Ilang na ilang si Jasmin habang namimili sa grocery store na iyon. Sinamahan nga siya ni Harry na mamili at ngayon ay pasunod-sunod lang ito sa kanya habang patingin-tingin sa mga naroon.
Kanina ay hindi niya alam ang magiging reaksyon nang sabihin nito na sasama ito hanggang sa loob. At nauna pa talaga itong pumasok.
Para itong may-ari ng pamilihan na iyon kung titignan. Mabuti na nga lang at hinubad na nito ang coat nito.
"What?" tanong nito sa kanya nang mapansing nakatingin siya rito.
"Sigurado po ba kayo na sasamahan niyo ako? Medyo matatagalan kasi ako," pagdadahilan niya. Sa totoo lang ay mabilis lang naman siyang mamili dahil konti lang naman ang pwede niyang bilhin sa budget niya. Alibi lang niya iyon sa lalaki para iwan na siya.
Hindi talaga siya mapakali kapag nasa malapit lang ito. Isa pa ay ito pa nga ang nagpapatagal sa kanya.
"I am fine," maikling sagot ni Harry habang tinitignan ang isang de lata na nasa tapat nito. Laking gulat niya nang kumuha ito ng tatlo niyon at ilagay sa dala niyang basket. Nanlaki ang mata niya nang makita ang presyo ng isa ng de lata na iyon na katumbas na halos ng isang kilong baboy!
"Sir, hindi 'ko po ito bibilin," aniya rito at isa-isang kinuha ang mga iyon ngunit maagap siyang pinigilan ni Harry.
"You should try it."
"Eh, hindi po talaga pwede. May budget lang ako na sinusunod, sir."
Mabuti nang alam nito ang tunay na dahilan. Sa bagay na iyon ay ayaw naman niyang magkunwari rito.
"Why?" tila nagulat na tanong nito.
"Anong why, sir? I have a family to feed, to help. Hindi pwedeng magastos ako dahil kukulangin ang budget 'ko," pinilit niyang maging mahinahon sa harap ni Harry. Kahit na wala na sila sa opisina, amo niya pa rin ito.
Matiim siyang tinignan ng lalaki. Tila binabasa nito ang nasa isipan niya. Ano? feeling ba nito nagsisinungaling siya.
"Family?"
"Oo. Ang nanay 'ko, ang tatay 'ko at pati na rin ang kuya 'ko. Kaya hindi pwede itong ganito kamahal na de late." aniya habang isinasauli ang mga iyon sa pinagkuhanan ni Harry.
"Kuya?" tila hindi nito makapaniwalang tanong sa kanya.
Marahil ay iniisip nito kung bakit pati ang kuya niya ay kasama sa budget niya.
"Oo, ang kuya 'ko. Tinutulungan 'ko ang kapatid 'ko. Basta, mahabang kwento iyon, Sir Harry."
Nahihiya siya. Nahihiya siya kay Harry. Ayaw man niya ay wala siyang magagawa kundi ang sabihin dito ang totoo para matigil na ito sa kakulitan nito. Baka kapag alam na nitong ganoon ang buhay niya ay tantanan na nito ang pakulo nito.
Ayaw niya na kaawaan siya ni Harry. Not Harry! Pero hindi siya mapagkunwaring tao.
Nang hindi na ito sumagot ay iniwan na lang niya ito roon. Bahala na ito sa sarili nito, malaki na ito at marunong umuwi. Kanina ay inaalala niya pa talaga ito dahil baka hindi ito sanay sa ganoong lugar. Ngunit hindi na siya makatagal sa harapan nito dahil nahihiya talaga siya. At isa pa ay napapagod din naman siya.
Panay ang lingon niya sa kanyang likod ngunit hindi na nagpakita pa si Harry sa kanya. Marahil ay naboring na ito. Nagmadali na lang siyang kunin ang mga kailangan at nang matapos ay halos hindi naman napuno ang bitbit niyang basket. Agad na siyang pumunta sa cashier area.
Napasinghap pa siya nang makita si Harry roon at pinagkakaguluhan ng mga tauhan ng grocery store na iyon. Nang mapalingon ito sa kanya ay nakita niyang itinuro siya nito sa isa sa mga naroon na agad namang lumapit sa kanya at kinuha ang dala niyang basket.
"Sir?" nagtataka niyang tanong dito. "Nandito pa pala kayo?"
