CHAPTER TWENTY EIGHT

1444 Words
Pinaghalo-halo na yata lahat ng damdamin na nararamdaman ni Jasmin nang mga oras na iyon. Habang palapit sila ni Sir Jason sa private office ni Harry, este, Sir Harry ay parang gusto na lang niyang kainin ng lupa. Iniisip niya kung ano ba ang plano ni Harry. Balak ba nitong pahirapan siya sa trabaho? O gumanti kaya? "Teka, bakit siya ang gaganti samantalang ako ang agrabyado noon?!" aniya sa sarili. "Excuse me, Ms. Nicolas? You were saying something?" Nagulat pa siya nang biglang huminto si Sir Jason sa kanyang harapan. Bitin siyang napangiti rito at umiling. Nagpatuloy naman ito sa paglakad at hindi na nagtanong pa. Ilang sandali pa at narating na nilang twenty-eighth floor. Ang alam niya ay pribado lang iyon para kay Harry. Mayroong tatlong pinto doon. "This is my office," sabi ni Sir Jason habang itinuturo ang isa sa mga pinto. "If you need anything, work related, please don't hesitate to knock on my door." "Ah... yes, sir!" "And this one is Mr. Montenegro's private room. Uhm... and I mean private as in "private"," makahulugang sabi ng kausap. Hindi naman siya pinanganak kahapon lang para hindi maintindihan kung ano ang ibig nitong sabihin. Muli na lang siyang tumango kay Sir Jason. "Good. And that door over there is his private office. And the area just beside the door will be your area." Ang tinutukoy ni Sir Jason ay ang tila maliit na reception area na malapit sa pinto. "About your job, you will be in-charge with mostly attending to Mr. Montenegro's needs. I mean, like, coffee, arrangements, some stuffs like that." Kumunot ang noo niya? Iyon lang? Hindi kaya at personal alalay ang hanap ni Harry? "Don't look at me like that. It's his order," ani Sir Jason nang makita ang kanyang reaksyon. "By the way, he is waiting for you right now." Tinanguan na lang niya ito at dahan-dahang lumakad papunta sa area niya. Mabigat sa loob niya nalipat siya ng departamento ngunit wala na rin naman siyang magagawa. Nagdesisyon na lang siya na tanggapin ang nangyari at makisabay na lang sa kung ano ang trip ni Harry. Wala rin naman siyang laban dito sa ngayon. Amo ito at empleyado siya. Isa pa ay hindi rin biro ang halaga na naidagdag sa sahod niya. Malaking tulong na iyon para sa kanyang pamilya. Ibinaba lang niya ang kanyang mga gamit. Mamaya na niya iyon aayusin at baka magalit si Harry kapag pinaghintay niya ito. Pero bago siya lumapit sa pinto ay siniguro muna niyang maayos ang kanyang itsura sa isang maliit na salamin mula sa kanyang gamit. Noon ay bihira niya iyong magamit dahil sa dami ng trabaho niya ay hindi na niya maharap ang sulyapan man lang ang sarili sa salamin. Dalawang beses siyang kumatok sa pinto.  "Come in," ani ng malamig na boses. Kinilabutan si Jasmin nang marinig iyon. Mas lumaki at mas gumanda pa ang boses nito ngayon kaysa noong bata pa sila. Marahan niyang binuksan ang pinto at inihanda ang sarili. "Good afternoon, sir," magalang niyang bati sa amo. Prente itong nakaupo sa isang executive chair. Hindi ito ngumiti at hindi rin siya binati pabalik. Ilang sandali pa ang lumipas ay hindi pa rin ito nagsasalita at nakatingin lang sa kanya. Tila ba nang-uuri ang mga mata nito at tumatagos iyon sa kanyang kaibuturan. "Ano ba ang gagawin 'ko?" tanong niya sa sarili. "Ah... is there anything that I can do for you, sir?" kinakabahan niyang tanong sa kaharap para mabasag ang tensyong nararamdaman niya dahil sa mga titig nito. Nakakaloko itong ngumiti. "Tell me, Jasmin, what can you do for me?" Alam niyang may halong malisya ang tanong ni Harry. Ngunit hindi siya dapat magpatalo rito. "If I would be given a task-" "Come on! Don't be a killjoy!" putol nito sa sasabihin niya. "Excuse me, sir? I don't understand." "Jasmin, how are you? Si Nilo?" sa halip ay sagot nito. "My apologies, sir, but in regards with my personal life, I don't really like talking about it. Especially on work hours," malamig niyang sagot. "Oh! But I am your boss!" nakakaloko pa itong ngumiti. "Kahit na, sir," sagot niya na pinakadiinan pa ang pagtawag niya rito ng sir. Nagkibit ito ng balikat. "Okay." "Is there something that I need to do for you, sir? Paperworks?" Mabuti na iyong malinaw. Baka kung saan na naman nito dalin ang usapan. "I will send it to your email. You may go now," anito at yumuko na para basahin ang dokumento sa harap niya. "Okay, sir." Mabilis siyang lumabas ng private office na iyon. Hindi na siya lumingon pa. Bahala na si Harry na isipin na attitude siya. Nang makalabas ay saka lang siya nakahinga ng maluwag. Para siyang sinasakal kanina nang nasa loob siya. Uminom siya nang tubig nang makaupo na sa kanyang upuan. Agad niyang binuksan ang desktop computer na naroon. Sunod-sunod na dumating ang ilang emails mula kay Harry nang mabuksan iyon. Meron ding mula kay Sir Jason. Naging abala na siya pagkatapos ng mga iyon. Aba'y akala niya ay yaya lang ang papel niya kay Harry? Madugo rin pala ang mga task na kailangan niyang gawin. At kailangang sampung beses niyang pagbutihin ang trabaho dahil presidente na ng kompanya ang kanyang amo ngayon! At isang mali lang ay maaari siyang masibak! Kaya naman hanggang mag-uwian na ay busy pa rin siya. Nagulat pa siya nang lumabas si Harry mula sa private office nito habang may kausap sa cellphone nito.                                                                                 ***** Kinabukasan Lunch break na. Nag-text sa kanya si Nikki na hihintayin na lang siya nito sa canteen. Nagulat ito nang ibalita niya rito na naroon na siya sa twenty-eighth floor. Pero paano siya manananghalian, eh hindi pa lumalabas si Harry mula sa opisina nito. Alangan namang mauna pa siya rito. Naisip niyang tawagan si Sir Jason para tanungin kung ano ang routine ng amo nila pero ayon dito ay wala namang routine si Harry pagdating sa pagkain. Sinabi ni Sir Jason na mas mabuting tanungin na lang nito ang presidente. Wala siyang choice! "Sir? It's lunch time, is there something that you want to eat?" magalang niyang tanong dito nang sumagot ito sa intercom. "Is there something you can offer?" malisyosong balik tanong nito. "Italian? Mexican? There are few restaurants nearby that I can order for you," sagot niya sa halip na patulan ito. "Be ready! We're going out for lunch," iyon lang at pinutol na nito ang tawag. Inilibot ni Jasmin ang paningin sa loob ng restaurant na pinuntahan nila ni Harry. Napaka-sosyal pala ng loob nito. Kilalang kainan iyon malapit sa kanilang opisina. Nakapag-order na rin naman siya roon noong secretary pa siya ni Mr. Marasigan. "Been here?" agaw ni Harry sa kanyang atensyon. Napako ang tingin niya sa kaharap na lalaki. Ang totoo, iniiwasan lang niyang mapatingin dito kaya kunwari ay inaabala na lang niya ang sarili sa pagtingin tingin sa lugar. Umiling siya. Tila hindi naniniwala ang reaksyong nakita niya sa mukha nito. Hindi naman na ito nagsalita pa at natuon na ang pansin sa waitress na lumapit sa kanila. Hindi napigilan ni Jasmin ang pagtaas ng kilay niya nang makita kung paano umakto ang waitress sa harap ni Harry. Babae siya at alam niya kung kailan kumekerengkeng ang isang babaeng katulad niya. "Ano naman sa iyo?" sarkastikong tanong ng isang bahagi ng kanyang utak? "Ano bang pakialam mo kung lumalandi man ang babaeng iyan kay Harry? Assistant ka lang at hindi dyowa." Sinaway na lang niya ang sarili at iniwas na lang ang tingin sa mga ito. "How about you, Jasmin?" maya-maya ay tanong nito sa kanya.  Hindi pala nito nakalimutan na may kasama ito habang busy ito sa pakikipaglandian sa waitress. Inabot niya ang menu sa harapan niya. Hindi na siya nag-abala pang tumingin ng iba at inorder na lang ang unang nakita roon. Hindi rin naman siya pamilyar sa mga naroon. Nang matapos silang maka-order ay umalis na rin ang waitress ngunit bago ito umalis ay hindi nakaligtas sa kanya ang kakaibang tinging iniwan nito sa lalaking kasama niya. Hindi makapaniwalang nasundan niya ng tingin ang babae. Ganoon na ba ang mga babae ngayon? Hindi na nahihiyang ipakita ang pagkagusto sa isang lalaki? "Para sa katulad mong makaluma, oo," singit na naman ng bahaging iyon ng kanyang utak. "Is there something wrong?" tila naguguluhang tanong ni Harry nang makalayo na ang waitress sa kanila. Siya naman ay nagulat sa biglaang tanong nito. Bakit ba hindi niya napigil ang sarili? Nahalata yata ni Harry ang disgusto niya sa waitress na kumuha ng order nila. "Huh? Wala," maang-maangan niya rito. Nilingon muli ni Harry ang gawi kung saan pumunta ang waitress. At pagkatapos ay nangingiting ibinalik ang tingin sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD