CHAPTER THIRTY TWO PT 2

3583 Words
Ano bang parusa ang ibinigay na ito sa kanya? Ang gusto lang nman niya ay makapagtrabaho ng maayos para patuloy na matulungan ang kanyang pamilya. Pero bakit sa dinami-rami ng magiging amo ay si Harry pa ang napunta sa kanya? Hindi niya pa rin maisip kung paano makakapagbitiw sa trabaho na hindi nito naiipit. Pero umabot na ang oras ng uwian ay wala pa rin siyang naisip na paraan. Bakit naman kasi bigla na lang naningil ang lalaking iyon? Samantalang kagabi ay ang yabang-yabang pa nito na ipinamili siya. Palabas na naman pala ang lahat. Sumasakit na ang ulo niya kakaisip. Hindi naman maaaring sagarin niya ang laman ng knyang savings mabayaran lang ang sandamakmak na grocery na iyon na una sa lahat ay hindi naman niya hiningi. Nakalaan pa naman iyon para sa allowance ng mama at papa niya habang naghahanap sana siya ng bagong trabaho. At magin ang kuya niya ay hindi rin maaaring hindi niya intindihin. Nagpapagaling pa kasi ito sa iang rehabilitation center sa probinsiya nila. Hindi ito sinukuan ng mama at papa niya kahit na halos wala nang matira sa kanila noon. Kaya naman hindi niyamagagawang iwan ang Kuya Jake niya. At dahil wala itong sariling pamilya ay siya na ang umako sa rsponsibilidad para tuluyang gumaling ang nakatatandang kapatid. Hindi siya nagrereklamo dahil kasama ito sa pangarap niya. Ang maiahon ito sa pagkakasadlak sa maling mundo. May mga binabayaran sila sa center at hindi biro ang halaga niyon kanaman todo ang pagtitipid niya. Konti na ang naman at babalik na sa kanila ang Kuya Jake niya. at alam niyang magiging masaya ang mga magulang nila kapag nangyari na iyon. Kaya paano siya susuko na lang? Kailangan siya ng mga ito. At isa pa, hindi rin naman maaaring wala siyang matirang pera kapag nagsimula na siya ulit. Magastos ang mag-apply sa Pinas! "Ang hudas na Harry na iyon ang sanhi ng lahat ng stress ko ngayon!" aniya sa isip. "Ano bang nagawa 'ko para pasakitan niya ako ng ganito?" Nang walang mahanap na sagot  ay naghanda na lang siya para umuwi. Wala na sanang kailangan ang nakakainis niyang amo para makauwi na siya. Daig niya pa ang nakipaglaban sa kung sino sa pag-iisip buong maghapon. Ngunit tila nananadya ito dahil kung kailan uwian ay tsaka naman ito tumawag at pinapasok siya sa private office nito. "Yes, sir?" malamig niyang tanong dito. Gusto niya talagang ipahalata rito na naiinis pa rin siya rito. "Have you made your mind?" tanong nito. Kumunot ang noo niya. Hindi niya agad nagets ang ibig nitong sabihin. "The deal," tila nawawalan ng pasensya na dugtong nito. At may gana pa itong mainis ngayon? Samantalang ito nga ang ugat ng problema niya ngayon. Magmula ng bumalik ito sa buhay niya ay hindi na tumahimik ang isipan niya. Lahat ng brain cells niya, stressed na! "Pinag-iisipan 'ko pa," mikli niyang sagot dito. "Pinag-iisipan? What's there to think about?" "Marami, sir, una sa lahat, iniisip 'ko kung paano ako makakbayad sa inyo." Bahala na! Alam naman nito na hindi na niya gusto pang manatili roon. "You really want to get away? Bakit?" parang inuusig siya ng lalaki sa uri ng tinging ipinupukol nito sa kanya. "I can't believe you're actualy asking that. Nagtatanong ka pa? Obviously, ayaw ko nang makasama ka sa trabaho. Wala akong katahimikan kapag nandiyan ka!" Gusto sana niyang isagot iyon kay Harry pero pinigilan niya ang sarili. "I just want to move on with my life, sir. Gusto ko ng tahimik na buhay, at walang katahimikan kapag  patuloy tayong magkasama, and I