"Oh, yeah."
"Magbabayad lang po ako," paalam niya rito ngunit pinigilan siya nito at hinawakan ang kanyang braso.
"No need," ani Harry.
"Anong-" naputol ang sasabihin niya nang makita ang basket na kanina ay bitbit niya at nilalagay na sa mga kahong naroon.
"I paid for it. All of these are yours," anito at itinuturo ang dalawang malaking push cart na ipina-punch na ng kahera pwera pa ang mga nakakahong item.
"Ano? Wala akong pambayad diyan," nagrereklamo niyang sabi kay Harry. Susubukan sana niyang pigilan ang cashier ngunit mas naging mahigpit pa ang pagkakahawak ni Harry sa braso niya.
"Bingi ka ba? I said it's all paid."
"Hindi ako bingi. Ang point dito is hindi mo dapat ginawa 'yan."
"Tell me why not?"
"Dahil hindi 'ko iyan kayang bayaran sa iyo."
"Hindi ako naniningil. So, unless you want that to be thrown away, shut your mouth," nagbabanta nitong sabi sa kanya.
Bahagya siyang napanganga sa lalaki. At bakit parang bumahag yata ang buntot niya? Hindi niya maramdaman ang dila.
Ilang minuto pa silang naghintay na matapos ang lahat ng pinamili ni Harry para sa kanya. Lutang na lutang ang utak niya. Hanggang ngayon ay wala pa ring kasagutan kung bakit iyon ginagawa ni Harry. Akala ba niya ay galit ito sa kanya? Bakit ngayon ay sandamakmak na pagkain pa ang binili nito sa kanya?
At paano ba niya iyon pagkakasyahin sa apartment niya?
"We're done! Let's go," anito at hinila pa siya sa braso. Kasunod nila ang tatlong kalalakihan na may tulak na push cart ng mga pinamili nila.
"They'll have it delivered to your address. I hope you don't mind it," sabi ni Harry sa kanya nang naroon na sila sa parking area.
Kumunot ang noo niya. Bakit hindi nito tinanong sa kanya ang address niya?
"Paanong?" nagtataka niyang tanong.
"I know your address. I am the boss, right?"
Oo nga pala. Marahil ay nakuha nito iyon sa kanyang resume.
"Hindi mo na sana ginawa iyon," mahina niyang sabi kay Harry nang makapasok na sila sa sasakyan nito.
"Ang alin? The address?"
"Bakit mo ba ito ginagawa?" gusto niyang malaman ang motibo ni Harry ngayon pa lang. Ayaw niyang umasa na naman ang inosente niyang puso. Dahil kahit naman pigilan niya ang sarili ay kusa iyong lumalapit sa lalaking ito.
"What do you mean?" tanong nito sa kanya.'
"Please, huwag na tayong maglokohan dito, Sir Harry. Alam 'ko naman na galit ka sa akin."
Lumingon ito sa kanya. "Yes. I am still mad. Pero hindi 'ko naman hahayaan na magutom ka."
"Hindi ako nagugutom," sikmat niya rito. Hindi naman porke nagtitipid siya ay ginugutom na niya ang sarili niya.
"Really? Okay. But you will still have the grocery," ani Harry habang ini-start ang makina ng mamahalin nitong sasakyan. "Now, stop arguing."
"Hindi-" napatigil siya nang lumingon ito sa kanya at bigyan ng masasamang tingin. At para na naman siyang napipi dahil doon.
"Good girl," anito habang nakangisi.
Inisip na lang niya na mas mabuting manahimik na lang siya sa ngayon. Ayaw niyang makipagtalo kay Harry habang nagmamaneho ito. Mahirap na, baka magkasagutan pa sila at humantong sa hindi magandang pangyayari. Mahal niya pa ang buhay niya at kailangan pa siya ng pamilya niya. At higit sa lahat ni hindi pa nga siya nakakabuo man lang ng sariling pamilya.
Pasimple siyang umiling. Sinaway niya ang sarili sa pag-iisip ng 'di maganda. Masyado naman siyang morbid! Dapat yata ay iwasan na niya ang kakainom ng sobrang kape.
Hindi niya tuloy namalayan na malapit na sila sa apartment niya. Nang tumapat sila roon ay hindi na niya hinintay pa si Harry at nagmamadaling lumabas sa sasakyan pero agad namang nakasunod sa kanya ang lalaki.
"Maraming salamat sa paghahatid mo sa akin," ipinahalata niya rito ang disguto sa boses. Ayaw niyang isipin nito na basta na lang siyang pumayag sa mga ginawa nito lalo na ang ipamili siya na napakarami.
"You're welcome."
"Pwede 'ko bang makuha ang resibo ng mga pinamili mo?" aniya rito.
Kumunot ang noo nito. "What for?"
"Para alam 'ko kung magkano ang babayaran 'ko sa iyo," matigas niyang sagot dito.
"I told you, hindi ako maniningil. It's a gift."
"Gift? Bakit magkaibigan ba tayo? Amo kita at empleyado mo ako, Sir Harry. So, please, ibigay mo na sa akin ang resibo."
Inilahad niya sa aharap niyo ang kanyang kanang palad. Seryoso siya na gusto niyang bayaran ang mga pinamili nito kahit na umabot pa iyon ng halos twenty thousand. Ayaw niyang magkaroon ng utang na loob sa lalaking ito. Habangbuhay lang siyang hindi matatahimik.
"Why? Mahirap bang tumanggap ng regalo mula sa boss mo? O dahil ako ang boss mo?"
"Pareho," deretso niyang sagot dito. "Kaya ibigay mo na lang ang hinihingi 'ko dahil hindi kita titigilan."
Mahina itong natawa. "Okay. If you wish. Pero nasa mga nagdeliver iyon, we'll wait for them."
"Ano?" nagtataka niyang tanong dito.
"You heard me. So, let's get inside your house."
"Hindi pwede."
"At bakit hindi pwede?"
"Hindi ako nagpapapasok ng lalaki sa bahay 'ko," sagot niya kay Harry.
Mukhang amused na amused naman ito nang tumingin sa kanya. "That's nice to hear. But I will not wait here until they arrive."
Nauna pa itong naglakad papunta sa pintuan ng bahay niya.
"Harry! Este, Sir Harry!" habol niya rito. "Ako na lang ang bahala rito. Umuwi ka na."
Nagsalubong ang kilay ni Harry. "I thought, hindi ka nagpapapasok ng lalaki sa bahay mo? There are three men, all strangers to you."
Para siyang biglang napahiya sa sinabi nito. Oo nga naman, ito ay ayaw niyang papasukin, samantalang ang mga delivery boy papapasukin niya. Unless, kaya niyang buhatin ang lahat ng iyon sa loob ng bahay niya.
Gusto niyang sabunutan ang sarili dahil hindi siya consistent!
"Keys," untag ni Harry sa kanya.
Ilang sandali pa siyang nag-isip bago hinagilap sa kanyang bag ang susi sa bahay niya. Nang mahanap iyon ay siya na mismo ang nagbukas ng pinto niya.
"So, this is where you live," ani Harry nang makapasok ito. Inilibot nito ang paningin sa kabuuan ng bahay niya.
"Oo. Maupo ka muna," itinuro niya rito ang plastic na upuan.
"Too small."
Hindi niya alam kung insulto ba iyon o nilalarawan lang nito ang tirahan niya.
"Oo, too small. Kaya nga problema 'ko pa ngayon kung saan 'ko ilalagay ang lahat ng mga pinamili mo," sarkastiko niyang sagot dito.
"Tsk tsk! So ungrateful," natatawang sabi naman nito. Obviously, biro lang iyon pero hindi pa rin siya natawa.
"Sinabi 'ko naman sa iyo, hindi 'ko kailangan ng ganoon karami. Tignan mo nga ang ref 'ko, ang liit."
"Well, some of them are for your family."
"Ano?"
"Para sa parents mo at sa kapatid mo, hindi ba sabi mo ay tinutulungan mo sila? Ipadala mo sa kanila."
Ngayon naman ay problema niya pa kung saan niya isasakay ang lahat ng iyon papunta sa kanila. May kalayuan pa man din iyon sa Metro Manila.
Napahawak na lang siya sa kanyang noo. Gulo talaga ng dala nitong si Harry sa utak niya.
Hindi na siya sumagot pa. Nakakapagod makipagtalo kay Harry dahil hindi naman siya nananalo. Mabuti na lang at dumating na ang mga tauhan ng grocery na nagdeliver ng mga pinamili nila. At tulad ng inaasahan, halos hindi na sila makalakad sa loob ng bahay niya.
Nang paalis na ang mga lalaki ay hinabol niya ang mga ito at hiningi rito ang resibo ngunit ayon sa mga ito ay nasa customer iyon. Pinagloloko talaga siya ni Harry. Nagmamadali siyang bumalik sa loob ng bahay. Natagpuan niya itong inaayos ang mga box sa loob. Pero napanganga siya at literal na napigil ang hininga nang makita ang ayos nito!
Ang Harry na ito, naka-topless sa loob ng bahay niya!
Susmaryosep! Ang ganda ng katawan nito at hindi lang yata anim ang abs nito! At ang V-line na 'yun papunta sa...
"Where should I put these?" anito habang itinuturo ang mga kahon na nasa isang panig ng bahay niya.
Doon lang siya bumalik sa reyalidad. Itinikom niya ang sariling bibig.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Bakit ka nakahubad sa loob ng pamamahay 'ko?" kunwari ang galit na sita niya rito para mapagtakpan ang pagkapahiya niya. Baka kaya nakita nito ang reaksyon niya?
At sino ba naman kasing babae ang hindi mapapanganga kung may dadatnan siyang ganoon sa bahay?
"Mainit," amused nitong sagot. Hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang nakakaloko nitong ngiti.
"Kahit na! Hindi pa rin tama na basta ka na lang naghuhubad sa bahay ng may bahay lalo at babae pa ang kasama mo," aniya pa. "Magbihis ka!"
"Bakit hindi mo na lang sabihin na naaakit ka sa katawan 'ko?" anito sa nakakalokong tono.
"Wala akong paki sa katawan mo! Please lang, magbihis ka na," maang-maangan niya sa lalaki. Ni hindi siya makatingin dito.
"Mainit. I am sweaty!" reklamo pa ni Harry.
"Sino ba kasi ang may sabing magbuhat ka diyan? Pwede ka nang umuwi. Ako na ang bahala dito. At oo nga pala, bakit mo sinabing nasa mga nagdeliver ang resibo, eh, nasa iyo pala?"
"What?" tila gulat na sabi pa nito pero halata namang umaarte lang.
"Huwag mo na akong lokohin Sir Harry, kahit ano pang sabihin mo, desidido ako na bayaran ang lahat ng ito sa iyo."
"Bahala ka!" napipikong sagot nito sa kanya. Mabilis na itong nagsuot ng lon sleeves polo nito at parang bulang nawala sa harapan niya. Dinig na dinig din niya ang pagsibad ng kotse nito.
Napakatopakin ng Harry na iyon! Samantalang dapat nga ay siya ang magalit. Bigla siyang nagkaroon ng babayaran dito at problema niya pa kung saan hahanap ng pagsasakyan nito pauwi sa kanila. Aba'y hindi naman niya mauubos ang mga iyon at baka masira lang. Sayang!
Nagsimula na siyang mag-ayos ng mga iyon at patang-pata ang katawan niya nang matapos siya. Ilang kahon lang ang binuksan niya at kumuha lang siya ng mga kailangan niya at iyong kakasya lang kanyang ref. Bukas na niya poproblemahin kung paano niya dadalhin iyon sa kanila.
"Hay naku, Harry!"aniya nang lumapat ang likod niya sa kama. Ramdam niya ang pagod dahil sa ilang oras na pag-aayos sa bahay nya para may madaanan man lang.
"Ano bang gusto mo? Akala 'ko ba ay galit ka sa akin? O isa ito sa mga paraan mo para pahirapan ako?" aniya kahit na wala naman ito sa harap niya.
"Hindi na ako magpapakatanga sa iyo ngayon. Kung kinakailangan 'kong umalis sa kompanya mo para matahimik ang buhay 'ko ay gagawin 'ko," patuloy niya.
Simula pa lang ay hindi na siya natatahimik at gulong gulo na rin ang isipan niya. Sumasabay pa ang puso niya. Kaya naman naisip niya, kung kailangan niyang magsimula sa simula ay gagawin niya. Aalis siya sa Laurel's at hahanap ng ibang trabaho. Kahit paano naman ay may savings siya na maaari niyang ipangtustos sa mga magulang niya habang wala pa siyang trabaho.
Nakatulugan na niya ang pag-iisip pero hanggang sa panaginip ay hindi pa rin talaga siya tinantanan ni Harry.