"Team building?" naniniguradong tanong ni Jasmin kay Harry. Nasa loob siya ng opisina nito. "Yes. Arrange everything. Ikaw na ang bahala sa venue, food, transportation. I mean everything about it and I want it to happen in two weeks. Napanganga siya sa sinabi nito. Hindi naman nakakagulat na magkaroon ng team building ang mga empleyado ng kompanya dahil ginagawa naman nila iyon. Ang ikinagulat lang niya ay ang sinabi nitong panahon ng paghahanda para sa event. "Are you serious, sir?" tanong niya rito. "Why?" "Two weeks? Are really serious you're giving me that small amount of time para paghandaan ang team building ng kompanya? And we're talking about hundreds of employees here, sir." "That's your job. It's not my problem anymore." Naitikom niya ang bibig upang mapigilan ang sarili n