thnik you know why," mahinahon niyang saad sa lalaki. Kailangan niyang magpakahinahon kng nais niyang makumbinsi ito na tsaka niya na lang ito babayaran kapag nakahanap na siya ng bagong trabaho. Kahit na magdoble pa ang pagtitipid niya, mabayaran lang agad ito a gagawin niya. "Tell me, Jasmin, haven't you moved on already? It's been ages." "Hindi 'ko na gustong balikan pa iyon dahil matagal 'ko nang ibinaon iyon sa limot. Pero hindi ibig sabihi on na okay ako rito, kasama ka," aniya. "Really? It's you who f****d all it up! Tapos ikaw pa ang may ganang magmalaki ngayon? Bilib na ako sa iyo!" sigaw nito sa kanya. "Hindi 'ko alam kung anong ibig mong sabihin. Pero alam naman nating dalawa na hindi naging maganda ng nakaraan natin. Kaya sana ay hayaan mo na lang ako na umalis. Nangangako naman ako na hindi 'ko kakalimutan na may babayaran ako sa iyo." "Bullshit! I don't care about that money! Bakit gustong-gusto mong umalis? May babalikan ka ba, ha, Jasmin?!" singhal nito sa kanya. "Ano bang sinasabi mo?!" sigaw na rin niya. Hindi niya maintindihan kung anong punto nito. "Bakit gusto mong umalis? Tell me the truth!" "O sige! Hindi na kita matagalan! Ayaw 'ko nang makatrabaho ka pa dahil pagod na pagod na ako sa attitude mo! At isa pa, alam na alm mo naman kung bakit ganito ako sa iyo!" hindi na niya napigil sabihin. "f**k! It's you who fooled me!" muling akusa nito sa kanya. "Anong "fooled you" ang sinasabi mo? Sino ba sa atin ang nanloko at nanggamit!?" ganting akusa niya rito. Sumusobra na itong lalaking ito. Sa kanilang dalawa, ito ang may ginawang mali. "Really? How about you? Nakipaghalikan ka sa gagong Nilo na iyon to get even?" "Excuse me! Hindi ako nakipaghalikan sa nakakadiring lalaki na iyon! Hinalikan niya ako!" "Try harder, Jasmin!" "Wala akong dapat na patunayan sa iyo, Mr. Montenegro. Dahil una sa lahat, alam 'ko sa sarili 'ko kung ano ang totoo. At hindi 'ko obligasyon na ipaliwanag sa iyo ang personal kong buhay dahil hindi naman kita kaano-ano. Ngayon, tanggali mo na lang ako kung doon ka masaya!" Hindi na nya hinintay na sumagot pa si Harry at tinalikuran na ito. Nagmamadi siyang humakbang papunta sa pintuan. Ngunit bago siya makarating doon ay naramdaman na lang niya ang mahigpit na hawak sa kanyang braso. Paglingon niya ay nita niya ang nagbabagang mga mata ni Harry. "At sa tingin mo hahayaan na lang kitang makaalis?!" may pagbabanta sa boses nito. "Bakit ba hindi mo na lang ako hayaan?! Hindi ba at galit ka sa akin?!" aniya na pilit na kumawala mula sa pagkakahawak nito sa kanya. "No! I want to get even!" anito bago siya tuluyang hinila palapit dito. Hinawakan siya nito sa may batok at sinakop ang kanyang mga labi. Dahil sa gulat ay hindi man lang niya nakuhang gumalaw. Nanlaki ang mga mata niya nang maramdaman ang paggalaw ng mga labi nito at tila hinihikayat nito ang kung ano sa kanya! Bago sa kanya ang ginagaa nito at hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin. "Gaga! Ang dapat mong gawin ay itulak ang Harry na 'yan!" sigaw ng utak niya. "Ngayon na ba?" sagot naman ng puso niya. Pero bago pa niya mapagdesisyunan kung ano ang pakikinggan ay lumayo na ang mga labi ni Harry. Hindi niya mabasa an damdamin sa mga mata nito habang nakatitig sa kanya. "You don't know how to kiss," sabi nito na tila ba siguradong sigurado. Doon siya nagising sa panaginp na iyon at agad na itinulak si Harry. "Anong panaginip? Bangungot iyon!" tuya ng utak niya. Mabilis na umangat ang kanyang mga palad at handa na sanang dumapo sa mukha ng lalaki ngunit mas maagap ito at napigil iyon. "Bakit mo ginawa 'yun?!" sita niya rito.  Hindi niya alam kung kanino na siya mas galit ngayon. Kay Harry na nagnakaw ng halik o sa kanya na hinayaan lang na samantalahin siya nito. "That's what you get for being stubborn, Jasmin." "Wala kang karapatan gawin 'yun! Sobra ka na!" "Really? But I do not care. Now, do as I said, stay!" Bakit ba siya magpapadaig kay Harry? Kung tutuusin ay wala naman itong karapatan na pigilan siya kung gusto man niyang umalis sa kompanya nito. It's her right! "What? Want me to kiss you again, hmmm, Jasmin?" ani Harry nang hindi siya magsalita. "Hindi mo ako pwedeng pigilan, Mr. Montenegro!" Hindi ito sumagot nguniy unti-unti na naman itong lumapit sa kanya at ang mga mata nito ay nakapako sa kanyang mga labi. "I wouldn't mind doing this." Umatras siya. Ngunit sa ilang hakbang lang na ginawa niya ay tumama na ang likod niya sa matigas na pinto kaya naman na-corner na siya ni Harry roon. Iniharang nito ang mga braso sa magkabila niyang gilid. "Ha-Harry!" "What did you call me?" pabulong nitong tanong sa kanya. Napakalapit na ng mukha nito sa kanya. "Si-sir! Please..." nagsusumamong sabi niya rito. "Oh! What happened to that fierce Jasmin? Ang please what?" nakakaloko pa itong ngumiti sa kanya at mas lalong lumapit ang mukha sa kanya. "Pwe-pwede ba, lumayo ka sa akin!" "Is that what you really want?" "O-oo!" "Then, please tell me you're not leaving this company." Naitikom niya ang bibig. Ano ba namang klaseng pananabotahe ang ginagawa ni Harry sa kanya? Susko, bibigay na yata ang tanga niyang puso. "Jasmin?" untag nito sa kanya at sa pagkakataong iyon, nasa tainga na niya ang mga labi nito. Ang lamig-lamig sa kwartong iyon pero pakiramdam niya ay init na init siya. O nag-iinit na ba siya dahil sa ginagawa ni Harry? "Hin-" Napapikit siya nang tumapat ang mukha ni Harry sa mukha niya. Hindi niya alam kung anong klaseng damdamin ba ang lumulukob sa kanya ngayon dahil para siyang nauuhaw na hindi niya alam. "What are you waiting, Jasmin? Just tell me..." anas nito sa kanya. Napadilat siyang bigla. Ano ba ng hinihintay niya? Nakakalokong ngiti ang bumungad sa kanya. Ang walanghiyang Harry na ito, pinagmukha na naman siyang tanga! "Damn you!" nanggigil niyang sabi rito. Dahil doon ay walang sabi-sabing hinalikan na naman siya ni Harry. Ang halik na iyon ay iba kaysa kanina. Mas mapusok. Mas mainit at mapaghanap! "Kiss me back," anito sa pagitan ng paghalik nito sa kanya. Pero hindi niya alam kung ano ba ang gagawin! Iyon ang kanyang first kiss! Hindi niya itinuturing na first kiss nang halikan siya ni Nilo dahil para sa kanya ay nakakasuka iyon. "Jas..." malambing na bulong sa kanya ni Harry. Hindi na niya kinaya ang damdamin, wala nang nagawa ang mga warning sa utak niya nang mismong ang katawan na niya ang kusang sumagot sa hiling ni Harry. Tila isang mahika na nagawa niyang tugunin ang halik ng lalaki na ngayon ay mahigpit na nakayakap sa kanya at parang ayaw siyang pakawalan. Narinig niya ang ungol na nagmula kay Harry at tila mas ginanahan pa siyang gawin ang ginagawang iyon. Tumagal ng ilang sandali ang mga halik na iyon at hindi pa matatapos kung hindi lang kapwa na sila naghahabol ng hininga. "Is that a "yes"?" maya-maya ay tanong ni Harry sa kanya. Tila siya binuhusan ng malamig na tubig nang mapagtanto ang sinabi ng lalaki. At mas lalo siyang nanlamig nang marealize kung ano ang nangyari ngayon ngayon lang. Nakipaghalikan siya kay Harry! Hindi niya napigilan ang sarili gayong kanina ay nakikipagtalo pa siya rito? Hiyang-hiya siya sa sarili. Nagmamadali siyang lumabas sa kwartong iyon. Hindi niya pinansin ang pagtawag nito sa kanya. "Jasmin!" Mabilis niyang kinuha ang bag at sumakay sa elevator. Ngunit naabutan din siya nito. Hindi niya pinansin ang lalaki. "Jasmin..." "Please, habang may natitira pa akong respeto sa iyo, lumayo ka na sa akin." Nakahinga siya nang maluwag nang bahagya itong lumayo sa kanya at hindi na nagsalita pa. Kahit nang makalabas siya sa elevator na iyon ay hindi na ito sumunod. Mabilis siyang naglakad. Gusto na niyang makauwi. "Jasmin, ano bang nangyari sa iyo? Nasaan na ang dignidad mo?" tanong niya sa isip. Ano na lang ang iisipin ni Harry sa kanya? Na madali siyang makuha tulad ng nangyari noon nang iset up siya ni Nilo? Binigyan lang niya ng dahilan ang lalaki na isiping tama ito ng iniisip sa kanya. Sa tagal niyang namumuhay sa siyudad, kahit kailan ay hindi siya nagpakita ng kahinaan sa iba kahit pa ng lumaki siya sa probinsiya at 'di hamak na mas maraming magagaling kaysa sa kanya. Palagi niyang sinasabi sa sarili, na magiging talunan siya kung magiging mahina siya. Kahit noong kumalat ang tungkol sa pagkakalulong ng Kuya Jake niya sa ipinagbabawal na gamot o noong kumalat amg tsismis ng paghahalikan daw nila ni Nilo, hindi siya nagpakita ng kahinaan. Hindi niya hinayaang maging kawawa sa harap ng iba dahil iisipin lang ng mga ito na tama ang mga ito. Pero ngayon, isang halik lang ni Harry, hindi niya nagawang kontrolin ang sarili. At masaklap pa, ibinibintang nito sa kanya ang isang bagay na hindi naman talaga niya ginawa. Nang makauwi ay agad siyang naglinis ng katawan. Na para bang sa kapag ginawa niya iyon ay mabubura niya ang nangyari kanina. Hindi na niya nagawang kumain at napahinga na. Simula nang bumalik si Harry ay hindi na siya nakaramdam ng kaginhawaan dahil pakiramdam niya ay pagod na pagod siya. Tuluyan na sana siyang pipikit nang marinig ang ilang katok sa pinto. Iignorahin na sana niya iyon dahil wala naman siyang inaasahang bisita at ipinagpalagay na baka sa kabilang pinto iyon. Pero patuloy ang mga katok. At naririnig niya na ang boses ni Harry. "Harry?" tawag niya sa pangalan nito at napabalikwas ng bangon. Lumabas siya sa kanyang kwarto at nakumpirmang sa pinto nga niya may kumakatok. "Jasmin, open this door!" "Harry?" aniya nang buksan ang pinto. "Just Harry? So, ungrateful employee," anito at pumasok sa loob ng bahay niya. Agad niyang naamoy ang alak nang dumaan ito sa harap niya. Kaya pala parang baluktot itong magsalita. "Harry? Lasing ka ba?" tanong niya rito. At bakit parang nakaramdam siya ng pag-aalala para rito nang maisip na nagmaneho ito ng nakainom? "No! Hik! Just tipsy," sabi nito na halata namang nagsisinungaling. "Bakit ka narito sa bahay 'ko?" "Is this your house? Too small!" sabi nito na paikot-ikot. Hindi rin ito halos makagalaw dahil naroon pa rin ang malalaking kahon ng grocery. "Too small pala, bakit nandito ka pa? Tatawagan 'ko si Sir Jason." "No!" pigil nito sa kanya. "Hin-di 'ko siya kailangan, ikaw ang kailangan 'ko." "Ano?" "Halika rito!" Hinila siya ni Harry palapit dito at basta na lang niyakap. "Harry, ano ba?! Lasing ka-" "I just want to make sure you're going to the office tomorrow." "What? Harry, ano ba?" "Hmmm... I'm so sleepy..." "What?! Harry, no! Hindi ka pwedeng matulog-aray!"  Unti-unti na niyang naramdaman ang bigat ng lalaki na halos dumagan na sa kanya. Hirap na hirap siya dahil halos hindi siya makalakad sa sikip ng bahay niya. "Ano ba namang buhay 'to!" reklamo niya matapos niyang mailapag si Harry sa kama niya. Para siyang bumuhat ng ilang sakong bigas at pabalik-balik at unakyat sa hagdan sa bigat nito. Lumabas siya sa kanyang kwarto at uminom ng tubig. Pagkatapos ay kinuha niya ang cellphone niya para tawagan si Sir Jason. Pero nakailang ring na iyon ay hindi pa rin ito sumasagot. Ilang text messages na rin ang ipinadala niya rito pero wala pa ring reply. Hindi rin niya alam kung saan nakatira si Harry dahil lahat ng bagay tungkol dito ay confidential. "Harry? Sir Harry?" pilit niya itong ginigising pero nonsense lang dahil hindi rin naman ito magising. Saan siya matutulog ngayon? Wala naman siyang pupwestuhan sa sala niya. Hindi naman niya maaatim na tumabi kay Harry sa single bed niya. Kung ito nga ay muntik lang magkasya roon sa laki nito. "Anak ng tipaklong, matutulog pa yata ako ng nakaupo," aniya sa sarili habang nakaupo sa upuan malapit sa kama niya. Pahirap talaga itong Harry na ito sa buhay niya. Pagkatapos siyang pagurin sa trabaho, pati sa pagtulog ay inistorbo pa siya. Kung hindi lang nakakahiya sa mga kapitbahay niya ay hindi niya ito pagbubuksan kanina. Wala siyang nagawa kundi ang magtiis maupo. Ngunit dahil sa pinagsama-samang pagod ay hindi na rin niya napigilan ang sariling makatulog.                                                                                              ***** "Hmmm..." pakiramdam ni Jasmin ay iyon na ang pinakamasarap na tulog niya. Kahit na medyo may kalakasan ang electric fan ay hindi siya nilalamig dahil sa brasong nakayakap sa kanya at sa dibdib na nagbibigay init sa kanya. Init?! Napadilat siya nang mapagtanto ang nararamdaman. Oo nga, may nakayakap sa kanya! Paglingon niya ay nakapikit na Harry ang kanyang nakita. Babangon sana siya ngunit pinigilan siya ni Harry. "Hmmm... Jas, dito ka lang." "Anong Jas! Hoy, Harry, bakit ka nakayakap sa akin? At anong ginagawa mo sa kama 'ko?!" "I don't know," nakapikit pa rin nitong sagot. Natahimik siya nang maalala na siya ang nagdala rito sa kama niya. Pero bakit magkatabi na sila ng lalaki at magkayakap? "Paano ako napunta rito? At pwede ba, bitawan mo nga ako!" Nagpumiglas siya pero napakahigpit talaga ng pagkakayakap nito sa kanya. "You crawled here," sagot nito. "Anong-"  "I'm too drunked. Please be quiet," saway nito sa kanya at mas isiniksik pa ang katawan sa kanya. Nanlaki ang mata niya nang may maramdaman na matigas n bagay sa bandang puwitan niya. At hindi siya engot para hindi malaman kung ano iyon. "Harry, ano ba?!" kinulang yata sa kumbiksyon ang boses niya. Tila wala itong naririnig at napagod na lang siya pero hindi pa rin ito bumibitiw sa kanya. Sa totoo lang ay gusto niya pang matulog dahil madaling araw palang. Ngunit paano ba siyang makakatulog kung ganito kalapit sa kanya si Harry? "Jasmin, baka manlambot ka na naman at kung saan kayo makarating ng lalaking 'yan?" warning ng utak niya. Nang marinig ang mga hilik nito ay sinubukan niya muling kumawala sa pagkakayakap nito pero wala pa rin. Ang titigas ng mga braso nito at hindi man lang niya maiangat! Pasikat na ang araw nang sumuko si Jasmin at nakatulog na rin. Nang magising siya ay tumatama na ang sikat ng araw sa kanyang mukha. Gusto pa sana niyang matulog pero may mga komosyon na siyang naririnig sa labas. Kay lapit niyon at parang sa loob ng bahay niya iyon! Nang bumangon ay tsaka niya lang naalala si Harry. Nasaan na ang lalakinh