Buong maghapon ay inip na inip ako sa klase. First day of class,discussion agad. Sino ba naman ang hindi maiinip doon?
Ang teacher pa naman namin ay iyong matanda na puro discussion hanggang sa nauuwi na lang sa k'wento ng buhay niya.
Minasdan ko ang katabi kong si Isha na panay ang hikab mula noong pumasok ang teacher namin sa ESP.
At ang mag kaklase kong may kaniya-kaniyang mundo. May natutulog,nag kukuwentuhan,nag cecellphone.
Buti na lang at nasa likod ko si Zakiro s***h crushie. Stress reliever ko,charrot.
Hindi naman sa assumera ako pero feeling ko ay nakatingin siya saken mula sa likod. Tagos hanggang kaluluwa ko yung tingin niya besh.
Ay assumera nga ako. Dahil nang lumingon ako ay hindi siya ang nakatingin kundi si Roi na makulit. Kumindat pa ang loko.
Abalang-abala si Zakiro sa hawak niyang ballpen at notebook.
*pout
Sana ako na lang yung ballpen :(
Wala akong ibang nagawa kundi makinig sa teacher at maghintay ng uwian.
"Good day class!" favorite line ng mga estudyante na nanggaling sa teacher. Hudyat na uwian na.
Unti-unting nagsilabasan ang mga classmates ko kasama na roon si Zakiro. Ang iingay nila parang ngayon lang nakawala galing sa matagal na panahong pagkaka-kulong.
Naiiling na lamang ako habang nakangiti at nagsimulang magligpit ng mga gamit.
Aayain ko na lang si Isha sa bahay namin, sigurado akong mag isa nanaman ako do'n. Nasa trabaho parehas sina Mama at Papa.
"Isha" tawag ko sa kaniya.
"Yes frennyyy?"masigla niyang tugon. Anak ng! Uwian na't lahat hindi pa rin nauubusan ng energy!
"Halika sa bahay, maaga pa naman, e. Let's have a bonding! Hehe" palusot ko. Ang totoo ay may magtatanong lamang ako sa kaniya tungkol kay Zakiro.
Pero na-miss ko rin talaga itong si Isha.
"Sige ba! Wala naman rin naman akong gagawin sa bahay. Magpapamiryenda ka ba?" dire-diretso niyang sabi habang nagliligpit ng gamit.
"Oo naman noh! Let's gooo!" isinukbit ko ang bag ko at agad siyang hinila palabas ng classroom.
Naglalakad kami sa hallway at panay ang tinginan at bulungan sa amin ng mga tao.
"Hey,look at them. They keep on looking at us"bulong ko.
"Naku!masanay ka na. Ganiyan talaga dito pag naka-kita ng maganda. Halos lumuwa na ang mga mata nila lalo na ang mga lalaki"hinampas niya ang balita ko habang tumatawa.
Nagpasundo kami kay Manong Rico,ang aking Personal Driver. I already told Papa na hindi ko na kailangan pa ng driver. I can drive on my own or mamasahe na lang para makatipid sa mga bills na binabayaran namin. Lagi naman siyang tumatanggi dahil gusto niya raw masigurado na safe ako lagi.
Habang nasa daan ay pina ulanan ako ng tanong ni Isha. Sinasagot ko naman ito 'pag hindi related sa family ko.
Hanggang sa makarating kami sa bahay.
"Wow Calli! Malagu ya ing bale yu" sambit niya na parang hindi makapaniwala.
Tumawa na lang ako kahit hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Siguro ay nagandahan sa bahay?
Moderno ang design ng bahay namin. Bihira ang disenyo ng mga ganitong bahay dito sa probinsya kaya ganoon na lamang siguro ang hanga ni Isha.
Nandito kami ngayon sa terrace. Nagpahanda ako kay Manang Zeni ng fries at nachos.
K'wento ng k'wento si Isha na nakapagpa aliw sa akin. Kahit papaano ang mabigat kong dinadala.
Hmm,paano ko kaya tatanungin si Isha ng hindi siya makakahalata na crush ko si Zakiro?
"Uy Isha hanap mo naman ako ng boys sa school" attempt one.
"Iyon lang ba? Ako bahala. Bukas na bukas ay ipakikilala kita sa mga ka-kilala ko" nakangiti niyang sabi bago sumumpak ng fries.
"E si Zakiro ba?" nahihiya kong tanong at sumubo ng fries.
"Naydana!HAHAHAHAHA" yuck! Nailuwa niya yung fries!
"Why? May nakakatawa ba do'n?" kunot noo ko siyang tignan.
"Nabiktima ka! HAHAHAHA" habang nakaturo sa akin.
"Ha?Anong nabiktima?"
Kaunti na lang ay iisipin kong ng baliw itong kaibigan ko.
"HAHAHAHA bakla 'yon!"
WHAT THE FUC——???? O_O
P-posible ba iyon sa ganoong klaseng itsura?
Muntik ko nang mailuwa ang kinakain ko!
"Are you kidding me?" mataray kong tanong at tumaas ang kilay.
Nag-angat siya ng tingin sa akin at naging seryoso.
"Nagsasabi ako ng totoo frenny."
Gulat pa rin akong naka tulala sa kaniya.
"Kalat na iyon sa buong campus, kaya pala hindi nagjo-jowa"patuloy niya.
Napainom ako sa juice sa gulat.
"Where's your evidence?" mataray kong tanong,naghahamon.
"Ikaw na lang ang mag obserba frenny. Tinatago niya talaga lalo na pag maraming tao kasi takot siya malaman ng Daddy niya. Dating sundalo ang Daddy niya kaya naman inaasahan siya nito na sumunod sa yapak niya kahit ayaw ni Zakiro" malungkot niyang k'wento.
Nalulungkot ako para kay Zakiro. Ang hirap naman ng sitwasyon niya.
Student's shouldn't be pressure like that and we have right to chase our dreams.
Pero hindi pa naman ako sure diba?
Malay ko ba kung nag iimbento lang itong si Isha.
Ilang oras na mula nang maka uwi si Isha ngunit hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya.
Umupo ako sa kama ko at nagmuni-muni. Nakaka relax dito,tahimik ang kapaligiran. Hindi katulad sa Maynila na kung hindi away ang maririnig ay ang mga ugong ng sasakyan ang bubulabog mapa umaga man o gabi. Tanging kuliglig lamang ang naririnig ko dito at ang nakabibinging katahimikan.
"Asan na kaya sina Papa at Mama?"tanong ko sa sarili.
Alas diez na ng gabi pero wala pa rin sila.
Sabagay,ano nga bang bago? Dapat sanay na ako sa ganito. Mula noon ay tutok sila sa aming negosyo,tanging katulong lamang ang kasama ko lagi sa bahay.
Pagod na akong mangulila at manghingi ng atensyon sa kanila.
Dadating sila ng gabi kung kailan tulog na ako. Sa umaga naman habang nagbe-breakfast ay magmamadali silang umalis. They keep on saying that 'Calli,babawi ang Papa bukas' pero ang ending habang nagbo-bonding kami ay may tatawag na may kinalaman sa trabaho kaya maiiwan nanaman ako mag isa.
My parents are Architect and Engineer. Si mama ang Architect at si papa ang Engineer.
Noong bata pa ako ipinagmamalaki ko sa lahat ng kalaro ko na may Architect akong mama at Engineer na Papa. Madalas kong sinasabi na perfect sila for each other. Ika ko nga 'They are partners in work,partners in life!'
Pero nagkamali ako.
Unti-unting bumagsak ang mga luha ko.
"Stop it Calli! Malakas ka 'di ba?" pang aalo ko sa sarili.
Napagdesiyunan ko na lamang na mag cellphone upang antukin.
I see some messages from my friends.
Julia: I miss you girl! Iiwan mo na ba talaga kami? huhu.
Humpbrey:Vro r u ok? If u have a prob just text us, we will be there.
Jake: hey! Take care always, remember the self defense that I taught to you.
Prince(ss):Girl! Tiba-tiba ka siguro sa mga g'wapo dyan hano? Tiran mo naman ako bakla! Hahaha. Ingat ka lagi,baka mahulog ka sa maling tao. Bobo ka pa naman.
"Hayyy! I really miss them" nasabi ko sa sarili habang parang tangang ngumi-ngiti.
Tinatamad akong mag reply kaya napag desisyunan ko na bukas ko nalang sila rereplyan. I-search ko nalang muna si Zakiro sa sss!
Nakita ko na agad dumami ang friend request at umingay ang messenger ko. Mga schoolmate ko siguro na lalaki.Tsk.
Umirap na lang ako at nag umpisa itipa ang pangalan ni Zakiro. Nahanap ko na agad! Ang unique naman kasi ng name.
Zakiro Myco Levierre•
2 mutual friends
"Geez! Ang g'wapo!!!" napahiyaw ako sa kilig.
Gwapong-gwapo siya sa profile picture niya. Naka floral polo siya at naka bukas ang lahat ng butones habang naka side view. Naroon siya sa beach, tinatangay ang magulong kulot niyang buhok.
Ang ganda ng view pero I'd rather stare at him.
"Ano Isha?Ito bakla? No no no no" parang tanga akong kinukumbinsi ang sarili.
Famous huh? 948 likes
Hirap mo naman abutin!
Tumalon-talon pa 'ko sa kama nang makita ang iba pa niyang pictures.
Shit! Napindot ko yung 'add friend'
"s**t!" natutop ko ang sariling bibig sa gulat.
Nakakahiya! Babawiin ko 'to huhu.
It is too late now because...
Zakiro Myco Levierre accepted your friend request
0_0
Nakakahiya myghaaadd! Bakit ba kasi ang active niya sa sss? Huhu.
Hayaan ko na nga, mag-story na lang ako para magpapansin sa kaniya.
Nagpicture-picture ako hanggang sa makuntento. Nakapag-lagay pa 'ko niyan ng liptint. Pak!
Ayan naka-pili na'ko. Na-story ko na 'yong picture ko na naka pose na parang may hinahanap. May caption na 'wer r u bby?'
Tuwang-tuwa ako sa sarili kong kalandian.
Sampung minuto na ang lumipas at marami nang nag heart react. May mga nag reply din na lalaki ang sagot ba naman 'i'm here baby' bobo, hindi ikaw! Assumero. Hahahaha.
Ting!
May nag notif na feeling ko si Zakiro na ito!
Nawala ang ngiti ko nang makita na ang ex kong si Aithan ang nagreply sa story ko.
Aithan Melendez: I'm here baby, please comeback :(
"Lol. Whatever. Fvking cheater. Comeback your a*s!" inis kong sabi at ibinaba ang cellphone.
Minu-minuto kong tinitignan kung na-view na ba ni Zakiro or nag react na siya.
"Hay nako Calli,'wag ka nang umasa. Matulog ka nalang" umiling ako at tumawa.
Binaba ko na ang cellphone sa side table ko at akmang papatayin ang ilaw.
*ting!
"Ay palaka!"
Sana si Zakiro na
Sana si Zakiro na
Sana si Zakiro na
Paulit-ulit kong binabanggit sa isip. Nakapikit pa ko nang kunin ang cellphone at huminga ng malalim bago dumilat.
Zakiro Myco Levierre reacted to your story
O_O
"Omg!!!!!" Tili ko.
Tumalon-talon ako sa kama dahil sa tuwa.
Nag-react lang naman siya ng heart! Ibig sabihin no'n he heart me na!
Papa,ikakasal na ang anak niyo T_T
Charrot.
Bakit kaya siya nagreact ng heart? Nagandahan siguro sakin? Na cute-an?
Kahit anong pilit ko ay hindi ako makatulog ka-iisip.
Sabi na nga ba hindi siya bakla,e. Dude, he's attracted to me.
Fake news naman si Isha!
I will do everything just to prove that you are not a gay,Zakiro.