CHAPTER THIRTY EIGHT

1200 Words

Nagising si Jasmin nang makaramdam ng init mula sa araw na tumatama sa kanyang mukha. Dahan-dahan siyang dumilat at nakitang tirik na pala ang araw. Tumingin siya sa suot na relo. Napasarap yata ang tulog niya. Dahil sa kakaiwas niya kay Harry ay naisip niya na lang magtulog-tulugan kanina. Marahil sa sobrang pagod noong mga nakaraang araw at puyat ay napahimbing nga siya. "Now you're awake," ani Harry sa tabi niya. "Sorry, nakatulog pala ako," kunwari ay sabi niya kahit ang totoo ay sinadya naman talaga niyang iwasan ito. "It's okay. You seem very very tired. Ang lakas ng hilik mo," sabi nito na saglit pang sumulyap sa kanya. Marahas siyang napalingon dito. Talaga bang napalakas ang hilik niya? At ilang oras siyang nakatulog habang katabi si Harry! Natawa ito nang makita ang reaksyon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD