Naiilang si Jasmin dahil pakiramdam niya ay nagpapakiramdaman silang lahat habang naghihintay ng kanilang dinner. Nasa isang mesa siya kasama si Nikki. Si Harry naman ay kasama sa isang mesa ang ilang head ng kompanya kabilang na si Kristine. Kahit naman walang nagsasalita ay alam niyang iisa lang ang nasa isip ng mga tao roon. Ang awkward. Ayaw sana niyang magpaapekto kung 'di lang sa mga nanunuring tingin ng ilang naroon. Hindi naman nakakapagtaka iyon dahil sa mga kumalat na tsismis tungkol sa kanila noon ni Harry na marahil ay hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin. Then came Kristine, ang anak mayamang head ng Research and Development department. Bukod sa maganda at sexy na ito, mula rin ito sa mayamang pamilya. Matalino rin ito. Kaya naman marami rin ang nagkakagusto rito sa opisina

