(Chardice’s POV) Mayamaya ay napakunot na lang muli ang noo ko dahil mayamaya lang din naman ay bumalik ang mga kasama namin kanina dala-dala nila ang mga ginamit nila sa circle kanina. “Can you say yes now? Hinanap ka rin ng mga estudyante kanina, ayaw nila ng no na sagot,” mayamaya ay sabi ni Ouji na nakangiti sa akin kaya napatitig lang ako sa kanya saka sa mga kasama niya. “Okay lang sa amin, po-protektahan din namin ang relasyon niyong dalawa. Pangako namin iyon, alam naman namin na gusto niyo ang isat isa ang aarte niyo,” mayamaya ay sabi ni Axel na dahilan para matawa lang ako. "Mahal kita, mahal na mahal Chardice, sa akin ka lang tumingin," muling sabi ni Ouji kaya napalingon na naman ako sa kanya. "Ligawan mo ako, t*r*nt*do ka ba?" hiyaw ko sa kanya na agad niya nama

