(Chardice’s POV) Sumunod na lang ako kay Ouji sa paglalakad niya pabalik sa mansion at pagpasok na pagpasok pa lang namin sa pinto ay towel agad ang sumalubong sa amin. Lahat sila ay nakangiti at tila hinihintay na kami. Kung umasta sila ay parang walang nangyari kanina, parang hindi na nila naaalala na sinigawan at ipinahiya ako ng mokong na ‘to kanina. "Chardice? Ouji? You want some soup? Basang-basa kayo, take a bath then eat okay?" salubong sa amin ni Tita Sheena habang pinupunasan naman ako ni tita Xyrene at ni ate Dolly. "Okay lang po ako hindi po ako gutom. P-pwede po ba na matulog na lang ako?" agad kong sagot sa kanya. Natahimik na lang sila at nagkatinginan sa isat-isa bago nila ako muling tingnan. "Siya sige, pero bumaba ka na lang mamaya kapag nagutom ka ha?" Tuman

