Chapter Three

1777 Words
"Calli how's school? May mga kaibigan ka na ba?" tanong ni papa habang tumutusok ng steak. "Okay lang po Pa, actually classmates po kami ni Isha. Remember her? Iyong dati kong kalaro" nakangiti akong nag k'wento bago uminom ng gatas. "Manang Zeni,lika na po sabay na po kayo sa amin" nakangiti kong anyaya. "Ay huwag na ma'am. Nakakahiya naman po" "No manang,lika na. Join us po" Hindi na siya nakatanggi pa at umupo na lang din at kumain. Ang sakit ng ulo ko. Napuyat ako kaiisip kagabi. Kumakain kami ngayon ng breakfast. Si mama ay wala. Sabi ni papa ay maaga raw umalis,siguro ay kikitain nanaman ang lalaki. As always. Ano nga bang bago? Sa lalaki may oras, sa sariling pamilya? wala. I am consistent honor student since grade one. Naalala ko tuloy tuwing sasabitan ako ng medalya ay late makakarating si Papa at si Mama naman ay never pang umattend. Despite of that lalo kong pinagbutihan ang pag-aaral. Hoping that one day in my recognition I'll have a super proud complete family. Pero malabo iyong mangyari...Pagkain nga ay hindi kami nagkakasabay-sabay. Iisa kami ng bahay pero hindi rin kami madalas magkita. Iyong makumpleto pa kaya kami? Nalungkot tuloy ako habang kumakain. "Pa, I have to go baka ma late pa po ako" I grab my bag and kiss his cheeks. "Sabay na tayo baby,ihahatid kita" nag-punas siya sa labi at tumayo. "Really???" tila kuminang ang mga mata ko nang marinig ang salita niya. Para akong bata na bibilhan ng candy. Habang nasa daan ay panay ang bilin ni papa. Pag daw may pumorma sa akin ay ipaalam ko agad sa kaniya. As if he have always time for me. May mga naging boyfriend ako sa Manila pero hindi ko manlang naipakilala kay Papa. Lagi kasi siyang busy. Yung tipong ipapakilala ko sa kaniya tapos sasabihin niyang next time na lang. Then the next time pag tatanungin niya ay wala na, break na kami. Niloko nanaman ako. Pag dating sa school ay good mood agad ako dahil hinatid ako ni Papa. Once in a blue moon yata iyon! "Good morning Manong Guard!"masiglang bati ko. "Maganda umaga din po Ma'am hehe" nahihiya niyang sabi. Nagpatuloy akong maglakad sa hallway habang may naalala. Zakiro my baby! Hihi Lalong gumanda ang mood ko nang maalala iyong kagabi. Nag react lang naman siya sa story ko. Hindi na ako makapag hintay,kailangan itong malaman ni Isha! Nang mapagtanto niyang mali siya. Hindi bakla si Zakiro ko. Taas noo akong naglakad dala-dala ang aking confidence. Karamihan at ngumi-ngiti sa akin ngunit halatang napipilitan. Bitches. Sinuklian ko lang din sila ng plastik na ngiti. That's what you get *smirk* "Stormyyy!!!" Oh God! I hate being called by my first name. Sabi ni Papa, Stormy ang ipinangalan sakin dahil bumabagyo noong ipinanganak ako. Ang Calliope naman daw ay galing sa isang Greek Goddess. Pakiramdam ko pag tinatawag akong Stormy ay isa akong malaking delubyo. "Isha stop calling me Stormy" napipikon kong saway. "Hindi ko maiwasan,e. Nakasanayan ko na hehe" kumamot siya sa ulo. "By the way, ikaw ha fake news ka naman" "Hala bakitttt?" madrama niyang tanong. "Zakiro is not a gay" pabulong kong sabi. "Paano mo naman nasabiiii? I am super duper sure frenny! Never niya ngang itinanggi na hindi siya bakla" kumapit siya sa aking braso habang naglalakad kami. "Nag react siya sa story ko kagabi" kinikilig akong tumawa at iniimagine na attracted nga siya sakin. "Nakita ko nga iyong story mo. Nagandahan lang 'yon sa shade ng liptint mo girl!" tsaka siya humagalpak ng tawa habang nakahawak sa tiyan. "Hmp! Basta I will prove to you that Zakiro is not a gay" confident ko siyang tinignan. "Good morning class!" "Good morning ma'ammmm!" Nagsimula na ang klase panay ang lingon ko sa likuran wala pa rin si Zakiro. Baka late lang. Hanggang break time ay walang Zakiro na nagpakita. Crush ko lang naman siya pero hindi ko maipaliwanag kung bakit ako nag aalala. "Frenny anong sa'yo?" "Ha?" "Ano kako ang order mo?" kunot noong ulit ni Isha. "Sandwich and water" malatang sabi ko. Nakakapang lata naman,wala si Zakiro. Bakit kaya siya absent? Naalala ko tuloy 'yong sinabi kahapon ni Isha. Gusto ng daddy niya na mag sundalo siya. Nalulungkot pa rin ako sa tuwing maiisip iyon. Hindi kaya nalaman na ng Daddy niya? Baliw ka Calli! Hindi bakla si Zakiro kaya malabong iyon ang dahilan ng pag absent niya. "Eto na Stormy,kumain na tayo" nagulat ako sa presensya ni Isha dala siguro ng kanina pa 'ko tulala dito sa table. Tumango na lamang ako bilang tugon at nagsimulang kumain. "Frewnny nahiwapan talaga akwo sa emyumeration kaniwna sa APawn" her mouth is full but she can still manage to talk. This girl is unbelievable. "Huh? Madali lang 'yon ah" Lumagok siya sa mineral bottle, nabilaukan yata. "Isha sa tingin mo, bakit kaya absent si Zakiro?" tulala pa rin ako. "Pffft!" naibuga niya ng bahagya ang tubig. "Kaya pala tulala ang Bagyo! Iniisip ang kaniyang crush!" Sinamaan ko siya ng tingin. "HAHAHA hay nako frenny! 'wag mo nang isipin si Zakiro. Hindi kayo talo nun! Ipapakilala nalang kita sa mga kaibigan kong LALAKI mamaya" Aba at may diin pa talaga ang salitang lalaki ah. Binato ko siya ng tissue na saktong tumama sa mukha niya. "Tulong! Binabagyo ako!" umarte siyang nasasaktan at nanghihingi ng tulong. Napailing nalang ako at tumayo na. Naglalakad na kami pabalik sa classroom. Eto ako at tulala pa rin at walang gana. "Frenny mauna ka na, cr muna 'ko" Tumango ako at dire-diretsong naglakad. Natigil ako nang may marinig na ingay mula sa music room. Nagtatanong Bakit mahirap sumabay sa agos Nang iyong mundo Nagtataka Simple lang naman sana ang buhay Napaka ganda ng boses na iyon. Bagamat may pagka-rock e para akong hine-hele. Nadatnan ko na lamang ang aking sarili na binubuksan ang pintuan sa music room. Zakiro... Sabihin sakin lahat ng lihim mo Iingatan ko Ibaling sa'kin lahat ng problema mo Kakayanin ko oh oh Tinitigan ko siya na seryoso-seryoso sa bawat pag palo sa drums. Isa lamang ang napagtanto ko... Naroon ang malulungkot niyang mga mata na kahit anong oras ay p'wedeng bumuhos ang kaniyang mga luha. May problema ba siya? Bakit hindi siya umattend sa klase gayong nandito naman siya sa school? Umabsent siya para lang mag drums rito? Natutop ko ang sariling bibig nang bigla siyang humagulgol ng iyak. Akma na akong lalapit nang maunahan ako ng isang babae. Automatiko ang humakbang pa atras. Niyakap siya nito at inaalo. Kahit nakatalikod ay alam na alam ko na ka edad ko lamang siya. Naka school uniform rin ito. Matangkad siya,maikli ang buhok na blonde at petite. Nang gilid ang mga luha ko hindi dahil may babae siya kasama. Naluluha ako dahil abot hanggang dito ang pighati niya. Ramdam na ramdam ko ang sakit sa bawat hagulgol niya. Hahakbang na sana ako parungo sa pinto nang mabunggo ko ang cabinet na siyang nagdulot ng ingay. Fuck. Dahan dahan akong lumingon at nagtama ang mga mata namin ni Zakiro. Dali-dali akong tumakbo palayo roon nang may mabangga ulit ako. Nag angat ako ng tingin. "O-oh I-Isha i-ikaw pala" pinipigilan ko ang pag nginig sa bawat salita ko. "Rita. Rita De Silva" seryoso niyang sabi. Napanganga ako bilang reaksyon. "Rita De Silva ang pangalan ng babaeng kayakapan ni Zakiro. Isa siyang modelo na nag aaral din dito. Candidate for Valedictorian sa section Bonifacio" "Ah hehe" tanging yan lamang ang aking nasabi. "Bestfriend siya ni Zakiro" patuloy niya. "Kung ako sayo tigilan mo na 'yang si Zakiro, wala ka namang mapapala doon. Marami pang iba d'yan" seryoso niyang sabi. Natulala lamang ako. Siguro nga dapat ko na siyang tigilan. Crush lang naman 'di ba? Hindi dapat ako ganito ka apektado. I thought I know myself, pero hindi na ako 'to. Siguro nga ay tama si Isha. "Halika na Stormy baka nando'n na si Sir" Habang naglalakad ay tulala pa rin ako. Hinayaannko lang tangayin ako ni Isha papunta sa classroom. Buong klase ay naging active ako. Tinutulungan ang sarili ko na ma-distract. Pilit kong inaalis sa isipan si Zakiro. Gusto ko man alamin ang problema niya ay hindi maaari. Ni hindi nga kami magkaibigan at bukod roon may problema rin akong dinadala. Parehas lamang kami. Nang mag uwian ay agad namang nag paalam si Isha. May date raw ang bruha. Sana all lods. Tinext ko na lang si Manong Rico na sunduin ako sa malapit na convenience store dahil bibili ako ng mga stocks kong pagkain. Habang naghihintay kay Manong Rico naupo muna ako sa table doon sa labas ng convenience store. "Why so tagal Manong?" inip kong sabi sa kawalan. Nag ikot-ikot ang paningin ko sa lugar para maging familiar na ako dito, napangiti ako nang mapagtanto na marami rin pa lang pagkakatulad sa Manila ang probinsyang ito,ang maraming sasakyan at ang mga restaurant na kabi-kabila. Ngunit napawi ang ngiti ko sa nakita... "M-Mama" mahiha kong sambit na tila nauubusan ng lakas. Agad bumuhos ang mga luha ko. Naroon siya sa isang restaurant sa tapat ng convenience store kasama ang isang lalaki. Kumikinang ang mga mata niya sa sobrang saya. Niyakap niyang iyong lalaki at nag umpisang kumain. Gusto ko silang harapin nang malaman ko na rin kung sino ang dahil ng pagtataksil niya kay Papa ngunit pinangunahan ako ng emosyon at takot. Takot na baka masaktan lang ako. Nabitawan ko ang mga pinamili ko at tumakbo palayo roon. Hindi ko alam kung saan ako patungo. Bahala na kung saan ako dadalhin nitong mga paa ko. Ni hindi ko na makita ang daan,kagagawan ng mga luhang tila nag uunahang bumagsak. Nang makaramdam ng pagod ay kusang tumigil ang mga paa ko. Yumuko ako at hawak ang mga tuhod. Akala ko ay malakas na ako. Akala ko ay kaya ko nang harapin 'pag dumating ang pagkakataong ito. Nagkamali ako dahil heto ako, tinatakasan ang tadhana sa takot na masaktan pa ng sobra. Sapat na nga ba ang nakita ko? Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Noon pa man ay mulat na ako sa katotohanang may lalaki si Mama. Ang hindi ko alam ay iba pala ang sakit 'pag ako mismo ang naka kita. This is my weakness. I can't help but just to cry along with myself. I didn't expect that I will feel this kind of pain. Napatingin ako sa panyo na nakalahad sa harapan ko. Nag-angat ako ng tingin at tila umurong ang mga luha ko nang makita kung sino ang nasa harapan ko. Z-zakiro?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD