(Keijin's POV) Nakakahalata na talaga kami na ilang araw ng hindi nagpapansinan sina Gray, Shin at Chardice. I mean tahimik sila pero iba to, hindi talaga sila nagpapansinan, alam ko at ng mga kasamahan namin iyon. Lagi ring magkasama sina Gray at Shin samantalang umiiwas naman sa kanila si Chardice. Sa totoo lang ay ilang araw na rin siyang tahimik, laging mag-isa at parang laging problemado, wala rin siyang kinakausap na kahit sino sa amin at busy lang siya lagi sa laptop niya at sa training. Kahit nga sino dito sa amin ay hindi niya pinapansin at kahit pa ako. "Baka naman sa sobrang busy mo ay malimutan mo na ako? Sayang naman ang kagwapuhan ko nyan,” agad kong sabi sa kanya habang papasok ako sa office niya saka ako dumiretso ng upo sa couch. Ang galing talaga ng office n

