(Chardice’s POV) "Tara na?" hiyaw nilang lahat maliban sa aming walong kabataan. Baligtad ah pft. Mas muka pa silang excited sa gala na ‘to kaysa sa amin eh, siguro dahil bihira lang umuwi ang mga ‘to sa kanila. "Okay ka lang ba talaga?" agad na tanong nung kambal na Mckein sa akin habang pinagigitnaan nila ako. "Yeah, I’m fine. Just a li’l bit lazy yah know?" tanging sagot ko sa kanila at hindi naman na sila nagtanong pa matapos noon. Van na lang din ang ginamit naming lahat papunta sa theme park na sandali lang din namang oras ang iginugol namin sa byahe dahil nakarating din naman kami kaagad. Pagdating na pagdating namin sa theme park at nagkanya-kanya na agad sila at ako ay agad na naupo sa sulok at pinanonood ko na lang sila na gawin ang mga gusto nila. Hindi ko alam pero

