? And where are you going?" ulit nito sa tanong kanina. "OMG! Si Sir Harry ba 'yan?" tila kinikilig na tanong ni Nikki sa kabilang linya. "Tatawagan na lang ulit kita," paalam niya kay Nikki bago pinutol ang tawag. "So?" untag ni Harry sa kanya. "Ah... Si Nikki 'yon, sir, from accounting department." "Okay." "Ah... is there something you need?" "Yes, the documents I was asking, are they ready?" "Yes, sir," aniya at iniabot dito ang mga hinihingi nito. "Good. So, you're going home?" Napatikhim siya. Ano bang isasagot niya? Oo, uuwi na siya pero hindi naman talaga? "Yes, sir." Tumingin ito sa suot na mamahaling relo at tumaas ang kilay. "Actually, I need your help." Hindi na niya itinago ang pagtaas ng kilay. Madalas naman iyong gawin ni Harry sa kanya, kung kailan uwian na ay tsaka siya bibigyan ng trabaho. Madalas kasi ay si Sir jason lang ang nagbibigay sa kanya ng task pagdating sa mga office works. "May reklamo?" tila nanunuyang tanong sa kanya ng boss. "Actually, sir, may lakad po ako," aniya. Pakiramdam kasi niya ay nang-iinis na lang ito. "Lakad? Where to?" Mukhang interesado nitong tanong sa kanya. "I think it's none of your business, sir, because it is personal," sagot niya na ipinagdiinan pa ang huling salita. Sumusobra na talaga itong si Harry, eh, lahat na lang gusto nitong panghimasukan sa buhay niya. Naalala tuloy niya ang biglaang pagtawag ng mama niya nang dumating sa San Nicolas ang isang truck na grocery na ipiandala nito doon. Naramdaman niya ang pag-aalala sa boses ng ina dahil alam naman nito ang sitwasyon niya sa siyudad. Baka kung anu-ano na ang iniisip ng mama niya sa kanya at maging ang mga kabarangay nila. Baka na-chismis na rin sila doon. Hindi niya nga alam kung paanong ipaliliwanag ang tungkol doon sa ina. Sinabi na lang niya na nanalo siya sa isang raffle sa kompanya nila. Kahit paano ay humupa ang pag-aalala nito. "Really?" ani Harry at lumapit sa kanya. "It's either you tell me where you are going or not go at all." "Aba't-" pinigil niya ang sarili. Kailangan niyang kumalma kundi ay mauubos na naman ang enerhiya niya. Nag-ring ang kanyang cellphone, si Nikki iyon. Malamang ay naiinip na ito sa kahihintay sa kanya sa baba. "Hello-" "Jasmin, ano na? Nauna na sila James doon, tayo na lang ang hinihintay!" ani Nikki sa kabilang linya. "Oo, wait lang. Bye!' Pinutol na niya agad ang tawag dahil naiilang siya sa pagtingin ni Harry sa kanya. Mukhang hindi talaga siya titigilan ng lalaki. Hindi naman niya masabi kay Nikki ang totoo sa harap nito. "What, Jasmin?" "Birthday ng kaibigan 'ko, we are going out tonight, sir," napipilitan niyang sagot dito. "Where?" "Hindi 'ko pa alam." "Well, if that's the case, I am going with you," pinal na saad ni Harry. Mabilis itong tumalikod at papunta na sa opisina nito. "Ano?! Teka, sir! Wait!" habol niya rito. Sinundan niya ito hanggang sa loob ng private office nito. Basta na lang nitong inihagis ang hawak nitong folder at kinuha ang nakasabit nitong coat. "Sandali! Hindi mo naman kailangang sumama, sir," pigil niya rito. "Maaabala ka lang." "Actually, yes." "Yes?" naguguluhan niyang tanong sa lalaki. Yes, pero gumagayak pa rin ito. "Yes, maaabala ako but I can not let you go out there alone," sagot nito. "Alone? Kasama 'ko ang iba niyong employee. Marami po kami." Hindi niya alam kung bakit ba siya nagpapaliwanag dito. Para siyang teenager na nagpapaalam sa tatay! "Exactly! Marami. And there could be boys." "Ha?" "Let's go! Your friend, Nikki is waiting for you. I mean, us." Nauna na itong lumabas sa kanya. Napipilitan siyang sumunod dito. Paglabas niya ay dala na nito ang kanyang bag at sinalubong na siya. "Sir-" "One more word, Jasmin," banta nito sa kanya. Ito na ang pumindot sa elevator button pababa sa ground floor ng building na iyon. Nag-aalala siya. Paano niya ba ipapaliwanag kay Nikki kung bakit kasama niya si Harry at sasama pa papunta sa bar na pupuntahan nila. Parang ang awkward naman na kasama nila ang presidente ng kompanya? "Jasmin!" tawag sa kanya ni Nikki nang makita siya. "Akala-" Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil kasunod niya lang si Harry. Napalingon siya rito. Kaswal na kaswal lang ang itsura nito. Ngunit nang ibaling niya ang paningin sa kaibigan ay para itong tumiklop na ewan at nanlalaki pa ang mga mata. "Ah..." agaw niya sa atensyon ni Nikki dahil para na itong natulala nang makita ang amo nila. "Nikki, ano... pwede ba nating isama si Sir Harry?" Kitang-kita niya ang panlalaki lalo ng mata ni Nikki sa sinabi niya. Habang si Harry naman ay kumunot ang noo dahil sa tanong niya. "Ha?! Ah... O-opo naman, sir!" "Good. Let's go," ani Harry. At talagang ito pa ang mayabang? Ito na nga ang nakikisakay sa party ng may party. "Kalabit ng kalabit sa kanya si Nikki habang papunta sila sa basement parking. Panay naman ang saway niya rito dahil nag-aalala siyang makita ni Harry ang reaksyon nito. Nang tumapat sila sasakyan ni Harry ay binuksan nito ang pinto sa passenger's seat katabi ng driver at sinenyasan siyang sumakay doon. Dahil doon ay binato na naman siya ng mapanuksong tingin ni Nikki, tulad ng inaasahan niya. Naiiling na sumakay na lang siya. "So, where to?" kaswal na tanong ni Harry nang makasakay na silang tatlo. Nasa backseat si Nikki. Mabilis na sumagot ang kaibigan at sinabi kung saan sila pupunta. Marami nang tao nang makarating sila. At tulad ng inaasahan niya, nagulat ang mga kasamahan nila nang makitang kasama nila si Harry. Biglang natahimik ang grupo at parang walang balak na magsalita ang mga ito. Bigla tuloy siyang nahiya kay Nikki. Dahil sa kanya kaya naroon ang lalaki. At dahil din sa kanya, baka hindi na mag-enjoy ang mga ito. "Nikki..." tawag niya sa kaibigan at bumulong. "Pasensya ka na. Pero mauuna na kami ni Sir Harry." "Ha? Bakit?" kunwari ay nagulat pa ito. "Wala kayong mapapala kapag nag-stay pa kami," mahina niyang sabi rito. "Bakit naman?" "Tignan mo nga, daig pa natin ang nasa bible study. I'm sure, naiilang kayo dahil nandito si sir." "Hindi naman..." maang-maangan nito. Hindi na siya sumagot at si Harry naman ang kinausap. "Sir, mauna na tayo," aya niya rito. "Why?" "Anong why? Hindi sila mag-e-enjoy kung nandito ka," prangka niyang sagot. Kumunot ang noo nito sa sinabi niya. Wala ba talaga itong pakiramdam, naisip niya. Sa gulat niya ay bumaling ito sa mga kasamahan nila. "Don't mind me. I'm here not as your boss." Napatikhim ang ilan sa mga ito habang ang iba naman ay napipilitang ngumiti. "Oo nga naman! Birthday 'ko naman ito! Mag-enjoy na lang tayo lalo na kasama natin si sir!" ani Nikki na tila bumuhay sa grupo. "Order na kayo, sir. Don't worry, my treat!" biro ni Nikki sa lalaki. Mahina namang natawa si Harry. "Really? Then I'll get the best." Nagtawanan ang mga naroon maliban sa kanya. Hindi siya natatawa dahil naiilang pa rin siya. "How about you? Do you drink?" baling ni Harry sa kanya. "Hay naku, sir, hindi umiinom iyang si Jasmin! Mabuti nga pinagbigyan ako ngayon!" singit ni Nikki. Sinenyasan niya itong tumigil. Hindi pa man din ito nakakainom ay ang daldal na. Sumenyas naman ito na sini-zipper ang mga labi. "That's nice to hear," sabi naman ni Harry. "Ang alin?" "Na hindi ka umiinom." "At bakit?" Hindi na ito sumagot at tumingin na lang sa hawak na menu. Hindi na lang siya nagtanong ulit at inikot ang paningin sa loob ng lugar na iyon. Marami-rami nang tao nang mga oras na iyon. Biglang kumalam ang tiyan niya. Sabay pa silang napatingin ni Harry doon. Nakakahiya naman! "You're hungry." Sa halip na sumagot ay tinawag niya ang isang waiter at umorder ng makakain niya. Hindi pa nga pala siyang nagdi-dinner. Mabilis na lumipas ang dalawang oras at ang ilan sa mga kasama nila ay may tama na ng alak. Nagagawa na ng mga itong makipagbiruan kay Harry at nangunguna sa mga ito si Nikki. Sa totoo lang ay kinakabahan siya sa kaibigan lalo pa at kita niyang unti-unti na itong nalalasing at madaldal na nga. Baka mangyari ang binabanta nito sa kanya at banggitin ang tungkol sa mga nakwento niya rito. Hindi lang nakakahiya sa mga naroon kundi mas nakakahiya kay Harry dahil baka isipin nito na naalala niya pa ang tungkol doon. Sa totoo lang ay ilang beses na niyang tinangkang magpaalam kay Nikki pero hindi siya nito pinapayagan. "Jasmin!" tawag nito sa kanya maya-maya. "Uminom ka naman, kahit konti! Birthday 'ko naman!" Pilit pa nitong inabot sa kanya ang isang baso.  "Nikki, lasing ka na," saway niya sa kaibigan. "Hoy! Hindi ako lasing, ha? Okay pa ako. Inom ka na," bumaling ito kay Harry. "Sir, pwede bang uminom itong kaibigan 'ko? Konti lang, para maging tao." Pinanlakihan niya ng mata ang kaibigan. Hindi dahil sa biro nito kundi sa paghingi nito ng permiso kay Harry. "Yeah, sure," nakakaloko pang ngumiti sa kanya ang lalaki. Ang mga naroon naman ay tinukso na sila. Palibhasa ay nasa impluwensiya na ng alak kaya hindi na nakakaramdam ng pagkailang kay Harry hindi katulad kanina. "Jasmin, pwede raw sabi ni sir!" tukso pa ng isa sa mga ito. Naiinis na kinuha niya ang baso at deretsong ininom ang laman niyon. Para pang gusto niyang pagsisihan ang ginawa dahil hindi niya nagustuhan ang lasa non at parang sinusunog ang lalamunan niya. Naghiyawan ang mga naroon sa ginawa niya. Walanghiyang Nikki to! Humanda talaga sa kanya ang kaibigan bukas. Lumipas pa ang ilang oras at nagkasayahan na ang lahat. Kahit na anong pilit sa kanya ng mga ito ay hindi na niya inulit pa ang pagtagay. Kanya-kanya nang kasiyahan ang mga ito at nag-aya na sa dance floor. Sila lang ni Harry ang naiwan sa kanilang mesa. Ito lang din kasi ang mukha pang matino, maliban sa kanya na hindi naman tumatagay. Inignora niya ang pagkailang nang maiwan silang dalawa. Pakiramdam kasi niya ay hindi na siya hinihiwalayan ng tingin ni Harry magmula kanina. Sana lang ay hindi na napansin iyon ng mga kasama nila. Tiyak na headline na naman siya bukas sa opisina. "Jasmin?" tawag ni Harry sa kanya. Bigla siyang binundol ng kaba ng marinig ang pagtawag nito sa kanya. Pero wala siyang magagawa kaya nilingon na niya ito. "Yes?" Hindi naman ito nagsalita at nakatitig lang sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin dito. "Ano ba? May dumi ba ako sa mukha?" Mahina itong natawa. "No." "Bakit ganyan ka makatingin?" sita niya. "Huwag mong sabihing lasing ka na, hindi ako marunong mag-drive!" "Really?" amused na saad nito. Ginawa pa yata siyang katatawanan ng lalaking ito. "What if I am?" "Huwag mo akong sisihin, ikaw itong nagpilit na sumama rito at uminom." "It's because of you! Sisihin mo ang sarili mo," anito. Marahas niyang nilingon si Harry. "At bakit ako? Hindi kita inaya, ikaw ang sumama." "I cannot afford to let you enjoy and I am not with you. Tignan mo nga, ang daming lalaki rito!" Kunot-noo siyang sumagot dito. "And why do you care? Buhay 'ko ito. At wala akong nakikitang masama kung mag-enjoy man ako. After all, I am single." Biglang nagbago ang itsura ni Harry at naging mabangis ito. Nakalapit na ito sa kanya sa isang pikit mata lang! Sinunggaban nito ang kanyang batok at siniil siya ng halik! Hindi na siya nakaiwas pa dahil sa sobrang gulat sa pangyayari. Naramdaman na lang niya ang marubdob at mapanakit na mga labi ni Harry. Bago pa siya nakakilos ay tumigil na rin ito at tumingin lang sa kanya. "Now, let's see who's going to think you are single," anito. Sasagot pa sana siya ngunit naramdaman niyang may mga nakatingin sa kanila. At nanlaki ang mga mata niya nang makita ang mga kasama nila na laglag ang mga pangang nakatingin sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD