CHAPTER TWENTY FIVE

1562 Words
Hindi! Sigaw ni Jasmin sa isipan. Sinubukan niya ulit na sumigaw at kinalampag na mas malakas ang pinto. Hindi niya iniinda ang sakit na nararamdaman dahil sa ginagawa. Nagbabakasali siya na may makarinig sa kanya, kahit na sa mas malayo pa. Ngunit walang silbi ang kanyang ginagawa dahil ilang minuto na ay wala pa ring nagbubukas ng pinto. "Diyos 'ko! Maawa po kayo," dasal niya. Malapit na ring tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata, kanina pa niya iyon pinipigil. Ngunit walang mangyayari kung iiyak lang siya. Mauubos lang ang lakas niya. Kailangan niyang mag-isap ng paraan. "Jasmin..." marahas siyang napalingon sa kanyang likuran. At tulad sa kanyang panaginip, si Nilo ang kanyang nakita. Ito ang tumawag sa kanya. Hindi maaaring magkatotoo ang kanyang panaginip! "Nilo! Anong ibig sabihin nito?" tanong niya sa lalaki. Pilit niyang itinago ang kanyang nararamdamang kaba at takot mula rito. "Jasmin, 'wag kang mag-alala. Hindi kita sasaktan. Gusto lang kitang kausapin," malamyos ang boses na sagot ni Nilo. "Kakausapin mo lang ako? Bakit kailangan pang naka-lock ang pinto?" nang-aakusa ang kanyang tinig. "Hindi, Jasmin! Huwag mo siyang gamitan ng ganyang boses. Baka mamaya ay ma-provoke mo pa siyang lalo!" saway niya sa sarili. "Huwag kang lalapit!" naaalarma niyang sabi kay Nilo nang makitang lumalapit ito sa kanya. "Relax, Jasmin. Okay?"  Umiwas siya rito at nagmamadaling lumayo sa lalaki. Ito naman ay lumapit sa pinto at kumatok doon. "Jake, pare, buksan mo na ang pinto. Natatakot itong utol mo," sabi nito na labis niyang ikinagulat. Ang kuya niya ba ang naroon at siyang nag-lock ng pinto?  Nasagot ang kanyang katanungan nang bumukas nga ang pinto at pumasok doon ang kapatid niya. "Kuya?" hindi makapaniwalang anas niya. Ito pa talaga ang tumulong kay Nilo para gawin ang bagay na iyon? Gayong ang pakay niya lang naman ay matulungan ang nakatatandang kapatid. "Sorry, Jasmin. Gusto ka lang naman kausapin ni Nilo," paliwanag ng Kuya Jake niya nang makita ang pang-aakusa sa kanyang mga mata. "Paano mong nagawa sa akin ito, kuya?" "Wala namang masamang balak si Nilo sa iyo. Kaya nga nandito ako at kasama niya. Makinig ka muna," parang ito pa ang naiinis ngayon? "Naririnig mo ba iyang sinasabi mo, kuya? At totoo ba na kakausapin natin ang teacher mo? O gawa-gawa mo lang iyon para matulungan mo itong lalaking ito?!" "Jasmin! Huwag ka nang masyadong maarte. Please lang!" Bumaling na ito kay Nilo. "Sige na, pare, sa labas lang kami." "Hindi! Kuya!" humabol siya sa kapatid pero hinarangan ni Nilo ang kanyang daraanan. "Jas, wait lang. Maniwala ka, kakausapin lang kita." "Wala tayong dapat pag-usapan!" "Tsk! Jas, sorry na kung naging presko ang dating 'ko sa iyo. Pero para ,maniwala ka na seryoso ako, sige, hindi natin isasara ang pinto." Bahagya siyang kumalma sa sinabi nito. Ngunit wala pa rin siyang tiwala rito. Kailangan pa rin niyang maging alerto kahit na naroon ang kanyang kapatid. Hindi siya makapaniwala na mas pinanigan pa nito si kaysa sa kanya. Naisip niya, nakakapagod na pala ang Kuya Jake niya. Nais niya itong tulungan ngunit ito pa mismo ang nagtutulak sa kanya sa taong wala siyang katiwa-tiwala. "I don't understand, Jasmin. Bakit hindi mo ako magustuhan? Habang iyong Harry na iyon, ginago ka na nga, dikit ka pa ng dikit." sabi ni Nilo matapos siyang kumalma. "Ano bang sinasabi mo?" "Come on, Jas! Lahat naman sa school alam na may gusto ka kay Harry." "Hindi 'ko alam ang sinasabi mo." "Okay! Sige, kung wala kang gusto sa kanya, sana ay bigyan mo ako ng chance." Kinunutan niya ito ng noo. "Hindi mo maipipilit ang isang bagay dahil lang gusto mo ito, Nilo." "Yes. Pero kung bibigyan mo ako ng chance, I would be better. Kaya 'kong pantayan si Harry." Ito ang isa sa pinaka-ayaw niya kay Nilo. Masyado itong mayabang at bilib sa sarili. Gayong napakarami nga nitong kapalpakan.  "Wala pa iyan sa prayoridad 'ko sa buhay. At kung totoong gusto mo ako, dapat ay intindihin mo kung ano ang nais 'ko at mas makabubuti sa akin." "Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo, Jasmin?" mababa ang boses na sabi nito. Napayuko pa ito at tila isang talunan. "Kahit konti ba hindi mo 'ko magugustuhan?" Hindi alam ni Jasmin kung ano ang mararamdaman nang oras na iyon. Parang nangingilid ang luha ni Nilo nang iangat nito ang ulo para tumingin sa kanya. Ang itsura nito ngayon ay malayo sa Nilo na araw-araw niyang nakikita. Ganoon ba siya kagusto ng lalaki? Sa isang bahagi ng kanyang puso ay nakaramdam siya ng pagkahabag dito. Ngunit ano ba ang dapat niyang gawin? "I-I'm sorry, Nilo." Napayuko muli ang lalaki pero maya-maya ay napatango-tango. Itinaas nito ang mga kamay at inihilamos iyon sa sariling mukha. "Niintindihan 'ko na. Hindi mo talaga ako gusto," maya-maya ay sabi ng lalaki. "I'm really sorry," ulit niya. Wala siyang ibang salitang maiisip para sabihin kay Nilo. "Ayos lang, Jas. At least ngayon mas malinaw na sa akin na hanggang dito lang talaga ako." "Marami pa namang iba," sabi na lang niya. Tumango ito sa kanyang sinabi. "Siguro naman ay pwede tayong maging magkaibigan. Huwag kang mag-alala, hindi naman ako nangangagat. Hindi siya natawa sa biro nito. Walang nakakatawa matapos ang nangyari. Hindi pa rin nawawala ang kabog ng dibdib niya dahil sa ginawa nito kanina. "Oo nga pala, magpapaalam na rin ako sa iyo. Sinubukan 'ko lang din naman na magtapat sa iyo bago ako tuluyang umalis." Totoong nagulat siya sa sinabi ng lalaki. "Aalis na kami ng family 'ko papunta sa states pagkatapos ng graduation. For good," pagpapatuloy ni Nilo. "Gusto 'ko lang talagang malaman mo ang nararamdaman 'ko at para humingi na rin ng sorry sa mga nagawa 'ko kay Harry." "Sorry, hindi 'ko alam." "It's okay. Wala rin namang magbabago. Sana ay mapatawad niyo ako ni Harry." Marahan siyang tumango sa lalaki. "So, friends?" inangat ni Nilo ang kanang kamay nito para makipagkamay sa kanya. Napatingin siya roon. Hindi naman siguro masama na tanggapin niya ang pakikipagkaibigan ni Nilo. After all, nagpakumbaba naman ito at humingi ng tawad sa pagkakamaling nagawa nito lalo na kay Harry. At alam niyang hindi iyon madali. Tinanggap niya ang pakikipagkamay ni Nilo. Hindi niya alam kung bakit kinilabutan na naman siya nang humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay. "Thank you, Jasmin. Gusto 'ko lang malaman mo na gustong-gusto talaga kita," medyo malakas ang boses ni Nilo nang sabihin iyon. Nagtaka din siya nang parang biglang nagbago ang tono nito. Hindi rin nito binibitiwan ang kanyang kamay kahit na hinihila na niya iyon. "Nilo-" "I love you, baby," malakas na sabi ni Nilo bago siya hinila palapit dito. Naramdaman na lang niya na sinakop na ng mga labi nito ang kanyang mga labi. "No!" sigaw niya sa isip. Hindi siya makagalaw dahil napakahigpit ng pagkakayakap nito sa kanya. Bumitiw lang si Nilo nang may marinig silang malakas na suntok sa pinto. Nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sino ang may gawa non! "Harry!" Naramdaman na lang niya na binitiwan na siya ni Nilo. "Ikaw na naman! Ano bang ginagawa mo rito? Hindi mo ba nakikita na busy kami ni Jasmin?!" "Hindi! Harry-" "Baby, huwag mo nang paasahin si Harry. Tutal naman, nakaganti ka na sa kanya," putol ni Nilo sa sasabihin niya. Gulat na gulat si Jasmin sa mga pinagsasabi ni Nilo. "Anong-" "Nakita mo na, ha, Harry? Kung sino talaga ang gusto ni Jasmin? Magpapahalik ba sa akin 'to kung wala kaming relasyon." "Nilo! Tumigil ka!" "Baby, bakit? Hindi ka pa ba satisfied? Gusto mo pa bang patuloy na gaguhin ang Harry na ito? Tapos na tayo sa kanya." May pang-aakusa ang mga tinging ipinukol ni Harry sa kanya. Para siyang napapaso. "Okay, para mas malinaw sa iyo, Harry Boy, nasaktan mo itong si Jasmin dahil iniwan mo sa ere. Doon na kami nagkamabutihan. Pero hindi masaya kung hindi siya makakaganti sa iyo kaya naman nang lumapit-lapit ka ulit sa kanya, naisip niya na chance na niya iyon para makaganti sa iyo. Eh, kumagat ka naman!" "Nilo! Ano bang pinagsasabi mo?" Bumaling siya kay Harry. "Harry, hindi totoo ang pinagsasabi niya!" "Hindi ako makapaniwala na magagawa mo 'to," sagot ni Harry sa kanya. "Hindi-" hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil nagmamadali nang umalis si Harry mula roon. Hahabulin na sana niya ito nang biglang lumitaw ang kanyang Kuya Jake. Humarang ito sa daraanan niya. "Umalis ka diyan!" Nang mga sandaling iyon ay nagbago ang pagtingin niya sa kapatid.  "Jasmin, hayaan mo na siya. Hindi siya ang nararapat sa iyo." "At bakit ako makikinig sa isang traydor na katulad mo!" Itinulak niya ang kapatid at malalaki ang mga hakbang na sumunod siya kay Harry. Hindi na niya ito makita kaya naman mabilis siyang tumakbo. "Harry!" tawag niya rito nang makita ito sa wakas. "Harry, sandali!" Hindi ito lumingon at patuloy na naglakad palayo sa kanya. Tinawag niya ito ng paulit-ulit ngunit nagbingi-bingihan na ang lalaki. "Harry!" tawag niya. Ngunit hindi pa rin ito lumingon at sumakay na ng jeep. Hindi niya iyon aabutan dahil malayo pa siya mula roon. "Hindi! Harry!" sigaw niya ulit nang makitang umandar na ang jeep na sinakyan nito. Hingal na hingal siya nang tumigil siya. Kahit bilisan niya pa ang pagtakbo ay hindi niya aabutan si Harry.  Hindi niya namalayan na basang-basa na pala ang pisngi niya ng luha. Umiiyak na pala siya. "Harry..." mahina niyang tawag sa pangalan ng lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD