Sa huli ay wala ring nagawa si Jasmin kundi ang sumama kay Harry papasok sa opisina. Ayaw kasi talaga nitong umalis doon at naeeskandalo na siya pinaggagawa nito. Bukod doon ay ayaw naman niyang pagmulan pa iyon ng chismis sa kanilang lugar dahil lalaki si Harry at nasa loob ng kanyang bahay.
Pagdating nila sa opisina ay dumistansiya na agad siya kay Harry at hindi sumabay dito sa paglalakad. Pakiramdam kasi niya ang siya ang tinitignan ng bawat makakasalubong nila sa gusali. Hindi naman kasi malayong kumalat na ang ginawang paghalik ni Harry sa kanya kagabi. Kahit na kilala niya ang mga kasama nila, hindi naman niya ka-close ang mga iyon. Kaya hindi malayong siya na naman ang bida ngayon.
"What are you doing?" nagtatakang tanong ni Harry. Huminto rin ito nanh huminto siya at nagkunwaring may hinahanap sa bag. Halata naman na hinihintay siya ni Harry para magkasabay sila sa paglalakad pero iyon nga ang iniiwasan niya.
"Mauna ka na, sir, pupunta lang ako sa wash room," pagdadahilan niya para mauna na itong umakyat.
"And do you think I'm gonna buy that?"
Lumapit siya rito at mahinang nagsalita. "Alam mo naman pala, bakit nagtatanong ka pa?"
"May I remind you, Ms. Nicolas, that you are talking to the owner of this building," antipatiko nitong saad.
"May I remind you, Ms. Montenegro, that you just forced me to go here and that I resigned already?"
"Stop," awat nito sa kanya. "Sa taas ka na mag-CR, mas maganda don."
Tatanggi pa sana siya ngunit hinila na siya nito sa kamay. Para tuloy silang magka-holding hands habang naglalakad! Wala na ba talagang iniisip itong si Harry kundi ang sarili niya? Palibhasa ay ito ang boss at sila ay empleyado lang. Walang maglalakas ng loob ng pag-usapan ito samanatalang siya ay paano?
"Sir!" tawag niya rito at pilit binabawi ang kamay nito mula sa mahigpit nitong pagkakahawak. "Ang kamay ko!"
Binitiwan naman nito ang kamay niya nang makapasok na sila sa elevator na pribado lang para rito. Hindi pa rin ito nagsalita.
"Hindi mo na talaga inisip ang kahihiyan 'ko! Ano na naman ang iisipin ng mga naroon? Na nilalandi 'ko ang amo 'ko?" asik niya rito habang paakyat sila sa twenty eighth floor.
"Go on, I don't mind, at all," pilosopo nitong sagot.
"Seryosohin mo naman ako sir Harry!"
"I did."
Hindi siya makasagot dahil iba ang dating ng pagkakasabi noon ni Harry. Para bang may ibang kahulugan ang mga iyon ngunit hindi siya sigurado kung tama bang isipin niyang tungkol iyon sa kung anong meron sa kanila noon.
Kung sana lang ay hindi nagkunwari si Harry noon, masarap sanang balik-balikan ang mga alaala nila bilang magkaibigan. Kung pwede lang lokohin na lang din niya ang sarili at isiping hindi totoo ang mga iyon at tama lang na hindi siya nakinig sa Kuya Jake niya dati. Pero kay Harry mismo nanggaling ang masakit na katotohanan. Iyon ang katotohanan nila.
Minsan, naisip niya, bakit ba kasi siya umasa na magugustuhan siya ng isang katulad ni Harry? Gwapo ito at matalino. Maraming babae ang nagkagusto rito at wala man lang siya sa kalingkingan ng mga iyon. Pero ang bata at hibang niyang puso, nagpatangay at hindi na nakaahon.
Masakit lang para sa kanya dahil si Harry ang kauna-unahang lalaking binigyan niya ng atensyon. Pinag-ukulan ng oras. Pero pinaasa lang pala siya ng lalaki. Pinutol nito ang mismong pag-asa na ito ang nagtanim sa puso niya.
"Sayang lang lahat...." anas niya.
"You're saying something?" untag sa kanya ni Harry.
Nasa loob pa rin pala sila ng elevator at nadala siya ng malalim na pag-iisip.
"Ha?"
"I thought I heard you saying something," anito.
Umiling siya. Hindi na kailangan pang malaman ni Harry ang tungkol doon. Kung ano talagang naramdaman niya para rito noon. Winasak na nga nito ang puso niya, kailangang matira naman ang dignidad niya.
Nang makarating sa floor nila ay dumiretso na siya sa kanyang pwesto. Hindi na niya kinausap si Harry dahil wala rin namang kwenta ang makipag-usap dito.
Ginawa na niya ang kaya niya para makawala roon ngunit hindi ito pumayag. Napapagod lang siya at lalon nadidiin sa kumunoy sa tuwing susubukan niyang kalabanin ito.
Bahala na ito kung ano ang gusto nitong gawin at tatanggapin na lang ang kanyang sitwasyon. Naisip niya, pasasaan ba at mananawa rin si Harry sa kanya. Katulad dati, may hangganan din ang pakikipaglaro nito sa kanya.
Ngunit hindi tulad ng dati, hindi na niya hahayaang ma-involve na naman ang puso niya.
Siguro ang iisipin na lang niya para matagalan ito ay ang malaking sweldo na ibinigay nito para sa kanya bilang executive assistant nito.
Kaya naman magmula noon ay hindi na niya kinontra si Harry. Kung anong sabihin nito ay sinusunod niya at kung ano man ang itanong nito ay sinasagot niya. Hindi naman niya kailangang magsinungaling dito.
Ramdam niya ang pagtataka kay Harry ngunit kahit minsan ay hindi ito nagtanong at mabuti iyon para sa kanya. Baka palapit na ng palapit ang expiration niya sa lalaki at nananawa na sa pagmumukha niya.
At tulad ng inaasahan, naging tampulan na naman siya ng chismis. Kesyo, bagong target niya si Harry at ito naman daw ang nilalandi niya pagkatapos ni Mr. Marasigan. Lahat ng iyon ay nakakarating sa kanya dahil kay Nikki. Nagpapasalamat pa rin siya na may isang taong naniniwala sa kanya kahit na halos lahat ng empleyado roon ay iba na ang tingin sa kanya.
"Nakakainisi talaga sila! Sa susunod ay hindi 'ko na sila isasama kapag may gimik! Mga chismosa, wala namang alam," nanggigil na sabi ni Nikki habang kumakain sila sa canteen.
Ayon kasi dito, ilan sa mga nakasama nila noong birthday nito ay nagsimula ng mga chismis tungkol sa kanila ni Harry. At siyempre pa, hindi naging maganda iyon sa mga mata ng nakararami.
"Hayaan mo na. Hindi naman ako apektado," awat niya rito.
"Kahit na deadma ka sa kanila, hindi pa rin maganda na magkalat ng chismis at dagdagan ang kwento. Hula 'ko ay inggit lang ang mga iyon sa iyo!" patuloy ni Nikki. Natawa siya nang panggigilan nito ang kinakain.
"Huwag mong ibunton diyan sa baboy ang inis mo," biro niya rito.
"Hmp! Nakakainis talaga sila!"
"Kumalma ka nga. Hayaan mo na at alam naman nating hindi totoo iyong mga sinabi nila."
"Na ano? Na inakit mo si Sir Harry?"
"Ilakas mo pa at hindi pa naririnig ng mga tao rito," saway niya rito.
Iyon nga kasi ang kumalat na nangyari, na inakit-akit niya nang gabi na iyon ang amo nila. At may iba pa ngang nagsabi na siya ang unang humalik kay Harry. Siyempre ay sino ba naman ang maniniwala na magugustuhan siya ni Harry? Isang hamak na empleyado nito.
"Eh, kung isumbong mo na lang kaya sila kay sir Harry? Lalo na iyong si Madam Kristine, naku talaga!"
Ang tinutukoy nitong Madam Kristine ay ang head ng Research and Development department.
"Ano ka? Edi lalo akong pinagchismisan ng mga 'yon? Hayaan mo na mga 'yun, mananawa rin sila sa akin."
"Kung ako sa iyo, jojowain 'ko na talaga si sir Harry para matapos na ang pangangarap ng mga iyon."
"Ikaw talaga, ang galing mo magbigay ng suggestion," aniya.
"Sus! Ang lakas talaga ng pakiramdam 'ko na may gusto sa iyo ang amo natin."
Inirapan na lang niya si Nikki at hindi na sumagot. Hahaba lang kasi lalo ang usapan nila tungkol doon. Iniba na lang niya ang usapan para malayo na rin kay Harry ang topic nila.
Hindi man niya aminin, masakit pa rin sa kanya ang mga nakarating sa kanya na usap-usapan tungkol sa kanila ni Harry. Pero mas pinili na lang niyang huwag iyong panatilihin sa kanyang utak dahil baka mas lumobo pa ang galit niya kay Harry. At ayaw niyang mabuhay sa galit.