iyon? Hindi man lang nagpaalam na aalis na? Wala na kasi ito sa kama. Paglabas niya sa kwarto niya ay nagulat pa siya nang ilang kalalakihan ang nadatnan niyang nagbubuhat mga kahong naroon. "Excuse me?" tawag niya sa pansin ng mga ito pero bigla na lang lumitaw sa harap niya si Harry. "The princess is awake," bati nito sa kanya. "Anong nangyayari? Sinong nagpapasok sa kanila?" tanong niya rito kahit na may ideya na siya na ito talaga ang may kagagawan non. Sino pa ba ang pakialamero sa buhay niya? "They are going to deliver everything at your parents' house today." "At sinong-" "Don't ask," pigil nito sa sasabihin niya. "At bakit hindi ako magtatanong? Bakit ba ang hilig mong-" hindi niya natapos ang pagtataray nang makitang pumasok si Sir Jason sa bahay niya. "Sir, here's what you need," sabi nito at iniabot ang isang bag at nakahanger na coat and slacks kay Harry. "Good morning, Jasmin. I'm sorry, I missed your call." Tumango lang siya rito. Hindi naman niya magawang singhalan si Harry habang nasa harap ni Sir Jason. Hindi naman ito nagtagal at nagpaalam na mauuna na sa opisina. Habang si Harry naman ay binuksan ang dalang bag ni Sir Jason at may kumuha. Nagulat pa siya nang makitang tuwalya at ilang toiletries ang laman ang kinuha nito mula roon. Hindi pa man din siya nakakapagtanong ay nilayasan na siya nito at pumasok sa kanyang banyo. "Wow, ha! At home na at home?" aniya sa isipan. Bumalik siya sa kanyang kwarto at naupo sa kama. Kailangan niyang mag-isip! Hindi maaaring ganito siya. Bakit ba hindi niya magawang manalo kay Harry? Tatayo na sana siya nang bumukas ang pinto ng kwarto niya at pumasok doon si Harry na nakatapis lang ng tuwalya at dala ang bag at mga damit nito. "At bakit nakahubad ka na naman sa bahay 'ko? Wala ka na ba talagang hiya?" sita niya rito. Mabilis siyang tumalikod sa lalaki. "Saan ako magbibihis? Your bathroom is too small I can't even move." "Sino ba kasi ang nagsabing dito ka maligo? Tapos nagrereklamo ka! Huwag ka munang magbuburles diyan, lalabas ako!" "What's magbuburles?" Hindi na niya ito sinagot at lumabas na sa kwarto niya. Pambihira, siya na talaga ang nag-adjust kay Harry! Nakabihis na ito nang lumabas sa kwarto niya. "What are you waiting for? Bakit hindi ka pa nag-aayos?" "At bakit ako mag-aayos?" "Because you have a job?" "Alin ba ang hindi malinaw sa iyo? Na ayoko nang makatrabaho ka o mag-re-resign na ako?" "I don't remember agreeing with you. Now, kung ayaw mong ako ang magpaligo sa iyo, you better move now." "Huwag mo akong sinisindak, Harry. Pagod na pagod na akong makipagtalo sa iyo." "Then, why argue? Why so stubborn?!" "Hindi mo ako pag-aari na pwede mong pakilusin ayon sa gusto mo. So, pwede ba, lumayas ka na sa bahay 'ko!" Itinuro niya pa ang pinto. It's rude. Alam niya, pero sagad na sagad na talaga siya kay Harry! Hindi ito nagsalita at nagbabanta ang mga tingin sa kanya. Ibinaba nito ang hawak at lumakad palapit sa kanya. Sa liit ng bahay niya ay inilang hakbang lang nito ang pagitan nila. Binuhat siya nito at dinala sa banyo. Nagpapapasag siya ngunit malakas talaga ang lalaki. Nang maibaba siya nito ay akma siyang hububaran pero maagap niyang itinakip ang mga braso sa katawan. "Anong gagawin mo?" nawiwindang na tanong niya rito. "Huhubaran kita para paliguan," sagot naman nito. "Nahihibang ka na ba talaga?!" "Oo. Hibang na hibang na ako dahil sa iyo. So, if you don't want us to end up on your bed instead, take a bath now."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD