(Chardice's POV) Hingal na hingal akong sumandal sa puno sabay hawak ng dibdib ko matapos kong tumakbo palayo sa Elites Room. Hindi ko maintindihan kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko, hindi ko alam kung dahil ba ito sa pagtakbo o dahil kay Ouji. Nakakainis naman ang lalaking ‘yon, nakakahiya siya. Ganon ba talaga siya? Hindi talaga siya nagbabago mula noong mga bata pa kami hanggang ngayon ay wala pa rin siyang paligoy-ligoy pagdating sa akin. "Okay ka lang?" agad akong napalingon dahil sa nagsalita at agad ko namang nakita Gray. Lumapit din agad siya sa akin at tumayo naman ako ng tuwid saka bumuntunghininga. "He's sincere. Alam mo naman iyon pagdating sa iyo, hindi talaga siya nagbabago lalo na kapag ikaw ang nasa usapan at kapag ang nararamdaman niya sayo ang involv

