"Are you jealous?" tanong ni Harry sa kanya.
"Excuse me?" kunwari ay tanong niya rito upang mapagtakpan ang pagkapahiyang nararamdaman niya ngayon.
Halata ba siya masyado? Well, hindi naman totoo na nagseselos siya pero aminado siya na hindi niya nagustuhan ang ginawa ng babaeng iyon.
"Ang sabi 'ko, nagseselos ka ba?"
Aba! At talagang tinagalog pa nito? Ano bang akala nito, na mahina siya Ingles?
"Jealous? Why?" Siniguro niya na hindi nito mahahalata sa kanyang boses at sa kanyang mukha ang tunay niyang feelings.
Mahina itong natawa. "Because that waitress is freaking hot."
"I think it is none of my business."
"Are you playing that hard, Jasmin? Come on, wala na tayo sa office. You can be you."
"I don't know what you are saying, sir, but I agreed to go here with you for lunch."
"Ouch! Sumama ka lang pala because of the free lunch," biro nito.
Pero hindi siya natawa. Sinubukan niyang tumanggi ngunit hindi naman siya binigyan nito ng pagkakataon. At base sa tono nito ay wala siyang karapatang tumanggi sa imbitasyon nito. O imbitasyon ba 'yun? Kasi parang kulang na lang sabihin nito: "that's an order,."
Kaya nagmamadali niyang tinext si Nikki na hindi siya makakasabay dito.
Hindi niya tuloy naiwasang maguluhan kay Harry. Noong una silang nagkita ay hindi nito itinago ang galit nito para sa kanya. Ngayon naman ay may gana pa itong magbiro sa kanya. Not to mention, assistant na siya nito ngayon.
Hindi na siya sumagot pa para hindi na humaba ang usapan. Wala rin naman siyang naisip na isagot sa biro ni Harry.
Maya-maya ay dumating na ang mga order nila. Natakam siya nang ilapag na sa harap niya ang pagkaing inorder niya. Mukha na itong masarap sa menu pero mukhang mas masarap pa iyon sa personal. Doon na niya naramdaman ang gutom. Mag-aala una na rin kasi at cereal lang ang kinain niya kaninang umaga.
Oo nga pala, kailangan na niyang mag-grocery. Nawala na sa isip niya na wala na siyang kakainin mamaya dahil sa pagod noong mga nakaraang araw. Idagdag pa ang stress na pinagdaanan niya dahil kay Harry.
"Try this," alok ni Harry sa isang dish na nasa harap nila. Iba't ibang putahe ang inorder nito at hindi niya alam na ganoon pala katakaw si Harry.
Hindi na siya nagpakipot pa, kumuha siya mula sa inaalok nito at masarap nga iyon. Ginanahan siyang kumain.
"You will like this too," ani Harry at kumuha ng part ng parang steak na kinakain nito at inilagay sa kanyang plato.
Ano na naman kayang pakulo ni Harry? At bakit parang ang bait nito ngayon sa kanya?
"Why?" tanong nito nang mapansing hindi na siya gumagalaw.
"Bakit mo ito ginagawa?" hindi na niya napigilang itanong dito.
"What? The food? You are too skinny. Hindi ka tatagal sa trabaho mo bilang assistant 'ko kung ganyan ka kapayat."
"I beg your pardon, sir, but there is nothing wrong with me."
"Blah blah! Go on, eat."
Kumunot ang noo niya. Ipinagpatuloy na lang ni Jasmin ang pagkain. Mainam pang mag-enjoy na lang siya sa pagkain kaysa makipagtalo kay Harry na daig pa ang babaeng may regla sa mood swings.
Ilang sandali pa at natapos na silang kumain ngunit napakarami pa ang natira sa mga orders nila. Naparami na nga siya ng kain. Napakarami naman kasi ng inorder ni Harry! Pero mukhang wala itong balak na i-take out ang mga natira nila.
Hello? Presidente nga ng malaking kompanya 'di ba? Ano pang inaasahan niya?
"What's wrong?" untag nito sa kanya matapos iabot ang credit card nito sa waitress na siyang nagsilbi sa kanila.
Napatingin siya sa kanilang mesa. "Hindi mo ba ite-take out 'yan? Sayang naman."
"Do you want to?" balik tanong nito. Hindi pa man siya sumasagot ay tumawag na ito ng isa pang waiter at ipinabalot ang mga natira nila.
Aba, sayang naman talaga iyon! Mayroon pa nga silang hindi nagalaw.
"Thank you," nahihiya niyang sabi kay Harry.
Nagkibit lang ito ng balikat at hindi na sumagot.
Pagbalik nila sa opisina ay agad niyang inilagay ang mga inuwi niyang pagkain sa pantry. Pagkatapos ay tinawagan niya si Sir Jason at tinanong kung kumain na ito. Nais sana niya itong alukin ng mga pagkaing dala nila pero kumain na raw ito.
Bumalik na lang siya sa kanyang area at nagsimula nang magtrabaho. Inabala niya ang sarili sa mga hindi niya natapos kahapon. Mayroon pang ipinagagawa si Sir Jason sa kanya kanina.
Bandang hapon nang mag-ring ang telepono sa harapan niya. Ang receptionist iyon sa baba at sinabing may bisita si Harry.
Matapos tanungin ang pangalan ng sinasabing bisita ng amo nila ay agad siyang tumawag kay Harry upang ipaalam iyon dito.
"Sir, there is a certain Ms. Angelie Lacson in the lobby," aniya rito.
"Don't let her in," sagot nito at pinutol na ang tawag.
Napatingin siya sa hawak na telepono. Iyon lang?
Agad niyang ipinaalam sa reception ang sagot ni Harry.
"Ah... Ms. Nicolas, are you sure? The woman here said she is Sir Harry's girlfriend, and..." nahimigan niya ang kaba sa boses ng kausap na receptionist.
"What?"
"And, she is Senator Lacson's daughter," dugtong nito.
Naintindihan na niya kung bakit ito kinakabahan ngayon.
"I am sure. That's the president's order," sagot niyang muli. Kahit na maawa siya ay wala naman siyang magagawa dahil iyon naman talaga ang sagot ni Harry.
"Give me that phone!" narinig niyang sabi ng isang boses ng babae mula sa kabilang linya. "Hello? Is this Harry's secretary? Could you please tell him that I need to see him now. Tell him, it's Georgia Lacson! Do you get me?"
Pinigilan niya ang sarili. Wala siya sa katayuan na magtaray. Kasama talaga iyon sa trabaho niya. "Okay, ma'am. I will tell my boss again. Please hold on."
Muli niyang tinawagan si Harry. "Sir, the lady in the lobby is insisting to see you. She said she is Georgia Lacson and she needs to see you."
"I told you. Get her out. Maliit na bagay lang iyan, Jasmin, hindi mo pa magawa?"
Aba! Akala yata nito ay madali lang ang pinagagawa nito? Pero wala siyang magagawa dahil ito ang amo. Bahala na ang reception na harapin iyon. Ayaw niyang maipit sa dalawang malaking bato.
Agad niyang binalikan ang reception at sinabi ang pinasasabi ni Harry. "Get her out."
"Huh?" Alam niyang kabado ang receptionist pero wala silang magagawa. Si Harry ang amo nila at hindi ang babaeng anak ng senador na iyon.