CHAPTER THIRTY TWO PT 1

2122 Words
"Anong sabi mo?!" may kalakasang tanong ni Nikki sa kanya. "Bakit ka aalis? Alam na ba-" Hindi na niya pinatapos pa ang kaibigan sa sinasabi nito at tinakpan ang bibig nito ng kanyang kamay. Naroon sila ngayon sa canteen at magkasabay na kumain. Mabuti na lang hindi na siya isinama ni Harry at si Sir Jason na lang ang isinama sa lunch meeting nito. Ibinulong na nga niya rito ang kanyang plano upang walang ibang makarinig sa kanila pero isinigaw naman nito iyon. "Ano ka ba? Bakit ba ang lakas ng boses mo?!" Inalis nito ang kamay niya. "Nagtatanong ka pa? Hello? Nakakagulat naman talaga iyang sinabi mo! Bakit ka magre-resign?!" "Sshh!" itinapat niya ang kanyang hintuturo sa bibig. "Hinaan mo naman iyang boses mo!" "Bakit nga kasi?" medyo mahina na nitong tanong sa kanya. Napansin na rin nito ang ilang mga naroon na napatingin sa kanila. "Ano bang problema, ha, Jasmin?" "Walang problema, gusto 'ko lang subukan kung may mas okay na trabaho para sa akin," pagsisinungaling niya. "Lokohin mo lelang mo, Jasmin! Huwag mo na nga akong chinacharing diyan at sabihin mo na sa akin kung bakit! Si Boss Harry ba?" Nanlaki ang mata niya. "Tatahiin 'ko na talaga 'yang bibig mo, Nikki! At bakit mo naman nasabi na ang amo 'ko ang dahilan?" "Sus! Una, may mala-Koreanovela kayong eksena sa elevator! Pangalawa, dati na pala kayong magkakilala at ang huli at latest, nakita kita kagabi, sumakay ka sa sasakyan ni sir!" Gulat siyang napatingin kay Nikki. "Ano?" "O, huwag ka nang mag-deny. Hindi lang ako ang nakakita, marami kami, friend!" "What/!" gimbal niyang tanong dito. "Hay naku, Jasmin, kahit na todo deny ka pa diyan, alam 'ko at feel 'ko na may "something" sa inyo ni Sir Harry. See, ngayon gusto mo pang mag-resign. Agad-agad? Eh, samantalang dati, ayaw na ayaw mong magkaroon ng anumang bad record sa kompanya dahil pangarap mo talagang makapasok sa malaking kompanyang katulad ng Laurel's. Tapos, aalis ka?" Huminga siya ng malalim. Nonsense nang magtago pa kay Nikki. Kilalang-kilala na siya nito. At lahat ng sinabi nito ay totoo naman. "Una, wala kaming "something" ni Sir Harry. Pero, yes, siya ang dahilan kung bakit gusto 'ko nang mag-resign," mahina niyang sabi kay Nikki. Ayaw niyang may makarinig sa pinag-uusapan nila. Ito naman ang nanlaki ang mata. "Bakit? Ano bang ginawa sa iyo ni sir? Mabigat ba iyan para maisip mo na umalis sa kompanya nila?" Mabilis niyang ibinahagi kay Nikki ang nakaraan kung kailan niya nakilala si Harry. Pinaikli niya lang iyon at hindi na sinabi rito ang tungkol sa tunay niyang damdamin kay Harry. "O-M-G!" hindi makapaniwalang sabi ni Nikki nang matapos siyang magkwento. "Nagawa ni Sir Harry iyon sa iyo?" Tumango siya. "Kaya nga, hindi 'ko rij maintindihan kung bakit siya ganito ngayon sa akin. Hanggang ngayon, hindi pa rin malinaw sa akin ang motibo niya." "Wait! Hindi kaya, may gusto talaga sa iyo si Sir Harry?!" "Ano ka ba? Wala naman talaga siyang gusto sa akin, 'di ba nga, ginamit lang niya ako para makaganti sa Nilo na iyon." "Eh, malay mo naman nagsinungaling lang si sir kasi nasaktan siya nang makita niya na hinalikan ka ng manyak na Nilo na iyon?" Napaisip siya sa sinabi nito. Pero agad niya ring sinaway ang sarili. Baka umasa na naman siya! "Malabo iyan," sagot niya. "At bakit malabo?" "Hello? Kita mo naman, kung noon nga na pareho lang kaming estudyante ay pinaglaruan na niya ako, ngayon pa kaya na ang kayo ng estado namin sa buhay?" "Sus! Ang nega mo naman!" ani Nikki. "Teka, nasaan na ba iyong Nilo na iyon? Anong nangyari pagkatapos ng ginawa niya sa iyo?" "Hindi 'ko alam. Wala akong pakialam kung nasaan man siya ngayon. Hanggang ngayon ay pinagdudusahan pa rin namin ang kagagawan niya." May kumurot sa puso niya nang maalala ang kapatid. Kamusta na kaya ito? Magaling na kaya ang kuya niya? Sa totoo lang ay ayaw na niyang alalahanin pa ang nangyaring iyon sa kuya niya at iniisip na lang na nasa bakasyon ito. Pero ngayong napapag-usapan na ay bumabalik ang lahat ng sakit na dinanas nila. Hindi naka-graduate ang Kuya Jake niya noon dahil nalulong ito sa bisyo. Tulad ng sinabi ni Nilo sa kanya, may kinalaman sa ipinagbabawal na gamot ang dahilan kung bakit hindi ito nakatanggi kay Nilo nang planuhin siyang iset up. Bukod pa roon ay nabilog na ng husto ni Nilo ang ulo ng kapatid niya dala na rin ng pangangailangan nito. Hanggang sa hindi na nito nakontrol pa iyon at tuluyan nang naligaw ng landas. Awang-awa siya sa mama at papa niya dahil doon. Labis ang paghihinagpis ng mga ito sa sinapit ng Kuya Jake niya. Hanggang sa hindi na kinaya ng papa niya at inatake sa puso. Mabuti na lang at nakaligtas ito sa kamatayan. Pero dahil doon ay hindi na ito nakapagtrabaho pa at umasa na lang sa maliit na pensyon. Kahit na nahihirapan ay pinagbuti pa rin niya ang pag-aaral. Inignora niya ang pangmamata sa kanya ng marami dahil sa kuya niya. Kahit si Amy ay umiwas din sa kanya dahil sa utos ng mga magulang nito. Naintindihan naman niya ang kaibigan. Ngunit kahit paano ay nasaktan siya. Sa halip na magmukmok ay ginawa niya ang lahat para magkaroon pa rin ng matataas na marka. Hanggang sa makatapos siya at maswerteng nakakuha ng iskolar. Pinursige niya ang sarili para makatapos at matulungan na ang mama niya na nagtinda na ng kung anu-ano mabuhay lang sila at matustusan ang pangangailangan ng papa niya. At heto nga siya, naging mapalad na makapasok sa malaking kompanya na iyon na pag-aari pala nila Harry. Samantalang ang Nilo na iyon? Pagakatapos ng ginawa nito sa kanya at para maiwasan ang parusa ng school ay bigla na lang umalis at lumipat daw ng ibang eskwelahan. Hindi siya makapaniwala na ganoon lang nito malulusutan ang mga ginawa nito. Palibhasa ay may pera ang pamilya. Pagkatapos nilang kumain ay agad na rin silang naghiwalay ni Nikki at bumalik sa kanya kanyang department. Nag-ayos lang siya ng kaunti pagkatapos magsepilyo at nagsimula na ulit ng trabaho. Marami siyang tinatapos ngayon dahil umalis nga si Sir Jason kasama ni Harry. Kaya naman tutok na tutok ang atensyon niya sa kaharap na computer. Doon na siya nadatnan nila Sir Harry at Sir Jason. Mabilis siyang tumayo nang marinig ang pagtunog elevator. Deretso nang pumasok ang dalawa sa kani-kanilang opisina kaya naman naupo na siya. Pero hindi pa nag-iinit ang pwet niya ay tumunog na ang intercom. Ang amo niya iyon at tinatawag siya sa loob. Dalawang beses siyang kumatok sa pinto bago binuksan iyon. Mukhang hinihintay na siya nito dahil prente lang itong nakaupo sa executive chair nito habang natutok ang paningin sa gawi ng pinto. "Yes, sir?" "Did you figure out how to send those stuffs to your family?" tanong nito. Iyon lang pala. Akala pa naman niya ay may trabaho itong ipagagawa sa kanya. "Naghahanap po ako ng pwede 'kong i-rent na sasakyan na kakasya ang mga iyon, sir," sinagot pa rin niya ang tanong nito. Tumaas ang kilay nito. "Meron akong alam. Just tell me, when." "Hindi-" "Ayokong dumagdag pa iyan sa mga iisipin mo while working with me. You must remember, assistant ka ng presidente," putol nito sa sasabihin niya. "I know that, sir. And I do not mix my personal problems with work, if that's what you're worried," pinilit niyang alisin ang sarcasm sa boses niya. "That's good. But I won't accept 'no' for an answer." "Sir, mawalang galang na po. Problema 'ko na po iyon sana, kaya hayaan niyo na lang po na resolbahin 'ko iyon." "Bakit ang tigas ng ulo mo?!" sikmat nito sa kanya. Hindi na siya magpapasindak sa lalaking ito. Bahala na! Tutal naman ay plano na niyang mag-resign. "Bakit ang kulit mo?!" ganting sigaw niya rito. "Sinisigawan mo ba ako?" gulat na tanong nito sa kanya. "Oo. Napapagod na akong makipagtalo sa iyo! Palaging ikaw ang gusto mong manalo. Hindi ba pwedeng pakinggan mo rin ako? Tutal naman, buhay 'ko itong pinanghihimasukan mo?" Nakakaloko itong ngumisi sa kanya. "You have the guts to answer me like that?" Bahagya siyang kinabahan sa tono nito. Ngunit wala na siyang magagawa, nasabi na niya ang nasabi niya. Hindi na niya iyon mababawi pa. At talaga namang nakakapagod na ito. "Bahala ka na kung tatanggalin mo ako. Hindi na rin naman ako makakatagal dito." Naging mabalasik ang mga mata ni Harry. Nakakatakot ang mga iyon! "And what do you mean by that? You are going to leave?" mapanganib ang tonong tanong nito sa kanya. "Hindi tayo magkasundo and we both have grudges with each other. Tama lang siguro na maghiwalay na lang tayo ng landas," sagot niya rito. "At sa tingin mo ay papayag ako sa gusto mo?!" anito. "At bakit hindi?!" Tila nagulat ito sa tanong niya at hindi agad nakasagot. Ilang sandali pa siyang naghintay ngunit hindi na ito nagsalita pa. "Kung wala na po kayong sasabihin, babalik na po ako sa trabaho 'ko," maya-maya ay paalam niya kay Harry. Nagmamadali siyang naglakad palabas doon. Nang makalabas ay napahawak siya sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung saan siya nakakuha ng ganoong tapang para harapin si Harry. Siguro ay talagang napagod na lang siya rito. Hindi pa man siya nagtatagal sa kanyang mesa ay lumabas na si Harry. Dere-deretso itong pumunta sa kanyang pwesto at pabagsak na ipinatong nito ang isang mahabang papel sa mesa niya. Nagtataka siyang tumngin doon bago lumipat ang mga mata niya sa lalaking nasa harap. "Hindi ka pwedeng umalis dahil may kailangan ka pang bayaran sa akin," sabi nito tsaka ibinalibag sa harap niya ang hawak na papel. Nang buklatin niya iyon ay nakitang resibo pala iyon ng mga pinamili nito kagabi. Nanlaki ang mata niya nang makitang mahigit twenty thousand ang total ng mga iyon. Kaya naman pala hindi na siya makalakad sa loob ng bahay niya at nagmukha na iyong stock room! Paano ba naman ay kay mamahal pala ng mga pinamili ni Harry. "Teka! Akala 'ko ba hindi ka naniningil?!" tanong niya rito. "I thought, gusto mong bayaran lahat?" papilosopo nitong balik tanong sa kanya. Medyo napahiya siya roon. Oo nga naman, siya ang naggiit na bayaran ito. "Okay! Pero hindi naman kita tatakbuhan. Pwede 'ko iyong ideposit sa account mo," giit niya rito. "My accounts are confidential. And besides, I want it in full," sabi nito. "Ano? Bakit bigla bigla kang naniningil? Babayaran naman kita pero huhulugan 'ko sa iyo." "I don't trust you," anito sa kanya. Kumulo ang dugo niya sa sinabi nito. Nakakapikon na talaga ang lalaki na ito. "You don't trust me pala, eh, sino ba ang may sabing ibili mo 'ko ng ganoon karami?! Problema 'ko pa nga kung paano ang gagawin 'ko sa mga iyon!" "Like you said, it's your problem." Naitikom niya ang mga labi. Napakapilosopo sumagot! "Hindi kita mababayaran ngayon-" "Then don't leave. That easy," putol nito sa sasabihin niya. "Hindi na kita kayang tagalan," naiinis niyang sabi rito. "Really? Ikaw pa lang nagsabi niyan. You are not aware how people wants to be with me." "Pwes! Sila 'yon." "But then again. You still have two options. Magbayad ka o dito ka lang." "Sir Harry?" tawag ni Sir Jason sa amo nila. Sabay silang napatingin dito. Nakalapit na pala ito nang hindi nila namamalayan. "Is there a problem?" Sa palagay niya ay mas sa kanya nito iyon tinatanong. Sino ba naman kasi ang nasa tamang huwisyo na sumagot at makipagbulyawan sa amo? "Nothing. Why?" sagot ni Harry. "Ah... nothing, sir. Uhm... there is just something that I want to discuss with Ms. Nicolas." "Okay," iyon lang at umalis na si Harry at naiwan silang dalawa ni Sir Jason. Napalunok siya nang bumaling ito sa kanya. "What happened? Bakit ka nakikipagsigawan kay Sir Harry?" "Ah... no, sir!" pagsisinungaling niya. "Is there something wrong? May problema ba sa trabaho?" tanong muli nito sa kanya. "Ha? Ah... wala po talaga, Sir Jason." Hindi naniniwalang tumingin  ito sa kanya. Tila pinag-aaralan nito ang kanyang nasa isip pero hindi naman na nagsalita o nag-usisa ulit. May sinabi lang ito sa kanya tungkol sa documents na ipinasan nito sa kanya. Pagkatapos ay sinabing kapag may problema siya sa trabaho ay maaari niya itong kausapin upang maiwasan ang gulo lalo na sa harap ng presidente. Hindi man nito aminin ay malamang na hindi ito kumbinsido sa sagot niya. Iyon lang at nagpaalam na rin ito sa kanya. Napahawak siya sa noo nang mapag-isa. Hindi na yata matatapos ang stress niya sa buhay hanggang naroon siya, Pero paano naman siya tuluyang aalis kung naniningil itong amo niya? At pagkalaki-laki pala ng halaga ng mga pinamili nito! Nagsisisi talaga siya kung bakit siya pumayag na iuwi ang mga iyon sa bahay niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD