CHAPTER THIRTY THREE PT 1

1015 Words
Nakakainis! Naisahan na nanan siya ni Harry! Kung kanina lang ay buong tapang niyang sinabi rito na magreresign na siya, heto naman siya makalipas lang ang dalawang oras, hindi magkandaugaga kung anong uunahin niya sa dami ng ipinasang trabaho ni Sir Jason. Hindi rin siya sigurado kung nananadya ba ito o ano. Basta pagdating pa lang nila ni Harry sa opisina ay may mga nakaabang nang trabaho sa kanya. Buo na talaga sa loob niya ang magbitiw bilang assistant ni Harry dahil napuno na siya sa pagiging pakialamero nito at higit sa lahat, ayaw na niyang humarap dito pagkatapos ng ginawa nitong paghalik sa kanya kahapon sa opisina nito. Idagdag pa na natulog silang magkatabi kagabi. Paano ba naman kasi siyang napunta sa tabi nito? Eh, malinaw sa isip niyang nakaupo lang siya sa upuan doon. At hindi rin siya malikot matulog. Sigurado siyang si Harry ang may kagagawan non kaya siya napunta sa tabi nito. Ngunit hindi naman niya kayang patunayan ang suspetsa. "Argh!" "Are you alright?" Bigla siyang napatingin sa taong nagtanong niyon. Si Sir Jason pala iyon. Hindi niya namalayang nakalapit na pala ito sa kanyang mesa. Ganoon siya ka-busy sa pag-iisip kay Harry at sa mga kalokohan nito? "Sir Jason! Nandiyan ka pala!"  "Yeah. Kanina pa. May problema ba? You look awful," pansin nito sa kanya. "Huh?"  "May problema ka ba? Is something bothering you?" kahit paano ay may pag-aalala siyang nasense sa boses ng kaharap. Ganunpaman, mukha pa rin itong istrikto na tila nagtatanong lang tungkol sa trabaho. Sabagay ay tungkol naman talaga iyon sa trabaho. Baka iniisip nito na hindi niya magagawa ng maayos ang trabaho niya kung may bumabagabag sa kanya. "Ah... wala, sir! Kulang lang po ako sa tulog kagabi. May istorbo kasing dumating," pagdadahilan niya. Napangiti ito sa sinabi niya. "Ganon ba?" "Oo, sir. Nakakainis nga eh kasi istorbo talaga!" Mas napangiti pa ito sa sinabi niya. Ngayon lang niya nakitang ganon si Sir Jason, palagi kasi itong seryoso. "What's funny?" Sabay silang napalingon nang marinig nila ang boses ni Harry. "Jason?" Tumikhim muna si Sir Jason bago sumagot. "Nothing sir, I was just asking Jasmin something." "And what is it?" parang curious na curious na tanong nito. Tila may pagdududa pa ang tono ng pagtatanong ng amo nila ni Sir Jason na nagpalipat lipat ang tingin sa kanilang dalawa. "Nothing seriuos, sir," sagot ni Sir Jason. "Really, you were smiling from ear to ear. It's new to me," sarkastikong sabi ni Harry. "Ah... sir," tawag niya sa pansin nito. Tila naiipit na kasi si Sir Jason. "I just told Sir Jason why I wasn't able to send him some emails. Kaso hindi 'ko nagawa kasi puyat ako. Kasi may istorbo sa bahay 'ko kagabi." Gulat na napatingin sa kanya si Sir Jason. Hindi siguro nito akalain na sasabihin nito iyon sa big boss ng kompanya. At amo pa nilang dalawa.  "Really?" amuser na sagot ni Harry sa kanya. "As far as I can remember, ang sarap pa ng tulog mo kagabi. At naghihilik ka pa. The "istorbo" told me." Dalawa na sila ni Sir Jason na nanlaki ang mga mata sa mga sinabi ni Harry. Ang hudas na ito, nakaisip agad ng igaganti sa kanya. At sa harap pa talaga ni Sir Jason. Baka kung ano na lang ang isipin nito sa kanya. "Got you!" ani Harry at nakakaloko pang ngumiti. "By the way, be ready at two, I have an urgent meeting. Book something fancy." Iyon lang at umalis na ito sa harap nila. Iyon lang naman pala ang sasabihin hindi na lang tumawag sa kanya. Gagawin na sana niya ang inutos nito nang mapansing nakatayo pa rin si Sir Jason sa harap ng mesa niya at nakatingin sa kanya. "Yes, sir? May kailangan ka pa?" "Are... you. Ah... nevermind. Here's the docs that you need." Mabilis ding umalis ito at bumalik na sa sarili nitong opisina. Nang maiwang mag-isa ay ginawa na muna niya ang huling utos ng boss niya. May mga listahan naman siya ng mga paborito nitong restaurant na binigay ni Sir Jason at sinabi na rin nito kung saan madalas makipag-meeting ang amo nila. Namg magawa iyon ay nagsimula na siyang magtrabaho ulit. Lalabas pala sila mamaya kaya kailangan niyang bawasan ang trabaho at baka matagalan sila.  Nang lunch time ay nagpadeliver lang siya ng lunch ni Harry dahil wala na raw itong time lumabas. "Sir, here's your food," anita rito nang maipasok na ang pagkaing inorder niya. Inayos niya pa iyon at isinilbi sa hari. "Okay! Sit down," utos nito sa kanya. Tumayo ito mula sa executive chair at lumipat sa mesang pandalawahan kung saan niya inihain ang pagkain nito. Sa isang parte kasi ng private office nito ay may nakalaang area para sa kainan nito dahil madalas daw ay hindi na ito lumalabas dahil sa dami ng trabaho at doon na lang kumakain sa opisina nito ayon kay Sir Jason. "Excuse me, sir?"  "I said, sit down. Let's eat," anito. "Pero-" "I ordered these for us. Kaya don't argue anymore," putol nito sa sasabihin niya. "Sorry, may kasabay po akong naghihintay sa akin." "What? How about our food?" "Edi ubusin niyo po lahat 'yan, kayo ang may gusto niyan. Excuse me." "Wait, Jasmin!" pigil nito sa kanya nang palabas na siya roon. "Please, let's eat here." Hindi niya alam kung bakit parang may kumurot sa puso niya nang maramdamang parang nagmamakaawa si Harry sa kanya. For the first time since they met again, ngayon lang niya naramdaman ang Harry na una niyang nakilala. Iyong Harry na mahinahon at hindi mayabang. Iyong Harry na magaang magsalita at masarap pakinggan. Iyong Harry na nagustuhan niya. Iyon ang Harry na kilala ng puso niya. Kaya ba parang may tama pa rin sa puso niya? No! Iyong Harry na iyon, balatkayo pala! Puro pagpapanggap lang at paghihiganti. Litong-lito siya sa nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Bakit? Hindi na dapat. Desidido na siya dapat na lumayo sa Harry na ito. Gulo lang ang dala nito sa buhay niya. Pero bakit natagpuan na lang niya ang sarili na kumakain kasama si Harry?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD