CHAPTER TWENTY SEVEN

1043 Words
Hindi na itinanong ni Jasmin kung paano nalaman ni Amy kung sana nakatira si Harry. Nahpasalamat lang soya dito at nagmamadaling umalis na. Maglalakad loob na siya na puntahan sa kanila si Harry. Nang malaman niya na hindi na papa ito papasok at babalik na sa poder ng ina ay hindi na siya nagdalawang isip na magpatulong kay Amy na malaman kung saan ito nakatira. Hindi siya sigurado kung kakausapin siya ng lalaki. Bahala na! Ang mahalaga ngayon ay maabutan niya ito. Tsaka niya na iisipin ang sariling problema. Gusto niyang magpaliwanag kay Haryy ngayon! Pinara niya ang jeep na unang dumaan at mabilis na sumakay doon. Magkatabi lang ang bayan nila ng lalaki at kahiy paano ay pamilyar naman siya sa lugar dahil may tiyahin siya roon at kapag bakasyaon ay pumupunta sila ng mama niya sa bahay nito. Hindi naman iyon malayo sa school nila kaya ilang minuto lang ay nakababa na si Jasmin. Lalakad na lang siya ng konti para marating ang address ni Harry. Wala siyang pakialam kung tumatagaktak man ang kanyang pawis. Ngayon pa ba niya iisipin ang itsura niya? Bahala nang madugyutan si Harry sa kanya ngayon basta makipag usap lang ito sa kanya. Ilang hakbang na lang ang layo niya sa bahay na pakay niya ay bumukas na ang gate noon at lumabas doon ang issng babae. Si Sidney at kasunod nito si Harry. Hindi niya malaman ang gagawin sa mga oras na iyon. Gusto niyang umatras at magtago. Pero ang puso niya ay ayaw namang magpapigil. Gusto nitong malaman kung bakit naroon si Sidney. At bakit alam nito ang bahay ni Harry? Maya-maya ay nakita niyang niyakap ni Sidney si Harry at hinalikan sa labi. Nagulat naman ang huli. Oo, alam niyang nagulat ito base sa naging reaksyon nito. Ngunit hindi nagtagal ay tumugon naman ito sa halik ni Sidney. Hindi na niya kinaya at naiiwas niya ang mga mata sa mga ito. Tila may libo-libong punyal ang tumarak sa kanyang dibdib at sentrong sentro iyon sa puso niya. Kawawang puso! "Jasmin? Right?" napalingon siya sa nagsalita. Nakalapit na pala sa kanya si Sidney, hindi man lang niya naramdaman. Nakakamanhid pala ang sakit? "Ah..." sa totoo lang ay hindi niya mahanap ang mga salita para sumagot dito gayong sa kanyang isipan ay napakarami yata siyang gustong tanungin sa babaeng ito. Bakit niya hinalikan si Haryy? Sila ba" Bakit alam nito ang bahay ni Harry? Ano ba ang pakay nito at naroon ito? Pero umurong ang kanyang dila at hanggang sa utak lang niya iyon naitanong. "Anong ginagawa mo diyan? Kanina ka pa ba?" tanong ni Sidney. Tumango lang siya. "Kung ganoon, nakita mo?" parang nag-aalangan na tanong nito sa kanya. "Ha?" "Sorry. Hindi mo na dapat nakita 'yon. Anyway, pupuntahan mo ba si Harry?" "O-oo sana," nagkandabulol niyang sagot. Bakit ba siya ang parang naiilang samantalang ito nga ang nakipaghalikan kay Harry. At sa labas pa talaga! "Sige. Go ahead. Mauna na ako." Wala na sa paningin niya ang babae ngunit nanatili pa rin siyang nakatayo roon.  Nagulat pa siya nang muling bumukas ang gate nila Harry.  "Tatayo ka lang ba diyan?" maangas na tanong ni Harry sa kanya. Ang lamig lamig ng boses nito na tila iyon yelo. "Harry!" "Anong ginagawa mo dito? At paano mo nalaman ang bahay 'ko?" Parang bigla siyang naduwsg nang mahimigan ang galit sa boses ng lalaki. Galit ito. "Gusto sana kitang makausap, kahit sandali lang," aniya habang dahan-dahang lumalapit kay Harry. "For what?" "Tungkol sa nangyari kahapon-" "Iyon ba?" malamig nitong putol sa sasabihin niya. Walang kabuhay-buhay ang mga mata ni Harry. "Kung ano man ang gusto mong sabihin, I do not care anymore." "Pero-" "After all it does not affect me. Just to let you know, I was just using you. Para pagselosin siya." Parang nabingi siya sa sinabi nito. Ano raw? Ginamit lang siya nito para pagselosin si Sidney. "Ano?" "Don't play dumb, Jasmin. Narinig mo ang sinabi 'ko. Ginamit kita dahil alam kong sa pamamagitan mo ay mapapasagot ko si Sidney." "Bakit?" Gusto niyang umiyak pero ginawa niya ang lahat ng makakaya para pigilan ang luha. Dapat ay umalis na siya roon. Lumayo kay Harry. Tutal ay sa mismong bibig na nito nanggaling ang mga sinabi sa kanya ng kuya niya. Napakatanga talaga niya. At martir pa! Gusto pa niyang malaman kung bakit nagawa ni Harry iyon. "Simple. With you, I am hitting two birds with one stone. Napasagot 'ko na si Sidney, nakaganti pa ako mayabang na Nilong 'yun." Hindi siya naniniwala. Ayaw niya! Pero sa mismong bibig ni Harry nanggaling ang mga salitang iyon! Baka naman nananaginip na naman siya? "Anong nagawa 'ko para idamay mo ako sa galit mo? Naging totoo ako sa pakikipagkaibigan sa iyo." "Oh, come on, Jasmin! You are willing victim! Bakit pa ako hahanap ng iba kung nandiyan ka naman?" Hindi niya nagustuhan ang malisya sa boses nito nang sabihin iyon sa kanya. Hindi yata si Harry itong kaharap niya. Baka clone lang ito ng kaibigan nita? Hindi ganito magsalita ang Harry na nakilala niya. Hindi siya sasaktan ng Harry na iyon. "But believe me, I enjoyed playing with you. Iyon nga lang, naunahan mo ako. I did not know that you were that easy." Napanganga siya ss sinabi nito. Binabastos na siya ni Harry! "Bawiin mo yang sinabi mo! Hindi ako ganoong koase ng babae!" "Really? What is your kind? Iyong pasimple pero nakikipaghalikan kung saan-saan," nahimigan niya ang galit sa boses ni Harry. At ito pa talaga ang galit?! "Hindi ako makapaniwala na sa iyo pa manggagaling ang mga utab. Kahit kailan hindi kita niloko sa pakikipagkaibigan ko sa iyo. Naging totoo ako. Kung ano man iyong nakita mo, bahala kang mag-isip kung ano iyon! Pero ako? Alam ko kung ano ang totoo at hindi katulad mo na sinungaling at manggagamit lang!" Hindi nakasagot si Harry at nakatingin lang sa kanya. Hindi niya alambkung ano ang tumatakbo sa isop noto sa mga oras na iyon dahil magulo ang bakas ng mukha nito. "Nagsisisi ako na nagustuhan kita. Na mas kinampihan kita kesa sa kapatid ko. Na binalewala ko ang mga pangaral ng mga magulang ko. Nagsisisi ako na pumunta pa ako rito!" Hindi na niya hinintay na sumagot si Harry at mabilis siyang tumakbo palayo roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD